Chapter 40: Collateral damage
📌Thanks for waiting loves.
••• ••• ••• ♣ ••• ••• •••
"Hey Eli, Nakita mo ba si George kanina. I just waxed her, nakakabulag talaga ang kanyang kagandahan. "
"Even George's tires are flawless."
"Hindi siya pwede magutom kaya palagi ko siyang finu-full tank."
" Nilagyan ko ng sticker si George, she looks bad ass."
"Tingnan mo yung key chain sa susi ni George ang cool. Hehe binili ko kahapon."
Unti-unting kumunot ang noo ko. Hinablot ko iyong susi na ipinagmamalaki niya sa harap ko at itinapon sa kung saan.
"Heeeeyy!" Agad din naman niya itong kinuha sa kung saan ko
tinapon.
Nakakairita na, kulang nalang magpakasal sila ng motor niya. Bukambibig palagi, George this,George that, konti nalang talaga at ipapasagasa ko iyong magaling niyang motor.
"Alam kong nagseselos ka Eli but wag mong idamay si George."
"Go back to your room Hyron." matigas kong sabi.
"Hmph. Yes mom." Sarcastic naman niyang sabi at pumasok na sa silid nila kasama si Zia.
Tapos na kami mananghalian at kasalukuyang naglalakad papunta sa mga silid namin.
Nagpakawala naman ako ng hininga. Sa wakas ay tumahimik rin.
Mag-isa nalang ako habang papasok sa silid ko. Naabutan ko doon si Cole na nakaupo sa upuan katabi ng saakin.
Nagkatitigan kami.
"8:00 pm doon sa bodegang pinuntahan natin kagabi. I already sent the video to the police. I'm sure they'll be there."Sabi ko pagkaupo ko ng hindi siya tinitignan.
"Park. 7:30 or I'll leave without you." Simpleng tugon niya.
"Cool." Sabi ko at umub-ob sa mesa at umidlip.
Puyat ako kaya kailangan ko ng tulog.
Naramdaman ko namang tumayo siya at lumipat na ng mesa. Mukhang yun yung pakay niya. I was suppose to tell him later, mabuti nalang siya na ang lumapit para di na ako mag-abala.
I was finally enjoying my peace and quiet nang ilang sandali pa ay may umupo na naman.
"Hey Miss Byutipul, kumusta." Rinig kong bulong nito sa tenga ko.
"Shut up Carpio." Sabi ko habang nakapikit ang mata.
"Balita ko ay napapadalas ang pagsasama niyo ni Cole ah. Kayo na ba? Alam niya na ba? Saan ba kayo nagpupunta? Anong base na kayo? Sinong nanligaw?"
Something snapped inside me.
Mabilis ko siyang hinila palalapit sa akin gamit ang necktie niya.
Tinuro ko naman ang eyebags ko.
"Nakita mo to? Gusto mo igaya ko sa mata mo at lalagyan ko rin ng pasa?" inis kong sabi at pinanlakihan pa siya ng mata.
"Hehe, joke lang. Ano ba kasing nililihim niyo ha? Come on sabihin mo na, di ko ipagsasabi promise." sabi niya habang tinataas pa ang kanang kamay.
Binitiwan ko siya at padabog na tumayo at lumabas ng room.
That jerk, mukhang di na ako kinatatakutan ah. Kikidnapin ko talaga si Don at di ko na isasauli sa kanya.
I was furiously walking on the hallway di ko namalayang may nakabangga ako.
Natapon yung inumin niya sa damit ko.
"I...--"
Blumangko ang mukha ko pagtingin sa kanya.
"Eliza."
"Zia." mapait kong sabi.
Nagkatitigan kami.
Hindi ko alam kung sinadya niya iyon but I knew damn well she was not sorry.
Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin.
She was about to open her mouth pero pinigilan ko na.
"Save it, I don't accept half-assed apologies. Sa susunod mag-ingat ka." Sabi ko at nilampasan siya.
I felt her glaring at my back pero di ko nalang pinansin. Apparently, Hyron treats her as a friend, at naiintindihan ko namang nagkakaganyan siya dahil sa selos niya sa akin kaya palalampasin ko nalang, pero wala nang susunod.
"Hindi ko talaga alam anong nagustuhan ni Hyron sa iyo." Matapang niyang sabi.
Napatigil ako sa paglalakad at nagdadalawang isip kung sasagot ba o hindi.
"It should have been me. Bakit ikaw?!" I could feel frustration, hatred and envy laced in her voice. Well, sanay na akong maraming naiingit sa akin, I'm that awesome (* flips hair)
Hinarap ko siya.
"You know, insecurity won't get you far. Naiintindihan kong naiinis ka sa akin kasi gusto ako ni Hyron. Frankly, I don't care. Step up your game nerd." I bluntly said, nasa sakanya na yun kung naintindihan niya.
I mentally slapped myself, I said 'nerd' pero pareho lang naman kami. Talk about the pot calling the kettle black.
"I...I hate you." Mahina niyang sabi pero rinig ko parin.
"Surely you're not that dumb to think that you can't make Hyron like you by hating me. Not my problem anyway." Huling sabi ko bago siya tinalikuran at umalis palayo.
Tss, ang basa na tuloy ng damit ko.
Inilabas ko naman ang panyo ko at pinunas sa basang parte ng damit. Buti nalang tubig lang kaya hindi namantsahan.
........
"Gusto mo?" Alok ko ng popcorn kay Cole habang nasa loob ng kotse. This is it, binilhan ko talaga ng popcorn para mapanood to.
Sumama kami sa pulis papunta sa bodega since ako yung nagtip ay pumayag naman sila although hanggang sa labas lang kami sa gate.
I'm anticipating on seeing Divina with cuffed hands behind her back .
"This is boring, matutulog muna ako." Sabi niya at inadjust iyong driver's seat pahiga.
"Tch. You're no fun." sabi ko sabay subo ng popcorn.
"Ang ingay mo kumain, what are you, a pig? I'm trying to sleep---
"Shshshsh--- something's happening." Mabilis kong tinabunan ang bibig niya ng may narinig akong mga putok ng baril mula sa loob.
"Ano kayang nangyayari sa loob?" I murmured.
Pabagsak niyang tinanggal iyong kamay ko sa bibig niya.
"They're conducting a raid, things like these are normal." Paliwanag naman niya. Napatango nalang ako nang may mapansin akong pigura sa taas ng pader.
Si Divina! Mukhang sinusubukan niyang tumakas mula sa pader.
"Shit. Tumatakas siya!" Sabi ko sabay turo sa direksyon na tinakasan ni Divina.
Saktong kasalukuyang umiihi sa likod ng puno iyong pulis na naiwan kaya mabilis na pumasok si Divina sa bakanteng police car at pinasibad ito palayo.
Nagulat naman iyong pulis at hinabol iyong papatakas na sasakyan.
Binuksan ko iyong bintana ng sasakyan. "Get in!" Sigaw ko sa pulis na inagawan ng sasakyan. Walang pagdadalawang-isip ay sumakay naman iyong pulis.
"Damn, first day on the job and this happens." sabi niya pagkapasok sa kotse. Pinasadahan ko naman siya ng tingin. He was actually quite young at mukhang kakapasok lang sa trabaho
"Anong tingin mo sa sasakyan ko, taxi?" Reklamo ni Cole.
"Tumatakas na siya at yan pa ang iniisip mo? Sundan mo siya! Bilis!"
"Yeah, help me out dude or I'm gonna lose my job the first day I had it. PO1 Archimedes by the way. " Singit naman nung pulis.
Agad namang sumunod si Cole although I could hear him grumbling.
"I'll call back-up." Sabi ni PO1 Archimedes at mabilis na inilabas iyong radyo niya.
Tutok parin kami sa sinusundang sasakyan.
Saan ba siya pupunta?
Biglang napaapak sa break si Cole ng may dumaang 22-wheeler na truck. Muntik na akong mauntog sa windshield kung di lang ako nagseatbelt.
"Shit!"
"Pucha naman oh, dalian mo!" sigaw ko sa truck habang walang humpay na pinipindot yung busina ng sasakyan.
"Damn it, wag mong sirain ang busina ko."sabi naman ni Cole tsaka itinulak iyong kamay ko palayo.
Nang tuluyan nang nakadaan iyong truck ay nawala na si Divina. We were faced with two roads, yung isa pakanan, yung isa pakaliwa.
"Nawala na siya!" bulalas nung pulis sa backseat.
Pambihira.
'Where would she go?'
Paulit ulit kong tanong sa isip ko. Napalibot ako sa lugar.
The vicinity was familiar. Malapit lang dito ang bahay nila.
That crazy bitch must be brainless. Alam niyang una siyang hahanapin sa bahay nila. But either way wala na siyang ibang mapupuntahan pa.
Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan.
Si Yohann at Don!
Nagkatinginan kami ni Cole, mukhang alam din niya ang iniisip ko.
"Biliiiss!"
Mabilis naman niyang minaneho ang sasakyan.
Pagdating namin ay nagkakaguluhan na sa loob ng bahay.
"Limang minuto pa bago makakarating ang back-up." sabi ni PO1 Archimedes na kasama namin.
Nahagip ng aking paningin si Terrence, hawak hawak niya ang kapatid niyang umiiyak. Nasa mata nito ang takot at pagkakabahala habang nakatingin sa bahay.
Maraming tao ang nasa paligid pero walang nagbalak pumasok sa loob.
"Anong nangyari? Nasaan si Yohann?" Tanong ko. Gabi na kaya malamang nasa bahay na sina Don at Yohann.
Nabalot ng pagkabalisa iyong mukha ni Terrence.
"Biglang nagkagulo sa bahay nung pumasok yung ina nila. Nasa loob parin sina Yohann at Don."
Dahil gabi na ay di maaninag ang loob dahil patay iyong ilaw sa loob. Lumalakas iyong kabog ng dibdib ko kada may maririnig kaming kalabog sa loob.
Dahan-dahang pumasok iyong pulis sa loob pero agad ring napaatras ng lumabas si Divina hawak hawak si Don sa leeg.
"Wag kayong lalapit!" Sabi nito sabay higit kay Don palapit pa sa kanya.
"Miss, kumalma ka at bitawan mo iyong bata." Mahinahong kausap nung pulis sa kanya habang nakataas ang kamay.
"Sabing lumayo ka eh!" Sigaw nito ng lumapit ng isang hakbang si PO1 Archimedes. Agad naman din itong umatras.
"Makinig ka Miss, walang patutunguhan ang ginagawa mo, mabuti pa at bitiwan----"
"Tumahimik ka!"
Mas lalo siyang nabalisa ng marinig ang mga sirena mula sa malayo. Mukhang dumating na iyong back-up.
"Bwisit!" Mura ni Divina tsaka naglabas ng kutsilyo mula sa likod.
Agad rumisponde yung mga pulis at pinalibutan sila.
"Wag kayong lalapit kundi sasaksakin ko ang mata ng batang to. Magkakamatayan muna bago ako mapupunta sa likod ng maruruming mga rehas!" Itinutok niya sa mata ni Don ang kutsilyo.
"Don!" Rinig kong sigaw ng kapatid ni Terrence.
Napasilip ako sa loob ng bahay. Kinakabahan ako sa kung anong nangyari kay Yohann. Hindi ko siya makita.
Napabalik naman ang atensiyon ko sa kina Don.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo mga gagong parak kayo!" sigaw ni Divina habang itinutok ang kutsilyo sa mga kapulisan.
Nang hindi nila sinunod ang gusto nito ay itinutok naman niya ang kutsilyo kay Don.
"Kung di niyo ibaba, papatayin ko rin ng batang ito. Tutal wala rin tong pakinabang eh."sabi niya tsaka tumawa.
This woman's a lunatic.
Hinawakan niya si Don sa buhok at itinapat ang kutsilyo sa leeg nito na para bang kakatay lang ng manok.
Napakuyom ako ng kamay. I hate that I can't do anything. He's her own son pero nagawa pa nitong gawin ito sa kanya. This woman is not right in the head.
This plan was supposed to make their life better pero parang napalala ko pa.
Damn it. Gusto kong magwala.
"Ano?! Ibababa niyo o hindi!?" She said hysterically.
Dahan dahan namang ibinaba ng mga pulis iyong mga baril nila.
Humalakhak naman ang demonyita.
Umatras ito dala-dala si Don.
"May silbi ka rin naman pala eh." Sabi niya kay Don habang tinatapik-tapik ang pisngi gamit ang kutsilyo.
I saw fear in his eyes. I felt my heart getting stabbed a million times.
"Patakasin niyo ako o papatayin ko ang batang ito." Sabi na naman niya at muling tinutukan si Don sa leeg. "Ano?! Bilis!"
Muli niyang itinuro iyong kutsilyo sa mga pulis na nakapaligid ng biglang kinagat ni Don iyong braso niya at nagtangkang tumakas.
Tumakbo si Don palayo ngunit hinabol naman ito ni Divina ng kutsilyo.
Hahakbang palang ako nang may biglang yumakap kay Don at inikot ito patalikod.
"Yohann!" Napasigaw ako. Nang bumagsak si Yohann ay sunod sunod na nagpaputok ang mga pulis kaya't bumagsak si Divina sa lupa.
Nasaksak si Yohann sa likod pero ayaw parin nitong bitiwan sa pagkakayakap si Don hanggang sa mawalan ito ng malay.
Bumagsak siya sa lupa, may isang pulis naman na lumapit at natatarantang tinanggal iyong kutsilyo mula sa pagkakasaksak kay Yohann na agad kong ikinagulat.
"Don't you fucking know anything? Fuck it, you should never take the knife off the stab wound you!" Mabilis akong kumaripas kay Yohann.Tinulak ko iyong pulis at tinakpan iyong sugat gamit ng kamay ko. I applied pressure to the wound.
It's fucking basic knowledge damn it. You should never detach the knife on a stab wound to prevent blood loss.
Kinabahan naman ako ng patuloy parin sa pag-agos ng dugo mula sa sugat niya.
"Cole!" sigaw ko at agad naman siyang lumapit.
"Hospital." tangi kong sambit at naintindihan naman niya.
Mabilis niya itong binuhat at isinakay sa backseat. Tumabi naman ako para subukang pigilan iyong dugo.
Mabilis naman kaming sumugod sa ospital.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top