Kabanata Tres: Ano Ang Nasa Loob?

Jexanitia
Northport
Azukito's POV

Hhhhmmmm maganda ang graphics ah? At malapit lapit sa Granddivinity pero may pagka mas matanda pa itong mundong ito

Teka nga muna bakit wala ako sa creating room, may gawd baka may character na to

Tignan ko nga ang profile

Name: Azukito
Level: 1
Class: Weapon Master
Tier: None
Title: (click to check)
Race: ???
Powerful Element: Shadow

Stats

Strength: 41
Agility: 33
Dexterity: 37
Intelligence: 32
Stamina: 29
Spirit: 30
Vitality: 30

Crit Rate: 9%
Speed: ??
Movement Speed: ??

Resistance

All Resistant +???

Huh? Nakakapagtaka nakuha ang pangalan ko, level 1 din ako pero parang napakataas naman ng stats ko at anong class at bakit may mga takdang pananong -.-

This damn thing makes me damn curious

Beyen nepe englesh ne eke

Pero ang napapa curious sakin ay yung class ko, weapon master? Ano yun? Hhhmmm

Maya maya pa ay may lumapit sakin

"Ahhh kuya? Pasensiya na sa gagawin ko pero kailangan ko kasing gawin ito"
Sabi ng naka cloak at boses lalaki ito

Maya maya ay nabalutan kami ng kulay ube na bilog at naramdaman ko ang teleportation

Napapikit ako dahil di talaga ako sanay sa teleportation

At nabg tumugil na ako sa paggalaw ay idinilat ko ang aking mata

"Ano to? Bakit nandito ako?"
Sabi ko at hinanap ko ang weapon ko tumingin tingin ako sa katawan ko at nakita ko ang malaking espada sa likod ko

Paghawak ko nito ay naramdaman ko na umuusok ito katulad to ng nasa kwintas pero para saan bakit may ganto ito ma try nga

Inikot ko ito na parang nag momotor lang at biglang nabalutan ng itim na usok ang espada na hawak ko at parang apoy ito pero gawa sa anino o itim na apoy

"Easy lang di ka namin sasaktan bagkus tutulungan ka naming lumakas"
Sabi ng boses sa kung saan

"Magpakita ka nansan ka isa kang duwag"
Sigaw ko at inikot ko ang paningin ko

"Ehem"
Isang ubo galing sa baba ko

Pagtingin ko dito pababa ay nakakita ako ng isang maliit na chipmunk na nagsasalita kaya napatalon ako pa atras

"Waaahh! Sino ka si Alvin o yung isa pa dun sa dalawang kasama niya?"
Sabi ko habang nagtataka at natawa naman siya dahil dun

"Sinong Alvin? Mula ba yun sa mundo niyo? Pagpasensiyahan mo na wala pa kasi akong gaanong kaalam alam sa mundo niyo ako nga pala si Kelewe ang lightning shuriken"
Sabi niya at naglabas pa ng shuriken pero kakaiba ito dahil malaki laki ito kunti at may kuryente kuryente pa ito

"Ang pagpasensiyahan mo na rin ang nasabi ko ako din pala si Azukito at mukhang nagkamali kayo ng kinuhang tao"
Sabi ko at tumingin sa paligid para itong lugar ng mga monghe sa mga palabas sa chinese movies

"Maniniwala ka ba samin kung sasabihin namin ang pakay namin sayo?"
Isang boses ng babae sa likuran ko at nang lingunin ko ay isang babaeng may kung anong simbolo sa kanyang noo at kulay puti ang suot nito

"Maniniwala ako pero sigurado ba kayong papayag ako?"
Sabi ko na napangiti ito

"Totoo nga parehas mo mag isip isa ka ngang tagapagmana niya"
Sabi ulit ng babae at sa tingin ko ay may iniisip siya

"Azukito ako nga pala si Xian ang Lunar goddess nais kong i train ka namin upang lumakas"
Sabi niya at natawa ako

"Kaya kong magpalakas, di niyo na ako kayang i train at isa pa ano namang mapapala ng isang Lunar goddess sa isang katulad ko?"
Sabi ko at maya maya ay may pinakita siya sa aking litrato na namumukhaan ko ito dalawang litrato ang isa ay si Mr Pres pero nung panahon pa ito ng Granddivinity dahil namumukhaan ko ang suot nito

Pero yung isa ang ipinagtataka ko bakit kamukha ko ito ang pinagkaiba lang ay puti ang buhok nito at may katandaan na ito

"Kilala ko to si Panda ito ang Fallen Angel godking, bakit may litrato kaniya at bakit alam mong kilala ko siya, at tsaka bakit kamukha ko itong isa"
Tanong ko sa kaniya at ngumiti na naman ito

"Kilala kita Azukito, isa ka sa mga kasamahan ni Panda, kaibigan siya ng aming master na si Storm god Jishi"
Sabi nito at nagtataka na ako

Paanong naging magkaugnay ang Granddivinity at ang larong ito kung meron siyang litrati nito ibig sabihin naunang naganao ang Granddivinity

"Ah? Alam ko na sinasabi mong magkaibigan ang master mo at ang master ko kung ganun ay anong kinalaman ko sa lahat ng iyon"
Tanong ko dito at dito naman siya naging seryoso na

"Dahil ikaw ang tagapagmana ni master Jishi na maging susunod na storm god pero di mo maipapalabas ito ng walang training samin"
Boses galing sa taas at maya maya ay may ipo ipong dumating at lumabas ang isang lalakibg samurai na naka blue at sa kaliwang balikat nito ay may metal na kung ano di ko alam kung ano ibig sabihin nun

Kakaiba talaga ang mundong ito kung NPC ito o isang AI bakit marami silang alam sa mundo ito at bakit ako ang pinili ng programmer

"Pag iisipan ko ang inying sinabi pero sa ngayon ay magpapalakas muna ako ayon sa pagpapalakas na alam ko"
Sabi ko dito at tumalikod nakita ko ang hagdan pababa sa templo nila at grabe sobrang taas nito nasa bundok pala ito

"Nasa bundok ka ng Skyrock at aabutin ka pa ng mga limang araw bago makababa at isa pa nakita mo na ba ang quest mission mo?"
Sabi nito na napa lunk ako limang araw

Kaya naman pala Skyrock kasi halos nasa himpapawid na ito pero sa sinabi niya ay napatingin nga ako sa Quest ko at nakita ko ang first mission ko

Quest 1/10
Meet the Bloodmoon

Mission 1/4

Meet Shen
Talk to Xian and Wasaki

Nakausap ko na si Xian at Wasaki pero sino tong Shen

"Shen? Sino to"
Bulalas ko na patanong

"Ako"
Sabi ng lalaking naka cloak at biglang tinanggal ito

"Ako si Shen ako ang Guardian"
Sabi ng lalaking mala ninja ang suot at may tonfa ito sa likod

Mission Complete

Biglang lumabas sa VS ko at may lumabas na namaan na bago

Quest 1/10
Mission 2/4

Know your history, The Lunar goddess will tell you

Yan ang lumabas

Huh? Ano to? Know my history nasa laro pa ba ako? Anong nangyayari?

Lunar goddess si Xian yun di ba? Ano bang kinalaman nila sakin at bakit kakaiba na itong mga quest ko di pa naman ako tumatanggap ah

"Alam kong naguguluhan ka pero kailangan na nating mag madali tumatakbo ang oras"
Sabi ni Xian kaya tumalikod na ako at humarap sa kaniya

"Oh sige sige makikinig ako pero tandaan niyo may mga bagay ako na hindi ko gusto at ayaw ko"
Sabi ko at tumango ito at maya maya ay itinaas nito ang kamay at may lumabas na isang tao na naka itim, kulay puti ang buhok ay teka siya yung nasa litrato kanina ano ba pangalan nun?

"Siya si Jishi ang storm god ang kaisa isang storm god ng Shadow Clan hindi lang siya ang storm god dahil marami sila"
Sabi niya at maya maya pa ay nawala ito at may lumabas na naman na mga imahe

"Ang mundo ng Jexanitia ang tahanan ng mga diyos sa langit at isang kontinente lang ito na nahahati sa iba't ibang lupain ng mga matataas na tao o sila yung may mga kapangyarihan"
Sabi pa niya at umupo ako sa lupa at nakinig lang ng maayos

"Pero naging iba ang takbo ng panahon ng dumating ang Black Dragon sa mundo ng Jexanitia ang god of destruction na ang Black Dragon mismo, dahil dito nabalot ng pagkamuhi, inggit, sariling hangarin at pagmamataas ang mga tao"
Sabi niya at maya maya ay di ko napansing katabi ko pala si Shen at si Kelewe na nakikinig din

"Kaya isang araw pinadala ng diyos ng diyos ang dalawang diyos na si Jishi at si Qiu, si Qiu ay isang Light goddess"
Isang imahe ng babae ang lumabas na may lumabas na isabg patulis na espada parang sa pag fencing

"Kinalaban nila ang black dragon at naoatulog nila ito pero sa kasamaang palad ay naubos naman ang kanilang kapangyarihan at namatay, pero bago sila mamatay ay may iniwan silang monumento na ang tagapagmana lamang ang makakarating sa tamang panahon"
Sabi nito na di ko alam kung ano ang dahilan nun para sabihin sakin

Mission Complete

Na naman?

Quest 1/10
Mission 3/4

Know your weapons, Wind Tempest will tell you

Weapons? Ibig sabihin marami di lang itong espadang ito?

Pag tingin ko ay nakita ko ang baril sa bewang ko dalawa ito kulay itim at puti

"Mukhang alam mo na, sila ang kambal na dragon na si Yin at Yang ang baril na ginawa ni Jishi ayon sa mga nakuha niya sa kambal na dragong nakalaban niya at yang espada mo naman ay si Grim"
Sabi ni Wasaki na napatayo ako at inilabas ko ang espada at baril at nilapag sa lupa

"Ang Yin and Yang may dalawang element, ang shadow at light, nanggaling yan sa dalawang legendary dragon ang isa sa mga dragong nakatataas, matutuklasan mo na lang ang lakas nito dahil mag t-training ka dito hanggang matapos mo ang quest mo sa amin"
Sabi ni Wasaki at maya maya ay lumabas na naman ang notification tungkol sa quest complete

Quest 1/10
Mission 4/4

Meet the Bloodmoon

Napaisip ako sinong bloodmoon? At bakit kailangan ko silang makilala inilibot ko ang paningin ko sa templo at nakita kong may babae at may kasama itong isang lalaki na may sniper sa likod

Isang fencer ang babae meron palang ganiyang class dito siguro nga dapat basahin ko ang tungkol sa game dahil nagmumukha akong tanga dito

"Siya ba yung makakasama pa namin ni Vicente?"
Tanong ng babae habang nakatingin sa akin at tinitingnan nito ang buong katawan ko

"Oo siya si Azukito at isa rin siya sa mga mag t-training dito"
Sabi ni Xian at nakangiting tinitingnan kaming dalawa

Lumapit sakin yung babae at tumingin sa mukha ko nagulat naman ako dahil hinanda nito ang kaniyang fencing sword

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Yow guys nais ko ipabatid na salamat sa sumusuporta ng mga kwento ng mga kaibigan ko

Hit Vote
Comment for Recommendation
Share :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top