Kabanata Sais: Ang Pagtatapos ng Training
Xiang's Temple
Azukito's POV
Lumipas na ang ilang linggo at halos isang buwan ang lumipas sa laro ay natapos ko na ang lahat pwera na lang kay Shen siya ang huling mag t-train sakin
Kaya pumasok na ako sa loob ng training hall at nakita ko siyang nag memeditate
"Hali ka magsisimula na ang training"
Pag yayaya sakin nito at umupo ako sa harap niya
"Isipin mong magaan ang katawan mo, tanggalin ko kung ano man ang bumabagabag sa iyong isipan, at isipin mong magagawa mo kung anong gusto mo"
Sabi niya sa akin na medyo nalilito ako
Alisin ang kung anong bumabagabag sa isip ko, marami kaya paano ko yun aalisin? At isipin kong magagawa ko ang gusto ko?
Ano nga ba ang gusto ko? Siguro una ang mateleport sa kung saan
"Ngayon mag buntong hininga ka sabay tanggal sa isip ng mga kung ano ano, at ngayong mag focus ka dun sa gusto mo"
Sabi niya sakin kaya ginawa ko
Okay focus focus, alis ng kung ano ano sa isipan sabay teleport
Minulat ko ang mata ko at nakita ko na wala namang nangyari
"Mukha atang maraming bumabagabag sayo sige tutulungan kita alisin yan tumayo ka"
Sabi niya at nag fighting pose
Kaya napa atras ako sabay handa
Bigla naman itong nag dash papunta sa harap ko at nakita ko aatake na siya sakin kaya umilag ako pero halos matamaan ako nito
"Focus wala ka bang natutunan sa mga nag train sayo?"
Sabi niya sakin kaya napakunot ako
Oo nga nuh may mga alam na akong pang atake salamat Shen
Agad kong nilabas ang baril ko at pinaulanan ng bala pero naglabas lang siya ng barrier na kulay violet na pumalibot sa kaniya kaya parang dumadaplis ito
Nakakainis paano ko ikaw matatalo, oh sige ito naman
Mabilis akong nag dash sa kaniya sabay ginawa ang natutunan kong elementong apoy na atake, hinawi hawi ako ang aking espada na pa ekis sa harapan at lumabas dun ang apoy hanggang sa makarating ako sa kaniya
Sinangga niya ito ng dalawa niyang tonfa at nabasag ang atake ko
Sa larong ito kung ang atake mo ay isang combinational skill o attack ay pag na sangga yun ng kalaban o nailagan ay magiging break ito o tinatawag na break effect
"Hunyemas dedong ako"
Sabi ko habang ang kamay ko ay nasa espada kong tumaas ang recoil dahil di ko kinaya ang lakas ng pagkakasangga niya
At hinampas ako nito ng tonfa na tumalsik naman ako at tumama sa pader
"Aaagghhhh"
Tumama ako sa pader at ang sakit grabe akala ko ba 10-20% na maranasan mo ang sakit
"Sa hall na ito ay may magic kung ang nararanasan niyong galing sa ibang mundo ay sampong pursyento lamang dito hindi sa hall na ay nasa 50% ang sakit na maranasan niyo di na namin tinaasan dahil baka masira pa ang utak niyo sa mundo niyo"
Sabi niya sa akin kaya nag taka ako dahil paano nila nagawa yun at bakit parang ang dami nilang alam tungkol sa amin akala ko ba ay napadpad lang kami dito sa mundo nila para puksain ang itim na dragon
Ay samantala parang di na ako magtataka dahil kakaiba nga ang nangyari sa akin ito pa kaya
Tumayo ako at tumayo di naman nababawasan ang HP namin pero may basehan kami sa HP namin ngayon ito yung kapag pagod ka na o sumuko ka
"Kailangan makapasa ako ng makaalis na ako dito at maranasan ko naman mag dungeon o kaya pumatay lang ng mobs"
Sabi ko sa isipan ko kaya nag fighting pose ulit
"Ayan nakikita ko ang fighting spirit sa mga mata mo sige sumugod ka"
Sabi niya kaya sumugod ako sa kaniya at balak ko gawin ang combinational attack na naisipan ko lang gawin
Hinawakan ko ang espada kong nakatarak sa tabi ko at hinawakan ang silinyador nito
At mga ilang pihit nito ay naglabas na ito ng usok
Natuklasan ko ito ng makalaban ko rin si Xian isa nga talaga siyang expert sa lahat ng klase na elemento
"Aba mag seseryoso ka na ba?"
Sabi niya sa akin at mabilis akong sumugod sa kaniya
"Sige goodluck"
Sabi niya pa na naghanda ng isang parang ritwal
At matapos yun ay bigla siyang nawala at napunta sa likod ko na sesense ko siya pero paano yun? Paano lumakas ang sense ko ng ganito at paano ako lumakas ng ganito
"Mukhang na realize mo na successor ng storm god, hindi ka namin trinain dahil lang sa gusto lang namin kung gaano ka kalakas, trinain ka namin gusto namin dumagdag pa ang iyong lakas"
Sabi ni Shen sa akin at hinarap ko siya sabay atake dito pero di ko alam na may shield pa pala ito nakakabwisit na yang shield na yan babasagin ko na yan
"Shadowstep"
Skill ko at kada hakbang ko ay nagpapalipat lipat ako sa kung saan saan na shadow thing, basta may anino
"Magaling Azukito nakukuha mo na"
Sabi nito sakin at nang nagpalipat lipat ako ay nasa iisang lugar lang naman siya kaya bigla akong nag bwelo para atakehin siya at ginamit ko ang atake ko na pa ekis na slash slash pero kakaiba na ito ngayon dahil di lang apoy dahil may kasama na itong shadow element
Ang elementong shadow ay effect na curse at blind, so ipapalawanag ko na lang sa mga susunod na chapter kung ano ano ang epekto ng mga elemento
Bigla niya namang hinanda ang tonfa niya at pinag ekis ito upang isalag ang atake ko
Pero dun siya nag kakamali dahil pag tama nito kay Shen ay nawala ito at naging usok na lang na itim
At kinagulat ito ni Shen
Mabilis na sinugod ni Azukito si Shen gamit ang pa ekis na atake nito at nababalutan ito ng itim na aura
Paglapit nito kay Shen ay sinangga niya ito
Hanggang sa di ito kinaya ni Shen at nabasag ang barrier nito
At napatalsik ni Azukito si Shen tumama ito sa pader at halos di na makagalaw
"Bata suko na ako"
Sabi ni Shen na kinataka ni Azukito
"Bakit?"
Tanong ng binata habang si Shen ay bumabalik sa dati niyang maayos na tayo
"Isa akong Guardian ibig sabihin mas malakas ako sa depensa at mahina ako sa opensa"
Sagot ni Shen sabay balik ng tonfa niya sa likuran niya ganun din naman si Azukito
"Malayo layo na ang mararating mo bata"
Dagdag ni Shen at maya maya ay lumabas na Notification kay Azukito
Personal Notification
Mission 2
Completed
Reward
All attributes, stats, resistant
+250
Mabilis na sinarado ni Azukito ang notification niya at lumabas na sila ng hall
Sa labas naman ng training hall ay nag aabang ang lahat ng bloodmoon naghihintay sa kanilang paglabas hanggang sa bumukaa ang pinto at nakita nilang nagtatawanan ang dalawa
"Tapos ko na ang mission 2 ko"
Sigaw ni Azukito kaya laking tuwa ng mga bloodmoons dahil sa nangyari kaya nag salo salo sila agad para ipagdiwang ang pagtatapos ni Azukito sa training
.
.
.
.
.
.
.
.
.....
Matapos ang kasiyahan ay tumambay si Azukito sa puno na pinagtatambayan niya tanaw dito ang ibaba tanaw ang iba't ibang mobs sa baba at kukunting player
Habang tinitignan ito ay may lumabas na notification sa kaniya
Mission 3
Quest 1/1
Make your own Journey until you are in top 50 Player
Habang tinitignan ang nakasulat sa notification ay parang nalungkot ito
Mukhang kailangan niya nang magpaalam sa kanila pero paano kung hindi siya umalis dahil sa sobrang tuwa
"Ah alam ko na"
Sabi niya at tumakbo ito papunta ng kwarto niya sakto namang nakasalubong niya si Shen
"Shen may pabor ako gusto kong gawin mo na ngayon at ikaw na lang magpaliwanag sa kanila"
Sabi ni Azukito na napangiti si Shen
"Mukhang aalis ka na bata di naman kita masisisi yan ang gusto mo"
Sabi rin naman ni Shen kaya may binigay si Shen kay Azukito isa itong portal scroll
"Maraming salamat Shen di kita malilimutan lahat kayo sige hanggang sa muli"
Sabi ni Azukito at sabay bukas ng scroll
"Town of Beginnings"
Sabi nito at unti unting nawawala
Maya maya pa ay tumulo ang luha ni Shen at dumating ang lahat
"Okay lang yan Shen makakasama pa natin siya balang araw"
Sabi ni Catherine kaya pinunasan ni Shen ang luha niya
"Di ko malilimutan ang mga mata niyang gustong mapag isa"
Sabi nito sabay balik na lang sa kwarto niya para makapagpahinga
=•=•=•=•=•=•=•==•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Ito na magsisimula na ang tunay na paglalakbay ni Azukito
Ngayon tanong muna ako
Tanong #1
Bakit kaya nalungkot si Shen nang umalis si Azukito?
Tanong #2
Ano bang nangyari sa ilang linggo bakit kaya fast forwarded ito?
Tanong #3
Ano bang trip ni author bakit niya finorward ang mga pangyayari?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top