NERD's TRUE LOVE

M O I R A


Sa tana nang buhay ko'y hindi ko talaga inakala na magkakaroon ako ng nobyo. Not an ordinary one dahil isa siyang napakagwapo—isa siyang hari ng campus namin, ngunit siya man ang nagsisilbing hari ng campus namin ay napakahumble pa rin nito, hindi siya ‘yong tipo ng lalaki na mayabang at nambubully. May taglay din itong bait, madaldal at mapagmahal. Sya si Daniel Lee half korean pure my Bhie. Haha.



AKO?


Ako si Moira Marinduque ang napakagandang babae sa balat ng lupa. Joke. Isa akong manang, panget, matalino, mahirap at iba pang kapintasan na nakakasakit. Pero immune na ako doon, sa mga pambubully nila lalo na ng maging kami ni Daniel my labsss. Sinasabi nila na ako’y gold digger whatsoever na‘yan kahit hindi naman totoo. Hindi ko nga din alam kung anong nagustuhan saakin ni Daniel eh. Basta ang alam ko lang ay napakaswerte ko sakanya.

Simula ng mag-aral ako sa school na pagmamayari nila. Yes! Sakanila iyon. Lagi nalang syang sumasabay saakin sa cafeteria sa pagpasok at inahatid sundo pa nya ako. Sabi pa ng iba ginayuma ko daw sya dahil pumatol daw ito sa nerd na panget na si ako. Ano bang magagawa ko kung nailab sa akin ang napakagwapong si Daniel. ‘Yan ang hirap pag may boyfriend kang gwapo pinaghihinalaan kang ginayuma mo sya kapag pangit ka. Pagpangit naman jowa mo mapapansin karin at pandidirihan kapa. Iba na talaga mga tao ngayon! It’s so unfair!

Nandito ako ngayon sa isang restaurant na mamahalin dahil hinihintay ko si Daniel dahil 1st Anniversary na namin ngayon, sabi nya hintayin ko lang daw sya dito. Akalain nyo ‘yun one year na kami. Nageffort pa talaga ako para dito sa anniversary naming ito. Inipon ko lahat ng mga pictures namin at inilagay sa scrapbook. Dito ko sinulat kung anong mga nangyari sa mga pictures na iyon, kumbaga mga memories namin ito simula ng maging kami. Simple lang naman ito pero pinaghirapan ko ito at galing naman sa puso ko.

Sa paghihintay ko ay bigla nalang namatay ang buong ilaw sa restaurant na ikinapanic ng lahat, pati narin ako. Wahh! I can’t see anything. Andami mong maririnig na tili, lalo na sa mga babae.

Pagkatayo ko sa inuupuan ko ay bigla nalang may tumakip sa mata ko at binuhat ako ng parang isang sakong bigas. Wahh!! Walang’ya ‘tong lalaking ‘to.

Bitawan mo ko! Sino ka?! Waahhhhh!

Tili lang ako ng tili dito habang naglalakad sila. Wala man lang bang nakakapansin saamin? Bingi ba sila? Bulag? Ito namang lalaking may buhat sa akin eh walang man lang pakialam kung tumitili ako. Manhid ba sya?

Naramdaman kong ipinasok ako sa isang sasakyan ayon narin sa pakiramdam ko. Pinaupo nila ako sa may dulo ng upuan nito.

“Saan nyo ko dadalhin? Mga walang‘ya kayo! Susumbong ko kayo sa mga pulis! Wala naman akong pera eh!”

Napaiyak na ako dahil dito. Kinidnap ako. Huhu. Tignan nyo ‘yung kidnapper walang sinasanto pati nerd na pangit na mahirap kinidnap. Ang sasama nila, wala naman silang mapapala saakin eh. Wait, baka naman rarape-in nila ako. Waahhh. Mama Helpppp!

Napansin kong kanina pa umaandar itong sasakyan pero hindi parin tumitigil. Saan ba nila ako dadalhin? Takot na takot na ako dito. Baka maihi pa ako nito sa sobrang takot eh.

Tumigil na ang sasakyan at pinababa na nila ako sa lugar na hindi ko alam kung saan o anong pangalan. Pagkababang-pagkababa ko ay syang pagtakbo ko kung saan man dito sa pinagdalhan saakin. Wala akong pake kung madapa ako, ang mahalaga ay makatakas ako sakanila. Narinig ko naman na inistart na nila yung engine ng sasakyan nila, ibig sabihin ako nalang dito mag-isa?

Ayyyy! Hindi pala may kasama pala ako, hindi ko alam kung sino basta nagpapasalamat ako sakanya dahil unti unti nyang tinanggal yung tali sa kamay ko at yung sa mata ko. Pagtanggal nito sumalubong sa akin ang blurred na paningin. ‘Yung salamin ko. Huhu. Paano ako makakakita kung wala akong salamin.

Hi BHIE?

Halos mangisay ako sa kilig sa narinig ko. Epene be nemen si Deniel ‘yen eh. Ayy! ‘Yan tuloy nagiging pabebe ako.

Do you like my surprise?

Ha? Surprise? Saan? Pinagloloko mo ba ako?

Nagtataka kong tanong kay Daniel. Anong surprise sya dyan. Pinagloloko ba ako nitong mahal ko, huwag nyang sabihing mahal ko sya para pwedi na nya akong lokohin.

“Hayyy! My Bhie hindi kita pinagloloko, hindi mo ba nakikita yung nasa harap mo?”

Hindi! Wala ‘yung salamin ko kinuha nung kidnapper. Waiit— ikaw ba nagpakidnap sa akin?salaysay ko sakanya.

Napakamot sya sa batok nya. May kuto ba sya? Haha.

Oo eh! ‘Yun nga ‘yung surprise ko sayo. Eto pala salamin mo para makita mo na ‘yung surprise ko.sya pala nagpakidnap saakin, kinabahan pa ako ng bongga dahil doon.

Kinuha ko ‘yung salamin ko at sinuot ito. Tumingin ako sa harapan ko at wow lang. Andaming nagkalat na mga red, pink and white roses dito sa may damuhan, nakapalibot ang mga roses sa isang table na may magagagarang kandila at wow ang ganda lang. Candlelight date ba itey. Napanganga ako sa nakita ko. Pinakidnap pala ako ni Daniel dahil gusto nya akong isurprise. Ang sweet naman ng Bhie ko.

Tumingin ako sakanya.
Happy 1st Anniversary my Bhie. Na-appreciate ko talaga ‘tong effort mo. I love you, My Bhie.inabot ko sakanya ‘yung regalo ko na kanina ko pa yakap yakap simula ng kinidnap ako.

Wala ‘yun My Bhie. Sayo nga dapat ako magpasalamat dahil kung hindi dahil sayo hindi ko naman ‘to gagawin eh. Happy 1st Anniversary My Bhie and thank you sa gift mosabi nito saakin in a sweet tone.

Ang sweet talaga ng Bhie ko. Pumunta na kami do’n sa sinet up nyang candlelight date namin. At ang dami lang nang pagkain mukhang mapapasabak ako nito. At mamahalin pa ang mga pagkain dito na hindi ko alam kung anong mga pangalan.

Pagkatapos namin kumain ay inaya nya akong pumunta malapit sa may bangin. Nasa bundok kasi kami eh. Hindi ko nga alam kung saan ito basta napakaganda dahil kitang kita mo ang mga ilaw galing sa mga naglalakihang building sa syudad. It’s so beautiful.

Salamat talaga kay Daniel kung hindi dahil sakanya hindi ko mararanasan ang ganitong eksena. ‘Yung magdadate kayo sa bundok with candlelight at ‘yung makikita mo ‘yung kabubuan ng syudad. This is my dream date at dahil kay Daniel natupad ito. I’m so thankful to have him in my life. Sana kami na talaga forever kahit walang forever. Charot!

BOOM!    BOOGSH!

Nabigla akong napatingin kung saan nanggagaling ang biglaang pagsabog. Oh! M! G! Ito pala’y makulay na fireworks, ito rin ang isa ko pang gusto sa dream date ko. Napakaganda nito.

Do you like the fireworks?



No mabilis kong tugon. Nakita kong lumungkot ang mata nya at kaunti nalang ay iiyak na sa lungkot.

“Because I love itbago pa man ito umiyak ay mabilis kong sinabi iyon, dahil doon nakita kung napangiti sya at niyakap ako ng mahigpit. Ahh, so sweet.

LOOK!sabi pa nya. Tinuro nya ang last fireworks display. Pagkaputok nito sa ere may namuong sulat na ganito— HAPPY 1st ANNIVERSARY MY BHIE. I LOVE YOU”.

Napaluha na’ko dito hindi dahil nalulungkot ako kun’di sa sobrang saya. This day was my memorable day on my life I ever  experience.

I love you too, my bhiesabi ko pa rito.

Nagsayaw lang kami at inenjoy ang gabing ito. Hindi ko talaga akalain na maiinlab saakin ng ganito ang Campus King ng University namin sa isang katulad ko. Napakaswerte ko talaga to have him. Sana kami na talaga forever

******

Heto ako ngayon sa kwarto ko't kilig na kilig sa mga nangyari kanina. Hinatid ako ni Daniel pauwi, ginabi narin kami eh. Heto ako ngayon iniisip yung nangyari kanina. Ihhhh. Kinikilig parin ako sa surprise nya. Hindi na nga ako makatulog sa sobrang kilig eh. Gumulong gulong ako rito sa kama ko kaya ayan nahulog tuloy ako.

Aww! mahinang daing ko. Baka magising ko sila mama eh.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, este hindi pala ako natulog ng maayos. Kaya ayan ang laki ng eyebags ko. Gusto ko kasing makita si Bhie ko ng maaga eh.

Pagkapasok ko sa school na pagmamayari ni Bhie ko. Tumambad sa akin ang nagkakagulong mga lalaki. Seriously, lalaki ang nagkakagulo. Sa tuwing papasok ako rito mga babae ang nagkakagulo. Sino kaya ang pinagkakaguluhan nila at ganito ang inaasta ng naggwagwapuhang mga lalaki.

Lumapit ako sa isang babaeng nerd like me.
Miss, Sino ‘yung pinagkakaguluhan nila? Tanong ko sabay turo sa mga lalaking nagkakagulo.

A-ahh ‘yun ba may bago ka-kasing estudyante. Balita ko nga maganda sya at napakasexy.ah kaya pala nagkakagulo ang mga babae. Sino kaya yung babaeng tinutukoy nya?

“Thankssabi ko pa rito. Pagkatapos non ay umalis na ako at naglakad papunta sa room ko. Pero napatigil ako sa narinig kong pinaguusapan ng kumpol na mga babae.

Uyy! Alam nyo ba dumating na daw sa pinas si Shaniah, yung ex ni Daniel

“Oo nga. Dito nga daw sya mag aaral eh!

“Ano ba kayo! Sya ‘yung pinagkakaguluhan ng mga lalaki, ‘yung bagong dating

“Ah! Sya pala ‘yon, ang ganda talaga nya at napakasexy nakakatibo. Haha

‘Yan ang pinaguusapan nila. Nakatago lang ako dito sa puno para di nila ako makita. Mahirap na baka sabunutan nila ako.

Si Shaniah Mendez. Kilala ko sya, sya ang ex girlfriend ni Daniel. Nagbreak sila kasi mas pinili ni Shanaih na pumunta ng New York para sa dream work nya na Modelling. Mas pinili nya ‘yung pangarap nyang trabaho kesa kay Daniel na minahal sya ng lubusan. At kahit ganoon ay natanggap parin ni Daniel iyon at nagmove-on nalang. Mahigit dalawang taon narin siguro silang hiwalay.
Alam ko no! Sinabi saakin ni Daniel ‘yan. Hindi naman ako nagalit. Atleast ex nya na. Ako na ang present at future nya. Charot!
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin.



BZZZT!  BZZZT!

Nagvavibrate ang cellphone kong dipindot at walang takip sa likod. Hinanap ko ito sa bag ko para sagutin.

BLAGG!

“OUCH!” sabay naming sabi ng nakabunggo ko, pero sakanya ang arte ng pagkakasabi. Halatang malandi. Haha.

Pinulot ko ‘yung mga gamit kong nahulog galing sa bag ko. Pinulot ko lahat iyon at inilagay muli sa bag ko. Wala akong pake alam kung magulo ang pagkakalagay basta ang mahalaga ay nailagay ko ito.

“You! How dare you! nanggagaliiti nitong sabi at nakaturo patalaga saakin.

D‘you see what you've done? Look on my dress. You stupid! Argg!kapal nito ah, ako pa talaga ang stupid. Sya kaya bumunggo saakin.

Pero kahit sya ang bumunggo ay nagbow parin ako sa harap nya at nagsorry Sorry Miss. Hindi ko naman sinasadya eh! Punasan ko nalang.” pagsosorry ko dahil natapunan ng ice cream ang dress nyang mamahalin. Ang ganda at sexy panaman ni ateng kaso masungit. Sayang ang beauty, kung i-donate nalang kaya nya saakin beauty nya. Charot.

“May magagawa pa ba ang sorry mo? You idiot moron ugly nerd! Hindi kasi tumitingin sa dinadaan. At huwag mong susubukang hawakan ako kundi malilintikan ka saakin” pangiinsulto nya at pagbabanta. Sumusobra na ‘to ah. Akala nya ba porket nerd ako hindi ko na sya papatulan over my intelligent mind and good heart.

“Sumusobra kana ah. Wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan. Napaka OA mo para sa ice cream lang gaganyan kana. Bakit mamatay kaba dyan sa konting mantsa ng damit mo ha! Akala mo kung sino, porket mayaman kayo ginaganito nyo na kaming mahihirap. Mga walang puso kayo!” hinihingal ako matapos kong sabihin iyon, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang iyon pero kahit ganoon ay natameme naman sya sa mga panunumbat ko. Sinamantala ko iyon at tumakbo paalis sa harap nya. Akala nya ah! Hindi porket nerd ako hindi ko na sya kaya.

Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng room namin. Nagpahinga ako ng kaunti, tiyak kong wala pa ang aming guro.

Pagkapasok ko ay syang ikinatigil ng mga classmate ko sa mga ginagawa nila at napatitig saakin. Bakit ba? May dumi ba mukha ko? Dumiretso nalang ako sa upuan ko sa pinakadulo kung saan katabi ko ang bintana.
Haayy! Namimis ko na ang Bhie ko. Nasaan na kaya sya? Kaklase ko sya at katabi ko rin sya. Bumalik naman ang mga kaklase ko sa kaninang ginagawa nila.

Nagdaan ang ilang mga subject na hindi umatend si Bhie ko. Nasaan sya? Nagaalala na ko sakanya. Ngayon, recess namin ay napagdesisyunan ko syang hanapin sa mga tambayan at laging pinupuntahan nya dito sa  University. Una kong pinuntahan ang garden kung saan lagi syang natutulog, pero wala sya doon. Sunod kong pinuntahan ang likod ng school pero wala parin.  Saan ba sya laging pumupunta bukod sa mahilig syang magbasa sa garden— wait, baka naman nasa library sya at nagbabasa. Bakit hindi ko agad naisip iyon!

Kaagad akong pumunta sa library at sinimulan syang hanapin. But, this library is huge. Hinanap ko sya sa mga section ng mga books, pero di ko parin sya makita. Pumunta ako sa pinakadulo dahil may nahagip akong anino doon. Nabigla ako sa aking nakita, may dalawang tao ang naghahalikan sa madilim na parte ng library kaya hindi ko makita ang mukha nila. Gulat na gulat ako, sa harap ko mismo sila naghahalikan. Hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla, tila napansin nila ang aking prisensya dahil sa pagtigil nila pero nakadikit parin ang mga labi nila. Kumalas sila sa kanilang halik at sabay na napatingin saakin. Kumulo ang dugo ko sa nakita kong mukha ng lalaki, nakita ko lang naman ang Bhie ko na si Daniel na parang sarap na sarap sa halik nitong babaeng nakasagutan ko kanina.
Nang masuri ni Bhie ko ang aking mukha napatigil sya at lumaki ang mata habang nakaawang ang kanyang bibig.

Dali dali itong pumunta saakin at sinabi ang katagang laging sinasabi ng mga lalaking nahuhuling nangangaliwa. “A-a-a-hmm B-bhie, let me-e explain.nahihiya at nanginginig nitong sagot habang hawak ang dalawa kong kamay. Tila parang may likido ang tumulo sa aking mata at ito pala‘y aking luha na umaagos ng parang gripo.

Ano! Anong i-explain mo? ‘Yung pagtataksil mo saakin, ‘yung paghahalikan nyo nitong babaeng ‘to (sabay duro sa babae) ha! Hinintay kita *sob* sa room. Pero ano *sob* madadatnan ko lang *sob* na sarap na sarap kang kahalikan ‘tong babeng ‘to!(duro ulit sa babae) *sob*

Bago paman ito magsalita binawi ko sakanya ang kamay ko at binigyan ko ito ng malutong na sampal. Pagkatapos non ay  tumingin ako sa babaeng lapastangan na umaahas ng boyfriend ko. Tila wala lang sakanya kung halikan nya ang boyfriend ko. Walangya sya! Umirap lang ako sakanya at umiiyak na lumabas ng library. Hahabulin sana ako ni Daniel kaso pinigilan sya ng babaeng ahas na ‘yon. Arrrrggg! Sarap patayin ng ahas na‘yon.

Napapatingin ang ibang studyante saakin but dedma lang ako. Pumunta ako sa tambayan ko which is the roof top. Ako lang may alam nito kaya pwedi akong humagulgol rito at magsisigaw ng kung ano anong hinanakit ko sa lalaking iyon at sa ahas na babaeng ‘yon ng walang makakaalam at walang makakarinig.

Iyak lang ako ng iyak at may pagkakataong rin na ako’y sumisigaw to lessen the pain. Lalo akong nasasaktan sa t’wing naiisip ko ang sarap na sarap nilang paghahalikan at take note sa harap ko pa! Diba ang sakit lang non!! Ikaw kaya makita mo gf/bf mong sarap na sarap makipaghalikan sa iba, matutuwa ka? Syempre masasaktan ka. Shunga ka nalang kung pinanuod mo pa sila.

Pagkatapos kong mag-emote sa roof top ay bumaba na ako na namamaga ‘yung mata ko kakaiyak. Napagdisisyunan ko nalang umuwi ng maaga tutal ilang subject narin ang namissed ko kakaemote.

Pagkauwi ko sa bahay naming tagpi tagpi ng mga tolda at yero at medyo madumi ay sumalubong saakin si mama na nagtataka.

Oh nak. Bakit ang aga mo yata ngayon? tanong ni mama habang nagwawalis sa loob ng bahay namin.

“Ah! Wala ma, napagod lang ho ako kaya napagdesisyunan ko nang umuwi.” pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanya na niloko ako ng boyfriend ko baka magalala si mama. Alam ni mama na may boyfriend ako, hindi naman ito tutol basta raw ay pagbutihan ko ang aking pagaaral.

“Oh sya sige. Gusto mo bang kumain muna. Niluto ko ang paborito mong ulam nasiyahan naman ako doon. Sa pagkain ko nalang idadaan ang sakit ng puso ko. Tumango ako rito bilang sagot. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis habang pinaghahain ako ng makakain ni mama. Bumaba na ako at sinimulang kumain, natanggal naman sa isip ko si Bhie panandalian. Pero naiisip ko parin yung halikan nila ng ahas na ‘yon. Haayy! Ano kaba naman Moira, kalimutan mo na yung halik! Sabi ng konsensya ko. Oo na! Itutulog ko nalang ‘to. Pumanhik na ako sa aking kwarto. Nagdasal muna ako bago matulog.

***

Aligaga ako dahil late na ako ngayon sa unang subject ko. Math panaman ito at napakastrikto ng guro namin doon. Nagpara lang ako nang jeep at pagkababa ay mabilis akong pumasok ng University at tumakbo papuntang room namin. Bakit walang tao rito sa hallway? Wala bang pasok?

Pagkapasok ko sa room ay wala ring tao. Bakit ganon, nasa’n na ‘yung mga tao rito? Late ba sila? Absent? Bahala sila. Pumunta na ako sa upuan ko, pero bago pa man ako makaupo ay may napansin akong isang kulay pink na sticky note ang nakadikit sa sandalan ng upuan ko. Kinuha ko ito at binasa.

Dear: Moira

     Nagtataka ka siguro kung walang tao noh? Ganito ‘yan, pumunta ka sa gymnasium ng school.

P.S: Huwag makulit pumunta ka para masaya :) *muah*

                            Your Bhie,
                            Daniel Lee

Hmmmpp! Tampo parin ako sakanya. Nilukot ko ito at tinapon sa basura. Makapunta nga, malay nyo may mangyari pang maganda.

Pagkapasok ko sa gymnasium ay ingay ang sumalubong saakin. Ano ba ‘to kaya pala wala masyadong studyante kanina eh, nandito pala lahat. Naglupon sila at napakaingay rito. Ano bang meron? May artista ba? May event?

Nakarinig ako ng tugtog na alam ng lahat pati narin ako at ito ang madalas kong kantahin.

[Now playing: Sorry by Justine Bieber]

♪You gotta go and get angry at all of my honesty
You know I try but I don’t do too well with apologies
I hope I don’t run out of time. Could someone call a referee?
‘Cause I just need one more shot at forgiveness

Nagsitabi ang lahat ng estudyanteng humaharang saakin ng dumaan si Bhie ko na may hawak hawak na gitara. So, sya ang kumakanta. Pero infairness ang ganda ng boses nya. Lalo akong naiinlab sakanya. Ene beyen!

I know you know that I made those mistakes maybe once or twice
And by once or twice I mean maybe a couple of hundred times
So let me, oh, let me redeem, oh, redeem, oh, myself tonight
'Cause I just need one more shot, second chances

Lumapit ito saakin at kinuha ang kamay ko. Nagsitilian ang lahat sa sunod na ginawa nya. Hinalikan nya ang likod ng palad ko. Ihhh! Kinikilig ako. Inaya naman nya akong pumunta sa stage pagkatapos nyang halikan ang likod ng palad ko.

Yeah
Is it too late now to say sorry?
'Cause I'm missing more than just your body, oh
Is it too late now to say sorry?
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?

Nang lumalakad kami ay sinasabuyan nila kami ng iba’t ibang kulay ng rosas. Kakakilig ang effort ni Bhie ko.

I'm sorry yeah
Sorry yeah
Sorry
Yeah, I know that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?

I'll take every single piece of the blame if you want me to
But you know that there is no innocent one in this game for two
I'll go, I'll go and then you go, you go out and spill the truth
Can we both say the words and forget this?

Pinaupo nya ako sa kulay pink na sofa rito sa stage kung saan kitang-kita kami ng maraming tao. Pagkatapos ay binigyan nya ako ng bouquet of flowers. Inamoy ko ito at ang bango lang ah.

Yeah
Is it too late now to say sorry?
'Cause I'm missing more than just your body, oh
Is it too late now to say sorry?
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?

Umupo rin sya sa tabi ko at sinimulan nya na akong kantahan. Anu ba! Hawak hawak parin nito ang aking kamay. Ihhhh!  Kakahiya naman, ang daming tao!

I'm not just trying to get you back on me (oh, no, no)
'Cause I'm missing more than just your body (your body), oh
Is it too late now to say sorry?
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?

Bakit nga ba nya ‘to ginagawa? At nagsosorry ba sya? Hmm! Siguro nagsosorry sya dahil sa paghahalikan nilang dalawa ng ahas nayon!

[2x]
I'm sorry yeah
Sorry, oh
Sorry
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down (let you down)
Is it too late to say I'm sorry now?

Lumuhod ito saaking harapan habang hawak parin ang aking kamay. Ihh! Kinikilig ako! Pero, pakipot epek muna ako ngayon!

Nagsimula itong magsalita—
“Moira, alam kong nagalit ka sa nakita mo pero kung ano mang nakita mo ay hindi ko ‘yon intensyon. Hindi ko kayang saktan ka. Alam kong alam mo ang sinasabi kotalagang alam ko. Sarap na sarap ka panga eh! Sabi ko pa sa isip ko, syempre sa  isip ko lang ‘yon sinabi.

Pero mukhang sarap na sarap ka roon, hindi ba? At sumasabay kadin sa halik na binibigay nya mahinahon ang pagkakasabi ko roon. Dahil baka marinig ng mga tao rito na nagtatalo kami, kahit totoo.

“Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko lang talaga kayang tanggihan si Shanaiah sa pagkakataong iyon. Sana’y patawarin mo ako sa nagawa ko. Please forgive me my BHIE”

Patatawarin ko ba sya? Mukha naman itong sincere sa mga katagang binitawan nito.

Oo pero sa isang kondisyontila nabigla ito sa aking pagkasabi. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang akosabi nito. Tila nagtaka ang mga tao rito dahil wala silang marinig saamin dahil pinatay nila ang microphone sa utos ni Daniel.

Kaylangan mong lumuhod at halikan ako sa talampakan konatawa ako sa reaksyon nito. Luluhod na sana ito pero pinigilan ko sya.

“JOKE lang, ikaw naman” haha. Naka peace sign paako ng sabihin ko yan.

“Seryoso na, gusto ko lang na ako lamang ang iyong mamahaling babae maliban sa iyong pamilya. Huwag mo na ulit uulitin ang nagawa mo saakin kung hindi (pinakita ko ang nakayukom kong kamao) iyan ang aabutin mo. napatawa ito ng bahagya sa sinabi ko. Tumayo ito at yinakap ako ng napakahigpit at binuhat pa ako at pinaikot ang aming katawan. Tili lang ng tili ang mga babae roon at ang mga lalaki naman ay pumapalakpak at sumisigaw.
Pero nabigla ako sa sunod nyang ginawa.

Hinalikan nya ako sa…

Mapupula kong…












CHEEKS! (Umasa ka sigurong sa labi sila nagkiss noh! Aminin comment mo yung expression mo.)

Oo kiniss nya ako sa cheeks ko sa harap ng maraming tao. Lalong nagsigawan ang mga tao roon sa inasta ni Daniel.

I love you, my Bhie!sigaw nito sa harap ng mic habang nakatingin sa mata ko.

“I love you too, my Bhie!tila narinig nila ang sinabi ko dahil nagsitilian lalo sila. Hindi ko inasaan ang sunod na nagyari unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Palapit na palapit na ang aming mukha pareho na kaming nakapikit ngayon at wooohhoo. Ang sarap sa feeling nang maglapat ang aming mga labi, ang lambot ng labi nya, hindi na nito napigilan at iginalaw na nya ang kanyang labi sa labi ko at para na kaming sumasayaw dahil doon. Tili lang sila ng tili at may iba ring kinukuhanan kami ng litrato.

Hindi ko talaga akalain na ang isang kagaya ko ay magkakaroon ng mabuting kasintahan.

At napatunayan ko rin sa sarili ko na kahit kaming mga nerd o mga taong hindi maganda ang mukha ay pweding makaranas ng tunay na pagmamahal sa isang lalaking ubod ng gwapo na pinapantasyahan ng lahat. Nalaman ko rin na hindi hadlang ang istura sa tunay na pagmamahalan na kahit gaano kaman kapangit ay pwedi karing makahanap ng tunay na pag-ibig sa karapatdapat na tao.

Ako si Moira Marinduque ang babaeng nakaranas ng NERD's TRUE LOVE.

T     H     E         E     N     D

◆◆

NOTE!

Salamat sa pagbabasa ng Nerd's True Love. Sana tuloy-tuloy kayong sumuporta sa mga kwento ko. At mai-VOTE nyo sana itong story.

Here's my other stories you may like too.

*Magixx Academy (Fantasy and Romance)

*Break His Precious Hearts (Teen Fiction)

*Love at First Kiss (Teen Fiction)

Mabasa nyo sana. ;)
Tenkyuuuuu for readinggggg!
Labbbbbbyyyyaaaa.

L O X X Y C U T I E ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top