Chapter 17: Texts

Kinabukasan balik na naman sa normal ang lahat.

Balik Eliza na naman ako which means suot ko na naman ang mahabang wig ni dora at eyeglasses na wala namang kagrado-grado.

Same routine every morning in weekdays, lakad sa hallways papunta sa classroom ng nakayuko.

Napasinghap naman ako ng biglang may umakbay sa akin.

"Hey! First time ko yatang hindi late. What's up Eli, morning!" masayahing bati ni Hyron na halatang maganda ang gising.

"Yeah." matabang na sabi ko sabay alis sa braso niya na nasa balikat ko na agad niya din namang ibinalik at hinila pa ako ng mas papalapit pa sa kanya.

Napa-ikot nalang ako ng mata.

"Good morning rin Hyron! I'm so proud of you na di ka late. Ang gwapo mo talaga and you're the best friend ever." sabi nito na may matinis na boses.

Tinignan ko lang siya na para bang nasisiraan na siya ng bait. Napalabi naman siya. "Iyon dapat ang isagot mo Eli! Para magtagal iyong relationship natin, you know. It takes two to tango ika nga."

"Masayahin ka yata ngayon?" sabi ko. Di ko na pinansin iyong mga sinabi niyang walang kabuluhan.

Napakunot naman siya ng noo. "Di mo ba alam iyong nangyari kagabi?"

"Ano namang kinalaman nun sa mood mo? May naikama ka ba kagabi?"

"Akala ko ba matalino ka? Bakit di gumagana utak mo ha? Kung ano anong pumapasok sa utak mo eh " sabi nito tsaka ginulo gulo iyong buhok ko kaya bigla akong napalayo sa kanya.

I glared at him. "So ano nga?"

"Manang ka talaga, palibhasa wala ka man lang kamalay malay sa mga kaganapan sa labas ng mga libro mo. Di ka updated sa trending ngayon sa school."

May hinala na akong may kinalaman ito sa ginawa ko kagabi pero patay malisya lang ako. I stopped the grin that was planning to escape my lips.

"What?"

Ngumisi siya ng malawak. "The queen has been dethroned!" galak na galak pa niyang pahayag.

"Ano namang paki mo dun?" konti nalang ay iisipin ko talagang may pagkabakla tong lalaking to, ang lakas makasagap ng tsismis eh.

"Alam naman ng lahat na wala talagang may gusto sa kanya. They just worship her because of her power kaya ngayon na may naglakas loob na kumalaban sa kanya ay natauhan na rin ang mga tao."

Habang naglalakad kami ay rinig namin iyong mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

"Nakita niyo ba iyong sa party ni Regine. It was so epic girl."

"Talaga? Sayang wala ako. Grounded kasi ako eh. Ano bang nangyari?"

"Check the school website. Nandoon iyong mga pics. Oh em geeee talaga siya as in."

Nagsilabas rin naman sila ng mga cellphone nila.

"Anong meron sa school website?" tanong ko sa kanya.

Inilabas niya naman iyong phone niya. "Here read this. Post ito ng admin na anonymous ang pagkakakilanlan."

"The Queen has been dethroned." Basa ko sa caption.Napatingin ako kay Hyron.

"Ano? Di ba pwedeng gumaya gaya, di naman ako kakasuhan ng plagiarism eh."

Tinignan ko isa isa yung mga pictures na di ko alam ay meron pala. May pic na nagkasagutan kami ni Regine, yung sinabuyan ko siya ng alak, nung tinulak ko siya sa pool at nung hinila ko si Cole paalis. Pati na rin nung hinalikan ko siya sa labi.

Hindi ko alam pero namumula yata ang mga pisngi ko ngayon.

"Alam mo? Parang pamilyar sakin ang babaeng yan. Di ko lang alam kung asan ko siya nakita." Biglang sabi ni Hyron mula sa balikat ko kaya mabilis kong pinatay ang cellphone niya at inihagis sa kanya.

"Hoooy! Pano kung di ko nasalo? Alam mo namang one life left nalang tong cherry mobile ko, hinahagis mo pa. Tsk. Pinaghirapan ko to gamit ng sarili kong pera."

"Edi palitan mo."

"Saka na pag tumae ako ng pera, kahit pa gawing baseball yung cellphone ko okay lang."

"Kuripot mo lang talaga."

Magsasalita pa sana siya ng biglang may marinig kaming matinis na boses mula sa dulo ng hallway. At dahil nga mga chismosa ay lumapit kami.

"What are you looking at huh? Gusto nyo dukutin ko yang mga mata ninyo."

"Tumabi kayo sa dinadaanan ko or else! You filthy cheap trashes!"

Sa halip na humayo ay tiningnan lang siya ng mga tao.Tumulong naman iyong mga alipores niya para bumugaw ng tao sa dinadaanan nila. Parang PSG lang ang peg.

Saktong natapat sila sa kinatatayuan naming may isa ring grupo ng kababaihan ang kumumpronta sa kanya.

"So Regine, how does it feel to be out of the spotlight huh?"

"Ughh, get out of my way or else." maldita niyang sabi.

"Boohoo... what are gonna do? Tell your daddy?" nagtawanan naman sila at pati narin ang mga nasa paligid na usiserat usisero.

"Shut up! SHUT UP!" halos makabasag tenga niyang sigaw.

"What wala ka nang masabi? May pumalit na sa pwesto mo, at inagaw pa sayo ang pinakamamahal mong King, ano aanga----Aaaaaahhhh!"

Biglang nagkagulo ng sinabunutan ni Regine yung babae at nakisawsaw na rin iyong mga alipores ng magkabilang panig.

Agad naman kaming umalis doon at baka madamay pa ang wig ko sa wala sa oras.

"Iba talaga ang naidudulot nung misteryosong babaeng iyon ano? Natuto nang lumaban iyong mga tao kay Regine, yun nga lang sabunot ang bagsak haha" sabi ni Hyron. Tumango nalang ako.

"Sino kaya yung babaeng iyon, kilala mo ba?" nag-angat lang ako ng balikat.

"Sabagay, wala ka naman talagang alam eh. Di na ako magugulat kung di mo alam na si Duterte ang pangulo ng Pilipinas." Patango tango lang ako.

"Pero di nga...parang nakita ko na siya. Di ko lang alam saan. Ano sa tingin mo Eli?"

'...'

"Naman eh, para kang display na nasa sasakyan iyong may spring sa leeg. Palagi nalang tumatango, wala ka namang naitutulong eh."

Napaikot nalang ako ng mata

"Wag kang usisero. Dun ka na sa klase mo, papasok na ako samin." Sabi ko saktong dumating kami sa tapat ng classroom ko.

"Naku, kung di lang kita kaibigan." Hui niyang sabi bago kami naghiwalay.

Pumasok na ako sa room at umupo sa dati kong inuupuan. Di nagtagal ay dumating na ang prof at sinundan naman ni Cole pagkaraan ng ilang minuto.

Tahimik ang lahat at tanging maririnig lang ang tunog ng marker ng prof na may isinusulat sa pisara.

Napahikab naman ako dahil sa antok.

Isinandal ko ang ulo ka sa kamay tsaka umidlip ng biglang nagvibrate ang phone ko kaya pasimple ko itong sinilip.

1 new message from 09*********

'Hey'

Napataas naman ako ng kilay. Sino naman kaya ito?

'Sino to?'

'The man you kissed, crazy girl'

Agad naman akong napalingon kay Cole sa likod at nakitang nakahawak siya sa phone niya. Nagtaas naman siya ng tingin kaya agad akong humarap na.

'Sup...bored?' nakangisi kong reply.

'How'd you know?'

'Dahil maganda ako.'

'Crazy. Where are you?

'Woah...di pa nga tayo, gusto mo na agad maging updated kung saan man ako'

'Bakit? Gusto mo maging tayo?'

Wow, ang bilis din ng gagUng to eh.

'I don't date assholes' mabilis kong reply.

'But you kissed one, it's an improvement.'

'So inamin mo talaga sa sarili mong gago ka?'

'It comes with the package babe.'

'Conceited.'

'Wanna hang out?'

Magrereply na sana ako ng natapos na ang prof sa sinusulat niya at humarap na sa klase. Itinago ko na iyong phone ko kahit hindi pa nagrereply. Manigas siya diyan sa kakahintay.

Nagsimula ng itong magdiscuss sa sinulat niya.

Pasimpleng sinilip si Cole sa likod ko. Nakita ko siyang itinapat ang cellphone sa tenga na para bang may tinatawagan.

Nagulat naman ako ng biglang tumunog iyong cellphone ko kaya nahulog ito sa sahig. Nagriring parin ito at kaya napatingin ang lahat sa akin lalo na si Cole.

"Oh shit!"

Mabilis ko itong dinampot at inend call pero itinapat ko parin ito sa tainga ko at nagkunwaring may kausap.

"Hello....Ahm kumusta Mang---.Aling-ahm manang pala...Ano!?...Sige po...Talaga?..Mamaya nalang po...Sige." Sabi ko sabay patay sa cellphone ko.

"Mukhang nakakaabala yata kami sa tawag mo Miss Cruz? Didn't I tell you that cellphones are not allowed in my class?"

Napahawak naman ako sa batok ko. Pahamak talaga ang hinayupak na iyon.

"Ahmm...kasi ma'am yung aso namin, nagkasakit at isinigod sa beterinaryo tumawag lang iyong kasambahay namin." Diretso kong pagsinungaling.

"Hmmm, very well. Palalagpasin kita ngayon. This is a warning sa inyong lahat. Keep all your phones or I'll confiscate all of them."

"Yes ma'am" chorus naming lahat.

Natapos na ang unang subject at tanghalian na. Dahil nga sa nangyari kanina ay pinatay ko muna ang phone ko at ibinulsa.

Binuksan ko naman ito nang matapos na ang klase at nakitang may text akong natanggap.

Napaikot naman ako ng mata.  Mukhang namimihasa yata ang ugok na iyon kakatext saakin. I opened the text message and it almost made my heart stop.

'YOU ARE NOT QUEEN ELIZA CRUZ. LIAR. IMPOSTOR.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top