Chapter 12: Misfortunes, a Failed Revenge and Abs
Hindi ako nakabasag ng salamin, dumaan sa ilalim ng hagdan o nakakita ng itim na pusang tumawid sa daan pero sa araw na ito ay pakiramdam ko ako ang pinakamalas na tao sa mundong ito.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng eskwelahan ay talagang may nahuhulog na paso galing sa itaas at sa awa ng diyos hindi naman ako natamaan.
Papunta ako ngayon sa locker ko para kunin ang mga gamit pero halos bigla nalang akong nadudulas o nadadapa. My uniform is a mess dulot ng mga taong nakakabungo ko dala ang bagay na ang tanging ginawa ay mantsahan ang damit ko. Muntik na akong maging basing sisiw ng may nagbuhos ng tubig mula sa itaas na building nung naglalakad ako. Umagang umaga palang, ang haggard haggard ko na.
It's like everyone around me are pulling pranks on me at alam ko kung sino ang puno't dulo at may pakana nito...Nicholas Kaizen King III.
Ang hinayupak na iyon, umaga pa lang pinapainit na ang ulo ko.
Narating ko na ang locker ko at pagbukas ko ay nagsilaglagang mga liham at sigurado akong hindi ito love letters.
Some are covered in white and red, black envelope. Agad ko namang binuksan at binasa ang ilan sa kanila.
Letter #1
Hoy Nerd,
Ang kapal talaga ng mukha mong lapitan ang Cole ko. Wala ka pa sa kalingkingan ng ganda ko, at kung sa tingin mo ay mapapansin ka niya, pakamatay ka. You pathetic slut, get away from my Cole.
Letter #2
Panget,
Alam na ng lahat na panget ka kasya wag kang umasang papatulan ni King Cole ang katulad mo. You don't belong here loser. Go to hell.
Letter #3
Ikaw, you makating slut, wag kang papansin masyado. You stay away sa aking Cole or I will make your buhay so ugly and miserable na papantay sa mukha mong ugly. You touched my Cole so face the consequences.
Blah blah blah.....DIE BITCH....LOSER... Blah blah ...UGLY NERD....HATE YOU....KILL YOURSELF...
Itinigil ko na ang pagbabasa. I receive letters like these doon sa States from time to time kaya sanay na ako. Although mostly ang mga nagpapadala lang nun ay mga insecure at selosang girlfriends na iniisip na inaagaw ko ang mga boyfriends nila. Kasalanan ko bang ang ganda ko para maagaw ang pansin ng mga syota nila?
Tinanggal ko na lahat ng mga basura sa locker ko at itinapon.
Pumasok na ako sa loob ng silid naming at napansing halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin na para bang may inaabangang mangyari.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla akong napahinto ng mapansing may manipis na sinulid na nakaharang sa daraanan ko. Sa unang tingin ay talagang di mo mapapansin, buti nalang at napansin ko.
Agad ko naman itong iniwasan at rinig kong napaungol sila sa kadismaya. They were hoping for me to fall for their tricks. Napansin ko ring sobrang kintab nung dadaanan ko at muntik na akong madulas. I feel like I've entered into some land mine. Naiwasan ko naman lahat ng iyon at napabuntong hininga ng makaabot sa upuan ko. Everyone was painfully silent na hindi mo alam anong iniisip. Kinapa ko ang upuan ko para masiguradong walang super glue na nakalagay at wala naman.
Umupo na ako at pagkaraan ng ilang segundo ay nagcollapse ang upuan at kasama akong natumba.
Napangiwi naman ako sa sakit.
Nagsitawanan naman ang mga tao sa paligid. How small can their peanut size mind get?
Muntik na akong mapamura ng malakas.
Agrh...may araw rin kayo sa akin. Makikita niyo!
Sinamaan ko sila ng tingin. Sana mabilaukan sila sa kakatawa. Nag-aaksaya lang sila ng upuan, sinira pa nila. Tsk.
Tumayo na ako at lumipat sa kabilang upuan, iyong upuang inukupa kahapon ng kumag. Speaking of...
Papasok na ito sa silid at parang nagging flash naman iyong mga fans niya at agad nilinis iyong mga patibong na dapat ay para sa akin. Kampante itong naglakad papalapit sa akin pero agad ding napahinto ng makitang wala na siyang mauupuan. Simple lang siyang nagsmirk sa akin at dumiretso sa dati niyang upuan.
Jerk.
....
Pagkarating ng lunch ay nagsilisan na ang lahat sa silid. Naiwan naman akong nag-ayos ng gamit. Naramdaman kong may tao sa likod ko at lilingunin ko sana ng tinapik ako nito sa likod.
"Enjoy the rest of your day, nerd." sabi niya.
That jerk, Cole smirked at me. Hindi na ito naghintay pa ng sagot ko at lumabas na sa silid na nakapamulsa.
Naglakad na rin ako papunta sa cafeteria ng mapansing nagsisitawanan ang lahat ng mga taong nadadaanan ko.
Abala ako sa pag-alam kung anong problema na huli na ng mapansing may nakaharang palang balat ng saging sa daraanan ko.
Mabilis yung pangyayari, the only thing I knew was that I was falling to the floor tapos biglang may humawak sa kamay ko at yumapos sa bewang ko para hilain ako patayo.
Napasubsob naman ako sa dibdib niya at naipit iyong ilong ko. Pero mas pipiliin ko pa ang masakit na ilong kesa puwet.
"Kahit kalian lampa ka talaga."
Nang nakabawi na ako ay agad ko siyang naitulak papalayo sa akin.
Agad naman siyang tumawa.
"Quit laughing, Hyron." sinamaan ko siya ng tingin.
Napatigil naman siya sa kakatawa at ngumisi nalang.
Inilahad niya iyong kamay niya sa akin na para bang nanlilimos kaya naguguluhan ko siyang tinignan.
"What?"
"Nakalimutan mo?"-Hyron
Napakunot ako ng noo. Anong tinutukoy niya. "Ang alin?"
Napakamot naman siya ng ulo.
"Wala, kalimutan mo na. Tara na nga sa cafeteria. Nagugutom na ako." sabi niya sabay hila sa akin.
---
"Sinong tinitignan mo?" tanong nito habang nilalantakan ang pagkain niya.
Hindi ako sumagot pero patuloy paring nakatingin sa mesa nila Cole kasama ng tropa niya. May katabi itong babae na kulang nalang ay subuan siya ng boobs nito. Nagkakatuwaan silang magtropa na para bang sila lang ang tao dito.
"Ang yabang yabang kung makaasta akala mo kung sinong may-ari ng lahat." Sabi ko sa sarili ko.
"That's because he is." nabaling ang tingin ko kay Hyron na narinig pala ang sinasabi ko habang nakalingon din kina Cole na nasa bandang malayong likuran niya.
"Anong sabi mo?"
"Ano?"
"Yung sinabi mo, ulitin mo."
"You mean yung sina Cole ang may-ari ng eskwelahan?"
"Yeah."
"Pamilya ng nanay niya ang may-ari, tsaka lolo niya iyong founder. Everybody knows that."
"I knew that ." tangi ko nalang sabi at nag-iwas ng tingin at pinagtuunan nang pansin ang pagkain ko ng hindi sinasadyang mahulog iyong tinidor ko kaya yumuko ako para kunin ito.
Pagbalik ko ay mariing nakatingin si Hyron sa akin.
"What?"
"Something is on your back Eli." Seryoso niyang sabi at lumapit sa akin at may tinanggal sa likod ko.
'I'M AN UGLY LOSER' – iyon ang nakasulat.
"I'm sorry Eli, hindi ko agad napansin kanina." Hingi niya ng tawad na hindi naman niya kasalanan.
Kaya pala tumatawa iyong mga taong nadadaanan ko kanina, wala man lang lumapit at ipaalam na may nakadikit palang ganito.
Dumako ang isip ko kanina sa classroom. Si Cole, walang duda, yung pagtapik niya sa likod ko kanina. That must be how he put it. That bastard!
Hinablot ko ang papel kay Hyron at pinunit-punit.
Liningon ko ang kumag at sinamaan ng tingin.
'I.will.crush.you.Nicholas.Fucking .Kaizen.King.III.'
............
Maingat akong pumasok sa loob ng locker room ng soccer club. Friday ngayon, ibig sabihin ay maaga ang uwi at free time para sa club activities. Ngayon ay kasalukuyan pang naglalaro ang mga ugok kaya malaya akong nakapasok.
Sinira ko ang lahat ng extra niyang mga damit at walang itinira. I know its lame, pero ito pa lang ang tangi kong naiisip na ipangganti, wala akong maisip. I can think of something later pero sa ngayon ang plano ko ay mapahiya siya sa ibang tao na walang saplot.
Rinig kong nagsipasukan na ang ilan sa mga kasamahan niya at nagpahuli siya. Tamang tama.
Pagkatapos ng ilang minuto ay wala ng ibang tao sa shower room kundi siya lang.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob kaya agad na akong kumilos at ninakaw iyung mga damit niya at lumabas na. Itinapon ko naman iyon sa malapit na basurahan at dumiretso na sa locker ko. Ngayon wala na siyang idadamit pa.
Pagbukas ko ay nagsilaglagan nanaman ang mga hate letters. Hindi ba talaga napapagod ang mga taong iyon, kung sino man sila?
Nagsimula na akong yumuko at pulutin ang nahulog ng may narinig akong tili sa unahan dahilan para mapalingon ako.
Nalaglag ang panga ko ng makita siyang naglalakad sa hallway with nothing but a towel. Ni wala man lng akong nakitang hiya sa mukha niya.
I really didn't think that through. If anything it made him look like some greek god.
Lahat ng nadadaanan niya ay napapatili o kaya ay napapanganga, one even fainted.
Naglakad siya sa direkyon papalapit sa akin na walang sout maliban sa tuwalyang nakatakip sa gitna niya. Hindi ko mapigilang mapansin ang katawan niya. He had a well-toned body, muscles in the right places... and the fucking six pack abs. Bakit ba ang unfair ng Panginoon sa pagbiyaya ng ganyan kagandang katawan?
Why does he have to be so damn gorgeous?
Napakagat ako ng dila ko at pilit na ibinaling na ang atensiyon sa locker ko. He may look like a freaking model pero di parin malunok iyong ugali niya. Demonyo parin ang budhi niya.
Itinuon ko na ang pansin sa locker ko. The hate letters just don't seem to stop. Nag-aaksaya lang sila ng bond paper kakapadala ng sulat na di ko naman babasahin lahat.
Isa isa kong inilagay sa bag iyong mga sulat ng biglang may sumara sa locker ko at muntik ng maipit ang kamay ko.
"What the hell!" gulat kong bulalas at hinarap ang taong iyon pero agad ding napaatras. Sumampa iyong likod ko sa lockers.
Ipwinesto naman niya ang kamay sa gilid ko. Dejavu nanaman. I was once again trapped.
"Sa tingin mo ba ganon ako kadaling gantihan? Your silly pranks weren't even worth looking out for. Better luck next time stupid nerd."
Hindi ako nakasagot ni hindi ko maitanggi. I was too busy thinking how close his abs is on me.
Oh my god.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top