Chapter 42: Zia Justisya

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway habang andaming laman ang isip ko.

Dumagdag pa iyong kanina, what's with that asshole, one second he says I'm cute the next he calls me ugly. Nakakasakit ng pride leche.

Bigla kong naalala iyong reaksyon niya matapos malamang nakipag-indirect kiss siya doon sa lalaki para siyang natatae na ewan. Di ko mapigilang mapatawa. Damn that was hilarious. Ang cute niya din doon, parang palaka. Bumungisngis ako. Nakaganti rin sa wakas.

"Baliw ka na yata Eli." Halos mapa-igtad ako nang may biglang umakbay sa akin.

"Hyron?" Napatingin ako sa kanya. Katabi naman niyang si Zia na tinitignan ang braso ni Hyron sa balikat ko.

"The one and only." Sagot niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Untag ko.

"Hallway ito Eli malamang nandito na kami saka break na namin. At ako ang dapat magtanong sayo niyan, nadaanan namin ang silid niyo kanina at hindi pa sila tapos magklase. Mukhang trip mo na ngayong mag-cutting ah, grabe ka talaga."

Napaikot naman ako ng tingin at naglakad papalayo sa kanila.

"Oy oy oy, wag kang masungit, ano kabuwanan mo naman ba?" Sabi niya habang sinusundan ako. Kailan ba tatahimik ang lalaking ito? Everytime he opens his mouth, tumataas ang blood pressure ko.

Tinulak ko iyong mukha niya palayo.

"Ialis mo nga iyang pagmumukha mo sa paningin ko at umiinit iyong ulo ko."

Mukhang baliktad yata ang utak ng lalaking ito at muling inilapit ang mukha sa akin. "Sa gwapo kong to?! Ang ka---hoy Eli saan ka pupunta ha?"

Nilingon ko siya.

"Sa CR, sama ka?" pagtataray ko sa kanya.

Napahinto siya at napakamot ng ulo. Good, may utak din pala.

Pumasok na ako ng CR.

Napabuga ako ng hangin. Finally, some peace and quiet.

Just when I though I had the peace and quiet and so desperately want, bumungad sa akin ang tatlong babaeng nagre-retouch sa harap ng salamin. Sila iyong tatlong babaeng nanggulo sa akin sa cafeteria kanina. What a coincidence.

This smells like trouble.

As if on cue ay sabay silang napalingon sa akin.

Unti-unting sumilay iyong ngisi nila sa labi na para bang may pinaplano silang hindi maganda.

"Oh...lucky you!" sambit nung isa.

Nagtawanan sila. "How nice of you to make it easy for us, ikaw na mismo ang lumapit."

Agad silang lumapit at hinarangan pa nung isa ang pinto. Ang dalawa ay pinagitnaan ako.

"How do you want to be beaten up huh?" The one on my right said.

"How about slap her until her cheeks turn red." Kumento nung nasa kaliwa ko.

"Let's strip her naked." Sabi nung nasa pinto.

"Let's put her head in the bowl." Kumento nanaman ng babae sa kanan ko.

Nagkatinginan sila. "Eeeeeewww! Let's do it!" Sabay nilang sabi at naghagikgikan pa.

"Come here nerd." Hinila nila ako sa direksyon papunta sa isang cubicle pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Ano papalag ka ha? Dapat lang ito sa iyo, you attention seeker "

"You don't have anyone to save you now."

"Yeah, you can cry all you want though baka maawa pa kami sa pangit mong mukha." Nagtawanan na naman sila.

Muli nilang hinila ang ang kamay ko pero binawi ko ito.

"Oh look, she's trying to be brave. How cute."

"Let me go." Kalmado kong sabi.

"Nagsasalita ka pa ha? Halika nga rito at wag kang maarte." Sabi nung babaeng nasa kanan ko.

Bigla niyang hinila ang buhok ko kaya mabilis kong pinigilan.

Tinignan ko sila ng masama.

One word. Screwed. These girls are screwed. Kahit wig pa to, it's my hair, no one touches my hair even if their life depends on it.

Automatic na tumaas iyong tuhod ko at tinuhod iyong sikmura nung humawak ng buhok ko dahilan para mapabitaw siya.

"Why you!!" Sinugod naman ako nung dalawa. "You're really in trouble now!"
.
.
.
In a few minutes nakahiga na sila sa sahig at dumadaing sa sakit.

"Ouch my nails, *sobs. I hate you."

"It hurts. *sobs Mommy!"

"I'll kill you. Ugh *sobs."

Tinapunan ko sila ng tingin bago sila tinalikuran. Buti nga sa kanila. Akala siguro nila madali lang akong tapak-tapakan. They chose the wrong person.

Inayos ko yung gusot sa uniporme ko at lalabas sana ng masagi ng paa ko yung kabila kong paa.

"Aahh." nadapa ako. Damn it, sana walang nakikita. That completely ruined my vibe.

Bago pa man ako makabangon, biglang bumukas iyong pinto.

"Eli!!!" Iniluwa ng pintuan si Hyron. "A-anong nangyari?! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Ang tagal mo kasi akala ko tumatae ka lang tapos may narinig akong mga kalabog. Buti nalang pumasok ako." Nilapitan ako ni Hyron.

"Hey Zia, mauna ka na sasamahan ko muna si Eli sa clinic." Lingon niya dito na kasama niya parin pala.

"Pero Hyron..." Magrereklamo sana si Zia pero walang narinig si Hyron dito.

"Eli, tara na."

"I'm fine." I said at sinubukang tumayo pero pinilit ako ni Hyron manatili sa posisyon ko

"Anong 'I'm fine' tatlong babae kalaban mo Eli, okay lang namang aminin mong nasaktan ka. Wag mong pilitin ang sarili mo, okay?"

Bigla akong pinasan ni Hyron.

"Hey, I said I'm fine, kaya kong maglakad." Pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niyang magpaawat.

This stupid guy, he just neglected the fact that three girls are also on the floor in a much worse condition than me.

"Alam kong tinatapangan mo lang ang sarili mo para magmukha kang cool wag kang mag-alala cool ka parin sa paningin ko kaya wag ka ng maarte. Tae ba't ang bigat mo? Ang lakas mo kasi kumain."

"Sinasabi mo bang mataba ako ha? At anong pacool ako, gusto mo yatang mamatay." Sabi ko habang sinasabunutan siya. Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Aray, aray Eli. Wag kang malikot, ang bigat mo na nga malikot ka pa---aray! Oo na di ka na mabigat. Tumigil ka na pakiusap malalaglag kita."

"Bitiwan mo ako."

"Just let me carry you okay?" Seryoso niyang sabi.

"Hmph." Sinabayan ko nalang, tinatamad na rin kasi akong maglakad.

"Hy..ron" rinig ko mula sa likod namin pero mukhang hindi narinig ng manhid na lalaki.

.....

[Third Person's Point of View]

Walang imik na nakatulala si Zia habang nakatingin sa direksyon nina Hyron at Helena na kanina pa wala na roon.

Paulit ulit niyang binabanggit ang pangalang Queen Eliza Cruz sa kanyang utak habang unti-unting humihigpit ang hawak sa kanyang mineral water.

"Excuse me ija?"

Agad siyang natauhan ng may kumalabit sa kanya. Isa itong magandang babae na nasa edad kwarenta. Nakasuot ito nang mga branded na damit at mamahaling bag at pabango. Class was written all over her aura.

She immediately composed herself. "A..ano po iyon?" Tanong niya habang nakangiti pa na para bang wala siyang pinapatay sa tingin kanina lamang.

"I seem to be lost. Can you help me?" Sabi nito na patingin tingin sa paligid.

"S..sige po. Ano po ang sadya niyo dito maam?"

"Oh, I was on my way to the dean's office. Do you know where it is ija?"

Bahagya itong nagdalawang isip bago tumango.

"Sa kabilang building po, sa kaliwang banda---"

"Oh no no, you know, I'm not good with directions, why not samahan mo nalang ako, is it okay?"

Tumango naman si Zia. "Ahm sige po."

Bumingisngis naman ang ginang.

"Perfect! Let's go."

Kasalukuyan silang naglakad dalawa nang magsalita ang ginang.

"You know ija, you remind me of that kid. Hihi."

"S-sino naman po?"

"She's my son's friend, I heard so much about her from my kids you know, that's why I'm here to do her a favor," sabi ng ginang at ngumisi. "From the moment I met that kid, I knew I liked her. It's a shame saglit ko lang siyang nameet." Dugtong nito.

"Talaga po?"

"Uhuh. Perhaps you knew her, since sa iisang school lang naman kayo."

"Anong hong pangalan niya?" Tanong ni Zia.

Napa-isip ang ginang.

"Hmmm. Nakalimutan ko ano ang pangalan ng batang iyon, hindi ko kasi masyadong narinig nung nagpakilala siya, umalis kaagad eh. I'm sure you know her right, you're very similar, she had glasses too, maybe she hangs out with my son and his friends a lot. My son's name is William Hyde. Barkada niya sina Yohann, Cole, Maxim tsaka Ichabod. By any chance do you know her name ija?"

Saglit na natigilan si Zia at palihim na napakuyom ng kamao. Walang ibang nerd na aaligid-aligid sa grupo nilang Cole kundi ang babaeng iyon. It's that slut Eliza Cruz again.

"Is there something wrong ija?"

"W-wala po." sabi ni Zia at nagpilit ng isang ngiti.

She gritted her teeth.

It's that bitch again. Bakit siya nalang palagi ang bida? Sa mata ng lahat ang perpekto niya, she's just an ugly nerd from a rich family pero bakit lahat nalang ng atensiyon nasa kanya pati kay Hyron. What is so special about her!?

Tinignan niya ang ginang at nagpilit naman ng isang ngiti.

"Tungkol po dun sa sinasabi niyo. Kilala ko po siya." Mabilis na sabi nito.

"Talaga? Can you please tell me her name ija?"

Napalunok si Zia at pilit nagsalita.

"Z-zia po."

"Pardon?"

"Zia, ang pangalan niya ay Zia Justisya." she said with more confidence.

"Hmmm tama, I think may parang ganun yun." Napatango naman ang ginang. "Are you sure ija?"

"Opo, madalas po silang kasama nina Cole atsaka classmate po sila, close nga po sila ni Yohann eh. Zia po talaga pangalan niya." Dahil nasimulan na niya ay di na siya nahirapang dugtungan pa ang kasinungalingan niya.

"Uhmm, nandiyan na po ang dean's office, aalis na po ako, I still have class."

"Oh okay! Bye ija. Oh! By the way what's your name again?"

Hindi sumagot si Zia at nagkunwaring walang narinig.

Umalis itong nakangisi.

'Queen Eliza Cruz, hindi ko hahayaang sa iyo nalang lahat mapunta ang lahat ng atensyon. Sisiguraduhin kong kukunin lahat nang meron ka kaya humanda ka.' isip nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top