Kabanata Singko: Training kay Wasaki at Kururutchi

School
Azukito POV
1:10pm

"My gawd Ms.Pres anong ginagawa mo jan ginulat mo ako"
Sabi ko dito at pinatay ang motor

"Sorry ah hahaha gusto ko lang sana na i invite ka sa club namin ito ang registration, kami ang Computer Club"
Sabi niya sakin at inabot ang isang papel may gawd ayoko naman tumanggi sa kaniya dahil ang ganda niya at oo na love at first sight ako sa kaniya kanina

"Okay no problem bukas sasama ako sa inyo at ipakilala mo ako"
Sabi ko sa kaniya at nag yes siya at nag paalam na ako sa kaniya

Fast Forward

"Link Start"
Sabi ko at pagdilat ko ng mata ko ay nandito na naman ako sa templo ng Xiang

"Nakabalik ka na pala kamusta naman ang araw mo sa inyong mundo"
Sabi sakin ni Shen at mukhang si Shen pa ata ang unang mag t-train sakin

"Bata dalian mo ako ang unang mag t-train sayo"
Sabi sakin ni Wasaki at nagulat ako dahil siya pala unang mag t-train sakin

"Ah okay, pumasok ka na sa training hall at hintayin mo ako"
Sabi sakin nito

Tumagal ng anim na oras ang pag t-train ko sa kaniya at halos maubos ubos ang stamina ko

Hala naka anim na oras ako patay ako nito may pasok pa ako bukas anong oras na ba?

Tumingin ako sa Real World Time at nakita kong 2:30pm pa lang at dun ako nag taka

Anong nangyari

"Di mo ba alam 1hour sa totoong mundo ay anim na oras dito binago na ng maintenance kagabi ang iba at nay nga dinagdag sila"
Sabi ni Catherine sa di kalayuan habang nag t-training din pero sa dummy na ito nag t-training

"Tama na yan oh ito kumain ka muna kailangan mong manumbalik agad ang iyong lakas para mabilis natin matapos ang Quest mo"
Sabi sakin ni Xian at mat ibinigay sakin na pagkain

Kinain ko ito at pumunta ulit sa training hall ngayon naman ang gun ability ko dahil kanina kay Wasaki espada at wala akong baril ngayon baril naman at walang espada

Nag iisip isip pa lang ako ng marinig ko ang tunog ng sniper kaya tumingin ako sa paligid at nakita ko agad ang bala papunta sakin inilagan ko ito at ito labg ang ginawa ko

Natapos ko ang gun mission ko ng limang oras at halos di ko na alam ang nararamdaman ko hays ang bigat ng katawan ko

"Di pa ito tapos ngayon mag t-training ka na samin ng mag kasama kami ni Kururutchi"
Sabi sakin ni Wasaki na napahiga na ako sa lupa

"Pwede ba akong magpahinga kahit mga isang orad lang masakit na katawan ko eh"
Sabi ko dito at pumayag naman ito

Humiga ako sa ilalim ng puno at nakarinig ako ng tunog ng nagtatamang espada

Si Catherine yun ah, kalaban si Thresh at papalapit ito ng papalapit kay Thresh at iniilagan niya at minsan sinasangga ang atake ni Thresh

"Wow"
Bulalas ko habang pinapanood siya

"Ang galing niya no?"
Isang boses ng lalaki sa likod ko na may kasamang lalaki pa nagdagdag na naman sila hays

"Ako nga pala si Vicente at isa akong Sniper"
Pagpapakilala sakin ni Vicente at nakipagkamay naman ako

Okay lang naman sakin makilala ang mga kung sino sino pero wag na wag silang sasama sa paglalakbay ko

Humiga na ako ulit at natulog

Paggising ko ay gabi na ang mundong ito teka anong oras na sa totoong mundo, 3:20pm hays mabuti naman ay alas tres pa lang bumangon ako para hanapin si Wasaki nalimot ata yun sa training

Pagtayo ko ay nakita kong may katabi pala ako sa pagtulog medyo madilim dito at di ko mamukhaan kaya binuksan ko ang Night Vision ko at nakita ko si Catherine pala ito

Napa atras ako at nakita kong nagising siya

"Oh gising ka na pala"
Sabi sakin ni Catherine at tumayo na lang ako sabay punta sa training hall at nakita ko na naglalaban sila Wasaki at Kururutchi

Wow ang galing nilang dalawa at walang nagpapatalo

Napatigil sila ng makita nila akong dalawa

"Oh gising ka na pala simulan na ba natin?"
Sabi sakin ni Wasaki at ngumisi lang ako

"Sige simulan na natin"
Di ko alam bakit bigla akong na excited siguro dahil sa mga nakita ko sa paglalaban nila

"Mukhang masigla ka sige pumwesto na tayo Kururutchi"
Sabi ni Wasaki at biglang nawala si Kururutchi, huh? Ano yun?

"Laban na!"
Sigaw ni Wasaki at bigla na lang itong umatake ng mabilis huli ko na yang galawan mo umatras ako at binaril ko siya pero na block niya lang ito

Inihanda ko ang espada ko at binalik ang baril sa tagiliran ko at aakamang aatake aa kaniya ng biglang

"Baaang!"
Tunog ng baril at nakita kong malapit na ito sakin

Naku wala na akong oras para umilag kung iilag ako ma aatake naman ako ni Wasaki kung isasalag ko ang atake ni Wasaki ay matatamaan ako ng bala ni Kururutchi

"Tandaan mo Focus at Be Calm mag isip ka ng maayos"
Sigaw ni Kururutchi sakin at naalala ko

Sige Focus, sabay buntong hininga Be Calm pumikit ako at sabay buntong hininga

Alam ko na sabay dilat at sinugod ko si Wasaki at alam kong ma dedeflect lang ako nito kaya tumalsik ako papunta sa bala at ginamit ko ang espada ko at hinati ko ito sa gitna

At sumabog kaya napatalsik ako pababa

"Hay naku mukhang kailangan mo munang alamin ang kilos ng kalaban mo bago ka kumilos"
Sabi ni Wasaki at tinulungan ako nito tumayo at tumayo na ako at inulit namin yun

Hanggang sa umabot na ako sa iba't ibang bagay katulad ng paglaban sa kanila ng mabilis ng sabay sabay

At madaling araw na namin natapos at alas singko trenta na ng hapon sa totoong mundo

Siguro ay lalabas muna ako para magpahangin medyo napapagod pa ako at medyo inaantok na ang character ko siguro patutulugin ko muna to

"Wasaki may kwarto ba kayo dito"
Tanong ko kay Wasaki

Itinuro naman sakin nito ang isang bahay at pumunta naman ako dito

Maraming kwarto dito ah? Para san naman kaya?

Pumunta na ako sa isang kwarto at kumatok

Mukhang wala namang tao dito

"Oh Azukito yan ba ang gusto mong kwarto"
Isang beses sa di kalayuan at paglingad ko ay nakita ko si Xian

"Ah oo bakit?"
Sabi ko dito at itinaas nito ang kamay niya at biglang may umukit sa pintuan

Àzükítô

Yan ang lumabas sa pinto na pangalan, ang IGN ko

"Para san yun?"
Tanong ko dito

"Lahat ng kwarto na may tao na ay nilalagyan ko ng pangalan para walang isturbo, okay pasensya sa isturbo, magandang umaga"
Sabi niya sakin kaya pumasok na ako sa loob at sinarado ang pinto

Humiga ako sa kama sabay

"Log out: Idle"
Yes merong dalawang klase ng log out

Yung mawawala ang character mo at babalik sa realm at ang idle mode na nandun pa rin ang character mo pero tulog yun

Pag mag l-log in ka naman sa idle mode ay sasabihin mo lang ang word na AWAKE

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkain

Mukhang wala pa si mama alas otso pa ata yun uuwi

Dahil ako lang naman ngayon ay lalabas na lang muna ako at sa 7/24 kakain meron kasing mga nabibiling pagkain dun

Paglabas ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa 7/24 pag pasok ko dun

"Welcome sir"
Pagbati sakin nung magandang nasa counter

Siya na naman pala grabe ang ganda niya talaga
Nginitian ko lang siya at nag order ow yes may sisig medyo gusto ko din to lalo na pag maanghang

"Miss isang sisig na spicy and rice kung pwede din mag extra rice ehehehe"
Sabi ko dito at umalis ng counter para kunin yung inorder ko

Pumunta naman ako sa drinks and beverages kumuha ako ng syempre Shershy Chocolate Coffee

Masarap kasi pag may mainit na kape pag maanghang ang kinakain

Nakasanayan ko na yun kaya ayun kumain ako at yes dito ako kumain sa loob ng convenience store

Wala akong pake kung kakaiba ako kumain eh sa gutom ako wahahaha

Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako dun sa magandang babae sa counter

Nag wave lang ako dito at umalis bumalik ako sa bahay at pagdating ko sa kwarto ay nagpahinga ako at dala dala ko pa rin yung kape ko di ko kasi naubos kanina kaya dinala ko na

Hays ubusin ko na nga to para makapag log in na
.
.
.
.
.
.
"Awake"
Sabi ko at nakabalik na ako sa laro

Tanghali na ah ang bilis naman talaga ng oras dito hays siguro ko pag pumasok ako ay lagpas isang araw dito sa laro

Makatapos na nga ng quest na to gusto ko nang lumabas sa templo na to

Nababagot ako sa puro training lang gusto ko naman sa totoong mobs at boss

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ay saktong nakita kong kakatok na sana si Thresh

"Oy batang Azukito gising ka na pala, oh siya mag sisimula na ang training mo sa amin ni Lakisha"
Sabi nito kaya bigla akong na hype

Alam niyo ba kung bakit? Dahil nakikita ko ang pagbabago ni Thresh mukhang mas malakas pa ito sa dati

Naaalala ko tuloy yung magkasama sila ni Mr Pres na labanan ang Phoenix na si Icarus grabe ang lakas nila natapos nilang dalawa lang

Note ah dalawa lang sila, natapos nila yun sa isang oras lang

"Oh sya batang Azukito tara na tumatakbo ang oras"
Sabi niya sabay ngiti sakin

=•==•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Okay guys magsisimula na malapit na lalabas na siya sa templo i fafast forward ko na lang dahil kay Shen talaga ang lahat ng matinding training :)

Vote
Commend
Share

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top