Kabanata Onse: Ang Paglalakbay Patungong Storm god's Kingdom
Azukito's POV
Naglalakad ako papunta sa sinasabi ni Aishle na lugar kung nansan ang kingsom daw ni Jishi o ang Storm god bago ako
Masyadong malayo ang lugar at ang sabi pa nito sa level at sa tier ko ngayon siguradong di ko pa kakayanin ang daraanan namin kaya tinuruan ako nito sa paggamit ng espada na dala ko
Ma c-classify ang dala kong espada na big sword pero kung titignan ko ito ay pinagsamang long sword para sa warrior, big sword para sa berserker at katana naman para sa samurai at nga pala silinyador na galing sa motor tehehe
Habang naglalakbay marami kaming nakakasalubong na mobs mula sa level na 20-50
At sa loob ng limang araw ay nasa level 55 na ako masyadong mabilis at halos gugulin ko ang buong araw ng sabado ko para dito
"Wala na akong maituturo pa sa iyo panginoon -"
Di pa ito tapos sa sinasabi nito ay tinaas ko ang kamay ko
"Pasensya na pang- Azukito pero di ko magagawa dahil ikaw ang panginoon namin sa ating kingdom at isa lang akong heneral na wala man lang sa noble o high noble para gawin ang sinasabi mo"
Sabi niya at natawa na lang ako
"Bilang kaibigan hindi pa ako hari, at wala akong race kung ano ba talaga ako kaya sa ngayon tawagin mo akong Azukito"
Sabi ko dito at naiintindihan niya naman
Matapos ay naglakad na ulit kami papunta sa lugar na sinasabi niya
Limang araw na sa loob ng laro at sabi niya ay malapit lapit na kami sa tingin ko baka bukas nandun na kami
Habang naglalakad ay nagkwento ito ng mga ginawa ni Jishi sa kingdom nila, ang mga ibang heneral at naikwento niya ang pitong high nobles na tinatawag daw na Demigods kahit na wala akong emosyon sa paglalagbay dahil nakasanayan ko na ito ay nakuha nito ang atensyon ko
Nalaman ko na ang New Update ay yung sinasabi niya na Demigods
Ang sabi niya na nawala ang kapangyarihan ng pitong Demigods dahil sa matinding war laban sa pitong Demon Generals
"Akala ko kasing lakas ko lang ang bawat isa sa kanila dahil heneral din sila pero dun ako nagkakamali mas malakas pa ito kaysa sa pitong Demigods pag nag sama sama kaya na seal ang pitong demigod sa loob ng ilang taon at ni sino man ay walang nakakalam kung nansan ito"
Ow interesting gusto kong mahanap at makilala ang pitong yun
"Maalala ko Azukito, ang pitong Demigod at nagbibigay basbas sa lahat ng kakayanan ng buong kingdom sila ang pinanggagalingan ng kapangyarihan o lakas naming lahat kaya sana pagdating natin sa lugar na iyon ay hanapin natin agad sila"
Sabi niya pa at napangiti ako
"Sa wakas nakita ko ang ngiti mo"
Sabi nito at tinanggal ko naman agad ito at nagpatuloy lang hanggang sa may makasalubong kami na kakaiba na presensya
"Hanggang dito na lang kayo, walang sino man ang makakapasok ulit sa sakupan ng aming kingdom"
Sabi ng dalawang kawal sa harapan namin malakas ito siguradong mapapalaban ako
"Papasukin niyo kami"
Sabi ni Aishle at pinaka ang kulay pulang badge
"Heneral Aishle matagal na panahong di ka namin nahanap, pero ipagpaumanhin mo heneral sino itong batang kasama mo"
Sabi nito
Tignan mo nga naman baby face talaga ahaha
"Katulad ng ipinangako ko babalik ako kasama ang tagapagmana ng trono"
Sabi ni Aishle dito na nanlaki agad ang mata ng dalawang kawal at mabilis kaming pinadaan at sinamahan kami papunta sa kingdom pagdating namin sa kingdom ay maganda ang labas mataas ang pader siguradong dragon lang ang makakalipad ng ganiyang kataas o pwede ring harpy pero kitang kita ang watch tower sa buong paligid kaya siguradong nakakatakot
Agad na bumukas ang pintuan ng kingdom at nagulat ako dahil anong nangyari sa lugar na ito bakit ganto
May mga sakit ang buong lugar makikita mo ang iba't ibang di mo iisipin na mangyayari sa loob ng isang kingdom ng isang diyos
"Anong nangyari dito?"
Tanong ko dito
"Ito ang ibig kong sabihin sayo Azukito ang lugar nato ay nasa kapangyarihan mo at ng pitong Demigod kung wala ang isa sa mga ito wala rin kami nito, naghirap ang kaharian ng Zehanpuryu Kingdom ang dating malayang malaya at kinakatakutan na kigdom ngayon ay ay puno ng gulo"
Sabi niya na nasa malungkot na boses
"Mukhang mahirap na tungkuli to"
Sabi ko dito na agad siyang napatingin sakin
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Tanong nito sakin sabay ngiti
"Ngayon ipapakita ko kung ano ang nagagawa ng isang NEET sa buong mundo"
Sabi ko at bigla na lang may notification
World Notification
The Seven Demigods of Zehanpuryu Kingdom is now set free by a party
New Features Unlocked
Power of Contracted Spirit is now Unlocked
Tingnan mo nga naman sumasakto ang lahat sa naiisip kong plano dahil dito ay agad akong pumunta sa labas ng palasyo at ipinakilala ko ang sarili ko sa buong lugar
Pero syempre pinatawag ang lahat ng naninirahan sa loob ng kaharian
"Siya na ba talaga ang tagapagmana"
"Ang pagbabalik maraming salamat"
Yan ang naririnig ko sa lahat ng tao nasa harapan ko kaunti ang tao dito sa loob at nakikita ko na kaunti na rin ang nakatayo dito na establish buildings pati iba't ibang bahay atbp.
Maya maya ay tumahimik ang lahat at nagsignal na si Aishle sa akin
"Mga mamamayan ng buong Zehanpuryu, sigurado akong alam niyo na kung ano ako pero magpapakilala ako, ako si Azukito ang tagapagmana ng Storm god na si Jishi ay tinatanggap na maging susunod na hari sa Zehanpuryu Kingdom at bigyan niyo lamang ako ng isang buwan at unti unti nating ibabalik ang dating kasiyahan sa kaharian na ito, inuulit ko ibabalik natin! hindi ako o nino man kundi lahat tayo na nandirito at kailangan ko ang kooperasyon ninyong lahat"
Sigaw ko na siguradon maririnig sa buong kaharian
Dumadami ang tao mukhang magugustuhan nila ako dahil nakuha ko ang atensyon nila
"Mawalang galang lang po panginoon pero saan tayo kukuha ng materyales at lahat ng gagamitin sa buong lugar na ito"
Pagtatanong ng isang lalaking malaki ang katawan na mamamayan sa aking palagay ay isa itong blacksmith
"Ako ay humihingi ng isang buwan upang makalikom ng pera para sa gagamitin sa lahat ng gagamiting materyales at isa pa ay gagawa ako ng iba't ibang grupo para gagawing ito, kaya kung maaari pagtapos nito ay maiwan ang lahat ng gustong matuto sa pakikipaglaban mapa babae man o lalaki, at isang linggo naming tuturuan kayo sa pakikipaglaban at bubuo tayo ng mga grupo na may iba't ibang gagawin para dito"
Sabi ko at maya maya ay lumapit sa akin ang lalaking naka robe
"Ipagpaumanhin pero gusto ko ng katunayang ikaw nga ang tagapagmana"
Sabi nito at nag isip ako ng katunayan ay naalala ko yung baril at pinakita ko sa kaniya
"Hindi maaari ikaw nga ang tagapagmana nasa iyo ang dalawang dragon gun"
Sabi niya at naghiyawan ang mamamayan
"Ipagpaumanhin niyo po ulit panginoon pero ako po si Haysta at isa ako sa mga noble at ako ang nataasang manguna sa mga noble"
Sabi niya at nakuha ko naman ang pinupunto niya
"Kung ganoon po ay simulan na natin ang operation restoration"
Sabi ko at maya maya ay may inilabas itong papel isa itong contract
"Panginoon lagdaan niyo po ito ngayon upang makaupo ka na sa trono"
Sabi nito pero nginitian ko lang ito
"Patawad po pero di po siguro sa ngayon dahil may mga mahahalagang bagay pa na dapat unahin at saka gusto kong makuha ang tiwala ng lahat ng taong nakatira dito"
Sabi ko at napangiti rin ito
"Iba ka, masasabing nararapat ka sa trono"
Sabi ko dito at maya maya pa ay nagsi alisan ang mga tao at may mga natitira
Sila ang mga gusto sumama sa operation maganda ito dahil marami rami sila
"Meron po bang pwedeng matuluyan habang ako'y nagpapahinga?"
Tanong ko kay Noble Haysta
"Opo meron ito ang kwarto ng panginoon sige po ipapahanda ko na po maghintay lang po kayo, babalik po ako kaagad"
Sabi niya at mabilos itong pumasok sa loob ng palasyo
Hinarap ko ang lahat ng taong natitira at mukhang mahirap hanapin ang potensyal nila kailangan ko ng mentor nila pero saan ako kukuha?
Maya maya ay mabilis na may tumatakbo na kawal papunta sa direksyon namin
"Panginoon may mga player po na katulad niyo sa labas ano po ang inyong desisyon sabi po nila ay wala silang gagawing masama gusto lang nilang makita ang loob ng kaharian"
Tignan mo nga naman bakit ba may beginners luck ako palagi ahahaha
"Sige papasukin sila at dalhin sila agad sa akin mag madali"
Sabi ko dito at nag vow ito sabay alis
"Sigurado ka ba Azukito paano kung may gawin silang masama?"
Sabi sakin ni Aishle na palapit sa akin
"Kung ganun edi sana kanina pa nila ginawa ng hinarang sila ng mga kawal"
Sabi ko sa kaniya at nanlaki ang mata nito
"Pero Azukito"
Sabi nito
"Akong bahala kahit mataas ang level nila di nila ako kakayanin"
Sabi ko at ngumiti sa kaniya kaya napabuntog hininga na lang siya
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Maraming salamat sa nagbabasa since mga ilang araw pa lang po ang ating kwento need ko po ng characters :) please fill up the form
Name
IGN
Age
Class (di po pwede ang hidden classes sorry)
Race
Attitude
Trait
Motto
Sa ngayon kailangan ko ng walong characters :)
And don't forget to leave a vote :) thank you
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top