Chapter 2: A Shocking Turn of Events

Nakasandal ako ngayon sa mga rehas habang pinaglalaruan ang buhok ko.

Being in jail is boring as hell, kahit cellphone ko kinumpiska nila. Tsk.

Nahimashimasan na ako ng alak habang ang iba ay lasing parin. Matapos kasing pumasok iyong mga pulis sa bahay nila Grace ay kanya kanyang takbo na ang lahat.

Malamang may 'concerned citizens' na nagreklamo tungkol sa party dahil sa sobrang ingay at mga minors na umiinom ng alak.

Anim kaming naaresto, kaming apat na magbarkada at dalawa pang lasing na schoolmates namin.

Nahuli kaming lahat na umiinom ng alak maliban nalang kay Grace na inaresto dahil siya ang host ng party at ang nag-allow ng alak sa party kahit minors pa kami lahat.

Magdamag kaming nanatili sa kulungan. Their parents are gonna bail them out eventually and as for me...

"Queen Helena Cruz, you're bailed out!"

Finally, freedom!

Agad akong napatayo at nag-inat. Ang bilis yata ni Nana ngayon ah. Oh well. Ayaw ko naman talagang magtagal pa dito, mabuti na rin iyon.

Malawak kong nginisihan si Officer Roper, ang naglabas sa akin sa holding cell. Frenemies kami niyan dahil pabalik balik lang naman ako rito. What can I say, this bad girl is unstoppable.

Ginantihan naman niya ako ng isang masamang tingin kaya napahagod nalang ako sa batok.

I may or may not have puked on him last night when they arrested us.

Guilty not guilty.

"See yah later losers," paalam ko sa mga kasama ko sa holding cell at lumabas na kung saan naghihintay si Nana sa akin.

Nana's my grandmother on my mother's side. Sa kanya ako pinatira matapos magdesisyon ang mga magulang ko na palabasin ako ng bansa sa edad na siyam. Sanay na siya sa pagpulot sa akin sa police station, parang routine na nga yata ito eh.

I guess I got arrested for a lot of reasons; jay-walking, over speeding, alcohol drinking, trespassing, riot at iba pa. I even stole a car once, isinauli ko naman eh, pero ipinakulong parin ako nung may-ari. Ghaaad, what on earth was I doing, buti nga lang mga minor crimes lang ang mga iyon.

Inihanda ko na ang sarili ko para sa isa na namang matinding sagupaan kay Nana. Last time she bailed me out, inuwi niya akong hila hila ang tainga ko.

"Nana, I swear it wasn't me, I was framed. I've been a good girl--"

"Save your explanations for yourself young lady. Good girl my ass ."

May naramdaman akong parang kakaiba at inilibot ang tingin sa presinto at agad napatanong sa sarili kung pasko na ba. There are two people standing behind Nana. The other one carried me in her womb for nine months and the other one contributed his sperm, they're called parents, I think.

They were giving me a disappointed look, the look I've gotten used to all these years.

Sa halip na lapitan sila at yakapin, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"What a great surprise! I didn't expect both of you here. Gumaling na ba kayo sa selective amnesia niyo at naalala niyong may isang anak pa kayo dito sa America?" sarkastiko kong sabi.

"Helena!" saway ni Nana sa akin na ikinatawa ko lang.

"I'm just kidding, it's not like I hold grudges. I really missed you both. May business meeting ba kayo dito sa America para mapadpad kayo dito?" sabi ko habang nagpapanggap na masayang makita sila pero mukhang hindi ako papasang artista dahil hindi gaanong kumbinsido ang tinig ko.

Siyam na taong gulang ako nang ipinatapon nila ako sa America at sa walong taon kong pamamalagi rito ay apat na beses lang silang pumunta dito pero parehong may kinalaman sa trabaho.

Reregaluhan ko nga sana sila ng librong 'How to be Great and Loving Parents' eh ni kahit pasko nga lang ay di kami madalaw. Sa tuwing may okasyon dito ay kami lang ni Nana ang nagcecelebrate.

My Nana and grandfather are divorced, may sariling pamilya at apo na iyon. Ang sabi ni Nana ay nagmigrate sila sa Australia so kami lang talaga ni Nana ang magkasama pero minsan ay sumasabay kami sa mga pamilya nina Grace, Derrick o kina Stan tuwing Thanksgiving, Christmas o New Years Eve, lalong lalo na kina Stan dahil pinay iyong nanay niya.

"I can't believe you've turned out to be this.....this...." napatigil si dad sa sinasabi niya dahil sa di niya siguro mapili kung anong idudugtong niya.

What can I say, I'm a handful. I knew his next word would be like rebellious, pathetic, failure, reckless, immature at marami pang iba kaya ako na mismo ang dumugtong.

"Beautiful? Awesome? Cool? Amazing? Oh dad, how sweet of you. Maybe if you'd see or visit me often here, you'd believe how gorgeous I've become," I said and flipped my hair. "Where is Lizzy by the way. It's been a long time since I last saw her. Let me guess, did you send her to another country too?" dugtong ko.

Nakita kong namumula na siya sa galit.

"That's enough Helena," sita sa akin ni mom.

"Just joking. So bakit kayo nandito? Don't tell me you just came to bail me out dahil naaresto ako, you were 5 years too late. I think its my 38th arrest now, am I right Roper?!" sigaw ko kay Officer Roper na saktong dumaan sa tabi namin. Sinamaan niya lang ako ng tingin at diretsong naglakad palabas sa station.

Nakita ko namang napahilot ng sentido si dad. "We came here for you Helena. We really need you."

Agad akong tumalikod palabas ng police station.

"Helena, where are you going?" sigaw nila.

"I'm going home. Baka bigla kasi akong maiyak dito sa loob ng station. Nakakaiyak kasi ang salitang 'we need you.' I might cry anytime. I don't want to ruin my badgirl reputation, ang raming nanonood eh. Anyway, thanks for bailing me out."

Tipid ko silang nginitian at naglakad na papalayo. Sinubukan nilang tawagin ako pabalik pero di ko nalang pinansin.

We need you my ass. Where were them when I needed them huh? Ang kakapal ng mukha.

Agad akong napamura ng makalimutan kong naiwan pala ang wallet at cellphone ko doon sa loob. Muli na naman akong napamura ng maramdaman ang lamig. Kitang kita ko ang hininga ko sa lamig. Damn parents, damn weather, damn everything!

Tinakbo ko nalang ang distansya pauwi. Hindi siya gaano malayo di rin masyadong malapit. Tinalo ako ng pride ko kaya nagdesisyon akong takbuhin na ang pauwi kesa bumalik doon. I took a short cut rin naman.

I was literally freezing by the time I arrived at the house. Aakyat na sana ako nang mapansin ko sina dad, mom at Nana sa living room.

Mas nauna pa silang dumating kesa sa akin. Galing rin eh.

Dumiretso muna ako sa kwarto ko para magshower at magbihis bago bumaba na. They were still on the same spot where I last saw them.

"So what exactly do you need me for?" sabi ko sabay tiklop ng mga braso ko. It's not that I'm willing to offer them my help. Curious lang talaga ako, I mean who wouldn't? Walong taon silang walang kumusta kumusta sa akin tapos isang araw ay ganito? Let's just say, I am really touched.

Napabuntong hininga lang sila.

"Lizzy's gone, " simpleng sabi nito na agad kong kinabigla. Parang bombang ibinagsak sa akin.

"What do you mean she's gone?!" halos pasigaw kong sabi. To say I was shocked was an understatement.

Lizzy's my twin sister, kung ako si Queen Helena, siya naman si Queen Eliza. We were really close back then, she was my partner in crime. Nung mahiwalay kami, we contacted each other through skype. Pero lumipas ang panahon ay hindi ko na siya nacocontact so I stopped trying. Nawalan na ako ng balita sa kanya at ngayon nawawala siya? I was under the impression that she was living a very good life na nakalimutan niya rin ako. Nakakatampo rin.

"Naglayas siya and she left a note saying she'll be gone for a while," sabi ni Mom.

"I would probably do the same thing kung di niyo lang ako inunahang ipaaral sa ibang bansa."

"Helena!" saway nanaman sa akin ni Nana kaya napa-ikot lang ako ng mata.

"Why do you need my help? Gusto niyo hanapin ko si Lizzy?" pagtataray ko. Wala akong ideya kung bakit sila lumipad pa sa kabilang dako ng mundo upang humingi ng tulong sa akin.

Nagkatinginan naman silang tatlo ni Nana sa isa't isa. Wait. Don't tell me, Nana's in on this too?

"No. You are coming home to Philippines with us and you're going to be Eliza," simpleng sambit ni Dad.

Nabingi yata ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top