Kabanata Diyes: Catherine or Allison
Azukito's POV
Pag log out ko ay sakto lang para sa pag tulog ng 7 hours sleep grabe di ako sanay
Biro lang lagi nga akong puyat sa kakalaro ahahah ito pa
Alam ko medyo korni pero okay lang
Makatulog na nga pero kakain muna ako at magpapahangin sa labas kailangan ko munang lumanghap ng sariwang hangin
~~~
Catherine's POV
Kanina pa ako sa eskwelahan dahil may hinihintay ako dumating bakit parang ang tagal niya 15 minutes na lang tutunog na ang bell
Hhhmmm... Mukhang di siya papasok
Pero kailangan ko rin kasi malaman ang totoo kung siya at yung taong yun ay iisa
"Aaaahhhh"
Sigawan ng mga babae sa gilid ko mukhang siya na yan
Sumikat siya ng ganto kabilis
Tama nga ako siya nga at may kasama siya ah ay teka yung kasama niya di ba parang tama nga
Si kuya Christian paanong magkakilala sila
Maya maya ay kumaway sakin si kuya at tumalikod na ako at naglakad
"Catherine"
Sigaw mula sa likod ko at yung boses na yun yes tama kayo si kuya nga kaya nilingon ko
Ah bakit ganto bakit ba kasi di ako makatingin sa kaniya
Ang gwapo naman kasi nakakainis naaasar ako
Aaarrrrgggghhhhh
"Wait lang naman bebe girl"
Sigaw pa ni kuya sabay hawak sa balikat ko
"Bakit kuya?"
Tanong ko sa kaniya sabay tingin sa lalaking kasama niya at nginitian niya ako
Waaaaahhh nginitian ako ng snobber na to I'm dying
"Ah yun pala, ito nga pala si Azukito Shadow siya yung kinekwento ko sayo na kasa kasama ko dati sa kung saan saan namin ma tripan"
Sabi ni kuya na napailing ako
Siya pala yun, yung lalaking binubully dati na tinulungan ni kuya di na halata ngayon sa kaniya na binubully ah
Mukhang siya pa nga ang bubully eh
Those eyes na parang may intent na pumatay
Those grin and body
Para siyang si kamatayang bumaba sa langit para sunduin ang mamamatay
"Ah okay kuya ano naman po ngayon?"
Sabi ko sa kaniya kaya umalis na si Azukito at mukhang papasok na ito
"Wait Azukito"
Sabi ni kuya na dire diretso lang si Azukito
"Di ka naman ganyan dati Azukito, anong ba talaga ang nangyari sayo?"
Sabi ni kuya pero mahina lang
"Sige kuya papasok na ako magsisimula na ang klase namin"
Sabi ko kay kuya at tumango lang ito
Isang college student si kuya 1st year college sabi niya kasabayan niya sa pag aaral si Azukito
Pagpasok ko sa room walang pagbabago ganon pa rin
Nang biglang
"Sorry students for inconvenience you will have a meeting with grade 11 every room will have 1 grade 11 student and 1 grade 12 student they will explain it to you what is happening, thank you"
Sabi ng school announcer
Hhhmmmm,, mukhang alam ko na to sure na ako 99.9% yung .1% maybe
Maya maya ay may pumasok na babae na estudyante si ate Allison to ah?
Kilala siya since grade 10 I think? Sikat siya dahil sa napakabait niya at napaka humble pa
Pagpasok na pagpasok pa lang ni ate Allison ay syempre sino ba naman di magkakagusto kay ate Allison maganda, sexy, mabait at higit sa lahat ay matangkad di tulad ko huhuhu di nabiyayaan -.-
Pero at least cute ako kaysa sa kaniya wahahaha
Pero teka di ba ang sabi with grade 11 student sino yung kasa-
Oh my gawd this is my lucky days of my life
Si Azukito my lov- ay este crush? Siguro, ewan?
"I'm Allison Gold and this is my partner"
Sabi niya sabay turo kay Azukito
"Hi"
Sabi ni Azukito
Hala ang tamlay niya ganto ba talaga siya?
"Yun lang ba yun, di ka ba man lang magpapakilala"
Sabi ni ate Allison kay Azukito
"Okay, I'm Azukito Shadow at di ko gusto ang nagtatanong"
Sabi ni Azukito na kinabigla ko ganto ba talaga siya? Sa kwento ni kuya sa natatandaan ko cheerful si Azukito at oo nga no nagpapalit nga pala ang seasons, tao pa kaya
"Bakit kuya?"
Tanong ng isa sa amin
At tinignan naman ito ni Azukito at yung mala kamatayan na naman niya na aura pati ang mukha
Whoa tumaas lahat ng balahibo ko ng makita ko yun at hindi lang ata ako dahil ata pati classmates ko at si ate Allison
"Okay partner magpapaliwanag na ako gawin mo na ang gagawin mo"
Sabi ni ate at maya maya pa ay lumabas si Azukito at pagbalik nito ay may dala itong projector at isang laptop
Tama nga ako sa gagawin nila
Hays event na naman -.- ang aga naman para sa event
"Grade 10 - Kepler, ang mangyayari po kasi ay isang event na alam kong magugustuhan niyo, since busy ang teachers nating lahat dahil sa result ng 1st grading at 1st term namin sa 1st sem, ngayon magkakaroon tayo ng, foundation day!"
Sabi no ate Allison na kinatuwa naming lahat
"Yeeees!"
"Oh rayt! Rock n roll to the universe"
"Masaya to mga brad!"
Kaniya kaniyang reaction
Yey foundation day this is my favorite event ahahaha
"Kami ang tutulong sa inyong lahat"
Sabi ni ate Allison sabay tingin kay Azukito
"Cathy, ang gwapo nung Azukito crush ko na siya"
Si Abby na katabi ko, nagtataka kayo nuh kala niyo loner ako, di naman ganun marami akong friends at isa si Abby sa mga matatalik kong kaibigan bali siya lang pala
"Ang haliparot, di mo nga ako kinakausap kanina pa kakatext kay Arlan, E choose"
Sabi ko at nag peace sign siya sabay tingin ulit sa cp niya dahil may nag text si Arlan yan sigurado
Hays ang babaeng talaga to
Paglingon ko kila ate Allison ay nakaupo ito sa desk at si Azukito naman ay sa upuan
Wala ba man lang itong gentleness?
"So ano ba ang balak niyo para sa foundation day niyo, kayo ang mag isip si Azukito mag p-plano at tutulungan ko kayo, pero sa foundation day di kami tutulong sa inyo dahil nasa roamer kami ni Azukito"
Sabi ni ate Allison
Wow Roamer? Si ate Allison pwede pa pero itog Azukito? Napaka talino naman ata
Ow btw sa eskwelahan namin ay pag may event may mga roamers sila yung matatalino at kilala sa room kaya sila ang pinipili ng advisers para sa pwestong yun
Nakakailang araw pa lang siya na pumapasok tapos ngayon? Roamer pa ow I'm so curious
"Ate Alli, ano pong si kuya Azukito ang mag p-plano?"
Tanong nung lalaki sa likod ko siya si Dhugz
"Yun ba? Siya yung mag p-plano sa lahat ng gagamitin at pag isipan niyo kung gusto niyo ba o hindi"
Sabi ni ate Allison na tiningnan ng masama si Azukito
Di naman ito tiningnan niya pa at mukhang natakot, may goodness natakot siya? Wahahahaha
"So isip na kayo sa mga lalabas dito sa virtual screen"
Sabi ni ate Alli
Yes virtual screen na po ang projector ngayon
May lumabas na tatlong image na may nakasulat
Una ay horror room eeehhh ayoko niyan
Sunod ay teka science room ahh alam ko na requested to ni sir sigurado ako kasi kami lang naman ang may interest sa science sa buong grade levels pero mas gusto ko ay
Teka tama ba yung nakikita ko yung pangatlo ay isang cafe? Tama nga ako isang cafe
Sigurado akong ito ang iboboto ng buong room
Di lang naman kami mahilig sa science maming buong room ay may kakayahang maging butler, chef, waiter at waitress pero mas magandang tawaging maid
"We go all for cafe"
Sabi ni Dhugz dahil siya ang president ng room siya ang mag didesisyon
"Mamili kayo sa tatlong ito"
Sabi ni ate Allison at
Fast Forward
Allison's POV
Nandito ako sa room ngayon at inaayos ko ang gamit ko late pa ako uuwi nito malayo pa naman bahay ko habang nag aayos ay biglang
▶ Tok Tok
May kumatok sa pinto nakabukas naman yun ah at paglingon ko nakita ko si teka Azukito?
"Oh bakit nandito ka pa?"
Tanong ko sa kaniya at sabay tingin sakin
"Ano ka ba, di mo ako madadaan sa mga ganiyang aura"
Sabi ko sa kaniya na ngumisi siya
"Tara sabay na tayo ihahatid kita pauwi"
Sabi niya, wow for the first time naring ko siya magsalita ang ang ganda pala ng boses niya ahahaha
"Teka hindi ba't malapit lang bahay mo dito? Mauna ka na malayo layo ang bahay -"
Di na ako napatapos sa sasabihin ko ng magsalita siya ulit
"Alam ko kung saan ang bahay mo"
Sabi niya at tama naman siya alam niya, alam na alam niya
"Sigurado ka ba?"
Sabi ko sa kaniya at tumango lang ito
Nang matapos ako sa pag aayos ay nagmadali akong lumabas at nang malapit na ako sa kaniya ay biglang natapilok ako at nadapa
What the fake, ang sakit ouch ang paa ko, tinanggal ko ang sapatos ko at nakita ko ay ganto siya kalala agad?
Nakakainis naman ang sakit grabe
"Ang lampa mo naman"
Sabi niya sa akin teka anong sinabi niya
Pag tingin ko sa kaniya ay bigla itong napalingon sa ibang lugar huh? Dapat lang matakot ka katakutan mo ako!
Maya maya ay tinulungan ako nitong tumayo kaso
Grabe ang sakit di ko kayang maglakad masama yung pagkakatapilok ko
"Hays pasanin ka pa pauwi buti na lang pinadala ko kay manong ang motor kanina kasi may lakad ako sana kaso"
Sabi niya ng di niya na tinuloy
"Kaso?"
Sabi ko at sabay bumaba siya ng kunti na pumormang papasanin ako sa likod
"Wala bilisan mo na pasanin ka pa"
Sabi niya na wala naman akong magagawa dahil di ako makalakad
Pag pasan niya sa akin ay napansin ko napabango niya naman, tunay nga siyang anak ng isang mayaman
Hanggang sa hagdan hirap siya bumaba sa hagdan
Nabibigatan kaya siya sakin?
Hanggang makarating kami sa ground floor ay walang nagsasalita, aaaaysh nalimot ako di ka nga pala mahilig magsalita sa ibang tao
"Azukito pwede ba akong magtanong"
Tanong ko sa kaniya at nag uhum lang ito
"Nag ka girlfriend ka na ba?"
Pagkasabi ko nun ay tumigil siya sa paglalakad
Bakit kaya siya tumigil
"Bakit mo naman natanong?"
Tanong niya, di ba't ako nagtatanong dito?
"Wala naman, naisip ko lang"
Sabi ko sabay ngumiti ito, wow ang cute niya pala pag ngumingiti tapos yung dimple niya grabe
"Ganun ba? Oo naman isa pa lang ang naging girlfriend ko at ayoko na alalahanin yun ehehe"
Sabi niya at napatawa pa siya, pero bakit kaya ayaw niya alalahanin?
"Nandito na tayo wait lang isasakay kita"
Sabi niya sakin at sabay sakay sakin sa motor umusad lang naman ako kunti tapos sumakay siya sa harapan ko sabay paandar ng motor
Maganda motor niya ah at tatak Suzuwaki Rider 150 ata to teka nga bakit inaalam ko pa ito basta kulay itim siya na motor
"Ito helmet"
Sabi niya sabay abot ng helmet sa akin, isinuot ko naman ito at umalis hawak ko ang bewang niya para safe baka malaglag pa ako eh
Di pa kami nakakalayo ay tumigil siya sa isang building at pumasok siya tumatakbo pa nga siya mukhang urgent yun
Maya maya ay lumabas na siya di siya tumagal ah? Ano kaya ginawa niya?
"Ano ginawa mo?"
Tanong ko sa kaniya
"Yun ba? Wala yun! Ahahaha may kakausapin sana ako kaso di na pwede dilim na rin kasi oh sya tara na baka hinahanap ka na nila papa mo"
Sabi niya sabay usad ako ng kunti tapos su.akay na siya
Makalipas ng ilang saglit ay umabot na kami sa bahay namin at buti na lang okay na yung paa ko masama talaga yung pagkakabagsak ko ang sakit pa rin kasi kunti pero kaya naman na lumakad
Ay namalimutan ko
"Salamat pala sa paghatid, by the way naglalaro ka ba ng N.O.?"
Sabi ko at tanong sabay tango naman nito
"Gamer ka nga talaga, nga pala anong IGN mo?"
Tanong ko sa kaniya tapos kakaiba ang sagot niya dahil
"Pahingi na lang ng number mo gabi na baka nag aalala na sakin ang tao sa bahay"
Sabi niya sakin sabay labas ng phone niya
Nilagay ko yung email number ko tapos pinaandar niya ulit yung motor
"By the way Ms Allison, call me Azukito at yun din pala ang IGN ko sa N.O."
Sabi niya sabay alis na
=•=•=•=•=•=•=•=•=
Itutuloy
=•=•=•=•=•=•=•=•=
:)
Vote
Commend
Share
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top