Chapter 44: Coal
Dinala niya ako sa parking lot papunta sa sasakyan niya.
"Sa'n mo nanaman ba ako dadalhin?"
Napansin kong kumakapal na iyong mga ulap at dumidilim na rin iyong kalangitan.
"Malapit nang umulan, san mo ba ako dadalhin?" Ulit kong tanong.
"Let's go. " Maikli niyang sabi at pumasok sa kotse niya. Napabuntong hininga nalang ako, kailan pa ba ako masasanay, he really never tells me where we're going everytime he drags me into his car.
Wala na akong nagawa pa kundi sumakay na sa loob.
Umupo ako sa front seat na nakabusangot ang mukha pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan.
"Ano pa bang hinihintay mo?" I crosses my arms across my chest.
"Seatbelt." Maikli niyang sabi.
"Tinatamad ako, tara na."
"Put your damn seatbelt on."
Dahil nairita na rin ako sa kanya ay nanatiling matigas ang ulo ko. "Ayoko nga."
"Damn it." He cursed. Tinanggal niya iyong seatbelt niya at nilapitan ako. Sobrang lapit niya sa akin kaya naitinulak ko siya palayo. I felt out of breath at mabilis na kumakabog iyong dibdib ko.
"Fine! Magse-seatbelt na ako. Just keep your distance." Pagtataboy ko sa kanya at agad-agad na nilagay ang seatbelt ko.
Nung kuntento na siya ay minaneho niya na palabas sa campus ang sasakyan. Mayamaya pa ay huminto kami sa isang convinience store. Ito yung kinainan namin ng noodles noon.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Gutom ako."
"May cafeteria sa eskwelahan baka nakalimutan mo." Nakapameywang kong sabi.
P-in-ark niya ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Mauna ka na." Sabi niya.
Napaikot naman ako ng mata at pumasok na sa convinience store at ilang saglit ay sumunod na rin siya.
"Noodles." Mabilis niyang sabi habang pumipili kami ng makakain. Para siyang bata na sinama ng mama niyang mag-grocery.
Napabuntong-hinininga nalang ako at kukunin sana yung cup noodles nang may makita ako sa gilid ng mata ko.
Napangisi naman ako at kinuha ito. I took two, isa para sa akin at isa sa kanya. I saw this in a famous vlogger's challenge kaya gusto kong subukan saka gusto ko ring malaman kung ano ang reaksiyon ng lalaking ito na mangmang sa mundo ng instant foods.
Umupo na kami at naghintay na i-serve sa amin iyong pinamili namin since it's part of their service. Nadismaya nanaman ako ng muli akong magtanong kung may chopsticks sila pero wala talaga.
Mayamaya ay dumating na iyong 'samyang' namin. Yup, that red spicy noodles. Kaya ko ngang kumain ng dalawang extra hot and spicy na pansit canton na walang tubig tubig, ito pa kaya, how hard can it be.
"Here."
Nagulat ako ng may inabot siya sa akin. Chopsticks! Hindi ko alam saan ito galing pero wala na akong pake but it's really cool how he got some.
"Nice!" Nginitian ko siya ng matamis. "Itadakumasu!" I held my chopsticks and ate a mouthful the same time he did.
Sa oras naisubo ko iyong noodles ay nanlaki ang mata ko. Nagkatingin kami at pareho iyong reaksyon.
"Fuck!" Sabay naming bulalas.
Ang anghaaaaaaaaaang!
Pero kahit ni isa sa amin ay walang nagtangkang idura ang isinubo kahit nanunubig na iyong mata ko.
He narrowed his eyes at nagpatuloy sa pagkain.
I think this jerk just challenged me to an eating contest. Big mistake.
Di ko inalintana ang anghang at binilisan ang pagkain. Timba-timba na ang pawis ko nung matapos ko ito.
"I wi---"
Napanganga ako ng makitang tapos na siya. He was staring smugly at me.
Hindi pwede ito, ang isang Queen Helena Cruz ay hindi isang talunan.
"Rematch. I want rematch!" I demanded kahit nagsisimula nang mamaga ang labi ko.
"Losers payers." Nakangisi niyang sabi.
Maghintay ka lang, I'll wipe off that smug grin later. Bumili kami ng isa pa.
"Ready...get set...go!" Idinamay na namin iyong babaeng cashier ng convinience store para maging referee.
Mataman ko siyang tinitigan habang lumalamon habang ganon din siya.
My mouth and tongue was now numb pero patuloy parin akong sumubo. Nung isang subo na lang ay mas binilisan ko ang paglamon at ibinagsak ang cup sa mesa.
"Yeeethhhhhh!" sigaw ko sabay taas ko sa kamay ko.
Napabagsak naman siya sa cup niya dahil sa inis.
Uminom muna kami ng tubig at hinihingal pa.
"I wanth a...remathhhh!" sabi niya na halos nakalabas na ang dila at namamaga na iyong nguso. Gusto ko sanang tumawa pero nasa pareho kami ng kalagayan. I can barely move my lips.
Tutugon na sana ako ng biglang may tumunog. Nagkatinginan kami.
"Fuck!" Sabay naman naming sabi sabay hawak sa tiyan.
Damn it, mukhang may lalabas!
Dumiretso naman kami sa CR nung comfort room. Buti nalang at may nakalaan para sa babae at lalaki kung hindi ay magkakaroon ng gyera dito.
Nakalabas ako sa CR ay himas-himas ko ang pwet ko. I never doing this again, I swear.
Napahinto naman ako nang paglabas ko ay nakasandal na pala si Cole sa gilid ng pinto. He was smirking na parang sinasabing nanalo siya dahil siya ang unang nakalabas sa CR.
Napaikot naman ako ng mata.
"Immature asshole." I murmured, although I would've really done the same kung di niya lang ako inunahan. Tch.
Nasa harap kami ng counter at binayaran ang mga kinain namin. Hati kami sa bayad dahil siya iyong nanalo sa una tapos at ako sa huli.
"You're really a cute couple." Biglang kumento nung kahera habang nagbabayad kami.
Sabay naman kaming napalingon sa kanya na nakangiti at parang kinikilig pa. She's in her early twenties.
"Excuse me?" Kunot-noo kong sabi.
"Para kayong k-drama na napapanood ko, yung parang hot guy na dine-date iyong nerd. Yung kahit hindi sang-ayon ang lahat sa pagmamahalan niyo ay wala kayong pakialam basta magkasama lang kayo. Hihi. Ang romantic lang, so sinong unang na-fall?" Tanong niya habang pabalik- balik ang tingin sa aming dalawa.
"Look lady, we aren't like that." Mabilis kong tanggi.
Napatango-tango naman ang babae. Buti naman at nakuha na ni-- "I see, so patago lang pala kayo. Don't worry, I'll keep it a secret " sabi niya at kinindatan pa kami.
I mentally slapped my forehead. Mukhang nasobrahan yata sa kakanood ng k-drama ang babaeng ito.
"Let's go." Hinawakan naman ni Cole ang kamay ko at hinila ako palabas ng store.
"Kapit lang! May forever!" Sigaw pa nung kahera nung palabas na kami.
I'm never coming here again.
Sumakay nanaman kami sa sasakyan niya at napansin kong hindi ito ang daan pabalik sa IU.
"Saan na naman ba tayo?"
Nilingon niya ako.
"Do you really want to go to school that bad?"
Di ako sumagot. Wala rin akong ganang bumalik pa.
He smirked. "Thought so."
Tumingin nalang ako sa labas.
"Stop here!" Sigaw ko kaya bigla niyang inapakan ang break. Buti nalang at walang sumusunod na sasakyan.
"What are we supposed to do here?" Reklamo niya.
Mabilis akong lumabas sa kotse at pumunta sa tabi ng daan.
May nakatumbang kahon doon at may isang isang kuting ang nasa loob.
"Meow! Meow! Come here." Tawag ko.
I squatted and urged it to come.
"Pft." Napalingon naman ako sa kay Cole na nakasandal sa kotse niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero muli ring ibinaling ang atensyon sa kuting.
"Me-ow~" Sa umpisa ay ayaw pa nitong lumabas sa kahon nito pero dahil paulit-ulit ko itong tinawag ay lumabas din ito.
Mabilis ko namang pinasan ang maliit na kuting sa dibdib ko at hinimas-himas ang ulo gamit ng dalawa kong daliri.
I've always wanted a cat pero dahil sa kalagayan ni Nana na malala ang asthma , I didn't got a chance. Kumusta na kay si Nana doon. I wonder how Grace, Stanley and Derrick are doing?
Napatingin nalang ako sa kuting nang dinilaan niya iyung kamay ko.
"I think it's hungry. Tara bilhan natin ng gatas." Sabi ko at pumasok na sa kotse.
"You're bringing that with you?"
"Yes, now let's go. Nagugutom na siya." Sabi ko.
Napabuntong-hininga siya at pinaandar na ang sasakyan.
We stopped at a local convinience store at pinabili ko si Cole ng gatas na nasa karton.
He didn't want to at first but I beat him at a staring contest. Padabog niyang sinara ang pinto kotse niya at pumasok sa loob ng convinience store.
Habang naghihintay siya ay sinilip ko yung kasarian niya.
It's a boy.
Saglit lang ay bumalik na rin si Cole. Inabot niya saakin iyong gatas pati narin ang isang mababaw na plastic cup. Inilapag ko naman sa kandungan ko ang kuting at pinainom.
Di nagtagal ay pinaandar na ni Cole ang sasakyan pero di ko inalintana dahil abala ako sa pagpapainom sa kuting.
It's so cute with his tongue out di ko maiwasang pisilin ang tenga niya.
"Meow!" Sigaw nito ng maistorbo ko ito.
Tch. May pagkamasungit rin itong kuting na to eh. Napatingin naman ako sa gawi ni Cole na nakatingin sa daan. Ako iyong nakapulot pero mukhang sa kanya nagmana. Pambihira.
"They say black cats are badluck. Aren't you afraid of that?" Bigla niyang sabi.
"That's just racist bullshit." Itinutok ko sa mukha niya ang kuting. "Does this cuteness look badluck to you?"
"Meow!" Muli na naman nitong sigaw at muntik pa akong kalmutin dahil kinuha ko siya mula sa iniinom niya. Ang suplado talaga. Ibinalik ko naman siya sa kandungan ko at nagpatuloy naman ito sa pag-inom.
"I'm not saying naniniwala ako but most people do."
"I don't get why people judge so easily based on appearance. I hate how people easily jump to conclusions bago pa man nila makilala ang isang tao...o pusa." Sabi ko habang pinaglalaruan ang buntot niya.
Tumahimik bigla iyong loob ng sasakyan. Ibinaling ko nalang ang pansin sa kuting. Ilang saglit pa ay napansin kong huminto kami sa harap ng isang kalye na may tinitindang kung anu-anong mga abubot.
Lumabas si Cole at pumunta doon. Pinagmasdan ko siya habang kausap yung tindera pero ilang saglit pa ay parang nagtatalo na sila doon kaya lumabas na ako at iniwan ang kuting sa loob.
"Hindi talaga ser, package iyan. Hindi pwedeng isa lang ang bilhin." Rinig kong sabi nung nagtitinda sa kanya.
"Ano yan?" Kunot-noo kong tanong.
"Ay ma'am nobyo mo ba ito? Di mapilit eh, gusto yatang ibigay sa iyo iyong necklace eh kaso package nga hindi pwedeng isa lang ang bilhin." Baling nito sa akin.
"I just need the collar." Naiinis na sabi ni Cole.
Napatingin ako sa nakadisplay, may dalawang necklace at isang collar. Iba rin tong mga pakulo ng mga gumagawa nito eh.
Napakamot naman ako ng ulo, kasimpleng bagay pinalalaki.
Dinukot ko iyong wallet niya at naglabas ng limangdaan.
"Keep the change and he's not my boyfriend." Pangalawang beses ko nang sinabi ito. Why do people keep misunderstanding things?
Kinuha ko na iyong tatlong alahas at hinila na si Cole bago pa man siya maka-react.
"Salamat Ma'am! Ser!" Sigaw nung nagtitinda pero di ko na pinansin at pumasok na sa kotse.
Sumunod naman siyang pumasok sa kotse na nakatingin sa akin ng masama.
Hinagis ko sa kanya ang wallet niya.
"Ang yaman-yaman mo pero ang kuripot. "
" I just want the collar." Masungit niyang sabi.
"Tss, simpleng bagay pinoproblema." Itinaas ko iyong dalawang necklace at mariing pinagmasdan. The design is pretty good kahit cheap lang. May nakapaligid na mga maliliit na mga brilliante dito kaya maganda siyang tingnan.
Ang parehong kwintas ay may pendant na korona. Parang panglalaki iyong isa, tapos yung isa parang korona nung reyna ng Inglatera, si Queen Elizabeth, kung iisipin ay halos kapareho lang sila ng pangalan ng kambal ko. Anyways, the collar also has a pendant. Ibang disenyo din ito ng korona, its also cute.
"This is mine." Pakita ko sakanya ng kwintas na sinasabi kong parang sa reyna ng England, sa kanya naman iyong natira. "at sa iyo ito. Problem solved." sabi ko at ibinigay sa kanya iyong kwintas.
"Tch." Tugon niya at ibinulsa iyon.
Isinuot ko naman ang collar sa kuting at pati narin iyong akin.
"What are you going to name that thing?"bigla niyang tanong.
Natigilan naman ako. "Oo nga ano?"
Tinitigan kong mabuti ang kuting. It has midnight black fur and yellow green eyes.
"Coal." Bigla kong sambit.
"Ano?"
"Coal." Ulit ko.
"What?"
"I said, his name is Coal."
"What?!" Untag niya.
"Bingi ka ba?!" Inis kong sabi.
"You're naming a cat after me? Mukha ba akong pusa?"
"It spells different. C.O.A.L, sa tagalog uling parang balahibo niyang maitim." Paliwanag ko at hinihimas iyong balahibo niya.
"You like it don't you huh, Coal?" Iniangat ko si Coal at pinanggigilan.
"Meow~" tugon niya. Mahina naman akong napahagikgik. It's so adorable.
"Ang cute talaga ng baby Coal ko. I can't wait to bring you home and sleep with you. Right my Coal?" Nangigigil na sabi ko habang ikinukuskos ang mukha niya sa pisngi ko.
Narinig ko namang parang nabilaukan si Cole. He was coughing uncontrollably. I was gonna ask if he was okay nang may biglang pumasok sa isip ko kaya natigilan ako.
Si King! Hindi yung asal aso pero iyong mismong aso talaga. The one I have at home. He hates cats and birds, malamang dahil aso siya but he frequently bring dead birds inside the house at baka pagnakita niya si Coal, it might not end well.
Tinitigan ko si Coal ng maigi. His big greenish eyes are staring back at me as if waiting for me to give him a home. Damn it, why can't I keep you with me?
Ibinaling ko ang tingin ko kay Cole. Sa tingin ko ay maayos na siya, it's just that his ears are red pero di ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
"What?" Sabi niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya.
"I have a favor to ask."
"No." Mabilis niyang sabi.
"Di mo pa nga naririnig."
"I got a feeling it's not going to be good."
"Sige na." Pilit ko.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"I can't actually keep Coal with me dahil may aso kami and he might get attacked by him so can you please keep him instead? Pleeeaaase."
Ilang segundo ang lumipas pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla niyang ihininto ang sasakyan at hinarap ako.
"Fine, but you babysit it sometimes. It's yours in the first place." Mabilis akong tumango.
"Dea--"
He cut me off. "And I get to ask you anything, iyon ang kondisyon ko."
"Fine!" Mabilis kong sabi at baka bawiin niya pa, bahala na kung ano pa man ang huli niyang sinabi, basta nasa maayos na kalagayan si Coal. Alam ko namang gusto rin niya ang pusa. He even bought him a collar so I know Coal's in good hands. Besides their both dudes, I think they'll get along pretty well.
Natulog na si Coal sa kandungan ko kaya inilagay ko siya sa backseat para di ito maistorbo.
Mayamaya pa ay bumagsak na ang ulan. Sabi ko na eh at uulan talaga.
Nagpatuloy nanaman siya sa pagmamaneho.
"Sa'n nanaman tayo?" Tanong ko sabay nag-inat, ang tagal kong hindi kumikilos dahil baka maistorbo si Coal.
"I'm taking you home." Mabilis niyang sabi
"Okay---ano?!" Napabaling ako sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Ikaw? Ihahatid ako?" I clarified. Di kasi ako makapaniwala.
He glanced at me at tinuon ang tingin sa harap.
"I atleast know how to be a gentleman, it's raining do you expect me to just leave somewhere?"
"Uhm...yes?"nagdadalawang isip kong sabi, totoo naman eh.
"That hurts."
"May feelings ka pala."
"Do you want me to keep the cat or not?"
"Of course, oo na mabait ka na. " Mabilis kong bawi, mahirap na.
Tinitigan ko siya muli. I never know he had this side of him.
Mayamaya pa ay huminto na kami.
"We're here."
Nanlaki ang mata ko.
"Paano mo nalaman ang bahay namin?" Nasa harap na kami sa gate ng bahay namin.
Tinitigan niya ako ba para bang may ipinapahiwatig.
"Wag mong sobrahan ang pagpanggap, it's getting annoying." Irita niyang sabi habang nag-iwas ng tingin.
"Anong...ibig mong sabihin?" Bigla akong kinabahan. Damn it, kumalma ka, hindi mo pa alam kung ano ang tinutukoy niya.
"Look, I don't want to be in this situation as much as you do but you don't have to go that far as to pretend forgetting it?"
"Forget what?"
"I thought we already agreed on this. Lumabas ka na bago pa mas lumakas ang ulan." Mas lalo akong naguluhan pero wala akong ibang magawa.
"Fine."
Bubuksan ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ako.
"Ano?"
May kinuha siyang hoodie sa backseat.
"Oh." Inabot niya ito sa akin. "Naa---"
"Yeah I know, naawa ka nanaman sa labandera niyo kaya sa akin mo nanaman ipapalaba. Ang bait mo talaga. Tss." Sarkastiko kong sabi at sinuot iyong hoodie.
"Salamat and take care of Coal, I'll kill you if something bad happens to him." Pagbabanta ko.
Di niya pinansin ang saad ko. "See you tomorrow, stupid nerd."
"Asshole." Tugon ko at isinara na iyong pinto ng sasakyan niya.
Papalayo na ang kaniyang sasakyan ngunit tinitigan ko parin ito sa kabila ng ulan na unti-unting bumabasa sa akin. Naguguluhan ako, why do I feel like I'm missing out on something big? And was that a date?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top