Chapter 13: Stuck in the Middle

Umuwi akong talunan, bad trip na bad trip ako dahil sa pagmumukha ng kumag na iyon. Hindi ko matatanggap na talo ako. Hindi pa ako nagsisimula. I will still crush him to a pulp.

Kanina pa ako pabalik balik ng lakad sa silid ko para magpalamig ng ulo. Lumabas ako sa silid ko at nagpunta sa kusina suot suot ang hood ko dahil hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa. I was in my normal self. It was torture already being a nerd in the school pati ba naman sa bahay, papanagutan ko pa talaga? Hell no.

Binuksan ko ang fridge pero agad ding sinara. Wala akong magustuhang kainin.

Food is my anti-depressant at sa panahong ito, takam na takam ako ng barbeque, isaw, fishball, kwek kwek at dirty ice cream. Walang ganon sa States at ewan ko lang paano napasok sa isip ko iyon.

My parents are not home as usual kaya ako lang mag-isa dito maliban sa mga katulong at gwardya

Napag-isipan kong lumabas. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos na parang si Eliza, para saan pa. Alas otso nan gabi. It's not like someone will recognize me. Di naman ako lalayo, I'm sure may tindahan diyan ng street foods sa tabi tabi.

Suot ang lumang ripped jeans at black crop top na pinatungan ng hoodie ay inakyat ko ang bakod at ligtas na nakababa sa kabilang lote.

'Hooh'

Nagsimula na akong maglakad. Mga ilang kanto pa, parang may natatandaan akong tindahan ng mga ganung klaseng pagkain sa tuwing dadaan kami papunta sa school.

Gustong gusto ko talaga iyong isaw tsaka kwek kwek.

Napamasid ako sa paligid. Walang masyadong tao na umaaligid. Hindi naman nakakatakot, hindi ako naniniwala sa multo.

Naparaan ako sa isang parke kaya lumiko papunta doon. Sa tingin ko may shortcut dito. Mahilig kasi ako sa shortcut.

"Miss Byutipul, naligaw ka ata ah!"

Agad akong napatigil sa paglalakad ng may nagpakitang lalaki mula sa dilim.

"Napadaan lang." tipid kong sabi at ipinagpatuloy ang paglalakad ng hinarangan niya ako, nagsilabasan pa ang iba niyang kasamahan. Mga sampu sila lahat at may hawak na kahoy, baseball bat at brass knuckles. Parang sasabak sa isang labanan.

"Sino ka naman?" Sabi ng isang kalbong lumapit sa amin.

"Boss, baka padala ng kabilang gang para espiya." sabi nung humarang sa akin.

"Sinabi kong napadaan lang ako. Kaya paraanin niyo na ako." matapang kong sabi.

"Teritoryo ng gang namin ito. Alam ng lahat iyon at kung sino mang maglakas loob pumasok sa teritoryo naming ay malamang ipinadala ng kabilang gang para magmanman." –kalbong lider.

I pursed my lips. Malay ko ba, I just got here mula America kaya malamang di ko alam yun.

"Alam kong kalbo ka lang di bingi. Kaya pag sinabi kong hindi ako espiya at wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo, pakinggan mo."

Dumilim iyong mukha niya at mas lumapit sa akin.

"Wag mo akong ginagalit. Ang ganda mo pa naman. Kung sa kabilang grupo ka nga, mas mabuti nalang na di ka na naming isasauli sa kanila." sinubukan niyang hawakan ang baba ko kaya sinuntok ko sa siya sa mukha.

Narinig ako namang napasingap iyong iba.

"Gago ka ba? Sinabing wala akong alam diyan eh."

Napaatras naman ang kalbo at hinawakan ang ngayo'y dumudugong ilong. Malutong siyang napamura habang pinaulanan ako ng matatalim na tingin.

"Hulihin niyo nga yang putang-inang babaeng yan!"

"I'd like to see you try." I cracked my knuckles taunting them to come at me.

Lumapit na iyong dalawang kasama niya na may ngiti sa labi. They're underestimating me too much and that's their biggest mistake.

When they attempted to grab me on both sides, mabilis kong hinila papalapit sa akin iyong nasa kaliwa ko gamit ng kwelyo niya at sinalubong siya ng isang tuhod sa sikmura. I heard him cough out probably all the air in his body. Hindi pa man siya nakakahuma ay hinila ko rin ang kwelyo nung lalaking nasa kanan ko at pinag-untog ang ulo nila. I hand-chopped the guy on my left on the side of his neck.

Saktong pagbaba ko ng dalawang kamay ko ay ang pagbagsak ng dalawa sa lupa. Sa tingin ko ay hindi pa sumosobra ng sampung segundo ko silang napatumba.

Lumingon naman ako sa lider nila at nagkunwaring humikab. "Yun na yon?"

Mukhang mas lalo siyang nagalit dahil namula na iyong buong mukha niya habang tinitignan ako ng masama na para bang gusto akong i-prito sa kumukulong mantika.

"Anong tinutunganga niyo? Hulihin siya!" utos niya sa kasamahan niya.

Limang lalaki ang nagsimulang lumapit sa akin.

Hinubad ko iyong hoodie ko at tinali sa bewang ko. Mukhang mapapalaban yata ako ng todo-todo. Taena, hindi ako si Wonderwoman, di ko kayang kumalaban ng maraming kalaban na perpekto parin ang buhok. Bwisit, yung buhok ko ayokong magulo.

Pinaligiran nila ako at pinag-iisipan ko pa sana kung sino ang una kong sisipain sa gitna ng may biglang nagsalita.

"Mukhang busy kayo ngayon ah. Babalik ba kami sa susunod na araw kung kalian handa na kayo? Tsaka, sino naman iyang chikababes na pinapaligiran niyo?" napatigil kami at napatingin sa bagong dating na mga tao sa parke.

Tulad sa mga gunggong na pinapaligiran ako ay nakasuot din sila ng black leather jackets at may dala dala rin mga armas na parehas sa kanila. I think I just got myself in a gang fight.

"Di niyo ba to kilala?"tanong nung lider.

Napasingkit ako ng mata habang maiging tinututukan ang mga bagong dating. Madilim sa pwesto nila kaya di ko maaninag ang kanilang mga mukha.

"Hmmm...kikilananin pa kung pwede. Hi Miss!" tugon naman nung isa sa bagong dating at kinawaykawayan pa ako. Lima silang lahat na bagong dating at ang mga gunggong dito ay sampu. Seryoso ba silang makakaya nila ang mga toh?

"Fuck off-- fuck!" Nagitla ako ng namalayan kong nahawakan na ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko. Damn it, nakalimutan kong pinapaligiran pa pala ako ng mga lalaking ito. Nagpupumiglas ako gamit ng mga kamay ko pero mahigpit nila itong hinawakan.

I headbutted the guy in my left pero sa kabila noon ay nanatili siyang nakahawak sa kanan kong braso. One guy helped him at siya ang pumalit sa pagkakahawak sa kanan kong braso. Mukhang nahulaan nilang gagawin ko iyon.

Natigilan naman ako ng may humawak ng mahigpit sa buhok ko kaya hindi ko maikilos ang ulo ko.

I gritted my teeth so hard I could hear it grinding. " You're gonna regret disrespecting my hair like this." I said in a seething tone. Mukhang may gustong bumisita ng impyerno ngayon.

"Sabi ng mama ko na masamang manakit ng babae kaya pwede bang wag nating idamay si chikababes, mga boss?" rinig kong pakiusap nung isang lalaki mula sa kabilang grupo.

"Paki mo. Amin na toh, kami ang nakahuli kaya wag ka nang makialam." muling sambit nung lider ng mga kalbo.

Lumaki iyong butas ng ilong ko sa galit. Ano ako, bagay? Laruan? These bastards are really making me angry.

Tatadyakan ko na sana ang dalawang nakahawak sa akin ng nagsimulang maglakad papalapit sa amin iyong lima. Dahil doon ay naaninag ko na ang mga mukha nila at nagulat nalang ako nang mamukhaan silang lahat.

Walang iba kundi si Cole at ang apat niyang katropa. Hindi na ako magtatakang kasali siya sa isang gang, not to mention, a leader of one.

Gulat parin akong nakatingin kay Cole na ngayon ay nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan, pero agad ding nawala dahil sa tingin ko ay di naman niya ako namukhaan. There was no flash of recognition present in his face pero nanatili parin itong nakatingin sa akin kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Nagulat naman ako ng biglang sumilay sa bibig nita ang isang ngisi at kinindatan pa ako.

"How about another bet?" bigla siyang nagsalita na ikinagulat ng lahat pati ako.

"Anong pinagsasabi mo diyan ha?" sambit nung lider ng mga kalbo.

"Napag-usapan nang ang mananalo ay siyang makakakuha ng teritoryo ng bawat isa. How about add that woman in the bet too. Mapupunta siya sa kung sino man ang mananalo." ani Cole habang nakatingin sa akin. I would really like to show him my middle finger pero may nakahawak sa dalawang kamay ko.

I was about to cut in their conversation when they already came to an agreement. "Ayos ako diyan" tugon ng kabilang panig.

Nanginginig ako sa galit habang tinitignan sila ng masama. Not only did they made me a thing for a bet, a perverted bastard is holding my hair at sa tingin ko ay inaamoy pa ito.

"I'm going to beat you all to hell, you motherfuckers." tiim-bagang kong sabi pero hindi man lang sila natinag.

Nag-inat pa iyong katropa ni Cole. " Wag kang mag-alala Miss Byutipul, sasagipin ka namin. Simulan na ang bakbakan!" aniya.

"Kung ganon..." Ipinitik ng kalbong lider ang kanyang kamay at mula sa sulok ay lumabas ang ilan pang miyembro nila. Cole's gang was outnumbered by 20 to 5.

"Ulol! Wala to sa usapan ah." reklamo ng isang lalaking katabi nung tumawag sa akin ng 'Miss Byutipul'. Siya iyong nagsalita kanina. He was wearing a red folded bandana on his head habang iyong isa naman ay kulay asul. Anong trip ng dalawang ito?

"Wala din naman sa usapang di pwede magdagdag ng miyembro. Ano naduduwag kayo?" sabi nung kalbo habang malawak ang ngisi sa labi.

"Ulol! Ikaw yung duwag, gago ka! Upakan kita diyan." inis na sigaw nung lalaking naka asul na bandana.

"Sabihin mo kong anong gusto mo pero sa huli ay kami parin ang magmamay-ari ng buong parke at wala ng kahati pa. " Humalakhak naman iyong lider na animo'y nanalo na.

"Bakbakan na! Tama na ang satsat. May curfew pa sa alas dies. Papagalitan ako ni mama paghindi ako naka-uwi agad." Muling saad nung nakapulang bandana.

"Mama's boy ka kasi." singit naman nung isang naka-asul. Mukhang may sapak sa ulo ang dalawang ito.

"Gusto mo ikaw una kong upakan ha?"

"Game! Isang sapak ko lang sayo tumba ka na eh."

"Umayos kayo." Sinaway sila ni Cole kaya agad naman silang tumigil.

"Yes boss!" sabay namang sabi ng dalawa.

Nagsisugod na ang mga kampon ni kalbo at doon na nga nagsimula ang labanan. Agad pinaligiran ang lima. Initially, I thought they wouldn't stand a chance due to the opponent's number pero pinatunayan nila ang quality over quantity. Isa-isa nilang pinapatumba ang mga kalaban kahit na lima lang sila. Hindi ko mapagkaka-ilang magagaling sila. Puno ng sigawan at murahan ang laban, lalo na ang dalawang katropa ni Cole na pinagkakatuwaan ang mga kalaban nila samantalang tahimik namang nakikipaglaban ang tatlo.

Mukhang ito na ang pagkakataon kong makatakas.

I think the guy on my back is pretty distracted sniffing my hair.Abala din naman ang dalawang lalaking nakahawak sa akin sa panonood sa labanan kaya mabilis kong sinipa sa tuhod at siniko sa mukha iyong nasa kanan ko dahilan para mabitaw siya sa akin. Mabilis ko namang sinuntok iyong nasa kaliwa ko kaya agad din itong natumba.

Ngayong nakawala na ang mga kamay ko ay siniko ko sa ulo iyong lalaking nakahawak sa buhok ko. I kicked backwards which was aimed at his groin which made him let go of my hair. Nakaluhod na ito sa lupa habang sapo iyong gitnang parte niya na dumadaing sa sakit. Hindi pa ako nakuntento  at sinipa siya sa gilid ng ulo.

"Touch my hair again at ibabaon kita sa lupa." I said to him before he slipped into unconsciousness.

"Ang babae, nakatakas!" may isang lalaking kakampi nung kalbo ang nakapansin sa akin at itinuro ako. Natuon ang atensiyon sa akin nang makitang wala na ang mga nakahawak sa akin. Two guys immediately came to my direction.

Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang walang takasan ito. The only way out is taking them out.

May nakita akong baseball bat malapit sa isang nakahandusay na lalaki kaya pinulot ko.

Nabawas-bawasan na ang mga kampon ni kalbo pero kita kong nahihirapan parin sina Cole sa kakalaban sa kanila dahil pinapaligiran parin sila.

Agad na din akong sumugod at sinalubog iyong dalawang palapit sa akin. I put the baseball bat to good use.

I was on rampage, pinaghahampas ko ng baseball bat ang mga nasa dinaraanan ko. Tadyak sa kanan, ilag dito, hampas sa kaliwa at ilag doon. Hindi ko tinutulungan sina Cole, mas madali lang talagang mapatumba ang mga kampon nung kalbo.

I breathed in an out tsaka napangisi ng malawak. This is fun! Kalimutan na ang kwek kwek.

Pinaghahampas ko ang sino mang lumalapit. Napapahiyaw naman sila sa sakit.

Napalapit ako kina Cole . I got too carried away kaya muntik ko ng makampas sa ulo si Cole kung di lang siya umilag. Tch, sayang.

"Were you aiming for me?" di makapaniwalang bulalas niya.

Napangisi lang ako at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Can't say I'm not.

Di nagtagal ay kaming anim nalang ang natirang nakatayo. Everyone else are on the ground. Tumahimik ang paligid maliban sa ibang dumadaing sa sakit habang nakahilata sa lupa.

Napansin ko namang lumapit si Cole sa akin na nakangisi. Hula ko iniisip nito ang pustahan at sila ang panalo kaya mapupunta ako sa kaniya.

Sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti at naglakad din para salubungin siya.

Narinig ko namang kumantyaw iyong mga katropa niya. Hinawakan ko siya sa pisngi at dahan dahang inilapit ang mukha sa kanya. At gamit ng kanan kong kamay ay buong lakas ko siyang sinuntok sa pisngi. Siguradong hindi niya ito inaasahan kaya naknock-out agad.

"That's for the bet..." Tinadyakan ko rin siya sa sikmura. "...and that's for everything else."

Lumapit naman iyong mga katropa niya sa akin. Akala ko igaganti nila ang lider nila pero biglang hinawakan nung isa ang kamay ko. Siya iyong nakapulang bandana.

"Miss Chickababes, ako pala si William Hyde, but you can call me mine." pakilala nito sabay kindat sa akin pero agad naman siyang dinambahan ng kasama niya na paborito yata ang salitang 'ulol' na naka-asul na bandana.

"Ulol, dumidede ka pa nga sa nanay mo, pinupormahan mo na si miss byutipul." sabi nito habang nakadamba parin sa likod ni William. "Idol, ako pala si Yohann Carpio at your service." sabi niya sabay saludo.

"Tang'na bumaba ka nga, pinapahiya mo ako."

"Nyehehehe, yihaaaa!" sabi naman ni Yohann na ginagaya ang cowboy habang sinasakyan si William. Napaikot naman ako ng tingin dahil sa kaimature-an nila. Parang walang labanan na naganap.

"Kalimutan mo ang dalawang totoy na iyon. Ako pala si Maximilian Aragon, magandang binibini. Ikinagagalak kong makilala ka. " nabaling naman ang atensiyon ko sa kanya. Yumuko ito atsaka kinuha ng kaliwa kong kamay at hinalikan.

"Ichabod...Orteja." Sabi naman nung isa at simpleng tumango lang. Ito ang tipong taong tiyak makakasundo ko. I like this guy already.

"Damn it."

Napalingon kami sa likod namin at nakitang nakabawi na pala si Cole sa suntok ko. Hinihilot pa niya ang panga niya at parang pilit inaalala ang pangyayari. Mukhang bago pa man siya tuluyang makabawi ay kailangan ko nang umalis dito.

Habang nakatuon pa ang kanilang atensiyon kay Cole ay palihim na akong sumibat. Nakalayo na ako sa kanila nang narinig kong sumigaw si William at Yohann.

"Teka, Miss Byutipul yung pangalan mo! Di mo pa sinasabi!"

I just smirked at tuluyan ng umalis.

Napakuyom ako sa kamao ko.

Punching him felt good. Really good.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top