SCENE XXX
PART XXX
A P R I L
"Gustong-gusto ko siya, bakit hindi niya ako mapansin?"
"Bro, what..."
"Parati naman akong nandiyan sa tabi niya, 'di ba? Bakit parang wala lang ako sa kaniya?"
"Ha? Umupo ka nga. Anong nangyari?"
"I hate her, for not liking me back."
"Who?"
"I don't want to see her anymore."
"Sino nga? Kumalma ka nga muna."
"I hate Kristine."
⚫⚫⚫⚫⚫
"Alisin niyo 'yang katawan na 'yan."
Hindi na ako nanlaban pa nang bigla na lamang nilang hilahin ang bangkay ni Nicholas palayo. Hindi man lang sila nag-ingat, para lang silang humihila ng isang sako.
"Your lies saved you, April. But your lies also killed your friend."
Hindi ako nagsisinungaling. Ginagago lang ako ng lie detector! Sinadya nilang patayin siya!
"Now, stand up and let's continue the game."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Akala ko ba, kapag may namatay nang isa sa amin, tapos na ang laro?
Napakasinungaling!
Sapilitan akong pinatayo ng mga taong naka-maskara kaya wala na akong nagawa kun'di ang bumalik sa upuan ko.
Sira-sira na ang pagkakaibigan namin. Sirang-sira na. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang magising kung panaginip lang 'tong lahat.
"So, April..."
Ang dilaw na ilaw na nanggagaling sa chandelier ay nakakasilaw kaya yumuko na lamang ako. Wala na ang taong kaharap ko kanina. Saan nila siya dinala?
"Kaya mo bang mamatay ngayong araw para lamang mabuhay ang mga kaibigan mo?"
Ha?
Napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa tanong niya na 'yon. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil do'n.
Ano ang ibig niyang sabihin? Na kapag pinili kong mamamatay ngayong araw, may chance na mabuhay ang mga kaibigan ko?
"You see, you won the game. You draw the fate of your friends, and because of that, they are killed...or are they?"
Napalunok ako.
"You have a choice. To set yourself free, or kill yourself by hanging there and let your friends live their lives."
Kasalanan ko ba ang lahat?
Ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Ako ang pumatay sa kaniya. Dahil sa'kin, namatay siya, na naging dahilan din ng pagkamatay ng mga kaibigan ko.
Kasalanan ko nga ang lahat.
Bumuntong-hininga ako saka ko naramdaman ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mata ko. Ang isang luha ay naging sunod-sunod hanggang sa hindi ko na mapigilang mapahagulgol.
Hindi ko naman alam.
"So, what? Are you willing to kill yourself?"
Ilang segundo akong hindi nagsalita. Nag-guilty ako sa nangyari. Gusto kong sabihin na hindi ko kasalanan. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na wala akong kasalanan.
"Oo. Handa ako."
Wala akong kasalanan.
Natahimik ang buong silid dahil sa sagot ko. Mukhang hindi nila inaasahan 'yon. Ilang sandali lang ay pumalakpak pa ang naka-maskarang tao.
"Alright, alright! She made a decision."
"Kill your self..."
"Kill your self..."
"Kill your self..."
Nanginginig na tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit doon sa may lubid na nakasabit. May upuan din do'n sa ilalim kaya pumatong ako do'n at sinuot ang ulo sa lubid.
Halos hindi ko na makita ang buong paligid dahil sa sobrang labo ng paningin ko. Punong-puno ng luha ang mga mata ko pero alam kong lahat sila nakaabang. Nakaabang sa pagsipa ko ng upuan.
"One last question, April..."
Napatigil ako sa pag-abante nang magsalitang muli ang lalaking 'yon, pero hindi ako nag-angat ng tingin. Naghintay ako sa huling katanungan niya.
"Are you an innocent?"
Ngumiti ako nang mapait. Paulit-ulit na tanong pero hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Tumuwid ang tingin ko sa kaniya saka sumagot.
"Yes, I am."
Nang makasagot, sinipa ko na ang upuan kaya agad akong nawalan ng balanse.
Naramdaman ko ang pag-ipit ng lubid sa leeg ko, dahilan ng pagsikip ng paghinga ko. Hinawakan ko ang lubid at sinubukan itong ilayo mula sa leeg ko pero masyado itong mahigpit.
Unconsciously, pumalag-palag ang mga paa ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil na din siguro sa pagkaubos ng hangin.
Hanggang sa unti-unti, nakaramdam ako ng panghihina. Halos bumagal ang lahat ng nasa paligid ko habang pinagmamasdan ko sila.
This is death.
Bago pa man tuluyang mawala ang lahat sa'kin, narinig ko ang mga binigkas niya.
"You're correct."
Hindi ko mapigilang mapaluha dahil do'n. Pero alam kong huli na. I made a choice. A mistake.
"An innocent died."
And then, everything turns into void.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top