Chapter 34:The Plan
Tatlong araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapansinan si William at Yohann. Sa tatlong araw na yun ay palaging sumasama sa amin si Yohann maging sa tanghalian kung kailan kami nagkikita-kita.
Pagkatapos noong malaman ni Hyron yung tungkol kay Eliza ay wala namang nagbago sa pagtrato niya sa akin at sa halip ay mas lumala pa nga.
Mas lalo siyang umingay at kung ano ano pa ang lumalabas sa bibig niya. His reason, hindi naman daw ako Eliza kaya kahit maturn-off daw ako, okay lang. Hindi na rin siya naiirita kay Yohann tuwing sumasama sa amin at mukhang close na close pa sila. I can't believe he accepted it that easily.
Although there were a few changes. Minsan ay nakiki-upo rin sa amin si Maxim. Hindi daw kasi nito maatim na humihiwalay si Yohann at William sa barkada kaya minsan ay sumasama ito kay Yohann o William.
Break time na ngayon at kahapon lang ay sa kay William sumama si Maxim kaya ngayon, pinilit niyang sumama sa amin. Schedule yata nila ngayon kay William.
Siksikan na kami sa inuupuan namin. Kung madadagdagan pa ng isang tao ang umaaligid sa akin, I'll ditch them all, four is usually my limit and now I'm barely hanging on.
"How are you and William doing?" tanong ko kay Yohann.
Sinubukan kasi niyang kausapin si William pero nagmatigas ito at di parin siya pinapansin.
Pinabalik ko siya sa dati niyang upuan pero sa huli ay si William naman ang lumipat sa tabi ko. Ako iyong na-iistress sa kanila.
Sa huli, Yohann gave up. That's his problem, he easily gave up. It's not my problem anyway kaya di ko na siya muling kinumbinsi. Tsaka alam kong masakit ang ipagtulakan ang sarili sa iba kahit ayaw nila, I was shipped of to the other side of the world by my parents, I had been in that stage where I tried to fix it, palagi ko silang tinatawagan noon, umaasang ibabalik nila ako but I got rejected everytime. I stopped after a year.
I realized that sometimes, you just have to give up. Not everything can be fixed with an iron will. Ba't naman ako makikialam sa kanila at kumbinsihin ito kung masasaktan siya. Tss.
"Dedma parin sakin eh." malungkot niyang sagot.
"Wag kang mawawalan ng pag-asa, magkakabalikan rin kayo." sabi namam ni Maxim habang tinapik tapik sa balikat si Yohann.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Taena mo Maxim, pinapalabas mong naghiwalay kami eh. Ano kami, bakla?"
"Hindi ba?"
"Gusto mong masuntok Maxim? Lumayas ka nga dito, nakikisiksik na na naman samin eh." pagtataboy ni Yohann.
"Akala ko ba magkaibigan tayo, bakit pakiramdam kong mas pinipili mo sila kesa sa amin? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa kanila ka sumasabay." nagtatampong sabi ni Maxim.
Kinabahan naman ako at baka saan pa mapunta iyong usapan nila at mabulgar pa ako. I need to cut in.
"Uuuuy wag kang matakaw Eli!!!" Mabilis kong hinablot iyong paboritong fried chicken ni Hyron at nilantakan. It was enough to cut their conversation dahil sa lakas ng himutok ni Hyron.
"You food stealer, matakaw, walang konsensya, mataba, mabilbil---"
I sent him a deadly glare. How dare he call me fat.
"Who you calling fat you stu---"
"Sayo nalang to Hyron oh." sabat ni Zia sabay bigay nung fried chicken niya.
She thinks I haven't noticed that she deliberately cut me off. Simula nung nakita niya kami ni Hyron noong magtapat ito sa akin ay parang may nagbago na sa pakikitungo niya sa akin. Tuwing binabatukan ko si Hyron dahil sa kakulitan nito ay napapansin kong pasikreto niya akong tinatapunan ng masamang tingin.
Sumasama parin siya sa amin pero panay lingkis nito kay Hyron na hindi naman ito pinapansin.
It's pretty annoying pero di ko nalang pinapansin as long as she doesn't touch me and my hair.
I just raised a brow at her which I didn't bother to hide.
Pagkatapos nun ay mabilis natapos ang tanghalian namin. Walang masyadong napag-usapan.
Maxim invited Yohann somewhere pero gaya noon ay tinatanggihan niya parin.
..
Waiting for our next subject was boring. Nakatambay lang ako sa silid kaya napagpasyahan kong lumabas. Mahina iyong signal doon kaya lumabas ako para makapag-ML.
Naghahanap ako ng malakas na signal ng mahagip ng mata ko sina Maxim, Ichabod at Cole. Parang may seryosong pinag-uusapan yung tatlo. It seems like they're up to something.
Lalampasan ko na sana sila ng biglang may humila sa damit ko paatras. Muntik na akong matumba kaya napasandal ako sa humila sa akin.
Agad naman niya akong itinulak palayo. Taena.
"What's your problem?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Tinutukan niya lang ako na parang wala lang sa kanya ang mga masamang titig ko.
"You're coming with me."
Tinapik naman ni Maxim ang balikat ni Cole. "Boss. Kita nalang tayo mamaya, kukunin ko na iyong kailangan." sabi nito
"I'll do the preparations." tipid namang saad ni Ichabod.
Nagsitango silang tatlo at umalis na sina Ichabod at Maxim. Mukhang seryoso iyong pinag-usapan nila, even Ichabod spoke four words.
Nagsimula naman siyang maglakad hila-hila ako kaya pilit kong kinalas iyong kamay niya sa necktie ko. Nagmumukha kasi akong asong hila-hila niya.
"Bitawan mo ako."
"Tss." Binitiwan naman niya ako pero lumipat iyong kamay niya sa braso ko.
Before I knew it, I was dragged by him.
"San mo ba ako dadalhin?"
"Just shut your mouth."
Naglakad kaming hila hila niya ako sa hallway.
Hindi pa oras ng klase kaya marami pa ang nagkalat na estudyante sa paligid.
I felt like killing him nang makitang pinagtitinginan kami. Some are whispering, and girls are glaring at me but none dared to block our path.
Natigilan naman ako ng makitang papalabas kami ng building at patungo sa parking lot.
"Where are we going?"
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paghila saakin kaya nagpumiglas ako. Baka saan pa ako dalhin ng taong ito. For all I know baka ibebenta niya lahat ng laman loob ko.
"If you piss me off, bubuhatin kita."
"As if hahayaan kita-----the fuck!" Hindi ko napaghandaan nang bigla nalang akong umangat sa lupa. Binuhat niya ako sa balikat niya na parang sako.
"It really amaze me how you can cuss."
"Taena mo, put me down you jerk." sabi ko habang sinusuntok ang likod niya.
Napamura naman siya, nilakasan ko talaga sa pagsuntok sa kanya.
"Fuck, wag ka masyadong malikot or people will see your panties."
It was not a reminder out of concern, it was a threat, 3 inch above the knees ang haba ng palda at dahil buhat buhat niya ako sa balikat niya ay tiyak may makikita talaga. It's a good thing I always wore cycling shorts underneath.
"You pervert, ibaba mo ako."
"I'll seriously drop you if you move too much."
I can't help but grind my teeth together.
Dahil wala namang patutunguhan kung makikiusap ako ay nanahimik nalang ako.
I give up.
"Good, you finally learned to shut up."
"Don't piss me off than you already do baka ma-utot ako." I grumpily said.
I'll really fart if I could. My butt is in close proximity to his face, di ako mangingiming gawin yun. His displeasure is my happiness.
"You're disgusting."
"You're an asshole." I retorted.
Pinasan niya parin ako hanggang sa ibinagsak niya ako sa sasakyan, it had no hood kaya parang sako niya akong ihinagis sa backseat. The car was different from last time. Ang yaman talaga ng gagong to, ang daming sasakyan.
"I'll kill you someday and I'll happily brag about it in jail." I crossed my arms and glared at him.
"Keep talking, as if somebody cares."
"You're an asshole."
"Stupid nerd." Balik niya naman.
Di na niya ako pinansin at pinaandar na ang sasakyan niya.
We went out of the school with no problems. Ni hindi man lang kami pinatigil ng gwardiyang nakabantay sa gate.
Damn him and his connections, samantalang ako, aakyat pa ng pader para makalabas.
May nakita akong chips sa backseat kaya binuksan ko nalang at kinain. It was almost a ten minute drive and the only thing I could do was to eat the chips louder to annoy him. Sa huli ay nagpatugtog nalang siya sa radyo at di ako pinansin. Napaikot nalang ako ng mata.
Napansin kong pumunta kami sa sentro ng siyudad at huminto sa isang hardware shop.
"Tara."
Inirapan ko lang siya.
Ngumisi naman siya at pinarada ang sasakyan sa mainit na parte.
"You're choice kung di mo gustong maging prinitong pusit. Mukha ka nang pusit, kulang nalang ng prito."
Sinamaan ko uli siya ng tingin at lumabas. Padabog ko namang isinara iyong pinto ng sasakyan at ipinagdarasal na masira iyon.
Nang makalabas ako ay may pinindot naman siya para automatic na lumabas yung hood.
"Asshole." bulong ko sa sarili.
Sinundan ko nalang siya sa loob ng shop. Kumuha siya ng basket tsaka ihinagis sa akin.
Langya, kaya ba ako dinala dito para bumitbit ng pinamili niya?
"Do I look like a maid to you?" sabi ko sabay hagis sa basket pabalik sa kanya.
"You look worse." sagot niya naman sabay pasa uli sa akin sa basket.
I glared at him. "Asshole."
"Stupid nerd."
Naglakad siya sa isle ng mga tali at inutusan iyong salesman na pumutol ng ilang metro.
"Para san ba to?" kunot-noo kong tanong.
"I'll tell you later, if you cooperate. "
Napasimangot nalang ako pero sumunod parin sa kanya.
Habang umiikot kami sa buong shop ay mukhang may pinaplanong itong kidnapping base sa kinukuha niya.
Ropes, duct tape, mask, trash bag?
Nagtaka ako dun sa trash bag? My mind went over the fence. May ididispatsa ba sila? He's not planning to dump me in a river is he?
"We're planning to force the two dipshits back together." bigla niyang sabi. Mukhang halata sa mukha ko iyong iniisip ko.
Now that I know kung para kanino ang pinagpaplanuhan nila ay medyo naliwanagan ako. Buti nalang at hindi pala para sa akin iyon.
But it's nice to know that they really do care about each other kahit na kakaiba iyong pinaplano nila para pagbatiin ang dalawa. Pero, kakaiba parin yung plano nila. I wonder who came up with it?
Napatiklop naman ako ng mga braso ko sa dibdib ko. "Ano namang kinalaman ko dito?"
"You'll be the one to lure them at our intended place. I don't know why pero naging malapit na kayo ni Yohann at naging katabi mo narin si William, they will not suspect you."
Hindi ko mapigilang mapatawa.
"I'll pretend your plan isn't lame."
"You got a better idea, stupid nerd?" Hamon niya.
"Yeah. About a hundred."
"You sayin' we're dumb?"
"Ikaw ang nagsabi nyan at hindi ako."
*Riiiiiiiiiiing~~~~
Our deadly glares were cut of nang tumunog ang cellphone niya.
May tumatawag sa kanya at sinagot niya naman. Dahil malapit lang ako sa kanya ay rinig ko yung sa kabila.
"Dude! Si William niresbakan nung nakalaban natin dati, kinidnap nila!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top