Kabanata Katorse: Kailangan Ko ng mga Tauhan

Azukito's POV

Pagka log in ko ay agad kong tinignan ang 2nd IGN card

Itong card na ito ay para sa paggawa ng pangalawang pangalan sa loob ng laro

Para sa iba ay walang kwenta ito pero sa mga katulad ko ay napakahalaga nito dahil sa mga mahahalagang bagay

Lumabas ako ng palasyo at nakita ko agad si Aishle kasama si Haysta

"Anong lagay ngayon sa kaharian?"
Tanong ko sa dalawa

"Azukito, handa na lahat at ang utos mo na lang ang kailangan"
Sabi ni Haysta

"Sige Aishle ipatawag ang babaeng nagngangalang AGold, at Haysta ikaw muna ang mamuno sa pagtayo ng establishments, tandaan mo Haysta unahin mo ang mga kailangan sa kaharian at isunod na lang ang mga iba't ibang bagay matapos ng dalawang linggo sa aking kalkulado ay matatapos na ang lahat ng ito"
Sabi ko dito at nag vow sila

"Oo nga pala Haysta may panauhin akong darating, sa pagkakataong ito ay wag na wag niyong sasabihin kung ano ang pangalan ng bagong hari at magkunwari ang lahat na hindi ako kilala"
Sabi ko dito at saktong dumating si Aishle

"Ano po panginoon"
Tanong nito

"Gusto ko lang naman itanong kung paano mapaparami ang tao sa buong kaharian"
Tanon ko dito at nag isip ito

"Panginoon sa aking pagkakaalam ay merong mga karatig bayan sa kaharian baka ay nais mong puntahan"
Sabi nito at matalino talaga siya

Maganda ang naisip nito magaling sige gagawin ko

"Sige makakaalis ka na"
Sabi ko dito

"Panginoon may mga kaibigan po akong darating kung pwede lang ay papasukin mo sila"
Sabi nito sakin at binigyan ko ito n isang badge

"Yan ang badge ng isang heneral ibigay mo ang isang yan sa pinakamagaling na pwedeng mamuno sa iyong sinasabing kaibigan"
Sabi ko dito at nag vow ito at umalis

Ngayon ay kailangan ko na lang gawin ay ang magpalit ng gamit

Isa akong gunner dapat yun dapat ang makita nila

"Haysta"
Sabi ko at biglang dumating si Haysta

"Haysta may mga armas bang naitago dito na masasabing low class pero maganda naman ang kung gagamitin ito"
Tanong ko dito at tumango ito sabay itinaas ang kamay at may dumating na isang lalaki na may dalang kahon

"Azukito ito ang unang naging baril ng panginoong Jishi at masasabi kong ito ang nararapat sa sinasabi mo"
Sabi nito at tinignan ko ang laman nito

~~~~~~~

Allison's POV

Mabilis akong nag teleport sa Fortland Kingdom ito ang kingdom sa Mesha continent malayo ito sa Zehanpuryu pero dahil sa meron kaming mount madali lang ito lahat kami ay may Hoverboard

"Erwin!"
Sigaw ko dito

Nakita ko agad sila kilala namin lahat ng suot namin at nasasabi naming unique ito kaya madali kaming magkakilanlan kahit na malayo o nakatalikod

Lumingon naman ito sakin at nag wave

"Erwin pumunta kayo sa Zehanpuryu at ito nga pala ang badge ng lugar gamitin mo para makapasok ka"
Sabi ko at nagmadaling nagteleport papunta sa Zehanpuryu

Di ko alam kung bakit nagmamadali ako pagdating kay Azukito

Crush ko na ba siya? Gusto? O baka mahal? Pero parang masyadong madali at bakit naman ako magkakagusto aga sa kaniya eh wala naman siuang nagagawang maganda pa para sa akin

Hays ewan!!!!

Pagdating ko sa lugar may nakita akong lalaking may dalawang baril sa waist nito at makikitang di siya beginner at mas lalong di siya NPC o AI man lang dahil sa suot nito

Mukhang siya na nga ito

Lumingon lingon ito sa paligid at nakita ako nito

Nilapitan ko naman agad ito

"Azukito?"
Sabi ko

"Arithmetic ano ka ba, sa totoong mundo lang yun"
Sabi niya kaya natawa ako

"Nansan na ang mga kasama mo?"
Tanong nito at tinignan ko ang mapa ko

Ang bilis malapit na sila

"Malapit na sila dito at maghintay lang tayo"
Sabi ko

"Nga pala anong nangyayari dito bakit parang dumami ang NPC at nagtatayo ng mga bahay"
Sabi nito

"Ito ang operation restoration itatayo muli ang lugar na ito bilang isang kaharian sa tulong g bagong hari ng Zehanpuryu Kingdom"
Sabi ko at ngumiti ito at napa

"Wow astig naman bagong hari pero bakit parang di naman siya kilala, kung bago siya edi sana kilalang kilala siya"
Sabi nito sakin

"Di pa naman siya totally hari kung baga di niya pa kinukuha ang pwesto habang di pa tapos ang kaharian oh siya sa labas na tayo at baka-"
Di pa ako tapos sa sasabihin ko ng magsalita siya ulit

"Pasensya ka na AGold pero may gagawin pa kasi ako pwede ba sa ibang araw na lang? At tsaka mukhang malaki ata maitutulong mo sa kaharian kaya ayaw ko din maging isturbo"
Sabi nito na naiintindihan ko naman

Kanina kasi busy siya sa laptop niya kaya baka project nila siguro ay okay lang naman pero bakit parang ayoko?

"Sige, kung yan gusto nga pala pwede ba kitanv ma i-add bilang kaibigan"
Tanong ko dito

"Sige"
Sabi niya at nagpadala agad ako ng friend request at madali niya itong in-accept
~~~~

Azukito's POV

Hays salamat natapos ko din ang gagawin ko

Mas kailangan ko itong unahin

Lumabas ako ng palasyo at sabay nakabihis ako ng damit ko na para sa isang prinsepe kung baga

"Aishle samahan mo ako at aalis tayo, may pupuntahan tayo"
Sabi ko dito at tumango ito

"Panginoon saan po kayo pupunta"
Tanong ng isa sa mga kawal ni Aishle

"May pupuntahan kami ni heneral Aishle sa ngayon ibibigay ko muna kay AGold ang pagiging heneral sa buong lugar, siya rin naman ang isa sa mga Demigod kaya sundin niyo siya"
Sabi ko at nag si vow silang lahat

"Tara na Aishle at nagmamadali tayo"
Sabi ko at mabilis naman kaming lumabas sa kaharian malapit lang ang apat na village kaya mabilis mo itong mapupuntahan pwera na lang sa mga

Hays mga mobs

"Raaaawr!"
Sigaw ng isang pack ng mga leon
~~~

Makalipas ng ilang saglit nandirito na kami sa isang village ang Honga Village kung saan nasa krisis ata ang lugar

Mabilis akong tumakbo papasok sa village at may sumalubong sakin na tao

"Pagkain, bigyan niyo kami ng pagkain"
Sabi nito at oh sheeeeeeeeete paper sheet

Wala akong dala pero tingin ko ay kakayanin naman nila na makarating agad sa kaharian

"Aishle dalhin mo sila sa kaharian magkita tayo sa planong pangatlong village"
Sabi ko dito at tumango ito

"Mga tao ng Honga Village, ako po si Azukito mula sa kaharian ng Zehanpuryu, muli po naming itinatayo ang lugar, gusto po sana naming dito muna kayo tumira pansamantala maaari po ba?"
Sigaw ko at tumayo naman agad silang lahat

Mapapadali naman pala madaling kausapin ang mga tao dito sa Honga

"Aishle, isa pa hanapin mo ang chief village sa kanila at ibigay ito dalhin mo lang sila sa gate at sabihan mo na hanapin si Haysta"
Sabi ko dito

"Makakaasa ka Azukito"
Sabi nito at sabay tango madali silang kausapin mapapadali ang panahong ito pero kailangan ko muna tignan kung gaano kalaki ang lugar na ito

Nilibot ko ang lugar at masasabing napakaliit nito para lang itong kasing laki ng tatlong basketball court

Madali ito i renovate to

Pero dapat ay tago itong lugar mukhang magagamit ko na itong bagay na ito

Kinuha ko ang isang kakaibang perlas

Yes kakaiba

"Orb of Invisibility, hide this village"
Sabi ko at lumiwanag ang orb at nakita kong nawala na ang buong lugar

Hays may limang gamit pa ito hanggang anim lang kasi ang paggamit ng perlas

Ganon pa man malaki ang tulong nito
~~~

Makalipas ng ilang sandali nakarating naman ako sa pangalawang village pero anong nangyayari dito mukhang sinusugod ang buong lugar at nakikita ko tama isa iyong kawal ng kaharian

Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at hinawakan siya sa balikat kaya napalingon ito sakin

"Panginoon"
Sabi nito sakin

"Anong nangyayari?"
Tanong ko dito at may sumugod samin na limang mukhang mga pirata ito ah?

"Panginoon galing akong kaharian at pumunta dito para dalhin ang aking pamilya para dun na lang tumira pero nadatnan ko ito ang nangyari"
Sabi niya at inatake amng napakabilis ang limang pirata

"Bilisan mo ilikas mo ang lahat ng tao na makikita mo dalhin mo sa kaharian at ako ang bahal dito unahin mo ang iyong pamilya"
Sabi ko dito at tumango ito

Hhhmmmm

Pirata saan kaya sila nakadaong? Oo nga nuh? Pirata kung may pirata may kapitan at kung may kapitan may barko, at kung may baryo may treasure!

Hahahahaha magkamapera na naman simulan na natin ito

Mabilis akong pumunta sa gitna ng lugar at napansin agad ako ng mga pirata at mabilis na sinugod

"Simulan ang palabas"

"Fire Vortex"

=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=

Hi sa lahat ng nagbabasa I need characters basahin niyo po yung chapter 11 mandun po ang form

Yun lang

Vote
Commend
Share

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top