Chapter 28: The Fallout

(A/N: Sorry for the profanities and violent language ahead.)

Sinubukan kong lumapit upang kumpirmahin ang nakikita ng mata ko pero di nga ako nagkakamali.

Kasalukuyang tinatadyakan at sinusuntok ni William si Yohan habang si Yohan naman ay nakaluhod lang at tahimik na nakayuko.

"Fuck you!"

"I hate you."

"Go to hell."

Sa kabila ng pang-iinsulto nito ay nanatili paring walang kibo si Yohan.

It's painful just seeing it. Nakikita ko silang nag-aaway pero pawang bangayan lang iyon at di ganito kalala.

"Tangna mo!" sabi nito sabay sipa sa kay Yohan dahilan para mapadura ito ng dugo.

Sa wakas ay nagtaas na rin ito ng tingin at nakipagtitigan ng tingin sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo." tanging sabi niya.

Napaiwas naman ng tingin si William.

"Tss. Bastard." sabi nito at tuluyan ng umalis.

I was thinking of leaving already. Hindi magandang makialam sa buhay ng may buhay pero nung makita kong nahihirapan itong makatayo ay nilapitan ko nalang siya.

Nakayuko nanaman siya. I don't know what this guy is thinking but he looks pitiful.

Inilahad ko iyong panyo ko.

"Hindi ako umiiyak."

"Para sa kamay mo, nagdurugo na kakakuyom."

Nanatili naman siyang walang kibo.

"Hindi masamang tumanggap ng tulong paminsan minsan."

"Kaya ko ang sarili ko." malamig niyang sabi.

Nag-iba ang paningin ko sakanya. I never knew he had this side of him.

"Okay." simple kong sabi sakanya at lumayo.

Hindi naman ako tuluyang lumabas, nanatili lang ako sa isang sulok at sumandal sa pader.

Tingnan natin saan ang kahihinatnan ng pride niya. Mura siya ng mura habang paika ikang tumayo.

Tch.

Lumabas na siya sa gusali at tahimik ko naman siyang sinundan. Wala nang masyadong estudyanteng aaligid aligid dahil mag-aala-una na.

Akala ko pupunta siya sa parking lot pero naglakad lang ito sa back entrance ng university kung saan tao lang ang makakaraan at hindi sasakyan.

Napakunot ako ng noo. I thought he had a ride or something. Mas nagtaka ako kaya patuloy ko siyang sinundan, classes are boring anyways, mas gugustuhin ko pang sundan tong lalaking ito kaysa makinig sa klase ng katabi si Cole.

Hindi ko alam kung dahil to sa natamo niyang sakit o sadyang bangag lang talaga siya para di mapansing sinusundan ko siya.

Medyo malayo na kami sa eskwelahan. Naaliw naman ako kakasunod sa kanya dahil sa dami ng pasikot sikot na kantong dinaanan. Namalayan ko nalang na kakaunti nalang ang mga natatanaw kong mga magagarang bahay. Parang papapunta kami sa residential area na binabahayan ng mga squatters at iba pa.

I thought Cole's friends were rich hindi ko inaasahang masusundan ko siya sa lugar na malayo sa mararangyang bahay.

Habang naglalakad siya sa isang medyo masikip na eskinita ay may humarang sa kanyang lalaki. Napatago naman ako sa malapit na poste.

"Pag sinuswerte nga naman. Mukhang minamalas ka yata ngayon Yohann." saad nung lalaki na parang aliw na aliw sa itsura ngayon ni Yohann. Sinubukan nitong hawakan ang pasa pasang mukha ni Yohann pero tinampal nito ang kamay niya.

Kasingtangkad nito si Cole. He had an ear piercing on his left ear at nakasuot ng plain black v-neck na shirt at worn out ripped jeans. I admit that handsome in a rugged way. May nakasabit na isang stick ng sigarilyo sa taas ng kanyang kaliwang tenga. The cigarette was a major turn off. Ayaw na ayaw ko sa mga taong naninigarilyo.

"Fuck off Madrigal." matabang na sabi ni Yohann. Napahalakhak naman ang lalaki.

"Bantayan mo yang bibig mo Carpio, nagkataon pa namang bugbog sarado ka. Sabihin mo lang bubugbugin kita ulit. Pantayin natin yang pasa mo sa kabilang mata para mukha ka nang panda."

Nakita ko namang napatiim bagang si Yohann. Napaismid nalang ako. The guy's too talkative for my liking.

Sinubukang lampasan ni Yohann ang lalaki pero hinarangan siya nito. "Tangna! Ito naman di mabiro. Teka lang may pinapasabi pala yung ermat mong may----"

Di pa man ito natapos magsalita ay inambahan na siya ng suntok ni Yohann.

Di ito inasahan ng lalaki at napasalampak sa semento. Tumayo ito at inambahan naman ng suntok si Yohann. Napasalampak narin silang dalawa sa semento matapos nilang magsuntukan.

"Tang'na wag mo akong ginagago Carpio. Putchang buhay nagmamagandang loob na nga ako ba't bigla pang nanununtok? Tado mo. Panalo si amang sa sabong, tingnan lang natin sinong di makakaulam ng tinola mamaya, managinip ka ng gising kung aasa kang hahatiran kita. Ulol mo. Ulol! Kahit sabaw di ka makakatikim."

"...."

"Hoy Carpio nakain mo na ba iyang   dila mo. Putcha, magsalita kang gago ka. Wag mo kong gawing ulol ditong nagsasalita sa hangin. Langya."

"...."

Napahilamos naman ng kamay yung lalaki at tumayo.

"Pisteng yawa, pasalamat ka bestfriend ng kapatid mo ang kapatid ko. Pero binabalaan kitang gago ka pagniligawan nung maliit na gago yung kapatid ko, pati ikaw titinolahin ko. Putchang buhay oh."

Kinuha niya ang braso ni Yohann para itayo ito pero gaya ng dati ay di parin nito tinanggap ang tulong.

"Gago. Ano ka, babae? Wag kang pahard to get ulol."

Marahas nitong hinila ang braso nito at isinablay sa balikat niya. Nakita ko namang napangiwi si Yohann.

Ibang klase rin tong lalakeng to eh.

Nagsimula na silang maglakad at aalis na sana ako ng biglang may mga umeksena na naman. Mukhang malas nga talaga si Yohann ngayon.

"Pambihira nga naman ang pagkakataon. Pabor yata sakin ang araw nato. Carpio, Madrigal, palay na ang lumapit sa manok."

Nakangising sabi ng isa na namang lalaki. Kabaliktaran sa dalawa, ay mukha talaga itong tambay at wala pa itong suot na pang-itaas. Akala mo naman may abs, buto lang yata yung nakikita ko.

May kasama naman itong limang lalaki na kamukha din niyang tambay, nasa likod lang sila nung lalaking nagsalita at walang imik.

Sinamaan sila ng tingin nung lalaking kasama ni Yohann na may pangalang Madrigal. "Tanginang manok. Umalis kayo sa paningin ko at baka ikaw'ng gago ka ang titinolahin ko. Ulol."

"Mukhang putok na ang labi niyang kasama mo Madrigal, dahan dahan ka sa pananalita mo at ng papuputukin ko rin yang labi mong gago ka."

"Taena. Buti pa nga tong gagong to putok lang sa labi, sayo putok sa kili kili, ungas." tugon muli nung Madrigal. Namula naman sa galit iyong lalaking tambay.

"Madrigal, ang kapal din talaga ng apog mo, pinapagalit mo talaga ako eh. Baka nakakalimutan niyong teritoryo namin to. Gago may utang ka pa sakin."

"Tang'na kailan pa ako umutang sayong tarantado ka? Alam kong itong isang to may utang sayo ng pera pero ako? Hayop, managinip ka ng gising" sabi nito habang tinutukoy si Yohann.

"Magbabayad ka sa pang-aagaw mo sa syota ko." Napataas ako ng kilay.

" Sino? Yung syota mong walang dibdib na mas inuuna pang bilhin ang lipstick kesa tawas at sepilyo. Gago sayong sayo na yun. Kahit itali mo pa sa bulbol mo nang di dumidikit sa akin. Puta, umaabot lalamunan ang amoy ng kilikili nun. Bagay na bagay kayo. Tsaka mas malaki pa ng dibdib ng kapatid ko don wala akong planong humopia dun ulol."

Namula sa inis iyong lalaki. "Malas niyo ngayon at nakalaban niyo ako." Binalingan niya naman iyong kasama niya. " Bugbugin na tong mga hinayupak na to at ng mawala ang angas."

Malutong namang napamura iyong Madrigal at binitiwan si Yohann. Mukhang hinang-hina parin si Yohann at matamlay iyong tindig niya. Walang duda ay mabubogbog ito.

Nagsisugod na iyong limang lalaki pati narin iyong lider nila, may dala itong tubo.

Kita kong nanlaki naman iyong mata ni Madrigal. "Gago, may balak ka bang patayin kami ha?"

Humalakhak iyong kalaban nila. "Itanong mo na lang yan sa Diyos kung may balak siyang buhayin kayo."

"Tangina, ikaw ba,natanong mo na rin ba sa Diyos bakit ka niya binuhay? Gagong kutunglupa ka." Mura lang ng mura yung Madrigal habang sinusubukang makipaglaban sa kanila. Si Yohann naman ay nahihirapang makipaglaban sa isa. Kita sa mukha nito ang bawat ngiwi tuwing kumikilos siya. Mukhang napuruhan talaga siya sa pambubugbog ni William.

Napabuntong hininga naman ako.

Mabilis kong tinaggal ang wig atsaka salamin ko at ipinasok sa bag. Hinubad ko na rin iyong coat ko atsaka itinali sa beywang. Itinupi ko na rin hanggang braso iyong manggas ng uniporme ko.

Saktong hahambalisin na sana si Madrigal ng tubo sa likod kaya agad kong sinipa iyong lalaki mula sa likod.

Napalingon naman siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito at natulala.

Nakita ko may isa na namang tambay na sumugod sa kanya habang nakalingon sa gawi ko.

"Gago, umilag ka." Mukhang nahawa na talaga ako sa lalaking ito sa kakamura.

Mabilis kong hinawakan iyong ulo niya at itinulak pababa dahilan para mapayuko siya. Mabilis ko namang sinipa ng malakas iyong lalaking sumugod kaya diretso itong humandusay sa semento.

Napamura na naman iyong Madrigal pero agad din itong natauhan at pinatumba ang natitirang kalaban. Saktong napatumba ni Madrigal iyong huling tambay na sumugod sa kanya ay natalo rin ni Yohann iyong kalaban niya.

Agad namang lumapit sa akin iyong si Madrigal. "Putcha, chicks! Ano pangalan mo?" sabi nito habang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Mukhang napuruhan ito.

"Miss byutipul?" gulat na tanong ni Yohann ng mapansin ako.

Palihim naman akong napangiti, kahit pala sa sitwasyong to ay ganon parin ang tawag nito sakin.

"Tang'na may kakakilala kang ganito kaganda? Gago ang damot mo. Hinahatiran kita ng tinolang may papaya tuwing may bihag kami, tapos ito igaganti mo sa akin? Di mo man lang ako ipinakilala?"

"Fuck off." tugon lang nito sa kanya.

Binatukan pa nito si Yohann dahilan para mapangiwi nalang ito.

"Ulol, wag mo akong iniingles porke't sa mamahalin kang eskwelahan nag-aaral."  binatukan nanaman siya nito.

Binalingan naman niya ako. "Miss Byutipul. Terrence Madrigal pala, at your serbis hehe." Pakilala nito habang kinuha ang kamay ko para makipagkamay.

Umeksena naman si Yohann at itinulak palayo si Terrence. "Wag ka nang umasa, nauna na si Cole.

"Gago talaga yung hari ng kumag na yun. Inunahan pa ako. " Rinig kong bulong nito.

Napaikot naman ako ng mata. Naagaw naman ng pansin namin ni Terrence si Yohann na biglang natumba at nawalan ng malay. 

Mabilis niya itong nilapitan at iniyugyog pa kahit walang malay iyong tao. "Ulol kang gago ka, sinong nagsabi sayong pwede kang mawalan ng malay. Hayop managinip ka ng gising kung ako papabuhatin mo gago!"

May sapak din talaga ito sa utak eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top