Chapter 27: New Transferee
In just a matter of a day ay naging sentro nanaman kami ng pangungutya at katuwaan.
It's what happens when you combine three person wearing thick framed glasses and a moron.
Of course it's a perfect combination for attracting attention, lalo na sa mga maliliit ang utak.
Yung nerd na classmate ni Hyron ay sumali na rin sa amin.
Nung sumama siya sa amin kahapon, Hyron find it cute to 'adopt' her in our group. Okay rin naman kay Jethro at magkasundo sila. Palagi silang nag-uusap ng kung ano anong anime.
I was a little bit indifferent though. Hindi naman sa kasalanan niya pero kasalukuyan nilang sinisira ang katiwasayan at katahimikan ko sana. At first it was just Hyron, tapos nadagdagan kay Jethro tsaka naman toh dumagdag. Tsk.
Sunod na araw ay muli na naman kaming nagkasalubong ni Hyron sa hallways kaya hinatid nanaman niya ako sa classroom namin.
As usual ay dumiretso ako sa upuan ko at tumunganga lang hanggang sa dumating iyong first subject professor namin.
Napatingin ako ng sampung minuto matapos magsimula iyong oras para sa klase ay wala parin iyong prof.
The annoying prick is sitting next to me again at panay inis nanaman nito sa akin.
Umub-ob nalang ako sa mesa at nagkunwaring natutulog para di niya ako istorbohin.
Maya maya ay tumahimik na iyong silid hudyat na dumating na iyong prof kaya umayos na ako sa pagkaka-upo.
Ang katabi ko naman ay nakapatong ang paa sa desk at hindi man lang natinag nung dumating ang prof.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at di na siya pinansin.
Ang kaninang tahimik na klase ay napuno ng bulong bulungan.
Napatingin ako sa harap.
The girl was wearing a Ironhead University uniform at may dala dalang bag sa kamay. Bahagya akong nagulat pero di ko pinahalata.
"I'm sorry for the tardiness class. Something came up and by something, I mean someone. This is your new classmate she's from USA so help her adjust." Sabi nung prof namin.
"Hi everyone! I'm Selena Brewster. Actually I only stayed for a year in America kaya don't feel to obligated to adjust for me. I hope we can all be friends." Sabi niya sabay ngumiti ng matamis.
Pinigilan ko namang mapatawa. I didn't expect to meet this two faced bitch here to think na classmate ko pa talaga siya.
Umingay ang paligid, karamihan ay mula sa mga lalaki. It can't be helped, the girl's got curves in the proper places and an angelic face, di nga lang bumagay sa ugali.
Pasimple kong sinilip si Cole na mukhang walang pake sa nangyayari.
"Okay, you may take your seat at the vacant chair at the back."
"Thank you sir." Sabi niya tsaka nginitian ito.
Di naman nakalampas sa paningin ko ang pagtingin niya kay Cole. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya ng makitang walang pake ito.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase kaya nagsitayuan na iyong mga tao.
"See you later stupid girl."
"Piss off."
Sinamaan ko siya ng tingin at ginantihan niya ng naman ng isang halakhak. Umalis naman siya kasama ng kanyang mga kaibigan.
Inaayos ko na yung gamit ko ng lumapit saakin si Selena.
"Hi I'm Selena."
"I know." Sabi ko habang pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. For some reason, puno ang bag ko ng mga basurang di naman akin.
Isang tao lang naman ang may maliit na utak na may kakayahang gumawa nito.
"You're really close with Cole." Sabi niya. It was not a question at ramdam ko ang irita niya sa mata na kabaligtaran sa ipinapakita niya. Mukhang malayo sa pakikipagkaibigan ang dahilan kung bakit niya ako nilapitan.
"No, he's just annoying." sabi ko habang tinatambak ang lahat ng mga basura sa bag ko sa upuan ni Cole.
"Really?"
"Yes, just like you're starting to annoy me. Ano talagang kailangan mo?" prangka kong tanong sa kanya.
Mukhang di niya inasahan ang tinugon ko kaya medyo napaatras siya.
"What do you mean? I just wanted to be friends with you . Bago pa lang ako kaya gusto ko lang naman na may kaibigan ako rito." Malungkot na sabi niya.
May mga usisera namang nakialam at nagfefeeling darna.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo kay Selena ha? Nerd. Ang sama talaga ng ugali mo. You bitch, dapat nga matuwa ka pang nilapitan ka ni Selena para makipagkaibigan eh wala namang gustong makipagkaibigan sa panget na tulad mo."
"It's okay guys. Alam ko naman talagang I can't please everyone. There's nothing to worry about me, pasensya na sa abala."
I think she's implying na inaaway ko siya. Luckily, natatakpan ng bangs at salamin ang kilay ko kundi makikita nilang nakataas ang isang kilay ko sa kanila.
Sinuot ko na ang bag ko at tumayo. "Excuse me. You're in my way." Malamig kong sabi sa kanya.
May sasabihin pa sana niya pero mas pinili niyang itikom ang kanyang bibig at paraanin ako.
Sinamaan naman ako ng iba kong mga kaklase.
Tss. Like I give a f*ck.
Bago ako umalis ay nilingon ko siya.
"If you desperately want friends, try Drama Club, they'll suite your taste." nginitian ko siya at lumabas na.
Laking gulat ko ng biglang may umakbay sa akin paglabas ko.
"Alam mo bang masamang paghintayin ang gwapo ha Eli? Lalo na pag best friend mo?" wika ni Hyron na tinaasan ko nalang ng kilay.
"Sinong nagsabing mag-abang ka sa akin dito. Tapos na ang birthday mo kahapon, Hyron kaya wala ka nang karapatang mag-ilusyon ng imposible."
"You're harsh as ever. Alam mo bang muntik ko ng hilingin ng bagong best friend para sa birthday wish ko kahapon ha?"
"Sayang." tanging sabi ko.
"Hi Eliza."
Doon ko lang napansin na naroon pala si Zia.
Napangiwi naman ako. I actually prefer to be called Eli, nasanay na ako kay Hyron. Parang losyang kasi pakinggan pag Eliza, kaya nga Lizzy ang tawag ko sa kakambal ko.
"Call me Eli." sabi ki kay Zia.
Marahas namang napabaling si Hyron sa akin. "Eli---"
"Let's go" bago pa man makaalma si Hyron ay hinila ko na si Zia palayo.
Nakarating kami sa cafeteria at nandoon na si Jethro na nagbabasa ng libro
Bumili naman kami ng pagkain at sumunod naman ang nagmamaktol na bading.
Tahimik kaming kumakain nang may lumapit sa mesa namin.
"Hey."
Napatingin naman ang tatlo sa kanya habang ako ay abala parin sa pagkain ko.
Cole is right, it's like her perfume is made to choke people's nostrils.
"Ahm... anong atin?" tanong ni Hyron.
"Can I sit with you?"
"S-sure." sagot naman ng may busilak na pusong si Hyron.
Nawalan ako ng ganang kumain kaya tumayo ako. I don't want to be in a place with her any longer. I don't like her, so why waste time breathing the same air she breathes.
"I'm done." sabi ko sabay punas ng labi ko gamit ng manggas ko.
"Pero Eli...."
Di ko na siya pinakinggan at naglakad palayo.
"I'm Selena by the way. Bagong transferee ako dito. Will you be friends with me?" rinig ko.
Bago ko pa marinig ang usapan nila ay tuluyan na akong nakalayo.
Nagpasya akong maglakad lakad. Hindi ko pa nakikita ang buong academy kaya gusto kong maglibot libot sa paligid.
I didn't even know we had a olympic size pool. Ngayon ko lang nalaman.
Napadaan ako sa ginagawang bagong building. Wala ang mga trabahador doon pero pa may narinig akong parang may nagsusuntukan.
Hindi naman sa chismosa pero natagpuan ko nalang ang sarili kong pumasok doon.
Bahagya naman akong nagulat. It was not a fight, ni hindi man lang nanlaban iyong isa pero kasalukuyan siyang binubugbog nung isa.
At kilala ko ang mga gunggong na ito.
Yohann and William.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top