Chapter 37: Her so called Lesson


"Bukod sa di ka pa marunong magcomfort, makapal pa ang mukha, ibang klase ka talaga."

Itinawa ko nalang.

"Okay na yung singkwenta. Meron ka pa?" Sabi ko sabay lahad ng kamay.

Napabuntong hininga naman siya at inilabas yung pitaka niya tsaka naglabas ng singkwenta.

"Nice, wag kang mag-alala ibabalik ko to, with interest pa. Una na ako ah?" sabi ko sabay bulsa sa pera.

Tinapik ko naman iyong balikat niya at naglakad na palayo.

Rinig kong napabuntong hininga siya. Lumingon ako sa kanya. Di ko alam pero larang may kumirot sa puso ko habang pinagmasdan siyang umiikang naglalakad. Pahamak rin minsan yung konsensya eh.

Humakbang ako pabalik at inakbayan siya.

"Kala mo naman iiwanan kitang magdrama, baka bigla ka pang tumalon sa tulay, konsensya ko pa. Saka na pagnaisauli ko na iyong hiniram kong singkwenta. Ano, inom tayo?" nakangisi kong sabi

"Nanghiram ka na nga ng pera, mag-aaya ka pa ng inom?" sabi niya sabay alis sa pagkakaakbay ko.

"Siyempre ikaw manlilibre, ako ba ang nasasaktan?" sabi ko at muling ibinalik yung braso ko sa balikat niya.

"Buti nalang maganda ka."

Sinamaan ko siya ng tingin sabay binatukan.

"Anong ibig mong sabihin nun ha? Gusto mong iwanan kita ha?"

"Bakit ka nga ba nandito?"

"Siyempre nangutang ako eh, baka naman maging 50% off nalang pag sinamahan kita ngayon?" nung aksyong umasim na iyung mukha niya ay binawi ko.

"Gago, naniwala ka naman, siyempre kaibigan kita, tsaka tinawag na kung ate ni Don, ate mo na rin ako." I said smugly.

Ngumiti siya sa akin.

May sasabihin pa sana siya ng biglang namutla siya at napakibit sa may dibdib niya tsaka nawalan ng malay.

"Hoy Yohann! Gago, wag kang magbiro."

Tinapik tapik ko pa yung pisngi niya pero wala talagang malay. Sa bandang huli ay ihinatid ko nalang siya sa bahay nila. Of course I switched to Helena appearance bago ko siya hinatid, magiging komplikado lang ang sitwasyon kapag nagpakita ako doon na iba ang itsura. I don't want to answer many questions.

Tumawag ako ng taxi at pinakiusapan ko pa ang driver na buhatin siya.

Pagkarating naman namin sa bahay nila ay buti nalang at agad sumalubong saamin si Don. Pinagtulungan namin siyang buhatin sa loob ng bahay nila.

Matapos naming maihiga siya sa kama ay nakita kong nakatitig lang si Don sa kuya niya habang nakakuyom ang kamao.

Nakatalikod siya sa akin pero halatang umiiyak ito dahil umaalog iyong balikat niya at ipinampunas pa niya yung kanang braso niya sa luha.

Kahit hindi ko alam kung bakit siya umiiyak ay niyakap ko lang siya.

"A..te, ate pakiusap tulungan mo si Yohann. Ayoko siyang nakikitang ganito. Nagmamakaawa ako.

Tuluyan na siyang humagulgol.

"May pinagdadaanan lang na away magkaibigan ang kuya mo, maaayos rin yun. Matalino siya, di iyon tatanga tanga, tiwala lang." sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Napapahid naman siya ng luha.

"Alam ko naman iyon pero baka di niya makayanan ay bumigay yung puso niya."

Natigilan naman ako. Did I heard it right?

"What did you say?"

"May Acute Congenital Heart Failure si Yohann, natatakot ako ate, ayokong mawala siya. Pakiusap."

"P-pano?"

"Masakitin talaga si Yohann kahit bung bata pa kami. Siya lang ang meron ako, ate pakiusap...." humigpit iyong kapit niya sa damit ko at lalong sumikip yung dibdib ko.

I recalled the times nung pagkibit niya ng dibdib niya tsaka yung mga panahong nawawalan siya ng malay.

"Susubukan ko Don, susubukan ko." That's all I was able to say as he broke down in my arms.

Bago pa man lumubog ang haring araw ay umuwi na ako. Sinabi kong ipacheck-up muli yung kalagayan ni Yohann sa ospital pero umiling si Don, si Yohann na daw mismo ang nagsabing di siya magpapaospital.

Napabuntong hininga nalang ako, who knew Yohann was carrying this huge problem behind him pero hindi halata sa pagkatao niya.

....

Kinabukasan, pumasok ako ng walang bag, I recieved a text from Jethro na ihahatid lang niya mamaya iyong bag ko. Hindi na kasi ako bumalik kahapon matapos kong maihatid si Yohann.

Pagpasok ko, I felt de ja vu again. People were giving me glares.

Ano nanaman ba ang nagawa kong mali?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa room ko nang humarang saakin si Regine. Nasa likod naman niya iyong tatlong alipores niya.

"You slut, you really haven't learned your lesson after all, how dare you seduce my King."

Napakunot naman ang noo ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"You're denying it? Everyone saw how you and Cole yesterday. You probably forced him, kinulam mo siya ano? You were gone the whole afternoon, what did you do to him, you witch?"

This time, buong mukha ko na ang kumunot.

"I didn't do anything, at kung gusto mo si Cole, isaksak mo sa baga mo."

Ako na nga iyong nadamay, ako pa iyong ginawang kontrabidang mangkukulam.

"Stop pretending you little slut. They saw you drag Cole somewhere at pinilit siyang buhatin ka."

Di ako makapaniwalang napanganga, this is a whole new level of fake news.

"Get your new straight first. Lakas niyo makafake news."

"Tumatapang ka na ah, you really need to be punished."

Akmang hihilain na niya sana iyong buhok ko ng may kamay na pumigil sa kamay niya.

"I'm sure Eli had a pretty good reason bakit nangyari yun yesterday. Please don't jump into conclusion so quickly. Let's not judge a book by it's cover quickly. A boring book might carry some malicious contents, and and a white dove might be a crow in disguise."

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

It was Selena with her irritating plastic angelic smile.

Not sure if it was just an example or ako ba talaga ang pinariringgan nito sa mga sinabi niya. But I think she's just talking about herself. Crow in disguised my ass.

Hindi na nagsalita si Regine at sa halip ay nagtaas nalang ng kilay. Padabog niyang binawi iyong kamay niya sanay walk out. Sumunod naman ang tatlo niyang alipores.

"Are you alright?" tanong ni Selena sa akin.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo kung para ma-analyze kung may kahit katiting na sincerity sa sinabi niya pero 100% pure plastic talaga. If I wasn't such an expert at people being plastic, I might've been fooled by her act.

Di ko siya sinagot at nilampasan papunta sa upuan mo.

Himalang maaga ang mga iyon ngayon. Iilan pa lang ang tao sa room at walang squad ng tarantado ang nagpakita. I doubt papasok sila ngayon. Marami rami rin iyong mga tamang natanggap nila kahapon kaya nagpapagaling pa yata ang mga iyon.

Napadako ang isip ko kay Yohann. I promised Don to help him pero ano ba ang kaya kong maitulong?

Nasa kalagitnaan ako ng pagpaplano ng naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"What do you want?" Malamig kong sabi.

Ang kulit talaga ng babaeng plastic na to, ayaw akong lubayan.

"You know, it doesn't hurt to say thanks, I just saved you from those bitches back there."

"I didn't ask for your help but thanks." Sabi ko at nagpilit ng isang ngiti sa kanya.

"You weren't angry because I called you Eli, were you? Can I call you Eli?" she purposely blink her eyes a couple of times and I tried so hard not to puke.

"Do whatever you want."

"Great, you can call me Lena. So why were you with Cole yesterday?"

Tinignan ko siya. Lumabas din yung sadya niya sakin.

"I wasn't." Ideneny ko lang dahil tamad akong magkwento at mag-isip ng palusot.

Itinuon ko nalang ang tingin ko sa cellphone ko at naglaro nanaman ng Mobile Legends. Pinigilan kong matawa ng maisip iyong hero sa ML, Selena rin ang pangalan, isa siyang magandang babae na parang may dark side at nagtatransform ng parang aswang. What a coincidence.

"That wasn't what everybody saw yesterday." she insisted na may halong  inis sa boses.

"What? Are you insisting I was doing something with Cole yesterday?"

Tinignan ko siya and I saw jealousy and hatred in her eyes pero agad ring nawala.

"No, I'm sure you're not some random slut na umaaligid kay Cole. And knowing Cole's standards...." hindi na niya tinapos but I already got the hidden message behind her words.

"Yeah, he don't like clingy girls who force themselves on him." sabi ko and I'm pretty sure I hit the mark there.

Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya and paid attention to my phone instead.

"What do you think is Cole's standards when it came to women?"

Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng sobrang matamis na ngiti na para bang gusto akong patayin sa diabetes.

I inwardly sighed. When will this girl ever give up.

"Don't know, maybe everything his ex is not? Not sure." Walang kainteres interes kong sagot habang nakatuon ang tingin sa nilalaro.

Napatigil naman ako sa paglalaro ng bigla niyang hinampas ang desk sa harap namin.

Napatingin naman ako sa kanya pati narin ang mga kaklase namin na nasa loob ng silid.

Nakabawi naman siya at ngumiti ng matamis.

"I'm sorry guys, di ko sinasadya, nasagi lang yung kamay ko. I apologize for disturbing you all." Naniwala naman ang mga tanga at sinabihan pa siyang mabait.

Ibinaling naman niya ang tingin sa akin. Kalma na rin iyong mukha niya.

"What I mean is, sa looks...what do you think?" Ngumiti nanaman siya.

I really hate her sugary smile.

"Maganda." Tipid kong sabi. I knew yun talaga iyong inaabangan niyang sagot.

Lumawak naman iyong ngiti niya na akala mo nahulog ako sa patibong niya. It's not like I'm some insecure bitch who need others validation to be considered beautiful, I know I'm stunning and I am gorgeous, I won't let anyone tell me otherwise, kung meron man, asa naman silang maniniwala ako.

"You're right, he probably don't want some ugly girl with frizzy hair, big round glasses, tacky dressed loser."

Tumango nalang ako at patuloy sa pagpindot sa cellphone ko. Sa tingin ko ay inilalarawan niya ako, is that suppose to lower my self-esteem? Utot niya.

I paid attention to my game. Si Hanabi dala ko ngayon at kasalukuyan kong tinitira iyong turtle.

Tangna lang at may kalabang gustong kumill steal.

"I think he's not interested in some random plain girl."

"Uhuh."

Napangisi naman ako nung mapatay ko yung hinayupak na gustong mangKS sa turtle ko.

"He likes classy women, one that will perfectly match his looks and everything about him."

"Yeah."

Umasim iyong mukha ko at lumaki naman ang butas ng ilong ko nung tinrash talkan ako nung kalaban. But Selena took it the wrong way, she was probably convinced that her words were getting to me.

PeykTaksi [Chou]: Bano Hanabi

Nireplyan ko naman.

LadyGrimoire [Hanabi]: Mas bano ka. Lakas magKS di naman kaya. Pweh.

PeykTaksi [Chou]: Bano nanay mo.

I gritted my teeth, nakakastress talaga pumatol sa mga bobo. Di ko nalang pinansin.

Sumugod iyong dalawang kalaban saakin, dahil kalahati nalang iyong life ko ay napatay ako nung kalaban pero nakapatay naman ako nung isa. I groaned inwardly, kakapatay ko palang sa turtle eh, pampalakas na sana, tss.

"Well it was nice talking to you. I hope you learned a lesson on what we talked about."

Natauhan naman ako.

I looked at her blankly. Wala ata akong natatandaang nagklase siya saakin.

Tumango nalang ako para umalis na siya.

She smirked at me at nagpunta na sa upuan niya.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalaro.

Whatever.

...

The whole day passed, Cole and his gang didn't show up, mukhang nagpapagaling pa nga sa mga sugat nila.

Nothing new and interesting  happened aside from people staring at me like I'm a slut na di ko naman pinapansin.

It must be about that issue with Cole, give it a few days at mawawala rin iyan.

Mag-isa akong naglalakad palabas sa paaralan dahil as usual may ginagawa na namang journalism stuff si Jethro at si Hyron naman ay hinila ni Zia sa kung saan. Pansin ko ay lumalakas na rin ang loob ng Zia na yun. When Hyron's back is turned, madalas niya akong tinatarayan.

I misjudged her, at first I thought she was just some plain nerd, it turns out may tinatago pala itong maitim na budhi.

Saktong paglabas ko ng gate ng IU, pansin kong may pinagkakaguluhan ang mga tao sa tabi mismo sa gate.

"Hoy bata, sabi ng alis dito, dun ka sa lansangan manlimos wag dito!"

"Hindi, may kakausapin lang ako!"

"Kanina ka pa, baka naghahanap ka lang ng mabibiktima, umuwi ka na sa inyo!" taboy nung gwardya.

Nagpumilit parin ito hanggang sa hinampas siya ng batuta ng gwardya. Napatakbo naman ako sa kanila.

Nagpakilala akong kakilala niya at agad siyang hinila palayo.

Sapo niya iyong balikat niyang nahampas nung gwardya.

"Don? Anong ginagawa mo dito?" nag-aalala kong tanong.

His blue eyes met mine, nakakunot ang noo nito habang maigi akong tinitigan.

"Sino ka?"

Agad naman akong natigilan. I forgot I'm still wearing glasses and a wig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top