Chapter 20: Challenging the King


"Hoy, asan na iyong pinapagawa namin sa iyo?!"

Pabagsak na bumukas iyong pinto at iyon kaagad na bumungad sa akin. Sila iyong tinutukoy ni Jethro na b-inu-bully siya at nagpapagawa sa kanya ng mga proyekto nila. I think, Jericho ang pangalan nung isa.

Nakatambay ako sa press room mag isa. Wala rito si Jethro dahil pinabili ko siya ng tempura. Diskarte niya na kung saan niya bibilhin yun. Di ko naman siya pinepressure eh, hindi naman siya nagreklamo kaya hindi masasabing nananamantala ako.

Inilibot nila ang tingin sa buong silid.

"Hoy ikaw! Asan yung lalaking kamukha mong pangit?" hambog na sabi nito ng makitang wala pala si Jethro.

Bahagya naman akong natawa. For a moment there, I thought he was referring to Lizzy pero hindi pala dahil wala naman siyang alam. Maybe he was referring to Jethro na parang boy version ko lang dahil pareho kaming nerd.

"Wala akong kamukhang pangit, baka ikaw marami." di ko mapigilang sabi.

Men like him instantly makes my blood boil.

Nilapitan ako nung Jericho at kwinelyuhan. "Wag mo akong binibiro babae ka, Baka di mo alam, pumapatol ako sa babae."

'Kung naman kaya mo. Bakla." bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?!"tanong nito habang hinihigpitan pa ang pagkakahawak sa kuwelyo ko.

"Ang sabi ko nasa likod ng gymnasium si Jethro. Nagtatago sa inyo kasi hindi pa raw tapos iyong pinapagawa ninyo." saad ko.

Niluwagan na niya iyong pagkakahawak sa kuwelyo ko. "Nakakaintindi ka naman pala--"

"Tsaka magtooth brush ka naman pag may time. Baho ng hininga mo." That was supposed to just be in my mind, napalakas ko pala ng salita. Mukhang narinig yata ng hinayupak.

Ni hindi man lang ito na-conscious sa sinabi ko at muling hinigpitan ang pagkakakwelyo sa akin tsaka inilapit pa ang mukha.

"Pinapainit mo ang ulo ko ah. Bubugbugin namin mamaya si Jethro. Gusto mo ikaw muna unahin ko?" maangas nitong sabi.

"Yung ulam mo kagabi, sumisilip pa sa ngipin mo, yan muna yang unahin mo."

Namula iyong mukha niya sa di ko matukoy na dahilan, sa hiya ba o sa galit.

Akmang susuntukin niya ako ng inawat na siya ng dalawa niyang kabarkada.

"Tol tama na. Yung Jethro muna una uupakan natin. Kating kati na kamao ko bugbugin yun. Hayop, hindi pa natatapos pinapagawa natin." sabi nung isa.

Kumalma naman ito at inayos iyong damit niya. Sinamaan niya ako ng tingin na para bang tatagos sa ulo ko.

"Humanda ka lang, darating rin ang oras mo." sabi niya sabay walk-out, sumunod naman amg dalawa. Padabog pa nilang sinara iyong pinto.

Napabuntong hininga naman ako atsaka inumpisahang tanggalin iyong wig at eyeglasses ko matapos inilock ang pinto.

May isang salita ako, sinabi ko kay Jethro na aayusin ko iyong problema niya. Tuturuan ko lang ng leksyon iyong tatlong barumbado.

Sinadya ko talagang papuntahin sila sa likod ng gym,  yun nga lang, hindi si Jethro ang makakatapat nila kundi ako.

Queen Helena needs to be out again. Nangangati na naman iyong kamao ko, di pa sapat iyong ginawa kong pambubugbog kay Jethro. Alangan namang magpakita ako sa kanila bilang Eliza, edi buking ako pagnagkataon.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa silid, Queen Helena style. Nakalugay iyong buhok ko. Di na ako nag-abalang magpalit pa ng damit. Iyong blazer ng uniporme ko ay tinali ko sa bewang ko tsaka binuksan ang pinakaunang butones sa polo. Nakatupi rin iyong manggas ko.

Habang naglalakad ako ay napapatingin iyong mga estudyante sa paligid and I can't help but smirk  at the attention. I love it when people give me those insecure looks. Nakakataas ng ego iyong panliliit nila sa sarili nila. I pity them though.

"Miss Byutipul!" agad napukaw ang pansin ko ng may tinig na nangibabaw mula sa paligid and I think I know the voice.

Parang red sea kung humawi ang mga tao ng lumapit na saakin ang apat na lalaki.

"Long time no see, idol." masiglang bati ni Yohann.

"Nice. Mukhang matutuwa si Boss pag nakita ka hinahanap ka pa naman nun idol." sabi naman ni William.

"Really?" nacucurious kong tanong.

"Oo nga, nagpatulong pa---mmmph" hindi natuloy ni William ang sasabihin ng biglang takpan ni Maxim ang bibig nito.

"Wag mo nalang pansinin ang sinabi niya binibini at maluwag talaga ang dila nito." sabi pa niya.

Mahina naman akong napatawa.

"Well then, I'll go ahead." sabi ko. Tututol pa sana sila pero tumalikod na ako at nagsimulang umalis. Para siguradong di sila nakasunod kung sakali man ay di akondumiretso sa likod ng gym.

Nakarating na ako sa likod ng field at naabutan ang tatlong barumbado na mukhang papaalis na.

Mabilis naman akong lumapit sa kanila at hinarangan sila.

"Sino ka naman?" iritang sabi ni Jericho.

"You're not worth it to know."

"Aba't bastos ka ah. Akala mo ba di kita papatulan ha?" sabi pa niya na tila nanghahamon pa ng suntukan. 

Di ko naman pinansin ang sinabi  niya.

"I have two reasons why I am here. Una para pagsabihan kayo na masama ang ipasa sa iba ang gawain na dapat sana kayo ang gagawa." sabi ko sabay tupi ng mga braso ko.

"Teka wag mong sabihin, nagpapalaban sa iyo ang nerd na iyon? Ilabas mo ngayon din si Jethro at nang matapos na ang usapan. Tang'na walang silbi talaga."

I clenched my teeth at awtomatikong sinuntok siya sa panga. Hindi niya naasahan kaya bumagsak ito sa lupa.

"Pangalawa, I came here to beat you up, you good for nothing scumbags." sabi ko sabay angat ng mga mangas na suot ko.

That ignited the fight. Pinaligiran naman ako nung dalawa niyang kasama.

Sinuntok nila ako pero sinalo ko naman ang mga kamao nila.

Seriously, they're too predictable. Tch.

Inambahan naman nila ako ng suntok gamit ng isa pa nilang kamao. Iiwasan ko na sana ng may naunang sumalo sa mga kamao nila.

"I got it." suplada kong sabi sa kung sino mang nasa likuran ko.

"Doesn't seem like it."

Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ang pakialamerong hambog na nagngangalang Nicholas King

"What are you doing here?" sabi ko habang pinilipit ang braso ng dalawa at nakisabay naman siya at pinililit din iyong kabila nilang kamay.

"Shouldn't I be the one asking the question? You're not a student here."

Kumawala sila sa pagkakahawak namin at muli na namang umamba ng suntok tsaka sipa. Nasangga ko naman ang mga atake nila sabay ganti rin ng tadyak sa kanila.

Bumangon naman si Jericho sa pagkakasalampak sa lupa at sumugod na rin.

"You seem so sure. Sigurado ka ba talaga?" panghahamon ko sa kanya habang patuloy na inaatake ang dalawa.

Hindi siya sumagot. Almost as if he spoke something he wasn't supposed to speak--

Sumilay naman amg malaking ngisi sa labi ko.

"No way, don't tell me you were searching for me. Di pa nga tayo ang clingy mo na."

I heard him groan. " I didn't."

"Ahuh. Parang kilala mo talaga lahat ng mga estudyante dito para masabing hindi ako dito nag-aaral. Malay mo, I could be a transferee. Wag mo nang ideny, I won't judge promise." sarkastiko kong sabi sabay suntok sa panga nung isa dahilan para matumba siya. 1 down, 2 to go.

"I said I didn't!" he said in a frustrated tone.

I slightly chuckled at the situation we are in. Umatake muli ang dalawa at uupakan ko na sana iyong malapit sa akin ng inunahan ako ni Cole at naunang sinipa ito sa sikmura kaya napatumba.

"Try harder Nicholas, malapit na akong maniwala."

"Putang-ina niyo!" Jericho said in the background and charged towards me.

"Just admit it. You're head over heels for me." sabi ko bago umikot ako para iwasan yung atake ni Jericho.

Laking gulat ko nang bumagsak nalang ito ilang metro mula sa akin and before I knew it, I was whirled off my feet.

Napapikit ako saglit pagmulat ko ay nakakapit na iyong mga kamay ko sa balikat ni Nicholas at yung mga kamay niya ay nasa bewang ko.

I was a feet away from lying on the ground.

"Paano kung sabihin kung sabihin kong oo." he said in a low masculine voice habang nakangisi.

I unconsciously swallowed my breath and probably a pint of my sanity.

Mabilis naman akong nakaagap at tumuwid ng tayo tsaka itinulak siya papalayo saakin.

A moment of awkward silence reigned upon us.

Napatikhim naman ako para putulin ang katahimikan.

"I..I knew that." sabi ko ng hindi makatingin ng diretso sa kanya. I was just bluffing a while ago. Pinaglalaruan ko lang siya but it backfired to me.

"Really?" nanunudyo niyang sabi habang humakbang papalapit sa akin, ako naman ay paatras ng paatras. Every step he took, papalawak ng papalawak ang ngisi niya.

"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Kahit nangangatog ang tuhod ko sa di malamang kadahilanan, ay tumayo ako ng matuwid and forced an authorative tone.

I gasped hard ng hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya.

Bigla niyang kinabig ang ulo ko gamit ng isa pa niyang kamay at inangkin ang mga labi ko.

I was too shocked to push him away and just when I got my sanity back. He pulled back showing his annoying grin.

"What was that?" gulantang kong sabi.

"You stole a kiss from me, it's just only fitting to take it back." walang kaapog apog niyang sabi.

"You're an asshole." sabi ko at pinunasan ang labi ko. Mag wawalk out na sana ng higitin niya ang braso ko.

"We're not done yet. You didn't tell me your name."

Sinamaan ko siya ng tingin. "It's Queen."

"I knew that. What I want is your whole name."

Napatawa naman ako ng malakas.

"Anong gagawin mo? ife-flames mo ba pangalan natin?"

Nagmura naman siya at ginulo ang buhok niya.

"You're impossible."

"I'm also gorgeous, talented and amazing too." I said and flipped my hair. Baliw na kung baliw.

"Sino ka ba talaga?"

"Do you really want me that bad to desperately know my real name?"

"Do you want me to kiss you again?"

Napaubo naman ako.

"That doesn't answer my question, genius."

"It does to me." he smugly said. Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking toh.

Napabuga nalang ako ng hangin.

"Di mo ba talaga ako titigilan?"

Humakbang siya papalapit sa akin.

A crazy idea popped in my mind.

"One month."I blurted out.

"Huh?" nagtataka niyang tanong.

"Let's play a game, King. If you find out who I am within a month. I'll date you." I confidently said. Alam ko namang imposible niya itong magawa. Wala namang nakakakilala sa buong pagkatao ko dito maliban nalang kina Coreen at Jethro and I doubt they'll be saying anything about me.

"If you fail, you stay away from me."

I know kung papalpak ito, Dad's image will be compromised but to hell with him. He can't expect me to be his perfect replacement daughter. Just being in that itchy wig is torture.

I want to have fun too.

"Deal." mabilis niyang sabi.

Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman at nabigla naman ako ng bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"You're mine in a month. Let the hide and seek begin." agad nanindig ang balahibo ko.

Why do I have a feeling I'll be regretting this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top