Kabanata Trese: Seven Demigods
Allison POV
Hays Lunes pasukan ngayon lang ako nakadama ng ganto kasaya sa larong iyon, siguro dahil sa kakaibang hari na yun sino kaya yung tao na yun ni hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya ni hindi siya nagpapakilala sa amin
Pero bago yun kailangan ko nang pumasok sa room at baka ma late pa ako
Habang naglalakad nakita ko ang pamilyar na likod
"Azukito!"
Sigaw ko dito at di naman ito lumingon
"Azukito!"
Pagtawag ulit pero di niya ako nilingon ay aba famous ka koya?
Makakatikim ito sakin
Tinakbo ko ito hanggang sa hays nakapasok na siya sa room nila ano ba yan
Mamaya na lang magkatabi lang naman kami sa room
Fast Forward
Lunch break na kailangan ko magmadali baka di na naman ako pansinin nun
Mabilis akong lumabas ng room at pumunta sa katabing room at tiningnan kung nandun pa ang snobber na yun
Hays may ginagawa mukhang busy sa laptop niya pero sigurado namang kakain yan maghihintay na lang ako dito
~~~~~~
Azukito's POV
Hays ang ingay sa labas, makalipat nga sa tahimik di ako makapag isip ng gagawin para sa pag restore ng kaharian namin
Sinarado ko ang laptop sabay lagay sa bag at tumayo
Paglabas ko ng room ang daming tao may artista tinignan ko ang tinitingnan nila aba si Allison anong ginagawa nito dito? Tumingin naman ako sa room sino kaya hinihintay nito
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito"
Sigaw nito, aba sino kausap nito
Tumingin naman ako sa likod ko at nakita kong babae yun teka ako ba kausap nito?
Kaya tinuro ko sarili ko
"Ay aba kanina tinatawag kita tapos hays tara na nga"
Sabi nito sabay hinawakan ang kamay ko at dinala sa canteen anong ginagawa nito?
Nang makarating kami sa canteen hays sabi na nga ba pagtitinginan kami ng mga tao
Syempre ang campus crush kinakaladkad ang katulad kong di naman kilala
"Dito ka umupo, hintayin mo ako"
Sabi nito sabay umalis mukhang ito yung pwesto ng grupo nila, teka sino tong nasa harapan ko
Pagkaupo na pagkaupo ko narinig ko yung pinag uusapan ng nasa harapan ko
"Ang astig nung nakilala natin sa Zehanpuryu di ako makapaniwalang makukuha nila yung tatlog minahan na yun at mamaya daw mag sisimulang itayo ang mga mahahalagang establishments"
Sabi ng lalaki sa harapan ko, na napangiti naman ako
"Teka pre may kasama si Allison, boy sino ka?"
Sabi nito sabay tingin sakin ng masama aba ahahaha makikipaglabanan ka ba
Di ko ito pinansin tapos biglang tumayo ito
"Aba? Di mo ba ako kilala?"
Sabi niya at pasigaw pa ah, di ako bingi
"Pare wag yan mas di mo siya kilala"
Sabi naman ng katabi niya at pinaupo yung siga
Maya maya ay dumating si Allison may dalang dalawang kanin at ulam
Dalawa itong fried chicken
"Teka anong nangyayari dito?"
Tanong ni Allison samin
"Wala yun, di ba Azukito?"
Sabi nung lalaki sa harap ko katabi ng siga
"Teka ano kamo? Azukito?"
Sabi naman nung siga huh? Dapat lang
Tinitigan ko ito sabay napatingin naman ito sa malayo
"Ahaha alam ko na yan ikaw talaga Vic aysus"
Sabi naman nito at ngumiti ito
"Akalain mo nga naman ang kinakatakutan pala ng iba ang binunggo ko, pasensiya na patawarin mo ako"
Sabi nito sakin na pinagtaka ko? Kinakatakutan? Di naman yun ang gusto ko
Gusto ko lang na wag nila akong pansinin hays
"Nga pala Azukito pinasama kita dito dahil may mga itatanong sana ako, pwede ba?"
Sabi nito at sabay bigay sakin ng dala niyang pagkain aba't binilhan ako
It's ok for me di ako tumatanggi sa blessings ahaha
"Nga pala napag alaman ko kasi na naglalaro ka daw ng N.O."
Sabi niya, patay mukhang kilala niya ako pero tumango na lang ako dahil ayaw ko magsinungaling
"Gusto ko sana malaman kung"
Sabi nito at pinagpawisan ako dahil patay kung alam nila kung sino ako malilintikan ako nito
"Ano ang IGN mo sa loob ng laro"
Sunod na sabi nito na nakahinga naman ako ng maluwag
"Yun lang pala ang IGN ko sa laro ay A-"
Sabi ko na napahinto ako
"Anong A"
Sabi naman ng lalaki na siga kanina
"Arithmetic"
Sabi ko
"Arithmetic? Mahilg ka sa MATH no?"
Sabi naman nung katabi ng siga
"Ahaha di naman hilig ko Science pero wala kasi ako maisip kaya yung Arithmetic na lang"
Sabi ko at napatango sila
Patay anong kagagohan itong ginawa ko Jhap kailangan ko ng tulong mo
"Nga pala ako si Erwin Diya, at EDiamond ang IGN ko"
Sabi nung lalaking ngayon ko lang napansin may salamin siyang colorless di siya gaano pansin
"Ako naman si VEmerald at ang real name ko ay Vic Coal"
Sabi naman ng siga
"Vic Coal?"
Tanong ko dito at natawa naman ako dito
"Anong tinatawa tawa mo diyan"
Sabi nito at tinanggal ko naman pero naka ngiti pa rin ako
"Ako naman ay AGold"
Sabi naman ni Allison
Pamilyar yung AGold san ko ba narinig yun?
"Isa kami sa 7 Demigods, sa ngayon wala yung apat dahil busy daw sila mga grade 12 din sila at nasa GAS course din"
Sabi nito mukhang magkakaibigan sila kaya pala magkakasama nilang nakuha ang 7 Demigods ta nga ako magkakasama silang na seal sa iisang lugar at tingin ko ay naging bato lang ang mga ito
"Nakuha namin ang 7 Demigods sa isang dungeon na templo kung titingnan at nabalot sila sa Jade mga high grade rocks yun kaya nung winasak namin ang high grade rocks na loot namin ito bago umalis at kaming pito ay naging successor nila"
Interesting story magaling mag kwento itong si Four Eyes
"Ikaw Azukito? Anong level mo na?"
Dagdag na tanong nito at maya maya ay tumunog ang bell
"Sorry for the inconvenience students we're sorry to cut the class this afternoon due of meeting for the upcoming event, all teacher please proceed to the office and Mr. Azukito Shadow please come over here too, to all student goodbye and also tommorow we're going set up every room for the event in Thursday, thank you and have a nice day"
Sabi ng announcer na kinagulat ko
Teka ako? Pinatawag whaaaaaaat daaaaaaa peyk anong ginawa ko
Madali akong nagtungo sa office habang ang mga nakakasalubong ko ay masaya dahil, sigurado naman makakalaro sila ng mga nilalaro nilang VRMMORPG, sikat na sikat ang VRMMORPG sa buong mundo
Pagdating ko sa office nakita ko ang isang lalaki na may kasamang babae na nakatalikod
Wait anong ginagawa mo dito hindi maaari sigurado ako
Biglang tumalikod yung babae at ngumiti sakin tapos kinalabit yung lalaki kaya napalingon din ito
Tama nga ako
Si Jhap at si Mia
"Hey Azukito"
Tawag nito sakin at kaya nang malapit na ako sa kanila ay huminto ako
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kaniya
"Ano ka ba pamilya ko may ari nitog eskwelahan walang problema kung dadalaw ako dito, pero ikaw talaga ang pinunta ko dito at ako ang nagpatawag sayo"
Sabi nito at ngumiti
Natatakot ako sa ngiting yan, yan ang tinatawag kong Smile of Death akala ko di ko na yan makikita pero nagkakamali ako
"Bakit naman?"
Tanong ko dito
"Sa laro na lang tayo magkita sa Zehanpuryu sa iyong palasyo"
Sabi niya at maya maya pa ay umalis na rin ito agad
Hays programmer siya nang laro di na ako magugulat kung bakit alam niya
Pagtalikod ko ay nakita ko si Allison at yung dalawang lalaki pero may mga kasama na itong iba bali pito silang lahat
Sana tama ako ng hula kung sino pa yung apat
"Ui Azukito tignan mo nga naman sumama ka na sa amin pauwi na kami"
Sabi nito kaya sumabay na ako dito saglit lang naman ako maiirita sa kanila kaya okay lang malapit lang bahay ko
"Azukito sila nga pala yung sinasabi ko sayo na mga kasama namin, yung apat pa na Demigod successor pakilala kayo"
Sabi ni Allison
"Hi it's a pleasure na makilala ka Mr Campus #1 Crush"
Sabi nito at nagulat ako
#1 Crush ako? Oh my paano nangyari?
"Ako si Rica Mae Aguirre at RTopaz ang IGN ko"
Sabi nito at nakipag kamay sakin
Mababa siya hanggang balikat ko pero cute siya
"Ako naman si Shiela Care, at SSilver ang IGN ko"
Sabi nito at nakipag kamay naman din
Matangkad naman ito kasing height ko at may pagkamaputi
"Hi Magdalene Herrera, 18, at ang IGN ko ay MJade"
Sabi naman nito puro sila mga bato ngayon ko lang napansin magkakaibigan nga talaga sila
"At last ako naman si Jolina Santos at JCobalt naman ang IGN ko"
Sabi nito at kinamatan ko din
Maganda rin siya halos kasing height niya si Rica Mae pero mas cute itong si Jolina
"Ako naman si Azukito Shadow, at A-"
Muntik na naman
"Arithmetic ang IGN niya"
Sabi naman ni four eyes whoo naligtas ako
"Wow mathematician"
Sabi naman ni Jolina
Anong meron sa Arithmetic eh basic lang naman ng MATH yun?
Matapos yun ay naglakad na kami hanggang sa makarating na ako sa bahay
"Hays masyado silang madadaldal, malapit lang ang bahay ko pero naikwento ata nila kung paano sila nagkakilala na pito at nalaman ko pa na magjowa pala yung Magdalene at Erwin"
Sabi ko habang nasa harap ng gate
Teka nga ba't nagsasalita na naman ako mag isa at sa pamilyar itong pangyayari hays nababaliw na ata ako makapagpahinga nga muna pagsating sa kwarto
"Kuya nandito na po ako"
Sabi ko sabay pindot ng gatebell
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Wusshuuuu
Happy Birthday pala sa crush ko na si Lea May ahahaha hope na sa 18th Birthday mo ay bumawas naman ang height mo ng maabot naman kita
Kahit na di ako pandak nanlalaki pa rin ako sayo lalo na yung
Height mo 😛
Haahahaha have a blessed day and nice day
-Shira Exist
Vote
Commend
Share
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top