Chapter 4: Ironhead University
Inayos ko iyong peke kong eyeglasses at iyong wig ko.
Makati iyong ulo ko dahil sa wig. Magkaiba kasi kami ng buhok ni Lizzy. Lizzy's hair was plain black na hanggang bewang, ibang iba sa buhok ko. My wavy black-silver ombre hair was cut shoulder length.
Mamamatay muna lahat bago magalaw ang buhok kong pangdiyosa sa ganda kaya nagwig nalang ako.
How the hell did my twin end up this way? Hindi ba niya alam anong gamit ng shampoo, conditioner o suklay man lang?At anong pumasok sa kokote niya at nagpabangs siya. She looks like the nerdy version of dora the explorer.
Damn, asan na ba iyon naglayas. They better find her soon dahil sa tingin ko ay hindi ko talaga kakayaning maging siya ng matagal.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa cellphone ko.
Kung ikukumpara ko ang sarili ko ngayon sa kakambal ko ay talagang kamukhang kamukha kami sa ayos ko maliban nalang sa braces. Hindi ako nagpalagay nun dahil perpektong perpekto na ang ngipin ko. Hindi naman siguro sila magtataka kung bakit wala na akong braces. Sasabihin ko nalang ma ipinatanggal ko, duuh.
Ihinatid na ako ng driver sa harap ng campus, I was supposed to have bodyguards dahil nga nasa pulitika si Dad pero hindi ako pumayag. I can clearly handle myself.
'Ironhead University' basa ko sa ibabaw ng malaking entrance gate. Mukhang hindi basta basta itong paaralang ito. Kitang kita mo na magara talaga ang mga pasilidad dito.
Pagkalabas ko sa sasakyan ay nagtaka ako ng halos lahat yata ay nakatingin sa akin.
Napakunot ako ng noo habang naglalakad papasok sa building. Bistado na ba ako? Did they saw through my facade?
Patuloy lang ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga usap usapan sa paligid.
"Uy girl, look oh bumalik na yung nerd, akala ko ba nagtanan sila nung hardinero nila? "
"Oo nga anoh, pero rinig ko ay nakulong raw siya dahil nakapatay."
"Yeah, akala ko nga eh, although sabi kasi ng classmate ng pinsan ng kapitbahay ng maid namin na sabi ng maid din nila ay nabuntis daw iyan kaya matagal nawala."
"Talaga? Pero sabi ng iba ay nagtatago daw dahil kumabit daw sa isang sikat na artista at hinahanap ngayon ng asawa. "
"Or baka naman naaksidente tsaka nacoma ng isang buwan."
"Really totoo?"
"Well if di man iyon totoo, alam kong di parin siya titigilan ni Regine."
Seriously? Hindi ko alam ang lala pala tsumismis ng mga taong ito. And who the fuck is Regine?
Ipinagsawalang bahala ko nalang at dumiretso sa paglalakad. Dad told me to go straight to the Dean's office, apparently may alam na ito sa sitwasyon namin.
Pupunta lang ako doon para mabrief sa schedule ni Lizzy pati narin makuha iyong locker number at ang combination nito.
The Dean's Office was not hard to find. Pagpasok ko mismo sa building ay ang opisina nito mismo ang bumugad sa akin.
Diretso ko nang binuksan iyong pinto at hindi na kumatok pa.
Nagulat nalang ang babaeng nasa loob.
Hula ko ay siya ang dean. Kaedad lang siya ng mga magulang ko.
'Coreen E. Grazziana ' basa ko sa plate sa ibabaw ng desk niya.
"I'm guessing you're Queen Helena?" tanong niya sa akin ng makabawi na siya sa bigla kong pagpasok.
"Yep." tamad kong sabi habang komportableng umupo sa sofa.
"Leadro warned me about your....manners."
Napataas ako ng kilay. I didn't know they're on first name basis with my dad. Mukhang close sila.
"Good for you." walang gana kong tugon.
Nakita ko namang napaikot siya ng mata.
"Here." abot niya sa akin ng isang folder. "Nandito ang schedule ni Eliza, nakalagay na dito lahat ng impormasyon sa subject at mga teachers nito. Nandiyan na rin locker number niya at combination para mabuksan ito."
Kinuha ko iyon at binasa.
Physics, Advance Algebra, English, Filipino, History, P.E. Values Education.
Great, I'm so excited. Not.
"You're welcome." sarcastic niyang sabi.
Tahimik akong napatawa. I think she didn't like my rudeness. Not my problem.
"I didn't even said thanks." sabi ko habang nakatingin parin sa folder.
"Exactly. I want you lose your attitude, Helena, I don't like it."
Sarcastic akong napatawa. "Funny. If I said I don't like your face, will you get rid of it too." I said and gave her a smirk.
Napabuntong hininga nalang siya.
Tumayo naman ako sa sofa at lumapit sa desk niya para kumuha ng isang apple na nakadisplay sa isang plato kasama ng iba pang mga prutas.
"Thanks for this at pupunta na ako sa klase ko." sabi ko sabay kagat sa mansanas.
Nagsimula na akong maglakad palabas sa pinto ng magsalita siya.
"Seriously, you should lose the attitude, tandaan mong ikaw na si Queen Eliza Cruz, sa nakikita ko, masasabi kong kabaliktaran talaga ang ugali niyo. If you don't act well enough malalaman at malalaman rin nila ang sekreto mo at wala akong magagawa doon para tulungan ka."
Liningon ko siya. "How sweet of you. Fortunately I can handle myself. Bye Coreen." huli kong sabi sa kanya at lumabas na.
Nakisama ako sa daloy ng mga tao sa hallway.
Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko dahil tinitignan ko iyong schedule ko ng biglang may nakabungguan ako dahilan para tumilapon ang mga papeles sa folder.
"Watch where you're going nerd." asik ng isang lalaki sa akin at tinalikuran ako.
Hihilain ko na sana siya at uupakan ng maalala kong nagpapanggap na pala ako.
Masakit man sa pride pero tama si Coreen kanina, I am now Queen Eliza hindi si Helena.
Nanggigigil kong pinulot iyong mga nagkalat na papel, nagpipigil lang ako ng galit. This is so not me.
'Damn, bakit ba ako pumayag dito, this is really ridiculous if my friends could see me now siguradong maglulupasay ang mga iyon sa kakatawa. This whole thing is bullshit. ' mahina kong usal na ako lang ang nakakarinig.
Nagulat nalang ako ng may pumisil sa pisngi ko kaya di ko mapigilang mapamura.
"You're really cute when you're talking to yourself, pagpasensiyahan mo yung si Cole, di ka pa nasanay dun---wait... Did you just freaking cuss!?"
Natapos ko ng pulutin iyong mga nagkalat na papel kaya nilingon ko na kung sino ang lalaking ito.
Parang gulat na gulat yata siya nung nagmura ako.
"Who the fuck are you?" kunot noo kong sabi.
"Shoot! You did it again!" sabi niya na para bang aliw na aliw sa pagmumura ko.
Sinundot sundot niya ako sa pisngi at nakakaasar na.
"Ikaw ba talaga yan Eli? Kung alien ka ibalik mo iyong bestfriend ko. Asan na siya? Kung ligaw na kaluluwa ka, umalis ka sa katawa--"
Napaikot nalang ako ng mata.
Agad ko siyang tinalikuran at nagpatuloy na sa paglakad ng may umakbay sa akin. Iyong lalaki pala kanina, humabol.
"Joke lang, ikaw nga si Eli ko, ang pangit na babaeng bigla nalang akong tinatalikuran kahit hindi pa ako tapos magsalita. Sa gwapo kong toh? Masyado na yatang makapal iyang salamin mo eh, nakikita mo pa ba ako?" sabi niya habang inilapit iyong mukha sa akin.
Agad kong tinulak iyong mukha niya sa akin.
"Sino ka ba?"tanong ko.
Di niya pinansin ang tanong ko dahil akala siguro niya ay biro lang. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan nanaman ako.
"Ibang iba ka yata ngayon ah. May you knows ka ba ha?"
Napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanya. Itinulak ko siya dahil napakaclingy niya. I hate clingy people.
"Don't get to close idiot di kita kaibigan." taboy ko sakanya.
"Grabe ka talaga, sa limang taon nating pagkakaibigan ni di mo man lang ba ako itrinatong kaibigan? Yung feelings ko Eli, alagaan mo naman. Tandaan mo ang pangalang ito, Hyron Castaneda ang tanging gwapo mong kaibigan dahil hindi hindi na ako lalapit sa iyo. Friendship over na tayo. " sabi niya sabay walk-out.
Ang childish niya, it's annoying. Kung totoo ngang kaibigan iyon ni Lizzy mas okay na ding di siya lalapit sa akin dahil baka makahalata pa siya sa akin.
Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa sa folder ko.
I'm off to my first class.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top