Kabanata Dos: Ang Paghahanap sa Tagapagmana

Azukito's Room
Azukito POV
~~~~~~

Kinuha ko ang box at binukasan, nakita ko na naman yung link accessory

Kinausap ko na si Jhap tungkol dito pero wala siyang kaalam alam sa link accessory na ito dahil maselan daw ang data nito at siguradong daw na ang gumawa nito ay may mataas na pinag aralan tungkol sa link accessory na ito

Natatakot akong gamitin ito baka kasi di na naman ako makalabas sa laro pero di ko naman malalaman kung di ko susubukan

Hays nag tatatlong isip talaga ako kung gagamitin ko ba o hindi o pabayaan ko na lang ito

Pero na c-curious talaga ako hays

Kaya kinuha ko ito isa itong necklace na link accessory at ang nakalagay dito ay dalawang espada na malaki at ang hawakan nito ay parang sa motor at ang hugis ng talim ay pa D na parang kay Ichigo pero may pag kamaliit at parang triangle na tignan at may naka ikis dito na baril na dalawa kung baga ay naka ekis ang baril at naka tayo ang espada

Kakaiba ang link accessory na to dahil ang iba ay hugis puso, bilog, at iba't ibang shape pa

Pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong link accessory kaya natatakot ako

~~~~~

Jexanitia, Inside the game
Someone's POV

Ilang taon na ng aking hinahanap ang taong ito pero di ko pa rin siya makita

Palagi na lang ako tumatambay sa INN na to dahil ito ang quest giver sa mga gusto lumakas at magkapera pero hays di ko siya makita

Maniniwala pa ba ako kay master Kishi at parang hindi naman dahil apat na taon na akong naglalakbay pero di ko pa rin nakikita

Ganto kasi ang kwento nun kaya hinahanap ko ang taong ito

Nagsimula yun sa Mt.Deoxidox

"Master ano po ang ginagawa niyo bakit nakatingin kayo sa mga taong nasa baba?"
Sabi ko kay Master Xiang

Si Master Xiang ay kadalasang tinatawag na Xiang-sama isa sa siyang diyos na pinadala ng diyos ng mga diyos upang panatilihing tahimik ang mundo at taga bantay ng black dragon

Ang Black Dragon naman ay ang tinatawag na god of destruction at ayon kay master ay malapit na ulit itong magising dahil ginigising ito ng mga matataas na tao o makapangyarihang tao

"Tinitignan ko ang himlayan ng black dragon dahil nararamdaman kong gigising na siya, ginigising siya ng Black Dragon Empire"
Sagot ni master sakin habang hinihimas ang balbas nito

Ang Black Dragon Empire na naman

Di pa ba sapat ang sakupin nila ang iba't ibang emperyo at napasakamay na nila ito? Kaya gigisingin pa nila ang Black Dragon

"Pero master hindi ba't malalakas naman sila at nasasakop na nila ang iba't ibang emperyo?"
Tanong ko dito at biglang tumalikod ito at naglakad papunta sa bahay nito

"Shen, Akle, Kelewe, Xian at Wasaki may papa mission ako sa inyo sumunod kayo sakin dito sa loob"
Sabi ni Master kaya pumasok ako sa loob kasama ang mga tinawag pa ni master

Pagpasok namin sa loob ay may ginagawang ritwal ata si master pagkatapos nito ay may lumabas ang aming sagradong armas na kinagulat namin

"Master isa ba itong mahirap na paglalakbay bakit kailangan pa namin ang mga sagradong armas na iyan?"
Sabi ng maliit na may shuriken sa likuran

Siya si Kelewe ang lightning shuriken siya ang pinakamaliit samin at pinaka deadly pag maramihan ang laban

"Oo nga po master mukhang mahirap ang inyong ipapa misyon"
Sabi naman ng babae na may dalawang scythe sa likuran

Siya naman si Akle ang pinakamabilis samin at siya lang ang may kakayahang mag invisible samin

"Ang misyon niyo ay hanapin ang dalawang tinalaga na tatalo sa black dragon, at i training nyo sila ayon sa kanilang kakayahan at kalakasan, pati ang kanilang kaibigan ay i training niyo rin dahil sila yung mga makakasama nilang labanan ang black dragon"
Sabi ni master samin at nag react naman ang mahikerang si Xian

Si Xian ay ang pinakamalakas samin pagdating sa mahika isa siyang elementalist pero mas ang paborito niya ay apoy

"Master ang tinalaga upang talunin? Ibig sabihin ay gigising na siyang muli?"
Sabi ni Xian at ang mukha nito ay parang natatakot

"Aaahhhh ang Black Dragon siya na naman"
Salita na narinig ko kay Wasaki

Si Wasaki ay isang samurai na tinatawag na Wind Tempest dahil nakokontrol niya ang hangin

"Nararamdaman ko malapit na sila dumating galing sa ibang universe"
Sabi ni master at maya maya pa ay sa balon ni master na may kumukulong tubig ay may lumabas na dalawang tao ang isa ay umiilaw at ang isa ay itim ito pero magkayakap ito

"Sino sila master?"
Tanong ko

Oo nga pala ako si Shen at ako ang guardian na may dalawang tonfa

"Di niyo ba sila nakikilala Xian at Wasaki"
Tanong ni master

"Sila master Jishi at master Qiu"
Sabi ni Wasaki at nalungkot

"Ang storm god at light goddess"
Sabi naman ni Xian

Kung storm god at light goddess ibig sabihin sila ang sinaunang diyos ang tunay na anak ng diyos ng mga diyos

"Shen ikaw ang maghahanap sa dalawang taong nagmana ng kanilang kapangyarihan at makikita mo sila ng walang kahirap hirap at kayong iba ay kayo ang gagawa ng bahay para sa kanila"
Sabi ni master

May katanungan pa sana ako pero umupo na si master at nagpahinga

Lagi naman nasasagot ang mga tanong ko sa paglalakbay kaya wag na lang

"Humayo na kayo at ako'y magpapahinga na"
Sabi ni master at kinuha na namin ang aming mga sagradong armas

At maya maya pa ay humiwalay na ako sa kanila dahil iba ang aking tatahaking daan

"Mag iingat ka Shen"
Sabi sakin ni Kelewe at tumango lang ako at may ibinigay sakin na isang bato

"Ano to?"
Sabi ko habang nakatingin sa bato

"Isa yang teleporting stone papunta sa lugar ng kung saan dumarating ang mga taga ibang mundo marami kang matututunan sa mga tava ibang mundo na di pa natin alam kaya pag aralan mo ng mabuti"
Sabi ni Kelewe at mamaya pa ay binasa ko ang nakaukit dito

"NorthPort"
Pakasabi ko nun ay biglang umilaw ang bato at napapikit ako at pagdilat ko ng mga mata ay nasa lugar ako ng mga tao isa itong village at nakita ko din na ang daming taong galing nga ng ibang mundo dahil may kakaiba itong kasuotan kaysa amin

Katapusan ng nakaraan

At ito ako ngayon ilang taon na ay naghihintay pa din

Umiinom ng alak at naghahanap sa kanilang dalawa at maya maya ay lumabas ako at nakita kong may liwanag na lumabas sa harapan ko at nakakita ako ng babaeng may hawak na fencing sword at nakasuot ito ng kakaibang kasuotan pero yung kinagulat ko talaga ay kamukha niya si goddess Qiu

Tuwang tuwa ito ng makita niya ang lugar inilibot niya ang kaniyang paningin at napabulalas ito ng "wow"

Ano nang ginagawa niya? Bakit parang natatakot siya?

Maya maya ay may nilapitan siyang lalaki pero di siya pinapansin nito at ginawa niya lang ulit yun ng paulit ulit at ganun pa rin di siya pinapansin

Hhhhmmmm ano kaya ang kailangan niya at bakit di siya pinapansin lapitan ko kaya siya at isama ko siya agad sa training house kaso baka mamaya ay baka matakot sakin at di sumama hhhmm dapat makaisip ako ng paraan

"Aaahhh miss"
Sabi ko sa babaeng kamukha ni goddess Qiu

"Ano po iyon?"
Sagot niya sakin na patanong di naman siya natakot kahit nakahood ako at parang natuwa siya

"Napapansin ko kasi na kanina ka pa di pinapansin ng mga tao, ano bang kailangan mo?"
Tanong ko dito at iniisip kong isama agad ito sa trainibg house pero dapat palakasin ko din ayon sa kanilang pagpapalakas

Hhhhmmm siguro isasama ko muna siya at ipapamaster namin ang paggamit ng fencing sword sa kaniya at kailangan kong tawagan pa si kapatid na You para tulungan kami dahil kasamahan niya si Kioza ang master of fencing

"Kuya kasi wala pa akong alam sa munding ito kaya gusti ko sana matuto ng basics at paano mabuhay sa mundong ito"
Sabi niya at umaayon ang lahat sa plano

"Matutulungan kita pero may tanong ko ay" sabay buntong hininga ko "magtitiwala ka ba sa akin?" Sabi ko na nag isip naman siya

Makalipas ang ilang sandali

"Oo naman, ikaw ang nagmalasakit kaya bakit hindi?"
Sabi niya at hinawakan ko ito sa balikat sabay gamit ng isa sa mga kakayahan ko

"Teleport: Kelewe"
At maya maya ay nabalutan kami ng bilog na violet at maya maya ay nasa training hall na kami nasa likod naman ako ni Kelewe at napansin ako agad nito at unabg lumapit samin si Xian

"Nahanap mo siya ang tagapag-"
Di ko na ito pinatos dahil baka matakot ito

"Wala yun wait lang huh may hinihintay tayo promise tutulungan ka namin"
Sabi ko dito at tinanggal ko ang aking cloak

"Ako si Shen at kami ang Bloodmoon Team"
Sabi ko at nagulat siya

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

VOTE
RECOMMEND
SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top