Chapter 35:At Enemy Base
Pagkababa niya ng telepono ay agad akong hinila ni Cole palabas sa shop at iniwan iyong mga pinamili niya. It was almost our turn on the counter nang umalis kami.
Halos pinalipad niya na iyong sasakyan sa bilis niyang magmaneho na panay pa ang mura. I just kept silent on the whole ride grasping my seatbelt tightly.
Pagkarating namin sa harap ng IU ay nandoon na nakaabang sina Ichabod at Maxim sa mismong labas ng gate.
Hindi pa man tuluyang nakakahinto iyong sasakyan ay nagsitalunan na sila papasok dito.
Agad sinabi ni Maxim kung saan dinala si William. Mabilis namang pinasibad ni Cole ang sasakyan sa kung saan mang lugar ang sinabi ni Maxim.
"Nasaan si Yohann?" biglang tanong ni Cole. Doon ko lang din napansin na wala pala si Yohann sa sasakyan.
"Pagkaalam niyang kinidnap si William ay agad siyang dumiretso doon. Hiniram niya yung motor ko, ni hindi man lang ako hinintay. Pasensya na di namin napigilan, halatang mas mahal si William kesa satin." parang nagtatampong sumbong ni Maxim.
Ang dami nang sasakyan ang na-overtake namin dahil sa bilis ni Cole na magmaneho at doon lang ako natauhan.
"Wait, bakit nasama ako dito?!"
"Fuck!" Biglang bulalas ni Cole nang muntik kaming bumanga sa isang sasakyan.
Good thing I wore my seatbelt. Mukhang nakalimutan niyang nandito pa ako.
"Wala kaming panahon para ibaba ka, kung di ka naman tanga sana bumaba ka kanina." sabi pa niya.
"Then just shut up and drive, it's partly your fault." Inirapan ko nalang siya. Mabilis kasi ang pangyayari kanina. Hindi naman ako pwedeng bumaba na, I don't have my wallet with me dahil sa kadahilanang bigla bigla nalang akong kinaladkad ng isang gago sa kung saan.
Maglalaro lang naman dapat sana ako pero bakit ako napunta sa sitwasyong ito.
"Stupid nerd."
"Asshole."
Pumagitna naman si Maxim.
"Teka lang, awat muna, unahin muna nating iligtas sina William baka madisgrasya pa tayo ng wala sa oras. Hindi pa nga natin naisasagawa iyong plano."
If the situation wasn't that grave, mapapatawa na ako, they plan to kidnap William pero naunahan sila.
Napaikot nalang ako ng mata at ibinaling ang tingin sa labas. Napalingon ako sa side mirror.
Napansin kong may hawak-hawak na garapon si Maxim.
Binalingan ko naman siya. "Ano yan?"
"Isang ipis binibini. Higit na matakutin si William sa ipis, balak sana naming takutin siyang makipag-ayos kay Yohann gamit nito." pagmamalaki nito sa plano nila na para bang napakaganda ng plano nila.
Muntik na akong masamid.
"That was your plan?" baling ko kay Cole na seryosong nagmamaneho. That's the dumbest plan I've ever heard, at mukhang seryoso pa silang nagpupulong kanina. "The more I hear about your plan, the dumber it sounds."
Inagaw ko mula kay Maxim iyong garapon at pinagmasdan iyong kawawang ipis. It's actually cute. While the atmosphere was tense ay itinuon ko nalang ang pansin sa ipis kesa sa taong mukhang ipis na gusto mong patay pero di mo mapatay-patay.
Ilang minuto pa ang lumipas, napansin kong pumarada ang sasakyan sa likod ng isang bakanteng lote, katabi nito ay isang malaking abandunadong gusali.
Nagsilabasan naman sila.
"Stay there and don't be stupid, stupid nerd." sabi ni Cole.
Bago ko pa man siya mamura ay mabilis silang pumasok sa abandonadong gusali.
Taena, anong akala niya sa akin, bata?
Napasandal nalang ako sa upuan at ipinatong ang paa sa dashboard ng sasakyan at inadjust yung upuan para makahiga ako.
Naghanap ako ng maaaliwan and I found playmate.
After a minute of staring contest with the cockroach ay inilibot ko ang tingin sa pwedeng paglibangan.
Iniwan ni Cole ang susi sa sasakyan. I could drive his car around and crash it then I'll blame it on the cockroach o kaya pwede kong ibenta iyong sasakyan niya sa isang chop chop shop, that way mas makikinabang ako.
Napabaling naman ang atensyon ko sa ipis na nasa garapon and I found it staring back at me.
'Sundan mo sila' I heard it said to me telepathically.
"You're right." usal ko.
Lumabas ako sa sasakyan at naglakad patungo sa gusali.
Tumigil ako at bumalik sa sasakyan. I think the cockroach also wants to see Cole getting beaten up.
Dala-dala ang garapon ay nagpunta na kami doon.
Maingat akong naglakad papunta sa loob kung saan maingay.
Iginala ko ang tingin sa buong bodega. There were more or less thirty person in here excluding Cole's gang.
Tingnan mo nga naman ang gago, sinasabihan pa akong bobo eh sila nga itong basta basta nalang sumusugod kahit walang plano.
Napailing nalang ako.
"Asan si William? Mga duwag."
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero sa huli, nasa kamay parin namin ang kaibigan mo at mamamatay kayo sa bugbog ngayong araw. Taena pagbabayaran niyo ang pagbabangga niyo sa amin."
Buhat-buhat ng dalawang kasamahan nila ay inilabas nila si William na walang malay at puno ng galos.
Sinundan din ito ng dalawa pa na akay-akay si Yohann at walang pasubaling ihinagis sa harap nina Cole.
Agad namang bumangon si Yohann na tinulungan ni Maxim.
"Pagsabihan mo iyang bobong yan, akala mo kung sinong sumugod mag-isa wala namang binatbat. Pwe."
Napailing nalang ako. That dimwit. He's got guts only, walang utak. Ano ba kasing pumasok sa kokote at basta basta nalang sumugod?
Alam kong mahal niya si William bilang kapatid but this is just plain stupidity.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito ha?" Napaigtad naman ako nang may tumapik sa balikat ko dahilan para malaglag iyong garapon at mabasag. Lumikha ito ng malakas na tunog kaya biglang tumahimik ang paligid.
Mabilis namang tumakas palayo iyong ipis mula sa mga bubog.
Habang sinusundan ko iyong ipis ng tingin ay pansin kong halos lahat ng mata ay nasa akin.
Talk about awkward.
Napalingon ako kina Cole at nakita kong naningkit iyong mga mata niyang nakatingin sa akin.
"I told you to stay in the car. Are you that dumb?" singhal ni Cole sa akin.
I gave a deadly glare, hindi sa kay Cole o sa mga kalaban kundi sa taenang ipis na iyon.
Kung hindi niya ako kinumbinsing sumunod sa kanila hindi ako matatawag na bobo ng hinayupak na lalaking ito.
Napadaing naman ako ng diinan nung lalaking nakahuli sa akin iyong balikat ko.
"Gerlprend mo? Taena mas mababaw pa pala standards mo kesa sakin." sabi naman nung lider nila na nakatingin saakin
I gritted my teeth in anger.
Nagtawanan ang mga hinyupak at kinuha ko iyong tsansa para tuhurin sa gitna iyong may hawak sa akin at mabilis na pumunta kina Cole.
I really wish to pluck out a teeth or two pero baka magtaka sila. Right now I need to pretend weak, especially now that the bet is still a few weeks away from ending.
Hinila naman ni Cole ang kamay ko at hinila ako papunta sa likod niya.
"Stupid nerd." Rinig kong bulalas niya ng mahina.
Tumahimik nalang ako.
Pinaligiran nila kami at nagsisugod na sila. Kahit duguan na si Yohann at puno ng galos ay patuloy parin ito sa pagsalag ng atake ng mga kalaban.
Higit sa mga tatlumpo ang mga ito at lima lang kami, bukod kay William na walang malay.
Gusto ko rin sanang tumulong kaso ang higpit ng hawak ni Cole sa kamay ko. He's using his legs and his right hand to fight habang hawak hawak ako kaya tuwing nakikipaglaban siya ay nadadala ako. It's damn irritating.
Pilit kong kinalas iyong kamay niya pero mas lalo niyang hinigpitan.
"Stupid nerd"
"Bitawan mo ako!"
"No, if I let you go, you'll do something stupid again like die. Your dead weight. Ayokong madawit. "
Kaliwa't kanang ang sumusugod na kalaban and we were outnumbered.
Panay tadyak, ilag at suntok naman si Cole. Magrereklamo sana akong unti -unting humihigpit yung hawak niya sa kamay ko kaso seryoso ito sa pakikipaglaban. Pasimple ko na lang ding sinisipa yung mga kalabang umaatake sa likod niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tila wala ng katapusan sa pakikipaglaban. Naririnig ko na ang mga mabibigat na hangos ni Cole. They keep on attacking, when they're knocked down, they get up and attack again, parang naka-drugs.
May mga galos na din si Cole sa mukha at pasa sa katawan. Napapansin ko ring bumabagal na din iyong mga kilos niya.
Napatingin ako kina Maxim, Ichabod at Yohann. Walang malay na si Yohann habang si Maxim ay nakadapa na, Ichabod was left standing and is on a defensive stance, inaatake niya iyong mga sususugod papunta kina Maxim at Yohann.
Nabawasan na ang mga kalaban kahit papano but we were still outnumbered. Tables would've turned kung nakakalaban lang sina Yohann at William but they're too beat up to move.
"Taena mo! Pipilayan kitang ungas ka!" Habang abala si Cole sa umaatake sa kanya ay may sumugod sa amin mula sa likod.
May hawak itong tubo at sumugod sa amin.
Sasalagin ko na sana nang bigla akong niyakap ni Cole and he dealt with the blow instead. Napatumba siya at damay din ako dahil yakap yakap niya ako.
"Fuck!" daing niya dahil sa sakit.
"You're stupid." wika ko sa kanya. Kayang-kaya ko naman iyong salagin, bobo rin tong gustong magpakabayani ng wala sa lugar.
He glared at me despite him wincing in pain. "I just saved your life."
"Unang una, I didn't ask you to and you're exaggerating."
Magsasalita pa sana siya ng sumingit iyong pinakalider nanaman.
"Tama na yan. Taena. Nanlalambing pa sa kalagitnaan ng laban eh. Hala, bugbugin yan ng husto, isunod nyo na rin yung pangit niyang syota."
Di ko na pinansin iyong huling sinabi niya dahil pansin ko yung bawat sipa nila kay Cole habang nasa ibabaw ko siya.
Narealize kong may pagkagentleman rin pala ang gago, he was shielding me from the attacks under him o sadyang di lang talaga siya makakilos mula sa pagkabagsak.
Rinig ko yung ungol niya habang hinahampas siya. Pain was laced all over his face. Nagsimula na akong kabahan. Sinasabi ko na nga ba, I should've stayed in the car.
Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay biglang may sumigaw.
"Putchang tinola! May raket pa ako eh, manlalaba ka talaga samin mamaya Carpio! Handa na yung mga brief ko!"
Nabuhayan naman ako ng loob ng makilala yung boses na iyon.
Terrence Madrigal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top