Chapter 11: Nicholas Kaizen King III
"Hello there...seatmate." nakangising bulong nito sa akin na para bang may binabalak na masama.
Nanatili lang naman akong walang kibo at di nililihis ang tingin sa pisara kahit nakatulala parin ang guro dahil sa paglipat ni Cole.
"Bakit ka lumipat dito?" sabi ko ng di siya nililingon sa halip na batiin siya. May pinaplano tong masama, I just knew it.
Sa gilid ng mata ko, kita kong napatingin siya sa akin at ngumisi. Taenang gwapong mukhang yan pero hindi yun uubra sa akin.
"Bingi ka yata, I just stated my reasons a while ago, nerd." Napaigting ang panga ko sa sagot niya.
Rinig na rinig ang bulungbulungan sa paligid sa paglipat ng kanilang hari. Ang masama ay kasali ako sa bulong bulungan nila. Pilit pinapatahimik sila ng babaeng guro na hindi ko parin alam ang pangalan pero walang nakikinig sa saway niya hanggang sa hinampas niya ng malakas iyong desk kaya nakuha niya ang atensiyon ng lahat.
Iyong mahinhin niyang mukha ay parang nagtransform na galit pero agad din namang nawala at napalitan ng isang maamong mukha.
"Good, tumahimik rin. Now, I want you to get one whole sheet of paper. We're having a long quiz." Ngumiti siya ng matamis na para bang sobrang dali ng pinapagawa niya.
Nagsulat na siya sa pisara sa pagsusulit namin.
Kakatapos lang niyang magdiscuss at alam niyang walang nakikinig sa kanya at ngayon magpapalong quiz siya. Damn.
Ghaaad! Bakit ba andaming dumidikit sa aking gulong di ko naman gusto. Ni hindi pa ako nakakaabot ng isang linggo dito.
Napa-ungol ang mga tao sa paligid pero agad namang sumunod sa pinapakuha ng teacher. Nagsikilos na ang lahat maliban nalang sa katabi ko.
Naglabas na rin ako ng papel at nagsulat na ng pangalan ko.
Queen He—agad akong napatigil. Muntik ko ng masulat iyong totoo kong pangalan.
Agad ko namang kinuha iyong correction pen ko para burahin.
"You can't even write your name right. Pano ka nakagraduate ng elementary?" sabi niya habang nakasandal lang sa upuan niya at nakatingin sa ginagawa ko, ni wala siyang inilabas na papel.
"Mind your own business." Sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa
"You've got some nerve huh? If you think you'll easily get away after you..."
"Kicked your D?" putol ko sa kaniya dahilan para makatanggap ako ng masamang tingi mula sa kanya, hindi na ako nag-abalang magtaas ng tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagkopya sa sinusulat ng guro sa pisara.
"You're pissing me off. "
"Wag mo kong kausapin." Sabi ko ng hindi parin nagtataas ng tingin.
Tumahimik na siya at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko ng maramdaman kong nakatingin parin siya sa akin. Di ko na pinansin pero pagkaraan ng ilang minuto ay napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. Hindi ako makapagcon-centrate sa ginagawa ko dahil sa kanya eh.
"Kung wala kang matinong magawa, wag kang mandamay ng ibang tao." Simple lang siyang ngumisi sa akin, nakakairita.
"Queen Eliza Cruz."
"What?"
Binabasa niya pala iyong pangalan sa papel ko..
Tumawa siya bigla kaya nakuha niya ang atensiyon ng mga kaklase namin. Wala talagang pag-asa ang lalaking ito.
"You know, we've been classmates for so long, ngayon lang kita napansin."
"Shit happens. Minalas ako."
"Pasalamat ka nga pinansin kita."
"Get over yourself. Mas magpapasalamat ako pag tumahimik ka. Di lang ikaw ang tanging gwapo sa mundo."
He scoffed at me.
"So you think I'm handsome?" napaikot lang ako ng mata.
" Hin—
"10 minutes left. Dalian niyo na at wag kayong maingay." naputol ang sasabihin ko sana, sinamaan nalang siya ng tingin at pinagtuunan nan g pansin ang ginagawa ko. Kung di niya ako kinausap, tapos na sana ako.
Narinig ko siyang napatawa.
"Gusto mo ako kaya ka nagpapapansin sa akin diba?"
Iihinto ko ang pagsusulat at nagtaas ng tingin sa kanya.
"Hindi ka masyadong kagusto gusto para magpapansin ako sayo. Bobo ka ba talaga o sadyang di lang pumasok sa isip mo na dahil sa magaspang mong ugali kaya kita sinipa. Wag ka ng magsasalita, iniistorbo mo ako."
Napatawa na naman siya.
"Damn, it was worth it changing seats."
Napaigting naman ako ng panga. Anong tingin niya sa akin? Clown?
Napapikit ako at huminga ng malalim. I'm at the peak of my temper at kung mapuno ito, talagang may masasakal akong tao ngayon.
"Ano ba talagang pakay mo at bakit ka lumipat ng upuan?" kalma kong tanong.
"You really wanna know?" sumilay sa mukha niya ang isang ngisi.
Sa halip na sumagot ay napakagat nalang ako ng dila. Gust ko lang malaman ang sagot, why does he make me look desperate for an answer at ano pa mang rason na yan, sigurado akong walang kabuluhan iyon. Bakit ba ako mag-abala pa?
Napansin ko siyang may isinulat sa papel niya kaya nacurious ako.
"Here's the answer." Sabi niya at ipinakita niya ang papel sa akin.
Napakunot naman ako ng noo? How does that answer anything?
"Pwede mo namang sabihin ng diretso. Ulol nagsulat ka pa, pababasahin mo pa ako." Hinahay-blood niya ako sa kabaliwan niya.
"But you're curious, are you?"
Nilingon ko iyong papel na hawak niya. Inabot ko iyon pero mabilis niyang inilayo niya ito sa akin.
"Pinaglalaruan mo ba ako?"
"Maybe?"
"Forget it. Find someone who will play with your silly games, wag ako." sabi ko at bumalik na sa ginagawa ko.
"Ang bilis mo naman sumuko."
"Di mo talaga titingnan?"
"Akala ko ba gusto mong malaman?"
"Ano? Naduduw---"
"Fine, matigil ka lang." sabi ko dahil sa nakakairita na.
Nasa desk niya iyong papel at kukunin ko sana ng pinigilan niya ang kamay ko
"I still need the paper, basahin mo lang. Wag mong kunin."
Napa-ikot naman ako ng mata. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at patulan ang mga pinaggagawa niya.
I leaned towards his desk at binuklat ko iyong papel, nakasulat na purong capslock.
'I'M GONNA MA----'
Bago ko pa matapos, hindi ko inaasahang tinawag niya ang pansin ng guro.
"Ms. Cruz is copying my answers ma'am." Sabi nito habang nakataas ang kamay.
Huli na para magbawi ng tingin. Napatingin ang lahat sa akin at nahuli ako sa posisyong parang nangogopya dahil nakatingin at hawak hawak ang papel ni Cole.
Narinig ko siyang mahinang humalakhak at pasimpleng inilapit ang bibig sa tenga ko.
"You pissed me off so from here on out, I'm gonna make your life a living hell." bulong nito.
Iyong huling sinabi niya mismo ang nakasulat sa papel.
Lumapit naman ang guro sa akin wearing a disappointed look.
"Ms. Cruz, hindi ko alam ganyan ka pala. You already know that cheating in my class is not tolerable. Kung ano mang nangyari sa isang buwan mong pagliban, clearly it did not do you good. Consider this is your first warning, next time I won't be too kind. " sabi nito at tinuon na ang atensiyon sa ibang estudyante.
Napadako ang tingin ko kay Cole. He was smirking at me na para bang sinasabing 'patikim palang iyon'
Sa inis ko ay malakas kong tinapakan ang paa niya kaya malakas siyang napahiyaw dahilan para mabaling ang atensiyon ng lahat sa kanya.
"You bit---Ahhh!" muli ko nanamang tinapakan ang paa niya. This time ay nanatiling nakadiin ang takong sa paa niya, pero hindi na siya humiyaw. Naglandas ang kamay niya sa tuhod ko at idiniin ang mga kuko doon kaya tinanggal ko na sa pagkakatapak sa paa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ganun rin siya.
"What's the problem Mr. Nicholas?" baling niya kay Cole.
I'm starting to hate this woman. Kanina parang striktong strikto niya sa akin pero pagdating sa hinayupak na to ay parang tutang maamo. Even the teachers here are treating him like a king. Sino ba talaga ang lalaking to?
"It's none of your business. Why don't you deal with your own shitty problems and not mine." Mukhang napag-buntungan niya ng galit ang guro. Buti nga sa kanya.
"YOU." baling niya sa akin. "You're coming with me." sabi niya sabay hila sa akin palabas sa classroom.
___________
Napangiwi ako ng tumama ang likod ko sa pader. It's like dejavu . Ganito rin iyong nakaraan nung tinulak niya ako sa hallway sa may mga lockers ang kaibahan nga lang walang mga taong sa paligid dahil oras ng klase ngayon.
"You don't get to pull off a stunt like that on me. Magbabayad ka."
"Anong gagawin mo sa akin. Bubugbugin? Bakla lang ang pumapatol sa babae. Ano bakla ka ha?"
Lumapit siya sa akin at uulitin ko sana ang ginawa ko noon pero bago ko pa man siya matuhod ay nasalo niya ang atake ko. I guess he learnt his lesson.
"Di mo na ako mabibiktima sa ganyan. You piss the hell out of me. At pagbabayaran mo iyon." Itinaas niya ang kamao niya sa akin at sumuntok.
Napapikit ako pero hindi ito tumama sa mukha ko kundi sa gilid ng ulo ko sa pader.
"Hindi ako sumusuntok ng babae. Pero hindi ibig sabihin nun ay palalampasin ko to. Someone can do it for me and I'm sure it'll be fun."
"You spoiled jerk! Rot in hell."
Sa halip na mainis ay humalakhak siya at lumapit sa akin.
"Beg for my mercy nerd at baka patawarin pa kita."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sino ka ba sa pag-aakala mo ha? Hindi ka Diyos kaya wag kang umastang pag-aari mo ang lahat."
"Nicholas Kaizen King III, tandaan mo iyan. Iyan ang pangalan ng taong luluhuran mo para pagmakaawaing patawarin ka. Luluhod ka rin sa akin at magsisising binangga mo ako."
"Never."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top