Chapter 36: Effort not Recognized

"Tang'na namimihasa ka na Carpio, tangna. Gusto ko yung brip ko , paglaba mo dapat yung sabon Surf, yung bangong hanggang fourteen days, hindi yung lakas ng sampung kamay. Tapos banlawan mo ng Downy na fabcon yung blue hindi violet. Dapat may mga bulaklak akong makitang lumulutang pag inamoy ko. Ipapalaba ko na rin yung mga damit tsaka brip ni Amang para mabawasan din yung lalabhan ko gago."

Napaikot naman ako ng mata habang reklamo ng reklamo si Terrence habang buhat-buhat si Yohann.

"B-bakit ang tagal...mo?" Pilit na sabi ni Yohann kay Terrence. "Taena, masakit, aray!"

"Gago nagreklamo ka pa, pasalamat ka nga buhay ka pang kutung-lupa ka." tugon naman niya.

It was a good thing Terrence came, kasama niya ay isang hukbo ng mga tambay. May grupo rin pala itong si Terrence, magaling din siyang makipaglaban.

Hindi na nahirapan pang matalo yung kalaban dahil pagod na sila mula sa pakikipaglaban kina Cole at di na nagtagal pa.

Nung makitang matatalo na sila ay nagsitakbuhan na ang mga duwag at natira nalang kaming pito. Umuwi na rin yung mga kasama ni Terrence na mukhang hinuthutan pa yung mga kalaban ng pera at pag-aarian nila.

Buti nga sakanila.

Dahil wala ng malay si William ay buhat buhat siya ni Ichabod sa likod habang akay akay pa si Maxim.

Buhat buhat rin naman ni Terrence si Yohann.

As much as I want to leave the asshole behind, may konsensya naman ako kaya inakay ko lang siya para suportahan siyang makalakad, alangan namang buhatin ko?

Nagtungo kami sa kotse ni Cole.

Umalis naman na si Terremce matapos paulit ulit na pinaalala kay Yohann yung utang niya. Buti nalang di niya nabanggit iyong pagpunta ko kina Yohann.

Nagsisiksikan sina William, Cole, Maxim at Yohann sa backseat habang ako ay nakaupo sa front seat.

Si Ichabod naman ang nagmamaneho dahil siya lang naman ang hindi masyadong malala ang kalagayan bukod sa akin.

Tahimik iyong byahe dahil talagang ubos na ang lakas ng mga ugok sa likod at hindi naman talaga nagsasalita si Ichabod.

Hindi na ako nag-abalang magtanong pa kung saan kami pupunta.

Napansin ko naman ay pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa harap sa isang malaking bahay.

Kaninong bahay kaya ito?

Bumusina ng tatlong beses si Ichabod bago bumukas yung gate.

Nang maiparada na ni Ichabod ang sasakyan ay bumaba siya sa sasakyan.

"Help me carry them." sabi niya at tumango naman ako. Binuhat niya si William papasok sa loob.

Binuksan ko yung kabilang pinto. Cole was still sleeping.

Napatitig naman ako sakanya at pinagdebatehan sa sarili kung paano siya gigisingin, sampal ba? Pingutin ang ilong para di makahinga? Gusto ko sanang buhusan ng tubig kaso wala akong tubig.

"Done checking me out?"

Napalundag naman ako sa gulat ng bigla siyang magsalita at iminulat ang mata.

"Gago." tangi kong naitugon sa kanya.

"You can stare, but don't get your hopes up, di kita type."

"Sinabi ko bang type kita? Kapal talaga ng mukha." Inirapan ko siya.

Bumaba naman siya sa sasakyan, pansin at kong napangiwi siya sa tuwing hahakbang.

"Need any help?" tanong ko.

"Fuck off." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi talaga nakakain ang ugali ng lalaking ito.

Ibinaling ko ang atensiyon sa paligid. Pansin ko namang may dalawang maid na lumabas kaya pinakiusapan ko silang tulungan nalang sina Maxim at Yohann.

For some reason ay hindi na sila naalarma at hindi rin nagtaka kung sino ako, basta nalang silang sumunod at tinulungan sina Yohann at William papasok sa bahay. Parang sanay na silang nasa ganitong sitwasyon sina Cole.

Napabaling ako ng tingin kay Cole na ang hina kung lumakad.

Tss. Men and their prides.

Humakbang ako papalapit sa kanya ng akma siyang matutumba kaya mabilis ko siyang hinawakan.

I put his shoulder around my shoulders.

"Hin---"

"Shut up and let me help you." seryoso kong sabi at inakay siya papasok sa bahay.

Pansin ko yung titig niya sa akin pero di ko na pinansin, ang bigat niya kasi.

Doon kami sa sala, kung saan nakahiga rin William sa sofa. Sumunod naman si Maxim na akay akay ng isang maid at si Yohann walang malay na buhat buhat ni Ichabod. For some reason ay naawa ako kay Ichabod.

Nagpahinga lang kami sa sala habang naghain naman ng snacks yung mga maids.

Napagala naman ang tingin ko sa paligid.

Napadako naman ang tingin ko sa malaking larawan na nakasabit sa pader. Isa iyong family picture at nalaman ko na kung kaninong bahay ito, kina William.

Nandoon sa larawan yung mga magulang ni William na parehong may itsura tsaka andoon din ang batang William sa gitna. Kahit sa larawan ay ramdam mo yung personalidad ng ina at ama ni William.

William's father with his tall and imposing figure exudes dominance ibang iba sa ina ni William na pagtingin mo sa mukha niya ay parang ang aliwalas ng lahat, her smile is angelic, her beauty is not a classy or a stunning type, yung simple lang pero nakakagaan ng loob.

Napatingin naman ako kay Ichabod.

"Bakit dito mo sila dinala sa halip na sa ospital?"

Umiling naman siya.

"Kung pupunta kami sa ospital,, magtatakala lang sila kung saan nakuha yung mga bugbog at baka makarating pa sa pulis. We don't want unnecessary trouble. At bihira lang nandito yung magulang ni William, any more questions?" masungit na sagot ni Cole.

"Ikaw ba tinatanong ko?" Inirapan ko nanaman siya.

"Do you think sasagot siya?"

Napalingon naman ako kay Ichabod, tinitigan niya lang ako tsaka ibinaling ang tingin sa linalaro niya sa cellphone.

Inirapan ko nalang si Cole at tumabi kay Ichabod. Mas gusto ko pang kausapin ang taong di nagsasalita kaysa sa kanya.

Sinilip ko iyong cellphone ni Ichabod. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang naglalaro siya ng Mobile Legends.

"You have slain an enemy, double kill....triple kill...maniac!"

"Tss." Bulalas niya ng nakatakas iyong isa, sayang savage na sana. Ginagamit niyang hero si Alucard.

"Nice, ano rank mo."

"Mythic."

"Ilang stars?"

"60"

"Classic or rank?"

"Classic." Tipid talaga niya magsalita.

'*Ehem'

Tumango naman ako at binuksan yung akin.

Shit.

Nag-AFK pala ako kanina nung bigla nalang akong hinila ng gago kanina. Tch. Bumaba tuloy credit score ko, buti nalang makakalaro pa sa rank.

"Party tayo mamaya ha?" alok ko kay Ichabod.

Tumango naman siya at ilang sandali pa ay tumunog na iyong cellphone niya.

"Victory!" Sumilip naman ako sa screen, MVP ang ungas naks naman.

"ID"

"Huh?"

'*Ehem'

Tinitigan niya lang ako, ilang sandali pa ay nakuha ko na kung ano yung ibig niyang sabihin. Sinabi ko naman sa kanya iyong ID number ng account ko para masearch niya.

Ilang sandali pa ay nagnotify na iyong app.

"Havoc started following you'"

Finollow back ko naman siya.

"Mythic?"

"Yeah, kakapromote ko lang mula legend." medyo may pagmamalaki kong tugon.

Tumango naman siya.

"Rank." sabi niya at ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng invitation mula sa kanya para maglaro ng rank. In-accept ko naman agad.

Ling yung pinili niya, Ruby naman saakin. Aldous sana kaso banned siya. Nagsimula na kaming maglaro at kuha agad ni Ichabod yung first blood.

Di ko namalayan panay mura na ako, ang gagaling rin kasi ng mga kalaban. Ang kanser lang kasi ng mga kakampi.
Nakatriple kill na naman si Ichabod.

"Nice! Galing talaga." puri ko sa kanya.

"You too." Di ko maiwasang mamula ng pisngi. Purihin ba naman ng mythic na 600 points, malamang lalaki ulo mo.

'*Ehem'

Nabaling ako kay Cole, pansin ko palagi siya tikhim ng tikhim tsaka mukhang parang di komportable sa posisyon.Tinaasan ko lang ng kilay at ibinalik ang tingin sa laro.

Ilang sandali pa...

"Tch, talo. Isa pa!" sabi ko.

Ako nanaman ang nag-invite sa kanya. Iba na naman ang ginamit naming hero. Uranus siya, Kaja ako.

"Hahaha, sunod lang ako sayo, pangsupport." Tank hero kasi yung kanya tapos support/ fighter sakin.

Aliw na aliw ako sa kakalaro ng may humablot bigla sa cellphone ko at sumiksik sa gitna namin ni Ichabod.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang kapal rin ng balat at hindi tinablan.

"Gago, wag kang mang-agaw ng kaligayahan ng ibang tao." sabi ko sabay hablot ng cellphone ko pero di niya binitawan.

Nag-agawan kami hanggang sa mapatay yung hero ko.

"Gago, kanser ka sa lipunan!"

"You just suck."

"Kung gusto mo, maglaro ka sa cellphone mo, di iyong nang-aagaw ka sa iba."

"Trip ko yung sayo, so scram."

Nanlaki yung butas ng ilong ko. Kapal talaga ng bituka ng taong to!

"Ass---"

"YOU! ANONG GINAGAWA MO DITO?! Ang kapal talaga ng apog mong tumapak sa bahay na muntik mo nang masira!" Napatigil kami ng biglang sumigaw si William.

Nagising pala ang lahat sa bangayan namin.

Turo-turo niya si Yohann habang nanlilisik ang mata. Mukhang hindi pa rin humuhupa yung galit nito sa kanya kahit halos magpakamatay na itong sumugod papunta kay William kanina.

Nanatili namang tahimik si Yohann.

Tumayo siya at paika ikang humakbang patungo sa pinto. Wala itong imik kahit sa amin man lang.

Tahimik yung lahat, kahit si Cole ay di alam kung anong gagawin, their friends but their problem is personal at mukhang ayaw din nilang manghimasok or rather, di nila kaya.

It was painful watching Yohann walk away with his head hung low.

I gritted my teeth, ano ba dapat kong gawin?

"Don't ever come near here you son of a bitch, bumalik ka sa squatters kung saan ka nababagay."

Tumigil si Yohann sa paglakad at sa halip ay humakbang ulit papalapit kay William.

Lumapit siya kay William at kwinelyuhan ito, aambahan sana niya ito ng suntok pero di niya tinuloy,

Kita kong tumulo yung luha ni Yohann.

"Di ba pwedeng kapatid nalang tayo, putcha naman dude, sa tingin mo ba ginusto ko ito ha?!"

Biglang sinuntok ni William si Yohann dahilan para mapatayo ako. Shit. Lalapitan ko na sana ng hinawakan ni Cole yung kamay ko.

Their friends are fighting and they just stood their and watch.

Sumalampak sa sahig si Yohann.

"Kapatid? Para ano? Mahuthutan mo ng pera yung pamilya ko? Di ako tanga Yohann."

"Tingin mo ba pera habol ko? Tangna, mahirap kami pero di ako mukhang pera William!"

"Gago sa tingin mo maniniwala ko sayo. Magsama kayo ng ina mo!"

"Labas dito ang mama ko tol."

"Wag mo kong matawag tawag na tol. Sinira ng putang ina mo yung pamilya ko, sinira mo! Sana di ka nalang ipinanganak-----"

Sinugod ni Yohann si William at kwinelyuhan.

"Di ko kasalanang pinanganak ako William! Hanggang kailan ko ba papasanin ang kasalanang di ko naman ginawa tang'na. Ano bang dapat kong gawin para matanggap mo ako kahit kaibigan lang?!"

Tinulak naman ni William ni Yohann dahilan para mapaatras ito.

"Di ko kailangan ng kaibigang tulad mo, magsama kayo ng kabit mong ina---"

"PAAAAAAAK" umalingawngaw sa buong sulod ng bahay yung sampal.

"William Hyde, hindi kita pinalaking ganyan."

Nagulat kaming lahat ng biglang may babaeng sumampal kay William, it was the woman in the painting.

"Ma? I thought you were in Paris?"

"Wag mong ibahin ang usapan William, apologize to Yohann this instant."

"Okay lang po Ma'am."

"Yohann, anong Ma'am? I already told you to call me tita, better yet mama na rin---"

"MA!!!" Galit na bulalas ni William.

"William!" sita naman ng ina ni William.

Rinig ko iyong buntong hininga ni Yohann. Tumalikod na ito.

"Nak? Saan ka pupunta?"

" Uuwi na po ako, pagod na ako."

For some reason ay parang ramdam kong may iba pang kahulugan iyong huli niyang sinabi.

Sinubukan siyang tawagin muli ng ina ni William pero di ito nakinig at humakbang palabas.

Tumahimik iyong buong bahay at ibinaling ng tingin nung ina ni William sa amin, partikular kina Cole, Maxim at Ichabod.

"Why are you boys full of bruises? Don't tell me you got into a fight again?" sabi nito habang nakalagay ang dalawang kamay sa gilid ng bewang.

Before Cole could answer ay napadako ang tingin niya sa akin?

"Ija? Who might you be?" Binalingan niya ng tingin sina Cole. "Kayo! Wag niyong sabihing idinamay niyo ang dalagang ito sa mga kalokohan niyo?" tanong niya habang nakakunot ang noo pero maganda pa rin siya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakuha pang pagtaksilan ng ama ni William ang ginang na ito.

Talo talaga ang mga magaganda sa mga malalandi. Tch.

"Look at her! Ang inosente inosenteng bata dinadamay niyo pa." sermon niya sa kanila. "Are you alright ija? Are you hurt?" Mabilis naman akong umiling.

"What's your name dear?" tanong pa nito.

Nginitian ko siya. "Ahm, Eliza po pala, classmate nina Cole, una na rin po ako. Nice meeting you." Agad akong kumaripas ng takbo palabas ng bahay kahit rinig kong tinatawag pa niya ako.

Hinanap ko si Yohann at naabutan ko naman, mukhang di pa nakakalayo.

"You okay?" Sabi ko sabay akbay sakanya.

"Putcha lang, ang sakit! Tangna!" Sabi niya habang tumingala sa langit.

"Masakit ba talaga yung pagkakabugbog, tanga ka kasi, sugod ka ng sugod." Sabi ko.

"Tangna lang, nakakapagod rin minsan, putchang buhay naman oh!" Patuloy niyang reklamo.

"Mas magandang magdrama pag-umuulan, sa susunod, i-timing mo." Sabi ko habang hinahagod iyong likod niya, mariin niya naman aking tinignan.

"Miss Byutipul, maganda ka pero ang bobo mong magcomfort ng tao."

"Haha gago, wag kang magdrama, manlalaba ka pa."

"Seryoso ako!"

Hinarap ko siya at tinignan sa mata. "You know, I already told you before, wag mong ipilit, mapapagod ka lang. Let him realize your worth, di ikaw yung may kailangang ayusin, he's the one with issues. Let him clear his mind first, alam mo namang makitid ang utak nun."

Napabuntong-hininga naman siya at tumango nalang.

"Salamat." nahihiya niyang sabi.

"May kapalit yung advise, akala mo ah."

"Ano?"

Napakamot naman ako ng ulo.

"Pautang pwede? Wala kasi akong pamasahe pauwi."

....

Thanks for the patience.
Sorry sa ML jargons, kaway kaway sa mga players diyan.
-GX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top