Chapter 26: Another Nerd
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa kahabaan ng hallway.
It's almost lunch time at nagpasyahan naming lumabas. It's Hyron's birthday at pinilit ko siyang ilibre kami. We were supposed to meet at the gate at kumakalam na ang sikmura ko.
Tahimik akong naglalakad nang may tumulak sa isang babae sa gilid ko dahilan para magkabanggaan kami.
I managed to hold my balance pero iyong babaeng naitulak ay napasalampak talaga sa sahig.
"Uy jackpot. May nakita kang isa, may sumulpot pa na iba." rinig kong sabi ng isang babae.
Tumawa naman sila kasama ng kasamahan niya. Sila yata iyong tumulak sa babae.
Normally I wouldn't let this go pero dahil nagmamadali ako dahil gutom ako ay sinamaan ko nalang sila ng tingin at aalis na sana nang harangan ako ng dalawang babae mula sa grupo nila.
"Saan ka naman pupunta? Should you help that pathetic girl over there. I thought ugly birds with the same feathers should help one another?" natatawang sabi nung isang babae at muli naman silang nagtawanan.
Napadako ang tingin ko doon sa babaeng nakasalampak sa sahig at tahimik na lumuluha. She was wearing big thick rimmed glasses with her hair in two pigtails. She was kneeling habang nakayuko at nakakuyom ang kamay. These girls are partly true, she's really pathetic.
Napa-iling naman ako. Another nerd being bullied.
Napalibot ang tingin ko sa paligid. Wala man lang ni isang pumansin sa nangyayari. They're ignoring us like it's the most normal thing in the world.
Muli akong napatingin doon sa babaeng nakaluhod. Tss. Nerds.
If they weren't so weak willed and timid ay hindi sila gaganituhin.
"We're not friends." Malamig kong sabi sa kanila.
"Woah, I didn't know you're really heartless even sa mga kalahi mo." Nagtawanan muli sila at sinipa pa iyong mga gamit ng nerd na nasa paanan nila papunta sa kanya.
Wala naman itong ginawa kundi ang manatiling nakasalampak sa sahig na nakayuko parin.
Sinubukan kong lampasan iyong dalawang babaeng nakaharang sa dinadaanan ko nang tinulak ako paatras ng babae sa kaliwa.
They're annoying and I'm hungry kaya iisa lang ang kalalabasan nila.
"Aaaaah!" Napaluhod iyong babaeng tumulak sa akin.
"You shouldn't really bully people lalo na pag di mo alam sino sila."
Magsasalita sana sila pero muli akong nagsalita. "Scratch that--- You shouldn't bully people, period." Muli akong napaisip, parang ang ipokrito ko namang tao pag sinabi ko yun. "Well actually, wala akong paki. Pero sa lahat ng gusto niyong kalabanin, jsut don't choose me."
"What the...How...What did you do, you ugly nerd?!" tanong naman nung kasama niya na parang naguguluhan kung anong itatanong niya. I think she's still confused on what's happening.
Itinaas ko lang iyong balikat ko.
"She fell on his own. It's not really recommendable to wear high heels on school days. That's what you get for buying cheap prada heels." kalma kong sagot.
Kanina, habang busy sila sa pagtatawanan ay mabilis kong sinipa iyong heels niya. Kaya ayon, nasira iyong takong niya at natumba siya.
I know a fake prada when I see one.
"They're not fake! That bitch is lying. They're limited edition!" matinis na sabi nung babae. Sa reaksyon niya ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig and I couldn't be more entertained.
Tumango ako. "She's right, may limited edition naman sa divisoria." muli kong kumento.
Nakita kong nanubig na iyong mata niya habang tinitignan ako ng masama. Sa tingin ko gusto niya akong sabunutan pero di siya makatayo.
I think she sprained her ankle. Mukhang masama talaga iyong pagkakatumba niya.
Tinignan naman siya ng mga kasama niya para bang may halong panghuhusga at pangungutya. Looks like their friendship is as fake as those prada heels she wore.
I secretly smirked.
Aalis na sana ako ng humarang na naman iyong isa pa.
"Sa tingin mo ba tapos na tayo ha?"
Napataas naman ako ng kilay na buti nalang ay natatabunan ng bangs at ng salamin ko. These bitches are begging for me to expose their cheap butts.
"I think so, but I think yours isn't. Tapos mo na bang nabayaran ang pabangong mukhang inutang mo sa Avon? And I'm just curious, saan ba makabibili ng ganyang hermes bag " Sabi ko sabay tingin sa bag niya.
It's a cute pink hermes bag but it's just a cheap imitation. Grace has one of those. Of course, the real ones kaya alam ko ang kaibahan. It's not like I spend my whole life in States sa pambubully lang at paglalakwatsya. When you have a friend like Grace, di maaalis ang araw araw na shopping sa buhay mo.
Napatingin naman ako sa buong grupo nila. I scanned their body from head to toe. " Nakakabilib talaga kung anong makukuha mo sa ukay-ukay." kumento ko pa. There's nothing wrong with wearing them. Ukay-ukay man o mula sa isang cheap na brand, it's not a big deal. What's wrong is, these cheap wannabes are claiming that they're expensive and putting on airs just to make everyone around them feel bad about themselves for not having what they have. I know these type of women and it's disgusting.
Namumula naman iyong mukha nila sa galit at hiya dahil nagtitinginan na iyong mga tao sa paligid.
"Ahhh! You bitch!"
Susugod na sana sila ng may humawak sa kamay ko at hinila ako sa likod niya.
Napauntog naman ang ilong ko sa likod niya. Damn it! Masakit.
"Subukan mo lang hawakan siya o makikita niyo talaga iyong hinahanap niyo." sabi pa niya.
Those girls finally stepped back. "Well if it isn't that knight in shining armor. Psh. Let's go girls, nag-aaksaya lang tayo ng panahon dito." sabi naman nung isa at sumunod naman sila at iniwan iyong babaeng may fake prada heels.
"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo at tatambangan ko yung mga yun sa gate---"
Napaikot naman ako ng mata."I'm okay Hyron. Ang OA mo talaga."
Pinitik naman niya iyong noo ko.
Napahimas naman ako ng noo ko. "Damn it! Para saan naman iyon."
"That's for making us wait. Masama ang pinaghihintay ang taong nagbibirthday. Lalo na iyong manlilibre sa iyo. Walang utang na loob ." nagtatampo niyang reklamo.
Mahina ko naman siyang sinikmuraan kaya napadaing siya. Who ever told him to he could flick my forehead like that?
"It's not like I meant it." mataray kong sabi.
Magsasalita pa sana siya ng mapansin ang babaeng nakatingin sa amin. Siya iyong nerd kanina. She's still on the floor, nakasalampak. Di ba ito marunong tumayo?
Kunot noo naman akong tinignan ni Hyron. "Nambubully ka na ngayon Eli?"
I raised my fist. "Gusto mo ulit masuntok?"
Napakamot naman siya ng ulo.
Nilapitan niya iyong babaeng nerd at nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila.
"You're Zia right?" tanong ni Hyron habang inilahad iyong kamay niya.
Tumango tango naman ito at tinanggap iyong kamay niya.
Hindi nakawala sa tingin ko ang pamumula ng tenga at pisngi nung babae.
Nung makatayo na iyong nerd ay isa isa na namang pinulot ni Hyron iyong mga gamit niya tsaka ibinigay sa kanya.
Mukhang sigurado na ang taong ito sa langit.
"S-salamat." Nakayukong sabi nung babaeng nerd na namumula parin.
"Hey, Eli." tawag ni Hyron saakin kaya lumapit naman ako sa kanila.
"Eli, si Zia pala, classmate ko." Pakilala niya rito. "
Tumango naman ako at saktong kumalam iyong sikmura ko.
Inakbayan naman ako ni Hyron.
"This is Eliza, my best friend. Tawagin mo lang siyang Eliza. Ako lang tatawag sa kanyang Eli---"
Umalis naman ako sa pagkakaakbay niya at naglakad na.
"Let's go, nagugutom na ako."
"Babaeng maitim ang atay, wala kang konsensya sa manlilibre sa iyo. Mang-iiwan ka nalang basta-basta."
Humabol nanaman siya sa akin at inakbayan ako tsaka mahinang sinakal kaya siniko ko siya sa tagiliran. Kahit kailan, ang isip bata talaga ng lalaking ito.
"Do that again at kay Jethro lang ako sasama."
"Huh, ipagpapalit mo ako sa mukhang lapis na lalaking iyon. Sa gwapo kong toh? Pipiliin mo iyong manok na iyon kesa sakin?"
I gave him a blank stare.
"Fine. Geez di ka man lang mabiro."
Napatigil naman ako sa paglalakad ng parang may nakatingin na naman sa amin.
Lumingon ako sa likod at nandon parin sa kinatatayuan niya iyong nerd kanina. She's creeping me out.
Napatingin naman si Hyron at lumingon sa tinitignan ko.
"Yo classmate! Gusto mong sumama samin? Manlilibre ako." Pang-iimbita niya rito.
This guy is too friendly for his own good.
Namula naman iyong babae at nagsimulang tumakbo palapit sa amin.
"Sure."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top