Chapter 39: Art of Stalking
Nanginginig ako habang paulit ulit na hinihimas ang mga braso ko sa lamig.
Mag-aalas otso na ng gabi at nakaupo ako sa swing sa playground ng park. Nag-ayos ako bilang si Eliza. I'm going to meet Ichabod tonight.
Tinawagan ko siya kanina para sa plano ko. We're ML buddies kaya medyo close na kami kahit hindi siya masyadong nagsasalita. We exchanged numbers nung naglalaro kami. Pinili ko si Ichabod since wala na akong ibang mahihingan ng tulong tungkol dito, isa pa kabarkada niya naman sina Yohann. I have Cole's number pero magkamatayan muna bago ko siya tatawagan, besides I got his number through the real me, baka tawagin lang akong stalker nun pagnalaman niyang may number siya sa akin.
Muli naman akong napatingin sa relo ko.
Ba't ba ang tagal ng taong iyon? Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa kalagitnaan ng parke sa dis oras ng gabi at unti unti nang nauubos ang pasensya ko.
San na ba ang lalaking iyon?
I was just about to stand up and leave nang may kumalabit sa akin mula sa likod.
"It's about time you ca---" natigilan ako.
Inadjust ko ang aking salamin at baka nanlabo lang iyong paningin ko at nagkamali lang nang kita. Baka sakaling magbago iyong mukha.
Instead of Ichabod, I saw the most irritating homo sapiens I have ever seen.
"What are you doing here, King?" I said with a straight face.
"Pinapunta ako ni Ichabod. May iba pa raw siyang pupuntahan ngayon." Tipid niyang sabi habang nakapamulsa.
Nakasuot siya ng plain dark blue shirt na pinatungan ng black maong na jacket tsaka dark jeans.
"What are you planning, asking a guy to meet with you in the middle of the night." Tinignan niya ako na para bang naghuhusga na.
"Anong tingin mo sa akin, malandi? Kung ano mang iniisip mo, itigil mo na. Tinawagan ko siya para magpatulong sa plano ko. Hindi ba sinabi sa iyo ni Ichabod ang tungkol dito?" I mentally slapped my self, nagmumukha akong defensive sa sagot ko.
"He did." Tipid niyang sabi.
"Ba't ka naman pumayag? I just asked for Ichabod, you didn't have to come."
Mas mabuti sana kung si Ichabod lang yung pumunta para tahimik yung mundo.
Nandilim iyong mukha niya.
"Why did you ask for his help?" Balik niya ng tanong sa akin.
Napatiklop naman ako ng braso.
"I asked first didn't I?"
"I came because it involved my friend. At sa natatandaan ko, maliban sa madalas kayong magkatabi sa klase hindi kayo kaano-ano pero bakit mo siya tutulungan?"
Hinawakan niya ako sa balikat at mas lumapit sa akin.
"What are you plotting inside that mind of yours?"
Hinawakan ko siya sa dibdib at itinulak palayo. Ghad, gaano ba kalala ang tingin nito sa akin?
"Look, may utang na loob ako kay Yohann, and this is my way of getting back at him. And if you really treasure him as your friend you'd help me help him, got it?"
Napatiklop naman siya ng mga braso niya sa kanyang dibdib.
"And why do I need to go with your plan?" tanong niya.
Ghad, I really wish it was Ichabod, that jerk, sinabi na lang sana niyang di niya kaya di yung iba yung pinasisipot.
"Because, unlike someone, I have a pretty good and decent plan."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"That cockroach plan was a decent one."
Tinignan ko lang siya. I'll just leave it to his judgement, it's his opinion anyways.
"Look, are you in or not? Either way gagawa parin ako ng paraan with or without you."
Inilahad ko ang kamay sa kanya at mabilis naman niya itong tinanggap. Nakipagkamay kami at agad ding nagbitaw.
"Basta wag mo siyang pormahan. Ayokong may pangit na umaaligid sa amin lalo na ikaw."
Blanko akong nakatingin sa kanya.
"He's not my type."
"Yeah, I know your type, the geeky loser guy. Nanliligaw na ba yun sayo? You and your low standards. Tch"
"Wag kang tsismoso, and it's none of your business. If I really have low standards then masasabi kong type kita but I don't go down on your type of level."
"Big words from an ugly duck like you."
Nagsukatan kami ng tingin hanggang napailing nalang ako.
"Enough. Nandito tayo para tulungan sina Yohann at William." Sabi ko.
Pansin ko namang matiim siyang nakatitig sa akin. I averted my gaze dahil sa naiilang ako.
I glanced back at him pero seyoso parin siyang nakatingin sa akin.
"Still ugly." Mahina niyang sabi pero rinig ko parin. Pagkatapos nun ay tumalikod na siya.
"Hoy anong sabi mo?!"
Tinitigan ko lang iyong likod niya habang nag-aabang ng sagot pero hindi siya umimik. Ano kaya ang iniisip ng lalaking ito? I can't read him.
Naglakad naman siya papalayo na ikinataka ko.
"Hoooy, san ka?!"
"Malamig tsaka anraming lamok. Do you think I'll stay here?" Masungit niyang sabi.
"Fine." Sabi ko at sumunod sa kanya.
We ended up in a convinience store at dahil nandito na rin naman kami ay bumili akong tatlong cup noodles. I haven't had dinner yet.
"Yoshh! Itadakimasu~~!!!" Excited kong sabi tsaka hinalo halo iyong noodles para hindi masyadong mainit.
Gumagana naman ang inner otaku ko. Sayang lang at walang chopsticks mas cool sana.
"Pig."
I slurped loudly when eating noodles, nakalimutan kong may kasama pala ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Bakit ba ang kontrabida ng lalaking to sa lahat ng bagay? Kill joy sa buhay, kulang sa aruga.
Magsasalita na sana ako ng marinig kong tumunog iyong sikmura niya kaya napahalakhak nalang ako.
"You're blushing." Tudyo ko.
May hiya rin pala tong lalaking to. I grinned at him.
"Di mo naman sinabing naiingit ka pala." Tinulak ko sa harap niya yung isa kong cup noodles tutal tatlo naman iyong binili ko. "Oh sayo na yan." sabi ko.
"I don't eat junk food."
"Jeez, someday you'll die because of your pride at tatawa talaga ako sa libing mo."
Sinamaan niya ako ng tingin ginantihan ko naman siya ng tingin hanggang sa napansin kong unti unti niyang inilapit iyong mukha niya sa akin na ikinabigla ko.
"A..ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? "
Hindi siya sumagot. Halos dalawang pulgada nalang ang pagitan namin.
Magkatabi lang kami sa pagkakaupo kaya madali lang niyang mailapit iyong mukha niya sa akin.
"Te...teka---"
Nabigla ako nung biglang nawala iyong spork sa kamay ko. Iyung kalahating kutsara at kalahating tinidor.
Lumayo naman siya sa akin wearing a smug smirk with the spork in his hand.
"Gago ka ah, magnanakaw!"
"You're blushing." Balik niya.
"I'm not! Wala kang utang na loob, binigyan na nga kita ng cup noodles, magnanakaw ka pa ng kutsara! I don't even know why I even gave you my noodles." I said furiously.
Hindi niya ako pinansin at nag-umpisang kumain gamit ang ninakaw niyang kutsara ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"You do realize na nagamit ko na yan right?" Sabi ko.
"So?" Sabi niya tsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Ugh, asshole."
Narealize kong hindi na niya ibabalik iyong kutsara ko ay padabog akong tumayo para humingi nalang sa counter ng isa pang kutsara. It's not like I'll use it anyway, he used it already.
"Stupid nerd." Rinig kong tugon niya.
....
*Buuuuurpppp
Napahimas ako ng tiyan ko dahil sa busog.
Napatingin naman ako sa katabi kong hindi pa natatapos sa pangatlo niyang noodles.
Ang ipokrito talaga, tss. Parang kanina lang sinabi niyang di siya kakain ng ganito pero siya itong baboy. Hmph.
Naiinis man, hinintay ko muna siyang matapos bago pormal na pag-usapan iyong plano ko.
"Okay, let's get right down to business."
I immediately fished my phone at ipinakita sa kanya ang isang larawan ng babaeng nakaleopard print na tube na proud na proud sa cleavage niya.
"Ina ni Yohann?"
Tumango naman ako.
"Divina Kamias Carpio.You met her?" kumento ko.
Tumango rin siya.
"The bitch even tried to flirt with me." Kumento pa niya.
I narrowed my eyes at him. "Papatayuan kita ng altar pagsinabi mong pinatulan mo."
"You disgust me." He also narrowed his eyes on me. "How do you know so much and why do you have his picture?"
"It's called research."
The day before, naghalungkat talaga ako ng mga impormasyon tungkol sa kanya. Thanks to Facebook. Ang dami niyang friends na lalaki. Puta nga talaga.
I'm somewhat guilty dahil minumura ko ang ina ni Yohann but that woman deserves it.
"Stalker." Kumento niya naman.
Pinili kong palampasin iyong sinabi niya or else hindi matatapos ang gabing ito.
"Nalaman ko na sino ang puno't dulo ng pag-aaway nila. It's because of this gold digging bitch. She might be his mother pero wala itong ni katiting na pagmamahal sa mga anak niya. She can't even be responsible for her kids." Napakuyom ako ng kamay. " I hate those kind of parents."
It makes me mad just thinking about it. Ang lalakas ng loob gumawa ng anak pero di naman kayang panagutan.
"How do we take care of her?" Tanong niya dahilan para matauhan ako.
"She's a filthy woman, she's bound to have some dirt on her at yun ang aalamin natin at tutulungan mo akong sundan siya." Pursigido kong sabi.
"Gagawin mo akong driver?" Kunot noo niyang sabi.
"Do you want to help or not?"
"Tss."
Di ko maiwasang magpakawala ng isang ngiting tagumpay. I'll take that as a yes.
....
I was restless waiting for class to end. Ngayon namin isasagawa ang plano namin kahapon na sundan si Divina.
Tanghali pa ngayon at kasalukuyan akong kumakain sa cafeteria.
As usual, nandito si Hyron, Zia, Jethro at maging si Yohann. Hindi muna nakisali sina Maxim dahil schedule nila ngayong kumain kasama kay William.
"Eli!! Guess what!?" Excited na tanong ni Hyron.
Kumikinang iyong mata niya halatang sabik na sabik pero hindi ko matukoy kung para saan.
"Hindi ko alam." Walang pake kong sabi habang nagpatukoy sa pagkain.
I don't like guessing games.
"You party pooper, sige na, hulaan mo." Sabi niya habang niyuyugyug iyong balikat ko.
"Kung isasaksak ko ang tinidor na hawak ko sa mata mo, hulaan mo rin kung mabubulag ka ba o hindi." Inis kong sabi.
"Tss, KJ mo, tara ipapakita ko sayo." Isusubo ko na sana ang pagkain ng bigla niya akong hinila palabas ng cafeteria.
Narinig kong tinawag ni Zia si Hyron pero mukhang walang narinig ang bubwit.
"Hoy san mo ako dadalhin?!"
"Makikita mo mamaya." Abot tenga yung ngisi niya.
Nadaanan namin ang mesa nina Cole, nahagilap ko namang nakatingin siya sa akin pero di ko na pinansin.
"Dali Eli!!!" Hila hila parin ako ni Hyron hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Charaaaaann!" Tinuro niya ang isang kulay red na motor bike.
Holy Shit!
It's not just a freaking motor bike, it's the latest Ducati SuperSport. Di ko maiwasang mapalunok.
"Sayo?" Di ko makapaniwalang tanong.
"Yep, hehe. Birthday gift ng parents ko, nalate nga lang dahil nagkaaberya sa shipment. I just found out this morning." Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.
I was tempted to ride it pero baka ano pang sabihin niya.
"Pangalan niya ay Georgia, George for short. She's a beauty right? Alam kong mamamangha ka, kahit ang isang katulad mo pang pangit ang taste ay mamamangha dito." Hinimas himas niya ito sa upuan. "Georgie baby~"
"Para kang baliw, it's just a motorbike." I swallowed my envy at tinarayan siya.
"Eli! Pwede mong yurak-yurakan ang pagkatao ko pero wag si George. Dahan dahan ka sa pananalita mo at baka palitan ka na ni George bilang bestfriend ko."
Napa-ikot naman ako ng mata. Ang OA talaga ng lalaking toh.
Tch.
Tatalikod na sana ako ng may humila sa kamay ko.
"Hyron, I admit George is cool, kaya wag ka nang makulit---"
"Who's George?"
Napalingon ako and came face to face with Cole na halos magkadugtong na ang kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong.
"I asked first didn't I?"
"Hey dude, wag kang ganyan kay Eli!"
Pumagitna si Hyron pero sinamaan lang siya ng tingin ni Cole.
"Ahm...Eli nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Ge bye."
Tch, ang duwag.
Binitiwan ni Cole iyong kamay ko at inilagay yung kanyang kamay sa bulsa niya.
"Change of plans, we'll do the plan now." Sabi niya at naglakad sa parking lot.
Sinundan ko naman siya.
"Mas madami tayong malalaman kung mas maaaga tayong magsisimula."
"Pero may klase pa tayo."
"Get in." Tanging sabi niya at sumakay sa sasakyan niya.
"Fine." Wala akong nagawa kundi pumasok.
Pumunta kami sa bahay nina Yohann. Pinarada namin ang kotse ilang metro ang layo sa bahay niya, yung sakto lang na mamamanmanan siya. Kuckily she's still there, normally ay madalang lang itong nasa bahay.
The car felt out of place. Isang mamahaling sasakyan sa gitna ng squatter's area. May ilang mga tambay na tumitingin pero wala namang nagbalak lumapit. Nanatili lang kami sa loob habang nakataas ang tinted na mga bintana nito.
"This is boring." Reklamo ni Cole. Abnormal pala to eh, sino bang nangyaya na maagang isagawa ang plano namin?
Agad akong naalerto nang makitang papalabas si Divina sa bahay nila. "Lumabas na siya." pahayag ko.
Hinintay pa namin siya na lumayo pero bago nun ay huminto muna siya sa katabi ng sasakyan at nanalamin pa.
I was holding my breath at agad namang napabuga ng nagpatuloy na siyang maglakad palayo.
"Dali sundan mo." Sabi ko naman ng makasakay siya ng taxi.
But it ended up wasting our time.
Una siyang pumasok sa isang salon. Nagtagal siya roon ng ilang oras. Then sa isang Coffee shop, may kasama siyang lalaki na para yatang niligawan siya dahil may dala dala pang bulaklak. Tss paano kaya niya ito nalinlang?
Ilang oras din siyang nagtagal doon, and Cole's getting grumpier by the second kaya pinabili ko nalang siya ng pagkain.
Pumasok rin siya sa mall at nagtagal dun. Maingat ko siyang sinundan sa mall, at manhid naman ang babaeng yun na sobrang ipinagpasalamat ko. Si Cole naman ay nanatili sa sasakyan niya at natulog.
Alas siete ng mapansin naming may tumawag sa kanya at nag-iba yung mood niya. Tumingin tingin muna siya sa paligid bago itinapat ang telepono sa tainga.
Dahil hindi naman namin marinig ay minanmanan ko nalang ang kilos niya.
Pumara na naman siya ng taxi at sumakay. Wala talaga siyang kaalam alam na matagal na namin siyang sinusundan.
Halos magtatatlumpong minuto na nung sundan namin siya hanggang sa wakas ay huminto na iyong taxi.
Wala masyadong taong dumaraan at hindi magkadikit dikit iyong mga bahay. Mukhang nasa labas na kami sa siyudad.
Matapos bumaba ni Divina sa taxi ay pumasok siya sa isang gate. Sa loob don ay parang abandonadong bodega dahil mukhang napabayaan na.
Sinundan namin siya ngunit nung sinubukan naming buksan iyong gate ay ayaw na itong magbukas.
Napadako ang tingin ko sa pader na isang tao ang taas.
Nagkatinginan kami ni Cole. Mukhang alam niya rin ang iniisip ko.
Nagtungo kami doon, laking gulat ko naman ng bigla niya akong hawakan sa beywang at binuhat.
"Teka, a..anong ginagawa---"
"Hurry up, hindi ka magaan." Putol niya sabi kaya tinikom ko nalang ang bibig ko at umakyat. I could do it by myself, pero nanatili nalang akong tahimik kesa magbangayan pa kami.
Ilang sandali lang ng makababa ako mula sa kabila ay sumunod naman siya.
Agad naming hinanap si Divina sa loob.
We found him talking to a man with a beard.
Seryoso iyong usapan nila at nakita kong may inabot ito sa kanyang parang isang malaking pack na tinanggap naman nito.
Nanlaki naman ang mata ko ng malaman kung ano ang laman nun.
It's not just a small time drug dealing. Kitang kita kung gaano kalaki ang paketeng inabot sa kanya nito. Di ko alam kung shabu, cocaine o ano pa yun but it's illegal drugs. Lagot sila kay Duterte ngayon.
Tinitigan ko iyong pakete. I think it would be worth millions.
"Bingo." With her lavish lifestyle, I knew hindi niya kaya iyong maafford unless kung may ilegal na gawain siya. Tsk tsk.
Hinila ko si Cole palapit sa kanila para marinig iyong usapan nila.
Inilabas ko iyong cellphone ko at kumuha ng mga pruweba.
"Ibigay mo sa address na to. Tiba tiba yung kikitain natin dito kaya ayusin mo."
"Gago, tagal ko nang ginagawa nito, papalya pa ba ako?"
"Yan ang gusto ko sayo eh." Ngumiti iyong lalaki sa kanya.
Nandiri ako and unfortunately it got worst.
Linapitan siya ng lalaki at hinapit sa bewang at siniil ang mga labi nito. I almost barfed myself.
Naglakbay yung malikot na kamay nung lalaki sa bandang pwet ni Divina at pinisil ito.
I stopped watching them at baka tuluyan na akong masuka.
Naligaw ang tingin ko kay Cole.
He was smirking at me. "Ingit ka?"
Di ko mapigilang sikmuraan siya. This man has a fucked up way of coming up with conclusions.
Napadaing naman siya sa sakit. Jerk.
"Tae, ang bigat ng kamay mo. Urgh." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sinong nandyan!?" Sigaw ni Divina.
"Hmph--" Agad ko namang tinabunan ang bibig niya tsaka sinamaan siya ng tingin. Ginantihan niya naman ako ng tingin.
Narinig ko yung yapak ng mga heels niya na papalapit sa akin.
Sobrang lapit na niya saamin ng narinig kong lumapit iyong lalaki sa kanya.
"Walang taong nagpupupunta dito kaya malamang asong gala lang yan. Ituloy na natin." I feel bile rising up my throat.
Narinig kong huminto siya sa paghakbang dahil sa pagpipigil nung lalaki.
Napabuga naman ako ng hangin. That was close.
"Wala na akong gana, bukas nalang." walang kaemo-emosyong sabi ni Divina.
"Tama, bukas may bagong padala nanaman, balik ka sa parehang oras." Sabi naman ng uto uto.
Natauhan naman ako nung parang may kumagat sa palad ko.
Agad ko namang tinanggal iyong kamay ko sa bibig niya. Nakalimutan kong tintabunan ko pala yung bibig niya.
"Are you trying to kill me?"
"If I'm really trying to kill you, patay ka na sana." Sagot ko.
Sinamaan na naman niya ako ng tingin pero hindi na sumagot.
Tumayo na siya sa pinagtataguan namin at sumunod naman ako.
Nakalabas na kami ng abandonadong bodega at sumalubong saamin ang malamig na simoy ng hangin.
Agad akong nanginig ng tumama ito sa balat ko. Nakasuot parin kami ng uniporme, hinubad ko kanina iyong jacket sa school dahil mainit, manipis na polo nalang yung suot ko.
"Tss."
Natigilan ako ng may jacket na nakapatong sa balikat ko.
"Huh?" Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Mukha ka kasing labandera. Naawa ako sa labandera namin, kaya ipapalaba ko iyan sa iyo. Return my jacket when you're done washing it." sabi niya tsaka nakapamulsang naglakad pupunta sa kotse niya.
"Hurry up, inaantok na ako." pahabol pa niya ng nanatili parin ako sa kinatatayuan ko. Tahimik naman akong sumunod.
Hindi ko talaga alam anong tumatakbo sa isip ng lalaking ito. Tss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top