Chapter 30

Agad kong hinawakan ang buhok ko. Mukhang sanay sa sabunutan ang isang toh. "Malandi kang babae ka, anong ginagawa mo sa Yohann ko? Malandi kang haliparot ka!" sabi nito na may gigil.

Damn it!

Mabilis ko namang hinawakan ang dalawa niyang kamay at hinigpitan. My nails were digging on her skin kaya napabitaw siya. Inikot ko naman siya hawak ang isa niyang braso na ngayon ay nasa likod niya.

Nasa likod niya ako habang pinipilipit yung isang braso niya. I grabbed a handful of her hair dahilan para matingala siya.

Napahiyaw naman siya sa sakit.

Good! Feel the pain, bitch.

Yung isa niyang kamay ay pinipilit pang abutin ang buhok ko kaya mas nilakasan ko pa ang paghila sa buhok niya.

"Don't try me, wench."  I hissed. "Wag kang manghamon ng sabunutan kung hanggang diyan lang ang kaya mo. Pangalawa, wag mo akong tawaging malandi dahil di mo pa ako kilala. I don't like being judged so quickly. " Inilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya."Next time you touch my hair again, makikita mo ang sariling naghuhukay ng sariling libingan."

Binitiwan ko nang buhok niya at lumayo ng konti sa kanya. Napatawa naman ako dahil may buhok pa niya ang natira sa kamay ko.

"You must be using some cheap shampoo, ang dami mong hairfall." pang-aasar kong sabi. She got angrier. Mukhang hindi pa siya talaga natuto at muling sumugod sa akin.

I was gonna kick her face nang biglang pumasok sa eksena si Terrence. "Thelma!" sigaw nito at agad niyang hinila ito papalayo sa akin.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" galit na tanong ni Terrence dito.

"Kuya, pinagsasalamantahan niya si Yohann. Nilalandi niya si Yohann ko!" sumbong nito at nagpupumiglas pa.

I thought wala nang mas lalala pa sa mga babaeng kakampon ni Regine, may mas malala pa pala.

Inayos ko muna ang buhok ko at humarap sa kanya.

I was partly pissed at Terrence dahil kung di siya dumating, kanina pa sumusuka ng dugo ang babaeng to.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napataas ang isang kilay ko.

"Hulaan ko lang, ikaw ang ampon o siya?" tanong ko kay Terrence.

"Ha?"

May itsura naman si Terrence, but I just can't see a trace of beauty in the wench. Ni hindi niya kayang tapatan ang kuko ko or I was just being biased.  Puno rin ng make-up ang mukha eh naka-damit pambahay lang naman.

"Nevermind."

Bigla namang sumulpod si Don. "Ate, tapos na-"

Napalingon silang dalawa kay Don.

"Hoy Don, akala mo ba makakalimutan---Ate?!!!" Parang lalabas na sa kinalalagyan iyong mata ni Terrence. He looks so shocked. Mabilis naman itong lumapit sa kanya at nilagay ang likod ng palad niya sa noo ni Don.

"Putcha! Linalagnat ka ba? Sinapian ka ba ng santong dinasalan mo? Gago wag kang magbiro ng ganyan. Di nakakatawa. Ako? Kilala mo pa ako?" natatarantang untag ni Terrence kanya. Itinulak naman ni Don ang kamay nito papalayo sa noo niya.

Malamig lang siyang tinignan ni Don. "Akala ko ba maliligo ka? Bakit amoy tae ka parin?" sambit pa nito.

Nandilim naman iyong mukha ni Terrence.

"Walang utang na loob kang hinayupak ka! Walang tubig kaya mahaba ang pila, isang tabo lang naigib ko. Tsaka hindi ako amoy tae!"

Habang nagkakapisikalan ang dalawa ay pansin ko ang talim ng titig nung babae sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. I'm not fucking done with her yet. Subukan lang niyang magpakita ulit sa akin at makikita niya ang hinahanap niya.

"Hi Don." baling naman ng pabebeng pigsa kay Don.

Sa halip na batiin ito ay parang wala man lang itong narinig at sinamaan muli ng tingin si Terrence. "Hoy Terrence, umalis ka na! " taboy nito.

"Uuuurrggh!" padabog na lumabas yung baliw na babae dahil wala namang pumapansin sa kanya.

Si Terrence naman ay parang walang narinig at nagtungo sa kusina na parang may inaamoy. "Uy pansit canton!"  sabik na sigaw nito. Bago pa man niya lantakan ay mabilis na kinuha ni Don ang plato sa harap ni Terrence.

"Ang baboy mo Terrence." sambit na naman niya dito. Nang maamoy ko yung pansit canton ay biglang kumalam iyong sikmura ko. Agad kong kinuha mula kay Don iyong pansit canton at nilantakan.

"Thanks." Pasalamat ko naman sa kanya. May manners parin naman ako kahit papano.

Pabalik balik ng tingin sa akin, sa kay Don at sa pansit canton si Terrence. May sapak talaga sa ulo ang lalaking ito. This time I'm sure.

"Uh, anong nangyare?"  biglang bumangon si Yohann habang hinimas-himas iyong ulo niya.

Marahas siyang binalingan ni Terrence. Mabilis itong lumapit sa kanya at inalog -alog siya. "Putcha, Carpio! Iyong kapatid mo naghimala!"

"Wha-Huh?" Mahinang usal ni Yohann na mukhang naguguluhan pa sa nangayayari sa paligid niya. Napakunot siya na sa tingin ko ay nahihilo na sa kakaalog ni Terrence.

Muli na namang sumapol sa mukha nito ang tsinelas ni Don. "Ay tangna!" mura ni Terrence..

"Miss Byutipul? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yohann nang mapansin ako.

Nagkibit balikat lang ako, tinatamad akong magpaliwanag tsaka puno pa iyong bibig ko.

May biglang babaeng sumiwang sa pintuan pero hindi ito iyong babae kanina. Kaedad ito ni Don at halatang mahiyain. Kahawig ito ni Terrence, maliit ang mukha at morena.

"Kuya." malumanay na tawag niya dito.

Lumapit naman si Terrence sa babae.
"Anong kailangan mo?"

"Kuya, pabili ng napkin tsaka buscopan, masakit kasi puson ko." pabulong niyang sabi pero rinig parin dahil malapit lang naman kami. Hindi ko mapigilang pakinggan ang usapan nila.

"Bakit ako?! San ba yung ate mo?" sabi naman nito habang nakakunot ang noo.

"Mainit ang ulo eh, ayaw pumayag." napalabi nitong sagot.

"Naman oh!" bulalas ni Terrence habang napahilamos sa mukha.

"Ako nalang."  Napalingon ako sa likod ko. Nakikinig rin pala si Don sa usapan. Siya iyong nagsalita.

Napansin ko namang namula ang pisngi nung babae pero wala yatang papantay kay Terrence na buong mukha yung pulang pula pati yung tenga at parang sasabog na.

"Gago! Ako na bibili! Wag kang magtatangka kang kumag ka." Sinamaan niya ng tingin si Don na parang papatayin niya ito ng isandaang beses. Bumaling naman siya sa kapatid niya. "Ikaw, Theodora, ilang beses ko bang sasabihin kong wag kang lumapit sa bahay na ito. May gagong engkanto dito, baka bigla ka nalang mabuntis. Hala uwe!" Muli niyang binalingan si Don. "Ikaw! Wag kang mangarap ng gising. Gago!" asik niya bago padabog na lumabas.

Narinig ko pang nagkasagutan pa sila sa labas bago tumahimik.

"She's pretty." komento ko habang sinundan ang tingin iyong papalayong magkapatid. Ngiti lang ang itinugon ni Don habang nakatingin din sa pintuang pinaglabasan nina Terrence.

"Mukhang mahihirapan kang manligaw dun." muli kong komento.  Nawala naman ang ngiti ni Don.

"Lima ang kapatid ni Terrence at lahat ay babae. Siya yung pinakamatanda kaya masyado itong highblood pagdating sa mga kapatid niya. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, wala kang pag-asa dun, mahigpit magbantay ang ulol. " singit ni Yohann.

Sinamaan lang niya ng tingin si Yohann tsaka lumabas ng bahay papunta sa bahay yata nila Terrence.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Yohann. "Talagang patay na patay siya sa babaeng iyon, sabay kasi sila lumaki. Si Theodora lang ang tanging babaeng malapit sa kanya. Hindi madaling makuha ang loob ni Don. Kaya ganoon nalang ang gulat ni Terrence pati na rin ako ng tawagin ka niyang ate at ipagluto pa. " paliwanag ni Yohann kaya napatango nalang ako.

Tinignan niya naman ako.

"Nakaka-inggit ka Miss Byutipul, kami nga ni Terrence di niya matawag tawag na kuya." Mahina naman akong napatawa. Inisahan ko lang naman siya eh pero sa aming tatlo sa tingin ko wala talagang papasa sa amin na matinong na tawaging ganun. I think Don's more mature than us at talagang hindi kami papasang maging good role model sa kanya.

Napansin ko namang biglang lumungot iyong ngiti ni Yohann. "Masakitin ako nung bata. Palaging wala ang mama namin kaya siya palagi iyong nag-aalaga sa akin. Tinatawag ko siyang kuya dahil doon pero ayaw niya kaya sinabi ko nalang na wag niya akong tawaging kuya. Kaya ayun." Kwento niya habang mukhang malalim ang iniisip.

"I never would've expected na..."

"Mahirap lang ako?"

Napakamot ako ng batok. Hindi ko itinuloy baka maoffend siya but it seems alright.

"Yeah."

"Hindi naman iyon sikreto, alam nila Cole, hindi ko naman ikinakahiya. Ilan lang ang may alam. Mayaman sina Cole kaya siguro akala nila ganun din ako."

"Nasaan ang..." Muli ko namang pinigilan ang bibig ko. I was about to ask about their father pero mukhang sensitibo iyong topic tungkol dito.

Napatingin ako sa oras, hapon na pala.

"Hindi ako sanay na ganito ka. Hindi ko alam kung anong problema niyo ni William. I'm not gonna interfere. Make sure to sort it out quick. I like you better when you're back to your old self." sabi ko sa kanya at tumayo na tsaka siya tinapik sa balikat.

"Pakisabi nalang kay Don na aalis na ako." sabi ko pa sabay kuha ng bag at umalis na.

This day is pretty exhausting.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top