Chapter 15: The Queen Gatecrashes
Mula sa labas ay napatingin ako sa mansiyon kung saan pinagdadausan ng kasiyahan.
Loud music was blasting through the mansion. Pakalat kalat ang mga tao. Halos lahat yata ng mga tao ang nadito, well obviously except for the nerds and geeks na hindi invited. They look like they're all having a good time.
I got to hand it to her, she sure knows how to handle a good party but sadly
I'll have to ruin it for her.
Napatingin ako sa sariling repleksiyon mula sa bintana ng isang sasakyan at nginisihan ang sarili.
Eliza and I may have identical faces pero magkaibang magkaiba kami. Di mo malalamang magkakambal kami. Siguro kung itatabi mo lang kami sa isa't isa at tititigang mabuti ay doon mo lang malalaman.
The girl staring back at me now screams everything about Queen Helena at walang bahid na Queen Eliza Cruz na makikita.
This woman is badder, fiercer and bolder.
Hinubad ko ang cardigan ko and barged in the party like a pro.
Lahat ng nadadaanan ko ay napapatigil at napapatingin.
Marahil ay nagtataka kung sino ako dahil ngayon lang nila ako nakita or pwede ring nagandahan lang sila saakin.
Malamang iyong pangalawa. Duh.
Walang nagtangkang humarang sa akin para tanungin kung sino ako. I guess star-strucked parin sila sa ganda ko.
Tch.
May bar counter sa loob ng mansion at mukhang lahat ng klase ng alak nandito. Mojito, bloody maria, whiskey, margarita, martini you name it. I'm pretty sure wala pa sa legal na edad ang mga nandito. Should I call the police? Naaah, it may ruin all the fun.
Lumapit ako doon at nag-order ng inumin sa bartender.
Hmmm...not bad. Kahit iyon bartender nila ay cute. Di na ako nagtaka kung bakit ang daming babaeng tumatambay sa bar counter.
"What can I get for a lovely lady like you?" sabi niya sabay ngiti at lumabas iyong malalim niyang dimples.
Nginitian ko naman siya.
"Surprise me, love."
Mahina naman siyang napatawa at nagmix na ng inumin ko.
"So kaano ano mo si Regine? Parang ngayon lang kita nakita ah."
"It's a secret. I'd like to be mysterious." kinindatan ko siya.
Muli nanaman siyang napatawa. Masayahin talaga ang taong to.
"Here's your straw berry mojito then Miss...?"
"Hmm...Call me Queen."
"Queen huh?" napatawa nanaman siya. Bakit ba sobrang masayahin ng taong ito.
"Bakit?"
"Nothing, it's just that siguradong magagalit siya pagnarinig niya ang pangalan mo."
Napataas naman ako ng kilay.
"Sino naman."
"Pi---"
"Whiskey, one glass." madiing utos ng nasa kaliwa ko kaya nabaling ang atensiyon namin sa kanya.
Nagulat naman ako ng makita muli ang suplado niyang mukha.
Napatitig ako sa pasa niya sa pisngi. Bakit parang habang lalo ko siyang tinititigan lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.
Napa-iling ako sa isip ko. Kinumbunsi kong hindi siya ang type ko.
Hindi ko type ang porma niyang messy hair at bad boy na look. Hindi rin ako nagagandahan sa perpekto niyang kilay, sa mata niyang parang kulay kape na walang cream sa itim. Iyong ilong niyang matangos at kahit man sa labi niyang manipis at mapula pula. Hindi talaga.
Pati rin yung abs. Wala akong kainteres interes sa abs na iyon. Sa matigas at perpekto niyang abs. Kahit maging 11 pa iyong six pack abs na iyon wala akong paki.
"What the fvck are you staring at?" naiinis niyang baling sa akin, nakita ko namang mas lumalim ang kunot ng noo niya ng makilala ako.
"Ikaw!" nakita ko namang napaigting iyong panga niya.
I composed myself at matamis siyang nginitian.
"Hi there!"
Hindi parin siya nagsalita.
"Still starstrucked? Didn't expect dito tayo magkikita. How's the bruise by the way. Masakit pa ba?" sunod sunod kong sabi sa kanya. Kitang kita ang asar sa mukha niya.
Napatiim nanaman siya ng panga. Nang maiserve ng nung bartender ang inumin niya ay agad niyang kinuha at padabog na umalis.
Napailing nalang ako at mahinang napatawa. Ang sarap niyang pikunin. Akala ko naman papatulan ako nun.
"So kilala mo pala si Kaizen." Muli akong napabaling sa bartender. Kilala niya rin pala si Cole at tinawag pa ito sa pangalawa niyang pangalan. Sabagay, halos lahat naman yata ng tao dito kilala siya.
Napatango naman ako.
"I've met him a few times." Sabi ko sabay simsim sa inumin ko.
Ilang minuto akong nanatili sa counter at nakikipag-usap sa bartender. May lumalapit din saaking mga lalaki pero agad ko naman silang binabara sa mga pick-up lines nila.
Napalabas naman din ako sa backyard nila at bumungad sa akin ang malawak na pool. Ang daming nagkakasiyahan.
Iginala ng mata ko ang buong paligid. Nakita ko si Cole na nakasandal sa isang sulok at sumisimsim sa kanyang alak.
He looks bored habang nakatingin sa kawalan.
Hinanap ng mata ko si Regine pero hindi ko nakita. Akala ko ay madali lang siyang hanapin dahil didikit dikit lang naman siguro iyon kay Cole. Himala naman ay wala siya.
Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin kaya agad kong pinilipit ang kamay nito.
"Aaaaah---aray miss byutipul!"
Agad ko namang nabitawan ng makita kung sino ito. Natrauma na kasi ko nung bigla akong kinidnap.
"Miss Byutipul grabe ka naman makaharass." Sabi ni Yohann habang hinihimas ang braso niya.
"Kinagagalak kong muling masilayan ang iyong ganda binibini."
"Idol, kumusta na? Namiss ka namin."
"...."
Pinaligiran ako ng apat na ngayong ay aliw na aliw maliban nalang kay Ichabod na tumatango lang sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
Ofcourse, nandito iyong lider nila, malamang nandito rin sila.
"Mas gumanda ka pa lalo ngayon miss Byutipul."
Muntik ko nang patulan ang mga pambobola ni William.
"Siguradong magugulat si Cole pag nakita ka."
Nagtinginan naman sila na para bang may iba pang ibig sabihin.
"Nagkita na kami kanina." sabi ko.
"Tapos?" sabay sabi nina Yohann at William. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kamukhang-kamukha nila si King, yung aso at hindi iyong asal aso. Iyong mukhang nag-aabang ng susunod kong sasabihin.
"Wala, umalis siya." simple kong sabi at pinatay ang kung ano mang pantasyang nasa isip nila.
"Weh?"
Napaikot nalang ako ng mata. Kay lalaking mga tao, ang chichismoso.
Nagpasya akong lumayo sa kanila ng makasalubong ko si Regine at mukhang napansin niya ako. I ignored her at nilampasan.
"Hey you!" rinig ko sa matinis na boses niya mula sa likod ko.
"You! Hey! Bingi ka ba?"
"Hey, I'm talking to you! Hey!"
Nairita ako sa matinis niyang boses kaya pinansin ko na siya.
"Oh hello there! You know, hindi mo naman talaga kailangang ulitin pa iyong sinabi mo. I ignored you just fine the first time." Malambing kong sabi sabay ngiti ng plastik.
"You! Sino ka? You're not invited here." Mataray niyang sabi na halatang napipikon na.
Napasuri naman ako sa kanya mula ulo hanggang paa at napataas ng kilay.
Naka-knee high boots siya, pekpek shorts at isang croptop na halterneck din katulad sa akin. Although magkaiba ng style. Her's was a white halter crop top na low cut, yung tipong makikita mo nang parang sinusuka na nung damit ang boobs niya. Kapareho rin kami ng hairstyle na nakabun tsaka may naiwang iilang hibla sa gilid ng mukha.
Sumilay naman sa labi ko ang isang ngisi. I took one step closer to her at hinubad ang tali sa buhok. Hinayaan kong malugay ang maalon alon kong buhok para hindi na kami pareho ng hairstyle.
"I invited myself in. Cool party, but I've seen better."
Namumula na ang mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mo---"
"Surely hindi kasing kapal ng make-up mo dear." putol ko sa kanya.
"Urgh! Hindi mo ba ako kilala? I'm the daughter of the Romeo Thorne at Alyssa Thorne na sikat na designer. I'm the one and only heiress of THORNE Group of Companies. Our family own hundreds of hotel and restaurant chains. Makapangyarihan kami! Isang pitik ko lang kaya kong palahuin ka na parang bula."
"Oh my god! I'm really sorry." I sincerely said.
Ngumiti siya na parang nagtagumpay na sa laban.
"That's right, dapat lang matakot ka, lumuhod----"
"Sorry If I looked interested. I really am not." Putol ko sa kanya. "Tsaka mauuna na rin akong hihingi ng tawad sa mga magulang mo. I felt sorry for them having you as their only heir. Baka sa araw na ipamana sa iyo ang kompanya niyo ay mabankrupt agad."
"How dare you! Sino ka ba sa tingin mo ha?!"
Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa tenga niya.
"Darling, I'm the one who's going to steal your crown and your precious king."
Hindi ko alam kung bakit nasali ko sa usapan si Cole, basta lang kasi sumulpot yung abs-este iyong mukha niya sa isip ko. Alam kong obsessed na obsessed siya sa lalaking iyon kaya isinali ko na para lalo siyang mapikon.
Lumayo ako sa kanya at hinanap ng tingin si Cole.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at di namalayang napatigil pala ang lahat at nanonood lang saamin.
I don't mind. Iyon naman ang balak ko. I want all eyes on us to let them see how pathetic their so-called queen is.
'Bingo' usal ko sa sarili ng makita si Cole na kaisa-isang taong walang pake sa nangyayari.
Naglakad ako palapit sa kanya at nagpupuyos naman si Regine na sinundan ako.
"Hey bitch! How dare you turn your back on me! Where do you think you're going huh? I'm not done with you! Sa tingin mo bang hahayaan lang kitang maagaw saakin-"
"Keep talking, I yawn when I'm really fascinated." I really like cutting people off.
Hihilain niya na sana ako ng mahablot ko si Cole at ihinarap sa kanya.
Narinig ko namang napasinghap iyong mga nasa paligid. Maging si Cole ay ramdam kong nairita.
"What the fu----"
I wasn't thinking straight. Marahil dahil ito sa alak na kasalukuyang hinohostage ang mga brain cells sa utak ko o dahil sa natural lang na padalos dalos ako sa mga kilos ko pero eto ako ngayon hinahalikan ang isang Nicholas Kaizen King III.
It was so sudden kahit ako ay nabigla. Then he closed his eyes and moved his lips and kissed me back.
Iminulat ko ang mata ko at tumingin kay Regine na nalaglag iyong panga at maging ang mga tao rin sa paligid. I gave her a quick side smirk habang magkadikit parin ang labi namin atsaka ipinagpatuloy ang halikan.
Hindi ako eksperto sa mga ganito but I'm pretty sure it's more than just a plain ordinary kiss. Ilang daang beses ko ng napapanood si Grace mapikaglaplapan sa mga lalaki niya at kabisado ko na yata ang bawat galaw kahit hindi ko pa nasusubukan. My mouth tastes like the combination of strawberry mojito and whiskey.
Napahiwalay naman kami ng tumili si Regine. Pati narin ng kantsaw ng nasa paligid, na sigurado akong mula kina Yohann at William.
"You! How dare you! You bitch! I hate you!" she was getting more hysterical every second. "Cole's mine! Papatayin kita, makapangyarihan kami! I'll make sure to make your life a living hell----AAAAHHHH"
Hinablot ko iyong kanina pang hinahawakan ni Cole na inumin niya at ibinuhos ang laman sa mukha ni Regine dahilan para mapatili siya.
"Maybe that is enough to wake you up from your delusions."
Sumugod siya sa akin at sasabunutan sana ako nang mabilis kong mahawakan ang mga kamay niya. Minsan na niya akong nabiktima sa buhok, like hell I'm gonna let her again.
"Bitch. Don't ever. EVER. touch my hair." Tinulak ko siya sa pool katabi lang namin dahil mukhang nakulangan kasi sa isinaboy kong inumin sa mukha niya.
Halatang biglang bigla pa ang lahat sa nangyayari at wala man lang nag-abalang tulungan siya sa pool, kahit iyong mga alipores niyang powerpuff girls.
I flipped my hair at naglakad na papalayo pero bago yun ay lumingon muna ako sa kanya na kumakalat na ang black mascara sa mukha.
I gave her a smirk.
"And by the way, the name's Queen, princess."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top