Chapter 31

The next day, balik sa buhay nerd na naman.

Pagkatapak ko palang sa gate ng eskwelahan ay biglang may umakbay sa akin.

"Morning Eli." masagana nitong bati.

"Yeah." tipid kong sabi.

Ramdam ko namang napalabi siya. "Eli! Saan ka kahapon? Hinanap kita sa room mo pero wala ka ron?"

"I skipped class." simple kong sabi.

Natigilan naman siya sa paglalakad at tinignan ako na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. "Namali yata ako ng rinig. Paki-ulit."

Inikot ko yung mata ko tsaka nagpatuloy maglakad, humabol naman siya. Inakbayan niya ako nang makasalubong namin si Yohann.

Nagkatagpo kami ng tingin ni Yohann. Pansin ko iyong tingin niya sa akin. He was intently looking at me.

Nagpanggap naman akong hindi siya nakita at nilampasan na lang.

"Hey! Eli, you skipped class. I'm so proud of you. Sunod naman imbitahan mo ako." rinig kong talak ni Hyron kaya muling nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Nasa harap na tayo ng room mo. Pumasok ka na." sabi ko kay Hyron.

Umiling naman siya. "Ihahatid muna kita sa room mo Eli, gentleman ako." He said as he puffed his chest.

Sinamaan ko naman siya ng tinginat mukhng natakot naman.

"Hehe, may assignment pa pala akong di nagagawa, sige pasok na ako." sabi niya at mabilis na pumasok sa room.

Naglalakad ako sa hallway ng pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Nang may tumapik sa balikat ko ay bahagya akong nagulat. Nilingon ko ito at nakita si Yohann na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano?" sabi ko habang blankong nakatingin sa kanya.

Hindi ko mabasa anong nasa isip niya pero mukhang seryoso.

"May gusto sana akong pag-usapan." sambit niya sabay ngiti ng tipid sa akin.

Tumango naman ako.

May kutob ako kung tungkol saan ito pero ayaw kong aminin.

Sinundan ko siya papunta sa isang bakanteng silid.

"Anong kailangan mo sa akin?" Diretso kong tanong nang masiguradong walang ibang tao sa paligid.

Ipinakita niya iyong ibinigay kong panyo.

Matagal kong tinignan iyon bago maintindihan ang ibig sabihin niya.

"Aanhin ko naman yan?" walang kaemosyon emosyon kong sabi hiding the fact that I'm feeling fucked up. Mukhang naiwan ko sa kanila. Mainit kasi sa kanila kaya inilabas dahil pawis na pawis ako. Nakalimutan ko pala dun.

Nginitian niya naman ako.

"Nakita mo naman lahat ng mga medals at trophies ko sa bahay diba. Hindi lang yun props. Hindi ako bobo. Miss Byutipul."

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo? Leave me alone. Kung ano man ang ibig mong iparating, wala kang makukuha sa akin."

Napakuyom naman ako ng kamao ko sa loob ng bulsa. Shit, bakit ba buking na naman. Akala ko mdali kang toh.

"Wala ba talaga? This was the one you offered to me when I was beaten by William, pano ba toh napadpad kay Don?" sabi niya na parang sinusubok ako. I didn't expect this from him.

Nagkibit balikat naman ako.

"She could just have the same design as mine." I said while maintaining my cool, if I crack now, mahahalata niya.

"Patunayan mo, asan ang saiyo."

Sabi niya sabay lahad ng kamay.

"I don't bring the same handkerchief everyday. Malamang nasa labahan iyon. Sa simpleng panyo at pagkawala ko sa klase ay inaakusahan mo na ako?"

He smirked at me na para bang marami pang ebidensyang ibabato sa akin.

"Kahapon, ikaw lang ang nakakita sa amin ni William sa ginagawang gusali pero pano nalaman ni Miss Byutipul na nag-away kami pwera nalang kung may koneksyon kayo sa isa't isa at sinabi mo sa kanya pero malayo yung mangyari."

Naalala ko iyong sinabi ko kahapon.

" *Ehem* Hindi ako sanay na ganito ka. Hindi ko alam kung anong problema niyo ni William. I'm not gonna interfere. Make sure to sort it out quick. I like you better when you're back to your old self."

Masyado akong nagpadala sa mga kwento niya na di ko namalayang nagkamali pala ako ng sabi.

Damn.

I chose the best possible option. Escape.

"Kung sino mang babaeng hinahanap mo, hindi ako yun. Leave me alone."
Tatalikod na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Teka!"

Lumingon ako sa kanya ng bigla niya akong inatake. He threw a punch directly to my face, acting on reflex ay bigla ko itong sinalag.

Napangisi naman siya as if he'd proven a point.

"Itatangi mo pa ba? O tatanungin ko pa si Cole kung may katabi ba siya sa klase sa hapon kahapon?" nakangisi niyang sabi.

Napabuntong hininga naman ako. I lost. Mukhang imposibleng mapaniwala ang lalaking to. Hindi ko akalaong may utak din pala to, hindi lang halata.

"Just one question, you weren't really planning on punching me on the face were you?" sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.

"Hehe! Hindi ah. Hindi ako sumusuntok ng babae lalo na sa iyo, Miss Byutipul."

"Good answer"

I grabbed his shirt with my other hand and flipped him to the ground.

"Arayy! Akala ko ba okay na!" sabi niya habang nakasalpak parin sa sahig.

"It could've been worse." sabi ko habang inilalahad ang kamay sa kanya para itayo at tinanggap niya naman.

"What do you want?"

"Huh?" Naguguluhan niyang sabi.

"You went all this way to confront me,  anong gusto mo?"

There must be some catch.

"Wala, pinapatunayan ko lang sa sarili ko." Napasuntok siya sa hangin. "Ang talino ko talaga, pwede ko nang palitan si Detective Conan."

Napataas nalang ako ng kilay. I really have no idea how his mind works.

"I hope you're not gonna tell it to your friends lalo na sa kumag na iyon."

"Oo naman Miss Byutipul, makaka-asa ka. " sabi niya sabay saludo sa akin.

"Good." sabi ko sabay talikod na.

Una akong lumabas at pumunta na sa classroom.

Ilang minuto pa ay sumunod na din siya kasabay ang katropa niya.

Pagkapasok nila ay palipat parin ang tingin ko kay Cole at kay Yohann.

May konting kaba parin akong nararamdaman kahit sinabi nitong di niya ibubunyag sa katropa niya yung sikreto ko.

Nakahinga naman ako ng malalim ng nilampasan ako ni Cole but not before giving me a mischievous smile.

Kasunod naman si Yohann na pasikretong kinindatan ako. Napaikot nalang ako ng mata.

Kulang sila ng isa, si William.

Sumunod naman si Selena na bumubuntot sa kanila.

I really don't care, as long as di nanaman maisipan ng gunggong na yun na manggulo ng araw at tumabi sa akin.

Lunch came, gaya ng dati ay sinundo ako nina Zia at Hyron sa classroom bago pumunta sa cafeteria kung saan nandoon na si Jethro na nagbabantay sa mesa namin.

Hindi pa ako nakakasubo ng sumulpot si Yohann dala ang isang tray na may pagkain.

"Hey, pwede maki-upo?" tanong nito habang malawak na nakangiti.

Iginala ko iyong tingin ko sa paligid. Marami pa namang bakante.

Talagang kilalang makapal ang mukha nito ay sumiksik siya kay Jethro para umupo kahit wala pang sumasagot sa amin sa tanong niya. Wala namang reklamo si Jethro dahil mukhang natakot. He's still a member of Cole's gang after all.

"Bakit ka nakikisiksik sa amin,nasaan iyong barkada mo?" usisa ni Hyron habang nakakunot noo, mukhang ayaw nitong nandito si Yohann.

Napalabi naman si Yohann."Sa labas sila kumain eh." sagot niya habang nginunguya iyong pagkain niya.

Hyron narrowed his eyes at him na parang gusto pa niya itong gisahin ng tanong. "Eh bakit di ka kasama---Eli!"

"Akin na lang to." Mabilis kong ninakaw iyong paborito niyang fried chicken para mapigilan ang bunganga ng isang to.

Kanina lang sa klase ay huling dumating si William pero laking gulat ng lahat ng tumabi ito sa akin sa halip na sa tabi ni Yohann. Mukhang di pa sila nagkakaayos hanggang ngayon.

"Eli! May pagkain ka na naman ah. Bakit ka nagnanakaw ng pagkain ng iba?" muling reklamo ni Hyron.

"Ang daldal mo kasi akala ko di ka na kakain." sabi ko tsaka nilantakan iyong fried chicken niya.

"Sa iyo nalang itong akin, nabusog na kasi ako kanina." sabi naman ni Zia sabay bigay yung sa kanya.

Nagliwanag naman ang mga mata nito habang ginantihan ito ng malawak na ngiti. "Uy, thank you classmate! Buti ka pa kesa sa iba diyan." sabi niya habang pinariringgan ako. Nagtaas lang ako ng kilay.

Manhid din tong lalaking to eh. Napabuntong hininga naman ako.

Our lunch went noisily. Noon ay si Hyron lang nag-iingay ngayon ay dumagdag na si Yohann. I initially thought na magkakamabutihan ang dalawa dahil halos magkapareho sila ng ugali, pero si Hyron reklamo ng reklamo tungkol kay Yohann at ito naman ay palaging nagsasabi ng mga corny na joke.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa mesa. Ang daming langaw bwisit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top