Kabanata Nwebe: The General, Aishle

Azukito's POV

Dinala ako ng anino dito sa isang village bakit kaya dito ako dinala anong pangalan ng village na ito? Siguro lilibotin ko muna ng malaman ko

Habang naglalakad at naglilibot ay may sumalubong sakin na isang matanda at tiningnan lang ako nito may mga players din dito pero kataka taka sa lugar ay parang napasaya naman ata dito parang walang pinoproblema ang village na ito sa iba't ibang bagay

"Kamusta, player maligayang pagdating sa Happiness Village, matindi naming pinapatupad dito na bawal ang PVP at kahit ano pang klase na paglaban"
Sabi niya, happiness village? Ngayon alam ko na kung bakit ang saya nila

Pangalan pa lang di ka na magtataka eh

"Ah okay po, di naman po gulo ang hanap ko, nais ko lang po magtanong kung meron po bang headquarters po dito? Gusto ko po kasi mag quest para sa Bronze Tier"
Sabi ko sabay ngiti niya

"Tama ang dating mo player may quest kami para sa Bronze Tier at dalawang quest na lang ito, ito ang scroll diyan mo mababasa ang quest at tsaka ako na bahala mag register ng pangalan mo"
Sabi niya sabay kuha ng scroll hhhmmm sino ba tong matandang ito at siya nagbigay sakin nitong quest?

"Azukito po ang pangalan ko"
Sagot ko dito

"Okay ako naman si Eneros at ako ang chief village ng lugar na ito"
Sabi niya kaya napangiti ako

Chief village na mismo ang lumapit sakin para tumulong ano naman kaya ang nakita niya sakin para tulungan

"Sige po maraming salamat po"
Sabi ko dito at ngumiti ito

"Batang Azukito, kung may kailangan ka hanapin mo lang ako naglilibot libot naman ako minsan, o kaya naman hanapin mo ang chief's house at makikita mo ako dun"
Sabi niya at umalis

Naglibot libot ako sa village at napag isipan kong bumili ng HP Potion baka sakali lang nakakainis naman kasi itong stats ko pang level 50 na ata to isipin mo 200+ at lahat pa ha? Para saan tong int ko kung wala naman ako gaanong skill o spell, puro ability lang wala namang cost na mana yun hays

Tanging HP potion lang ang pwede kong bilhin

Nang matapos ako mag libot libot ay napagdesisyunan ko nang lumabas sabay hawak sa scroll at binuksan at maya maya ay may lumabas na VS sa akin at nawala ang scroll

Tier Quest

Find the Lost Child Happy
And bring her back to the village

Ow Happy hahanapin lang pala eh, pero ang tanong ay saan ko hahanapin wala ba man lang clue hays anong klaseng quest to -.-

Nilibot ko ang buong labas na lugar ng village hanggang sa napansin kong may mga batang naglalaro dun sa may di kalayuan kaya nilapitan ko ito

Nagtataguan pala sila pero di ba parang delikado naman ata dito sa labas sila mag laro

Ng matapos mag bilang ang babae ay nilapitan ko ito at napatingin sakin at biglang nawala

Huh? Ano yun? Weird siguro namamalik mata lang ako

Kaya tinuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang mga tawa teka ang weird na ah kaya inihanda ko ang espada ko sabay hawak sa isa kong espada

One handed sword naman kasi itong espada ko kayang kaya ko ito gawin

"Hahahahah"
Yan na naman yung tawa ng mga bata akala naman niya matatakot ako di ako takot sa multo

Hanggang sa

"Waaaaaaaaaaah!"
Isang sigaw na narinig ko sa di kalayuan kaya ginamit ko ang Shadow Walk ko para mabilis na makapunta dun

Hanggang sa may makita ako na bata at aatakehin ng isang teka anong klaseng monster yun? Ispirito?

Kaya mabalis kong tinutok ko ang baril dun sa spirit at napatilapon ito hhhhmmmm mukhang mahina ang spirit na yun ah dahil napatilapon

At nag shadow step ako sa anino ng batang babae at nagulat siya sa akin

"Bilis dito sa likod ko"
Sabi ko at nagtago naman siya sa likod ko

"Napakalakas ng atake na yun ah, mukhang malakas ka"
Sabi ng spirit at unti unting tumatayo teka tama ba ang tumatayo? Lumulutang kasi siya, so ano ba tamang word? Bumabangon?

Teka kung ano ano iniisip ko may bata nga pala akong pinoprotektahan

"Ow this presence, malakas ka nga talaga"
Sabi nito sabay sugod sakin

Di ko pwedeng iwanan tong bata anong gagawin ko? Maya maya ay umusok ang espada ko lumabas ang shadow aura nito at biglang napahinto ang spirit

"Ow I'm sorry master storm god I didn't recognize you I'm sorry"
Sabi nito at biglang yumuko

Huh?

"Anong sinasabi mo?"
Sabi ko dito at tumingin ito sakin

"Master, ako po ay alagad mo na si Aishle at isa po ako sa mga heneral ng inyong hukbo?"
Sabi niya

"Heneral? Ang dating storm god ay may heneral na spirit? Aba astig siya ah"
Sabi ko at natawa siya

"Pasensiya ikaw pala ang successor niya, ito po ang tunay kong anyo"
Sabi niya at maya maya ay bigla siyang nagkapaa at unti unti nagiging taong ang katawan niya at unti unti rin siyang nagkaroon ng baluti na kulay itim simbolo ng leon ang makikita mo sa dibdib nito at para talagang leon ang buong armor nito pati ang helmet nito

"Aishle sabihin mo nga sakin bakit mo tinatakot ang bata?"
Sabi ko sa kaniya

"Master di ko siya tinatakot nakikipaglaro ako sa kaniya nag spirit mode lang ako baka kasi matakot siya sa human form ko"
Sabi nito at natawa ako

"Oh sige suotin mo muna yan at samahan mo ako"
Sabi ko

"At talagang sasama ako sayo simula ngayon"
Sabi nito at napansin ko ang na may badgr siya teka tier yun ah? Kulay Pink? Ano yun? Anong tier yun?

Teka yung bata pala

"Teka bata ikaw ba si Happy?"
Tanong ko sa kaniya at tumango ito

"Sabi na nga ba, sige babalik na tayo sa village niyo, may naghahanap sayo"
Sabi ko sa kaniya

"Gusto ko po pero ang sakit po ng paa ko dahil natapilok po ako kanina"
Sabi ng bata sa akin

"Ah yun ba ang dahilan kung bakit ka sumigaw?"
Tanong ko at tumango siya ulit astog ang NPC dito may sariling emosyon at isip

"Opo ang sakit kasi"
Totoo nga yung sinabi ni Aishle may heneral pala tong si Jishi bakit walang naikwento sakin yung mga bloodmoon -.-

"Aishle kaya mo ba siyang buhatin o kaya isakay sa balikat mo?"
Tanong ko kay Aishle at nasiyahan naman itong bata kaya wala nang nagawa si Aishle mabait naman si Aishle nalalayo sa ugali ng isang heneral

Naglakad kami papunta sa Happiness Village at saktong pagdating namin ay nandun sa entrance yung matanda na chief

Nang makita nito si Happy ay laking tuwa nito at maya maya pa ay binigyan ako nito ng bronze na parihaba teka ito na yung tier ako pala magdidikit nito sa kung saan ko gusto ilagay mas maganda kung tago dahil para di ako pansin

Inilagay ko ito na para bang bracelet at maya maya ay may lumabas na puro bronze na pumalibot sa buong wrist ko at parang naging bracelet na talaga ito

Astig ito para talaga siyang bracelet

"Congrats master"
Sabi sakin ni Aishle

"Salamat, nga pala anong ibig sabihin ng pink na yan?"
Sabi sabay turo ng badge niya sa may dibdib

"Ah ito po ba?"
Tanong nito at sabay tango lang ako

"Ito po ang tier ko isa po akong Master Tier master"
Sabi nito at napanganga ako, what the Master Tier eh halos napakalayo nito sa bronze ilang mission pa ako makakapag master tier the hell

"Ah ok"
Sabi ko na para di halatang nagulat talaga ako, na kinatawa nito

Anong tinatawa tawa nito

"Master para po makabalik ka tayo sa dati tutulungan kitang makapag platinum tier para makabili ka ng sariling lupain at maibalik ang imperyo natin"
Sabi nito sakin na kinataka ko

"Teka sinasabi mo bang si Jishi ay may imperyo?"
Tanong ko dito at tumango lang ito

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Yow maraming salamat sa mga nagbabasa :)

Hope you like it

Vote
Commend
Share

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top