Chapter 18:The Mystery Sender

Paulit ulit kong binasa ang text.

Akala ko huminto na siya at tuluyan ng ibinaon sa limot.

Bigla na namang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

Kailangang malaman ko kung sino siya at kung ano ang gusto naya bago pa mabulgar ang pagpapapanggap ko.

Lumabas ako sa silid at tinawagan ang numero pero gaya ng nangyari noon ay hindi ito matawagan dahil nakapatay.

"Tang'na!" hindi ko mapigilang mapabulalas dahil sa inis.

"I don't know nerds could cuss like that. Sigurado ka bang nerd ka?"

"Mind your own fucking business."

"Chill! Dahil ba sa nangyari sa aso mo dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala akong panahon makipagtalastasan sayo kaya wag ka munang epal ngayon. Next time nalang muna kita sisipain sa lugar na di nasisikatan ng araw pag wala akong ginagawa."

"Pasalamat ka nga pinapansin kita."

"Bakit naman ako magpapasalamat? Hindi ako mabubusog o yayaman kung papansinin mo ako. Pwede ba wag kang KSP. Makiramdam ka kung ayaw makipag-usap ng tao saiyo."

Napaikot nanaman ako ng mata pero biglang may nahagip ang mata ko sa bandang sulok.

May nakasilip doon na lalaking naka eyeglass at talo pa si Jose Rizal sa hati ng buhok.

Pansin kong nakatitig siya sa akin at nung nagkatitigan kami ay umiwas siya ng tingin at nagkunwaring may ginagawa.

Maigi ko siyang tinitigan dahil parang nakita ko na siya kung saan, di ko lang matandaan.

Pamilyar yata siya sa paningin ko.

Napahiwalay naman ako ng tingin sa kanya ng biglamg humarang si Cole.

"Sino bang tinitignan mo ha?" tanong nito sabay talikod kung nasaan iyong lalaki.

"Yan ba ang type mo? Damn, hindi ko alam ganyan pala kababa ang standards mo. Sabagay, bagay kayo dahil pareho--"

Di ko siya pinansin at nilampasan nalang. Nagsimula akong maglakad papunta doon sa lalaking nerd pero nakatunog yata siyang lalapitan ko siya kaya agad itong umalis. Agad ko naman siyang sinundan.

Nagsimula siyang tumakbo kaya tumakbo naman ako.

"Sandali!" sigaw ko pero di nito pinansin.

Hinahabol ko na siya ng biglang may humila sa braso ko dahilan para mapahinto ako.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gusto mo bang maputol iyong kamay mong bwisit ka ha?"

"I didn't know you were that desperate with that boy."

"Ano bang pinagsasabi mo? Wag mong sabihin nagseselos ka?"

Agad siyang bumitaw sa kamay ko at napahalakhak ng malakas.

"Nananaginip ka ba ng gising or is this one of the rare cases of sleep walking and talking."

Nilingon ko kung saan na pumunta iyong nerd pero nawalan na ako ng pag-asa at walang nagawa kundi samaan na naman ng tingin si Cole.

"Alam mo ang epal mo eh, ano ba talaga gusto mo?"

"You."

"Ano?!"

"You and your bad taste on boys. Bakit ba doon ka bumubuntot sa pangit. Taasan mo naman ang standards mo."

"Ano ba talagang paki mo? Hindi ka naman maapektuhan sa anuman ang gagawin ko."

"Concerned citizen lang na ako na nagmamalasakit sa mundo. Wag kang pumatol ng pangit, dadami ang lahi niyo. Pinipigilan ko lang ang pagdami ng mga pangit sa mundo."

"Gusto mong ingudngud ko iyong pagmumukha mo sa cheese grater?"

"Alam mo, pansin ko talagang nagbago ka na. You never strike me as a girl with guts. Hindi ka naman ganyan noon."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Wala ka na doon. Kung wala ka namang magandang gawin, suminghot ka ng damo, pakasagasa ka, pakamatay, wala akong pake at wag mo akong idamay. Aalis na ako."

Sabi ko at nagwalk-out na.
......

"Napansin mo ba iyong lalaking nerd na daig pa ang red sea sa hawi ng buhok?" tanong ko kay Hyron nung maalala ko yung kanina.

Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng pananghalian.

"A-wing jun? Yhung plfpalagwing bwomubunshot shayo?"

"Mas mabuti kung lunukin mo muna iyong kinain mo dyan bago kita palunukin ng kamao ko. Hindi ako nakakaintindi nang pinaghalong japanese at korean."

Nagmadali naman siyang ngumuya at uminom ng tubig.

"Namimihasa ka na sa pagiging brutal ha? Di na maganda iyon."

"Ano? Sasagutin mo o sasagutin mo?"

"Sheesh, ang highblood mo. Sino na yung tinutukoy mo? Marami namang ganong klaseng nerd dito, pero yung palagi bang bumubuntot sa iyo yung tinutukoy mo?"

"Palaging bumubuntot?"

Automatic na napataas ang kilay ko. I didn't know may stalker pala itong si Lizzy kahit ganun siya mag ayos.

"Nakalimutan mo na agad? Nawala ka lang ng isang buwan. Iyong si Jethro ba tinutukoy mo? Iyong may laging nakasabit na DSLR sa leeg? Siya lang naman iyong bumuntot sayo eh. Noon sabi ko upakan natin, di mo naman ako pinapansin. Anong nangyari bakit nagtanong ka?"

"Wala ka na dun."

"Naman oh, akala ko ba bestfriends tayo, dali sabihin mo na. Inano ka ba nung gagong yun at gugulpihin ko para sa iyo."

"Sabihin mo nalang saan ko siya makikita."

"Bakit nga? Kung bubugbugin mo na siya, sasali din ako."

"Ulol, kakausapin ko lang."

"Tang'na, kahit kalian di talaga ako masasanay pag nagmumura ka. Okay ka lang ba talaga?"

"Gusto mong masapak?"

Umiling nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Fine, kadalasan siyang nasa press room doon." Turo niya sa katabing building sa tabi ng cafeteria. "Siya kasi yung editor ng photojourn ng school press dito. Ano happy na? Happy?"

Wala akong ibang ginawa kundi ismiran siya.

--

Humihingal akong napakapit sa railings ng hagdan ng sa wakas ay naakyat ko na rin ang ikatlong palapag ng gusali sa kabilang department. Mukhang humihina na yata ako.

Sira yung elevator kaya kinailangan ko pang akyatin ang hagdan papunta sa dito.

Sumandal muna ako sa pader sa gilid ng may marinig akong nag-uusap. Dahil may pagkachismosa ako ay sumilip naman ako.

"Hoy nerd, yung pinagawa ko sayong project asan na?"

Iyong tinawag ni Hyron na Jethro ay pinapaligiran ng lalaki at mukhang binubully siya.

"H-hindi ko pa natatapos, hindi iyon ganun kadaling gawin."

"Pwes problema mo na iyon."

"Eh proyekto niyo rin naman iyon bakit hindi nalang---"

"May sinasabi ka ba ha?" sabi nung isa tsaka binatukan pa siya.

"W-wala."

"Magaling, dahil mabait ako, bibigyan kita ng hanggang mamayang hapon para tapusin yun, kundi alam mo na anong mangyayari sa iyo."

Ginulo nung isa ang buhok nito ay umalis na pero bago pa man makalayo iyong tatlo ay bumalik iyong mukhang lider sa tatlo at sinikmuraan iyong Jethro dahil para mapaupo ito sa sahig at madaing sa sakit.

"Patikim lang yan kung hindi mo nagawa iyong pinagagawa namin sa iyo."

Nagkatawanan naman ang tatlo bago tuluyang umalis.

Pinagmasdan ko lang siya habang pilit tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at pumasok sa press room na katapat lang.

Maingat ko naman siyang sinundan kung saan pumasok siya sa isang silid na mukhang yung tinatawag na dark room kung saan dinedevelop iyong mga larawan.

Dahil nga medyo madilim ay di niya ako napansing pumasok. Nakatalikod siya sa akin habang kinakalikot iyong DSLR niya.

Bumuntong hininga siya bago inilapag ang kanyang DSLR sa may mesa at may kinuhang litratong nakasabit at maiging tinutukan at maya-maya'y hinalikan pa.

Di ko mapigilang magtaas ng kilay. Ano bang trip ng lalaking to?

Muli siyang bumuntong-hininga at inilapag iyong litrato tsaka lumabas na.

Mukhang marami talaga siyang inisip niya dahil hindi man lang niya napansing nilampasan lang niya ako.

Bakit ko nga ba siya sinusundan lang, I came here to confront him hindi para pagmasdan lang siya.

Aalis na sana ako sa dark room pero bigla akong nacurious doon sa larawang hawak hawak niya kanina.

Nilapitan ko naman iyon at tinignan.

Holy freaking shit.

Mas nagulantang pa ako ng malibot ang tingin sa lahat ng litratong nakasabit sa silid.

This guy is completely nuts.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top