Kabanata Kinse: Kailangan Ko ng mga Tauhan pt.2

Azukito's POV

Mga mahihinang pirata tsk
Paanong di kinaya ng kawal ito

Hays siguro sa dami mukhang dapat i train din ang mga kawal na madami pang kulang katulad pagdating sa karanasan sa pakikidigma

"Patayin ang mahinang yan!"
Sigaw ng kapitan nila

"Aye aye captain!"
Sigaw ng mga pirata

"Ahahahaha ako? Papatayin niyo nakakatawa"
Sabi ko at napatingin sakin ng masama ang kapitan

"Bakit ka tumatawa?"
Tanong sakin ng kapitan at agad namang napatigil sa pakikipaglaban ang lahat

"Ako si Azukito at bagong hari ng Zehanpuryu at ang bagong Storm god ay papatayin ng mga low class na pirata katulad niyo?"
Sabi ko at may nabuo namang takot sa mukha niya

Maganda yan matakot ka lang

"S-s-Storm god? Ang successor ni Jishi di maaari"
Sabi niya

At nginitian ko lang siya sabay kuha sa espada ko

"Lahat kayo bumalik na kayo sa barko"
Sigaw ng kapitan ng barko

Kaya naman mabilis na tumakbo papabalik ang mga pirata

Kaso huli na

"Explosive Shot"
Isang gun skill ko at saktong tumama ito sa ulo ng kapitan at napatigil naman ang lahat ng makita ito

Kaya naglakad ako papuntamg barko at tinignan ito

"Paki usap buhayin mo pa ako, simula ngayon ay magbabago na ako at di na ako mananakit ng ibang tao, at sayo na lahat ng kayamanang nandirito sa barko buhayin mo lang ako at ang lahat ng tauhan ko"
Pagmamakaawa ng pirata

Hays ito ang inaasahan ko masyadong mataas ang level ko kumpara sa kanila

Isa akong level 59 at sila ay nasa around 50 pababa at isa pa ang stats ko masyado itong mataas kaya wala silang binatbat

Masyadong mataas ang stats na ito dapat mabilis pa akong makapag palevel magmumukha akong cheater nito

"panginoon paki usap lang kahit ang mga tauhan ko lang"
Sabi nitong kapitan

"Wala akong papatayin talaga sa inyo pwera dun sa mga nauna, pagbibigyan ko kayong mabuhay sa dalawang kondisyon mamili kayo"
Sabi ko

"Ibigay niyo lahat ng kayamanan niyo at umalis na kayo, at wang nag papakita dahil pagnakita ko ulit kayo ng may masamang ginagawa papatayin ko na kayo lahat, o kaya naman ay dalhin niyo ang buong pamilya niyo at manirahan sa loob ng palayo, pero lahat kayo ay magiging kawal ko at ikaw kapitan ang mamumuno sa iyong grupo, so mamili ka"

~~~~~

Catherine's POV

"Sigurado ka ba Jerry mukhang delikado na ang susunod pa na lugar bago makarating sa Zehanpuryu Kingdom"
Sabi ko kay Jerry

"Ano ka ba may kasama tayong sniper na dumadaan sa mga puno don't worry siya na bahala"
Sabi niya naman kaya dumiretso lang kami sa paglalakad hanggang marating namin ang lugar na tinatawag na Honga Village

"Bakit walang katao tao dito?"
Sabi ni Jerry

"Jerry may nakikita akong maraming tao sa bandang daan papuntang kaharian ng Zehanpuryu"
Sabi naman ni Vincent ay aba nagpakita din mas gusto kasi nito tago siya para madali lang soyang makakill ng kalaban

"Okay sumunod tayo dun mukhang may kasiyahang magaganap sa kaharian"
Sabi naman ni Jerry kaya mabilis kaming tumakbo para abutan yung mga taong sinasabi nila

Makalipas ng ilang minuto saktong nandirito na kami sa loob ng kaharian nag kunwari kami na kasali kami sa mga mamamayan at ng makapasok na kami ay mabilis naman kaming umalis dun sa mga maraming tao para makapaglibot sa buong lugar

"Mukhang nasa loob pa ito ng pag aayos, ngayon ko lang nakita ang loob ng Zehanpuryu pero masasabi kong magaganda ang estruktura ng buong lugar"
Sabi ni Vincent

"Huh? Paano mo nalaman eh inaayos pa lang naman ang mga sirang buildings"
Tanong ko dito at natawa naman ito

"Ano ka ba? Tignan mo yun oh halos pakalahati na ata ang natatapos ng buong lugar"
Sabi naman nito sabay turo kaya tinignan ko ito at totoo nga ang sinasabi niya

"Ang bilis, may mga nakatayo nang mga bahay at para sa shops pero wala pang mga tao sa loob ng shops siguro dahil sa di pa gaanong sikat ang Zehanpuryu pero nakikita kong may mga tao na ang mga ibang gusali at may mga tinda na rin ang ibang shops"
Bulalas ko kaya naman

"Tara tignan natin ang shop baka may valuables naman dito kahit papano"
Aya ko sa dalawa kaya naman sumunod na lang sila

Hanggang sa

"Dumating na ang mga successor ng Demigods mas makakabangon pang muli ang ating kaharian"
Sigaw ng isang lalaki malapit sa palasyo matanda na ito at sigurado akong isa siya sa mga katiwala sa palasyo

Pero isa ang kumuha ng atensyon ko

Ang pitong Demigods? Nandito? Nansan?

~~~~

Azukito's POV

Ahahaha pumayag itong si kapitan na maging kawal ng palasyo pero syempre isa siyang heneral tatlo na ang heneral ko masyado mabilis ah?

Pabalik ako ng palasyo dahil ayoko namang mapasama ang lahat pagdating doon

Pagdating ko sa palasyo ay nakatingin lang sa akin ang mga bantay sa gate ng palasyo

"Panginoon nakabalik na po kayo at mukhang may mga bisita pa kayo"
Sabi ng isa sa kawal at pangalan nito ay Derlim nakilala ko siya dahil siya ang nag aabot ng balita sakin kung mga dumating na tao sa palasyo

"Magbigay galang kayo siya ang heneral ng ika tatlong pangkat siya si captain ay hindi siya si heneral Roger"
Sabi ko dito at kinagulat naman ito ng mga kawal

"Panginoon mawalang galang lang pero isa silang pirata siguradong di agad sila pagkakatiwalaan sa loob maski kami ay wala rin"
Sabi naman nito

"Ganun ba?"
Aba nag salita na itong bagong heneral

"Malaki ang utang na loob namin sa bagong hari kaya ngayon di na kami mananakop pa o papatay ng mga inosente bagkus ang bago naming motto ay, ang mamatay sa hari, buhay ang kapalit"
Sabi nito at napangiti ako

"Narinig mo siya buksan ang gate at papasok na kami"
Sabi ko at tumango ito

"Derlim sumunod ka sa akin at may papakiusap lang ako"
Sabi ko dito kaya mabilis namang sumunod sa paglalakad ko

"Kahit ano po panginoon"
Sabi nito mga loyal talaga lahat ng mga naunang kawal

"Matapos ang linggong ito gusto kong ipatawag  ang lahat ng kawal at nagtattabaho para sa palasyo"
Sabi ko dito

"Pero panginoon ang trabahong iyan ay para kay Noble Haysta"
Sagot sakin nito

"Hays Derlim ilang beses ka nang kumokontra sa akin, wala ka bang tiwala sa akin"
Sabi ko dito kaya naman nagulat ito

"Hindi panginoon, bagkus ang aking sinasabi lang ay isa lang akong kawal na nasa bronze tier at mababa ang level ko"
Sabi nito sakin at natawa naman ako kaya pinakita ko dito ang tier ko

"P-panginoon totoo ba ito isa ka lang bronze p-pero ang lakas at galing mo ay di masasabing bronze"
Bulalas niya

"Di nababatay ang isang tao ayon sa kanilang tier o posisyon tandaan mo Derlim isa ka sa mga katiwala ko at sa gate ko pa rin ikaw inilagay na pwesto ang ibinigay kong trabaho sayo ay para talaga kay Haysta ngunit maraming gagawin si Haysta kaya't di niya na ito magagawa, ako'y mawawala ng mga ilang araw kaya si Haysta ang mamumuno muna sa lugar na ito maliwanag ba?"
Sabi ko dito at tumango at nag vow

"Patawad panginoon sa inasta ko sa susunod ay susunod na lang ako sa mga sasabihin mo"
Sabi nito at pinabalik ko na siya sa kaniyang pwesto

"Roger kayo ang mamumuno sa pangatlong pangkat kung baga ikaw ang magiging kapitang lugar na ito at ikaw ang magrereport ng lahat ng nagaganap sa inyong lugar, ito isa itong badge ngla isa kang heneral ko yan ang Violet badge ikaw nasa Modesty"
Sabi ko sa kaniya at nag vow ang mga kasamahan nito pwera siya

Ma pride siya kahit papano pero mas gusto ko yun ayoko ng formalities di pa ako hari

Nang makabalik ako ay saktong dumating si Aishle

"Sino yung mga yun?"
Tanong nito sakin

"Ah wala nakilala ko lang sila sa pangalawang village at ginawa ko siyang pangatlong heneral sa lugar na ito ang pangalan niya pala ay Roger"
Sabi ko dito na kinagulat niya

"Ang sinasabi mo ba ay ang piratang si Roger"
May nabuong galit sa mukha niya

"Roger!"
Oooppps mukhang may nagawang mali itog si Roger patay

"Roger!"
Sigaw ni Aishle ng napakalakas dahilan oara mapatingin ang lahat sa kaniya

"P-patay i-ikaw na naman"
Sabi ni Roger mukhang away ito

Nilapitan ni Aishle si Roger at dahan dahan naman umaatras si Roger

Pero nagulat na lang ako ng biglang

Niyakap ni Aishle si Roger

"Kuya Aishle naman, tumigil ka nga di ka pa rin nagbabago"
Sabi ni Roger at sabay sipa kay Aishle dahilan para tumalsik ito

"Ang lakas mo na Roger nakakabilib"
Sabi naman ni Aishle

"Kamusta ang kapatid kong Dire Wolf Hunter na naging pirata?"

~~~~~~~~

Makalipas ng ilang oras

Sa kaharian

"Haysta mga ilang araw ako mawawala gusto ko sanang pagbalik ko dito ay makita kong tapos na ang lahat ayon sa planong pinakita ko sayo"
Sabi ko dito

"Panginoon dumating na po ang pitong Demigods at isa dito ang nagngangalang AGold at isa dito ay isang heneral sa ating lugar at hawak niya ang badge of Grace"
Sabi nito sakin at tumango ako dito

"Inaasahan ko sila, sige ipatawag mo sila at may ipapagawa na rin ako tignan natin kung susunod sila"
Sabi ko dito

Fast Forward

"Panginoon ipinatawag niyo po daw kami"
Sabi ni AGold na may kasamang anim na tao tinanguan ko lang ito bilang pagtugon

"Napag-alaman ko na kayo ang sevem demigods, sabihin niyo bakit kayo naparito?"
Tanong at sabi ko dito

"Panginoon una ay may kakilala kaming tao na narito kanina ngunit sabi niya ay marami siyang ginagawa kaya di namin siya nakasama"
Sagot naman nito sakin

(A/N lahat po ng mga nangyayari ay di sa throne room kundi sa kwarto lang ni Azukito dahil di pa siya hari)

"Sige nga magpakilala kayo at ipakita niyo sakin kung sino ang nasa inyong kamay na Demigod"

=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=

Hi guys new update again ahahaha

Alam ko wala pang bakbakang malulupit malapit na yun, pag naging hari na siya mababasa niyo rin

By the way ito nga po pala ang successor ng Demigods

Demigod of Grace - EDiamond
Demigod of  Wisdom - MJade
Demigod of Bravery - AGold
Demigod of Bliss - RTopaz
Demigod of Modesty - JCobalt
Demigod of Industry - SSilver
Demigod of Regardful - VEmeral

Vote
Commend
Share

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top