Chapter 16: The Crazy Side
Matapos ko mana itulak si Regine sa pool ay agad kong hinila si Cole papalayo.
Sa kabila ng matinis niyang boses, Regine's hopeless shreiks were music to my ears.
Wala sa sarili akong napatawa ng abot langit.
"May sira ka ba sa utak?"
Napatigil ako sa kakatawa ng malayang nakalabas na pala kami sa mansion at nasa tabi na mg kalsada sa tapat ng gate.
Nginitian ko siya.
"Nahanap mo na pala ang lalamunan mo akala ko kailangan pa nating hanapin."
Kanina kasi ay himalang tahimik siya at parang wala sa sarili.
Tinignan naman niya ako na para bang sigurado siyang may sapak ako sa utak.
"What? Anong gusto mo?"
"Nakalimutan mo na yatang ikaw ang humila sa akin palabas."
"Nagpadala ka naman ibig sabihin gusto mo. Besides kitang kita ko naman ay naboboringan ka na don. Mas masaya akong kasama diba." kinindatan ko siya at tumawa na naman. Epekto ng ininum ko yata.
Napakunot nanaman siya ng noo.
"Ano bang ipinuputok ng butsi mo, first kiss mo rin? Pavirgin ka pa eh.Gusto mo ibalik ko."
Nilapitan ko siya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Inusli ko iyong labi ko at inilapit sa kanya.Nagulat naman siya pero hindi kumibo halatang gustong gusto ng gag0.
Hindi ko na kinaya at pinakawalan ang pinipigilang halakhak at lumayo sa kanya.
"Hahaha...akala mo naman hahalika---"
Nabigla ako ng ibinalibag niya ako sa sa gate. At siya naman ang inilapit ang mukha sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryoso niyang saad dahilan para mapalunok ako ng laway.
"Hehe...That was just a joke."
"Nakita mo ba akong tumatawa." seryoso parin niyang sabi.
Parang naging de javu nanaman sa akin ang lahat. Dahil nakasanayan ko na ay agad umangat ang tuhod ko para masipa siya. At dahil baka isumpa ako nito pag hindi siya magkaanak sa hinaharap, tinuhod ko nalang siya sa sikmura.
Agad naman siyang napaatras para malabawi sa pagkakatuhod ko sa kanya.
"Ahm...bayad yun sa halik ko, di yun libre."
"Shit...ah...baka nakalimutan mo nang ikaw ang unang humalik..."
"Baka nakalimutan mo naring tumugon ka naman sa sa halik.Nagrereklamo ka ba ha?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin habang hinihimas ang tiyan niya.
Mukhang napalakas din yata iyong pagkakasipa ko dahil kahit abs niya ay di kinaya.
Naguilty naman ako. He maybe a jerk, and an asshole pero mukhang nasobrahan na yata iyong ginawa ko.
Hinila ko nalang siya. Hindi ako nagpapaumanhin. Hindi kaya ng pride ko yan. Puputi muna ang uwak bago ako magsosorry sa kahit sino.Babawi nalang ako sa ibang paraan.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano nanamang inaarte mo?" nakapamaywang kong sabi.
"You're crazy, unang kita natin you punched me, the you kissed me, then you kicked me, tapos anong sunod?"
Napahawak naman ako sa bewang ko.
"Baka nakalimutan mong ginawa niyo akong pustahan sa pagitan ng gulo niyong wala naman akong kinalaman. You totally deserved that punch asshole. Tungkol naman sa halik ko, ano namang problema mo don? Nasarapan ka pa nga eh. Kaya tara na at wag kang mag inarte."
Sabi ko sabay hila sa kanya.Balak ko siyang dalhin doon sa nagtitinda ng mga isaw at barbeque. Doon sa pupuntahan ko sana kung di lang ako naipit sa gulo ng mga ugok na to.
Di ko nga akalaing magkalapit lang kami ng bahay ng Regine na yun. Pareho lang naman kasi kami ng subdivision kaya madali lang matunton iyong bahay niya.
Hinila ko na siya at nagpadala naman siya. Malayo layo rin yung nalakad namin dahil kinailangan pang lumabas sa subdivision. Palipat lipat yata sila eh.
Kumakanta lang ako habang naglalakad. I was shamelessly singing my own mash-ups from Ed Sheeran's to k-pop songs at the top of my lungs.
"You're singing is awful."
"Nainggit ka lang, dahil mas sintunado ko pa siguro sa akin."
Natanaw ko na iyong mga stalls kaya mabilis ko siyang hinila.
Malalim akong huminga at nalanghap ang simoy ng masarap na barbeque.
Agad akong lumapit sa isang stall at inabutan iyong aleng nagtitinda ng limang daan.
"Pabili po, eto...tsaka eto tapos ito rin...yan rin oh tapos yun..."
Mahigit dalawampu yata iyong naituro ko. Tig lilimang barbeque na laman, tsaka isaw, tapos iyong hotdog atsaka paa ng manok. Hindi ko pa iyon nasubukan pero mukhang masarap kaya binili ko na rin.
"Ano namang gagawin ko rito?" nakasimangot niyang tanong.
"Ilang laman loob ba ang kailangan nating hanapin, kanina lalamunan mo ngayon naman utak. Common sense nga." dinampot ko iyong lutong paa ng manok tsaka itinapat sa kanya. Inilagan niya naman iyon.
"Ano bang ginagawa sa barbeque? Edi kinakain." sabi ko tapos ay isinubo iyong barbeque sa bibig ko.
"Alam mo naman diba na paa yan ng manok ang kinakain mo? At yang isaw na inoorder mo ay minsan ng dinadaanan ng dumi ng manok." nandidiri niyang sabi.
"Aba ineng, ang arte pala ng nobyo mo." sabi nung ale habang inaabot iyong sukli ko na sinkwenta lang ang nakuha.
"Keep the change nalang po iyan. Tsaka hindi ko siya syota. Hindi ko siya type."...yung abs lang.
"Hindi type pero dinala mo ako dito para idate, ganon mo ba talaga ako kagusto." matawa tawa niyang sabi.
"This is not a date, wag kang feeling, ilang ulit ko bang sabihin sayo di kita type."
"Hindi mo ako type pero hinalikan mo." aniya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ginamit lang kita, don't flatter yourself. Tsaka pumili ka na, libre ko."
"Then is this your way of apologizing? It sucks."
"Pipili ka o mukha mo ang ibabarbeque ko?"
.........
'Buuuurp~~~'
"Hooooh sarap!" sabi ko habang hinihimas ang tiyan kong umumbok dahil sa kabusugan.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa ilalim ng mga lamp post. Kahit gabi na ay marami rami parin ang mga taong gumagala.
"Nilibre na kita, wala na akong atraso sayo. We're now even."
"Hindi iyon libre dahil ikaw lang naman kumain sa sinasabi mong libre."
I scoffed at him.
"You eat like a little girl. At pagsinabi komg libre ko. Sulitin mo. Di yung tatlong piraso lang ang bilhin mo."
"You're the one who eats like a cave man. Ang takaw mo."
"Shut up dickhead." sabay mahina kong suntok sa braso niya.
Biglang sumimoy ang malamig na hangin kaya wala sa oras ay napahimas himas ako sa braso ko at di mapigilang manginig. Nakalimutan ko kasi ang cardigan ko.
"Here." nagulat ako ng iniabot niya iyong leather jacket niya sa akin or rather inihambalos sa mukha ko.
"Oh aanhin ko to?"
"Subukan mong labhan ngayon din." sarkastiko niyang sabi.
"Hindi eh, mas maganda siguro kung isakal ko ito sa leeg mo."
"Can you just say thank you? Isuot mo na, sino naman kasing nagsabing yan ang idamit mo?" irita niyang sabi.
Inirapan ko lang siya at isinuot na ang jacket.
Inilahad ko iyong kamay ko sa kanya.
"Give me your phone."
Tinignan niya ako na para bang hinohold-up ko siya.
Napatawa nanaman ako sa kanya.
"I really like you when your dumb. Ang rami kong tawa sa iyo. Di ko naman tatangayin cellphone mo. Baka porn lang naman laman nito."
"I really want to strangle you." sinamaan niya ako ng tingin pero inilabas niya naman ang cellphone niya at inunlock. Mabilis ko namang itinype ang number ko at ibinalik sa kanya.
"Text text nalang tayo. Inaantok na akon eh. Uwi na ako."
Tumakas pa naman ako baka may makahalata nang wala ako sa kwarto ko.
"Sino ka ba talaga?"
I smirked at him.
"Di mo ba ako marinig kanina? My name's Queen, Mr. Nicholas Kaizen King III."
"Pano mo nalama--"
"Goodbye~~" putol ko sa kanya at nagflying kiss pa.
Saktong may taxi na dumaan kaya pinara ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top