Chapter 3: Karma is a Bitch

It took almost half a minute of silence bago ako humalakhak.

Oh my god. They may not be great parents but they do have a great sense of humor.  "Damn, that was a good one. Napatawa niyo ako doon, " sabi ko habang nagpupunas ng luha sa kakatawa.

"We're not kidding Helena." seryosong sabi ni Dad.

Ilang segundo ko rin siyang tinitigan ay naghintay na sabihin niya ang mga katagang 'It's a prank!' ,but judging from his stoic face na hindi man lang ngumingiti ay malayong mangyari iyon.

Lumisan iyong ngiti sa mukha ko "What makes you think na papayag ako? " tinaas ko yung kilay ko. Who in their right mind would come up with this idea? Nababaliw na yata sila.

"Honey, isipin mo yun, makakauwi ka na ng Pilipinas. You're now going to stay with us. It will be fun. " sabi naman ni Mom.

"Really? Oh my god, sa wakas makakauwi na rin ako sa Pilipinas. Oh god, how I miss the traffic, the pollution, the heat! Sa wakas at maiiwan ko na rin mga kaibigan ko, my school, Nana, my things and my life. Bonus na rin pala at makakasama ko ang napakamapagmahal kong mga magulang. I am so excited, can we leave now?" sarcastiko kong sabi. Nagsisimula na akong mairita. They're thinking nonsense. Did they really think it would be easy? They can't just not show up for 8 years of my life and suddenly appear to ask a favor from me tapos ako pa ang mag-aadjust?

Sensing my sarcasm ay parehong Napabuntong hininga ang tatlo. I looked at Nana, I can't believe she's supporting this stupidity.

"Helena, we badly need you. We can't let the press knowing na naglayas si Lizzy, it will ruin Dad's reputation for the upcoming senatorial election. Sari-saring mga balita ang kumakalat tungkol sa pagkawala ni Eliza sa school nila, if kumalat ito sa madla ay lalala lang ito. We need to take care of it as soon as possible. You need to pretend to be Eliza habang hinahanap pa namin siya. " mahabang paliwanag ni Mom saakin.

Hindi lingid sa aking kaalaman na nasa politika si Dad. A year after I was shipped off to America ay pumasok siya sa mundo ng pulitika. I guess he just needs to take care of his little pest problem before stepping into politics, me.

Nakipagtitigan ako sa kanila hanggang ako mismo ang sumuko ng tingin. I clenched my teeth.

I'm not doing it for them. I'm doing this for Eliza. I love my twin, at miss na miss ko na siya. I'm always willing to do anything for her. The only reason why I'll do this is because of her. Gusto ko na rin siya makita, I missed her.

"Fine, but I make the conditions. First of all, I'll only pretend as Eliza for the whole semester only pag hindi pa niyo nahanap si Lizzy by the time I graduated then bahala na kayong maghanap ng palusot. Babalik ako ulit dito after that and I'll be eighteen by then kaya I want the newest Lamborghini model. Deal? " sabi ko.

"Deal, wala ng bawian. " mabilis namang sabi ni Dad bago ko pa madagdagan.

Gusto ko rin sana pagawan ng swimming pool sa bahay and maybe a jacuzzi too.

"We leave first thing in the morning tomorrow so probably have pack your things now. "'-dad

Nanlaki ang mata ko. "That's too soon! "

"We need to, habang tumatagal na nawawala si Lizzy mas maraming kumakalat na masamang balita tungkol sa kanya." sabi naman ni Mom.

"Fine. Pero paano iyong pag-aaral ko dito sa States. Mag-aaral ako bilang si Eliza but what about my own?" Baka nakakalimutan nilang may sarili din akong buhay dito.

"We'll take care of it, inaasikaso na ang drop out papers mo ngayon as we speak. Your grades will be the same as your grades when you're pretending as Eliza. I pulled some strings at her school kaya ayos na ang lahat. "saad ng magaling kong ama.

Mukhang tiwalang tiwala talaga sila na mapapayag nila ako at nauna na nilang iproseso iyong mga papeles ko. I'm furious pero pagod ako. Facing them is really draining me.

"Great. " mapakla kong sabi. Tinalikuran ko na sila at umakyat na sa silid ko.

T-in-ext ko sina Derrick, Grace at Stanley para magpaalam tapos ay nag-impake na at natulog.

The next thing I knew, I was flying in a plane to Philippines.

...

Timba-timbang hininga ang nailabas ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan papunta sa bahay.

I missed Nana already, she was crying buckets when we left. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit bago umalis. Babalik naman ako pagkatapos nito.

Naputol iyong malalim kong pag-iisip ng biglang bumusina iyong sasakyan.

Papasok na kami sa isang malaking gate.

"We're home." sabi ni Mom na ikinagulat ko.

Sa walong taon na nawala ako ay ang raming nagbago, kaya pala pamilyar iyong daan kanina.

Hindi ko nakilala iyong paligid, malawak na lupain lang iyon noon, ngayon ay mukhang may maze na na garden. And last time I saw the house hindi naman ito ganito kalaki. Everything seemed better after I left.

Mapait akong napangiti.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng mansyon.

Lumabas agad ako at inilibot ang tingin sa paligid. Pati iyong maliit na swimming pool ay mas lumaki na.

Aliw na aliw ako sa pagmamasid ng di ko namalayang may tumatahol na malaking aso sa akin.

Huli na para makatakbo ako at dinambahan na niya ako.

Natumba naman ako at napapikit. Shit katapusan ko na yata. Naghihintay akong sakmalin ako nito pero sa halip ay dinilaan lang niya ang mukha ko.

"oh shit, stop!" sambit ko habang tinatabunan ang mukha ko.

I'm not a dog lover or an animal lover for that matter. Allergic sa balahibo ng hayop si Nana tsaka natitrigger din iyong asthma niya dito kaya hindi talaga ako nag-aalaga ng hayop.

Itinulak ko siya para tumayo. pinagpag ko iyong damit ko pero nasa harap ko parin ang aso. He was frantically wagging his tail habang nakalabas iyong dila niya.

"Well someone remembers you." kumento ni mom ng dumaan siya papasok sa loob.

'Well, at least that makes one of you. ' sasabihin ko sa kaso naagaw ang atensiyon ko sa aso. Iyong collar kasi niya. Lumuhod ako at hinawakan iyon.

"King" banggit ko nung binasa ko iyong nakasulat sa collar niya.

Laking gulat ko ng tumahol siya at dinilaan ang pisngi ko.

"King" ulit ko sa pangalan niya at tumahol nanaman siya na parang nasisiyahang binabanggit ko iyong pangalan niya.

Nanlaki iyong mata ko nung matandaan ko siya. He was our pet before I was sent to US. Maliit palang siya noon, ngayon hanggang bewang ko na siya.

King is a St Bernard dog. Ang sayang isipin na natatandaan pa niya ako.

Mahina akong napatawa atsaka hinagod ang leeg niya.

Nakita kong dumaan si Dad kaya bumitaw na ako kay King at nagkunwaring naboboringan na ako sa labas. Trip ko lang.

"Pasok na tayo Helena. " sabi niya at pumasok na.

'Stay' utos ko kay King at sumunod naman siya.

Kinawayan ko siya at pumasok na sa loob.

Napalibot nanaman ako ng tingin sa loob ng marinig kong napasingap iyong mga katulong sa paligid.

May lumapit naman sa aking isa. Kapareho ko lang siya ng edad.

"Ma'am Eliza, buti nalang at nakabalik ka na." masayang bati nito sa akin. Hindi nakapapagtakang wala silang alam na may kambal pala si Eliza. We never had a family portrait, ang nakasabit lang sa pader dito ay ang self portrait ni Dad at Mom at wala kay Eliza, bakit kaya?

Pansin ko rin ay bago na iyong mga katulong, the old ones are too old anyways.

They probably never even spoke about me kaya wala talagang nakakaalam na may isa pa silang anak na dyosang tulad ko.

"San po ba kayo nanggaling? Okay lang po ba kayo?" sabi pa nung isa.

I'm not exactly sure kung anong isasagot sa kanila kaya nilampasan ko nalang sila. I never really talk to strangers anyway.

"Follow me." sabi ni Dad kaya sumunod ako sakanya paakyat ng hagdan hanggang mapadpad kami sa isang silid.

"This is Eliza's room, you will stay here because you are Eliza now. "

"Temporarily. " dugtong ko naman.

Binuksan ko na iyong pinto at pumasok. Isinarado ko naman sa mukha niya iyong pinto.

Bahala siya diyan.

Napalibot naman ako ng tingin sa buong silid at napanganga.

Lizzy's room is so....so.... so....

BORING.

Hindi ko malaman kung library ba ito o kwarto. Ang raming libro. Ni wala man lang posters o palamuti iyong kwarto niya. I bet hindi nito kilala iyong 1D o kaya si Justin Beiber man lang.

Naglakad ako sa silid.

Iyong kama niya ay katabi ang isang malaking bintana at tanaw na tanaw mo iyong kalangitan pero sa tingin ko mas madalas pa yata nagagamit iyong study table niya kesa sa kama.

Napadako ang tingin ko sa isang litrato sa ibabaw ng bedside table niya.

Napangiti ako habang dinampot iyon. It was a picture of us when we were kids. Naalala ko pa ito. Umuulan noon at nagpasya kaming maglaro sa ilalim ng ulan kasama si King. We were having so much fun at kinunan pala kami ng litrato ni Mom.

But sa huli ay pinagalitan kami ni Dad. Nakatalikod siya habang sinesermonan kami at ginagaya ko naman siya. Lizzy giggled a lot kaya nahuli ako. Nakatikim kami ng palo sa puwet and we were grounded.

Ibinaba ko na sana iyon sa pinagkuhan ko nang muntik ko mabitawan ang picture frame ng makita ko ang isang 2x2 ID picture na nasa tabi lang ng pinagkunan ko ng litrato.

It was an image I never imagined myself in a thousand years. The girl was smiling with braces, big glasses and a messy hair. Kamukha niya iyong mga nerds na binubully ko sa Amerika.

Muntik naman akong atakihin sa puso nang mapagtanto kung sino iyon. How could she possibly ruin this face that much?

The thing is, hindi siya ako kundi ang kakambal ko but unfortunately this will soon be me dahil nga magpapanggap akong siya.

Unti-unti akong nahihilo. Bigla akong tinamaan ng jetlag na kanina ay hindi ko pa ramdam. Fatigue rushed into my body, then everything went black.

Karma is really a bitch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top