SCENE TWO
PART TWO
A P R I L
"Start na..."
Like Nicholas' instruction, I started to put my character in myself as the camera rolls. Pinagapang ko ang dulo ng itak na hawak ko saka dahan-dahang naglakad.
Nakikita ko ang seryosong mukha ni Clark pero natatawa pa rin ako kaya pinangunutan niya ako ng noo. Mas lumakas ang tawa ko dahil do'n.
"Cut! April, ano ba? Gusto mo bang abutan tayo ng gabi dito? Bakit ka ba tumatawa?" Here goes Nicholas' director side. Sobrang sungit talaga ng lalaking 'to! Professional ka, 'te.
"Si Clark kasi..."
Tinaasan lang ako ni Clark ng kilay pero hindi na rin nanlaban. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil natatawa pa rin ako. Narinig ko ang pagsampal ni Kaloy sa sarili niyang noo.
Galit na galit naman agad, 'to! Wala pa nga, 'e.
"Retake!" Umayos na ako ng tayo at nag-iwas na ng tingin kay Clark. Pinilit kong maging seryoso ulit para matapos na at mapunta na kami sa scene na papatayin ko na si Kristine.
Hashtag, feeling excited.
"Neither, Scene 1! Action!"
Katulad kanina, gano'n na naman ang ginawa ko. Dapat nga mabilis lang 'to kasi kailangan lang namang makunan 'yung paglakad ko habang nakahawak sa gulok!
I maintained my serious face, though it won't be captured on the camera. Gusto ko lang magseryoso para in-character talaga ako.
Isa akong psychopath na estudiyante na hinahabol ang dalawang magkasintahang mag-aaral dahil bored ako.
Actually, nag-set up pa ng cameras ang mga lalaki sa paligid kanina para daw may makuha kaming shots na puwede naming idugtong sa clip. Ang eerie nga ng paligid, 'e. Sana pala hindi na lang ako pumayag na ganito ang genre!
"Okay, cut!"
Finally, 'di ba!
Natapos namin ang Scene 1.
Tumawa ako at binaba sandali ang gulok saka tumakbo sa tabi ni Nicholas at sinamahan siyang panoorin ang ginawa ko. Nakangiti ako, proud na proud sa simpleng bagay.
Actress of the year 'yarn.
"Galing ko ba?"
"Naglakad ka lang naman, anong magaling diyan." Ramdam na ramdam ko ang support, Clark, ha. Thank you very much.
"'E di wow. Ikaw na magaling, napapatawa mo 'ko kahit tumatayo ka lang naman." Kinutusan niya lang ako saka sumama kay Nicholas na puntahan sina Geo para i-take ang Scene 2.
Bumuntong-hininga ako saka hinila ang upuan at umupo doon. Nakaharap ako sa sandalan habang umiinom sa bottled water na hindi ko alam kung kanino. Wala pa naman siyang bawas saka hindi naman ako laway conscious.
"Hoy, tarantado! Tubigan ko 'yan!"
Kay Nicholas pala 'to. Kumaway ako sa kaniya saka ko pinakita kung paano ko ubusin ang laman no'n kaya kitang-kita ko ang irita sa mukha niya.
"Oops." Dumighay pa ako para mas lalo siyang maasar. "Naubos ko na, late ka na."
Narinig ko lang ang pagmura niya saka pabalang na inagaw sa'kin ang bottle niya habang malawak naman ang ngiti ko sa labi. Siniringan niya lang ako saka may kinuha sa duffel bag niya.
"Pumunta ka na do'n, pagkatapos ng take nina Kristine, ikaw na ang kasunod." Tumango lang ako at maglalakad na sana ngunit napatigil nang may marinig na sumigaw.
"Ahhhhh!"
Nagkatinginan kami ni Nicholas nang dahil do'n. Parehong nagtataka ang mata namin. Binitbit niya ang kaniyang bag sa kaniyang balikat saka hinawakan ang braso ko para puntahan namin ang lugar na 'yun.
It was Kristine's.
Hindi na ako pumalag at nagpahila na lang sa kaniya. Nagsimula na ding manginig ang mga tuhod at kumabog ang puso ko. Naramdaman ko na din ang pamamawis nang malamig ng kamay ko.
Ano na naman ba ang nangyari sa gaga na 'yun?
Pumasok kami sa loob ng abandonadong bahay at kaagad na hinanap ang silid kung saan iniwan ni Nicholas ang mga kaibigan namin.
"Nasaan sila?"
Nadatnan namin ang walang laman na kuwarto maliban na lang sa tripods at iilang gamit nila para makapag-shoot ng film. Nando'n din ang lightings at mukha namang walang nagalaw sa mga 'yun.
Binitawan niya ang braso ko at lumapit sa camera kaya sumunod ako. On roll pa din ako kaya in-stop niya.
When it saved, Nicholas immediately played it to see what happened.
Kaagad na bumungad sa amin si Kristine. Mukhang nagsisimula na ito sa kaniyang pagganap kasi nakaupo lang ito sa higaan habang nanginginig.
Seryoso ang mukha ni Nicholas habang pinapanood ito. Nakikita ko pa kung paano umangat ang kaniyang Adam's apple at kung paano gumalaw ang kaniyang mga mata.
Ilang minuto matapos, may narinig din kaming sumigaw mula sa camera kaya napalingon si Kristine sa isang direksyon.
"Si April 'yun, ah."
Ha? Anong ako?
"Clark, puntahan mo nga. Baka kung ano na naman ang pinaggagawa nila ni Kaloy. Akala ko ba gusto na agad ng lalaking 'yun na matapos na 'to?"
Nakakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Geo. Nagkapalitan pa kami ni Nicholas ng tingin at katulad ko, gulong-gulo din siya.
Pero hindi ako sumigaw, at wala naman akong narinig na sumigaw kanina.
"What if pinaglalaruan tayo ng mga multo dito, beh?"
Tumawa si Kristine. Hindi ko man makita ang reaksyon ni Geo dahil nasa likod siya ng camera, alam kong nakangiwi na siya ngayon.
"Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa mga multo."
"Totoo kaya si---!"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Kristine, kaagad na naman kaming nakarinig ng sigaw mula sa camera. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil doon.
Boses 'yun ni Nicholas.
Muli na namang nagtama ang paningin namin ng lalaki na noon ay kakikitaan na ng galit sa mukha. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at binalik ang atensiyon sa camera.
Nakarinig ako ng iilang yapak ng mga tao na sigurado akong kay Geo nagmumula. May pinapanood si Kristine at nakita ko pa ang paglunok nito.
"Si Nicholas 'yun... ano bang nangyayari? Maghintay ka diyan, titingnan ko lang. 'Wag kang aalis hangga't walang dumadating dito na kahit sino sa'min."
Naiwang mag-isa si Kristine doon.
Pinaglalaruan niya lang ang kaniyang kamay habang may sinisilip-silip sa isang direksyon. Halata na sa kaniyang mukha ang pagkabahala.
Nang makita niya ang camera, lalapit na sana siya dito ngunit nakarinig kami ng kalabog kaya napatigil siya at bahagya pang napahakbang patalikod.
My fist immediately turned into ball when she started walking towards where the sound came from. I bit my lips when she disappeared from the camera.
Ngayon, isang kama na lang ang makikita.
Ilang segundo ang makalipas, nakarinig kami ng random na ingay. Nanlaki ang mata namin pareho ni Nicholas nang makita ang anino ng iilang tao sa video.
"Tulong!"
Boses 'yun ni Kristine.
Napahigpit ang hawak ko sa lamesa dahil doon habang pinapanood ko ang pagkakagulo ng mga anino.
Matapos no'n ay katahimikan na. Wala na kaming ibang marinig ni Nicholas. Pinatay niya na din ito noong makita sa camera ang pagpasok naming dalawa sa silid.
"Tangina, nasaan na sila ngayon?"
Base sa boses ni Nicholas, bakas na bakas ang frustration nito. Panoodin mo ba namang isa-isa mawala ang mga kaibigan mo, hindi ka pa mabaliw.
Sandali kaming natahimik pareho ngunit may naalala akong isang bagay na puwedeng makatulong sa'min.
"Hindi ba't may ikinabit kayong mga cameras sa paligid? Puwede mong panoorin do'n ang nangyari. Baka maituro din sa'tin kung nasaan sila."
Nakita kong nanlaki ang mata nito bago niya hinalungkat ang bitbit niyang duffel bag. Pinanood ko siyang gawin 'yun at mayamaya lang ay inilabas niya ang kaniyang tablet.
Tumabi ako sa kaniya. Lumabas ang mga nakukuhang shots ng camera na nilagay nila. They put 5 cameras around.
Hinanap ng mata namin ang aming mga kaibigan. Ngunit gan'on na lamang ang panlulumo namin pareho nang wala man lang kaming makita kahit na sino sa kanila.
He released a deep and sharp breath so as I. We were both exasperated. Clueless with everything that is happening, we got no choice but to leave the room and started finding our friends.
He brought the camera with him, though. Hindi ko na siya sinamahang bantayan 'yun, sa halip, tinuon ko ang atensiyon ko sa paligid. Magbabakasakaling may makikitang kahit anong bagay na makakapagturo sa'min kung nasaan sila.
"Tingnan mo."
Pinakita niya sa'kin ang kaniyang tablet. Napabuka ang bibig ko nang makita si Kristine.
Nasa isa siyang silid, sa tingin ko nasa second floor lang siya. Nakagapos ang kaniyang mga kamay at nakapiring din ang kaniyang mga mata.
"Nakita kong diyan siya dinala ng mga lalaking may puting maskara. Pupuntahan ba natin?" Tiningnan niya ako sa mata.
I pursed my lips and watched Kristine's state. Pumapalag-palag pa ang kaniyang kamay mula sa pagkakagapos. Nakikita ko rin kung paano siya sumigaw pero wala akong naririnig na boses.
"Puntahan natin."
Hindi na kami nagsayang ng mga minuto at kaagad na tumakbo papunta sa kung nasaan man si Kristine.
Nararamdaman ko pa din ang pagkabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam ang maaari naming datnan do'n.
Paano kung armado ang mga dumakip sa kaniya?
Paano kung saktan nila kami?
Gago, gusto lang naman namin gumawa ng project!
Bakit may ganito? Bakit may nakikipaglaro sa'min?
Malalakas ang tunog ng pagtakbo naming dalawa ni Nicholas sa hagdanan. Dinig na dinig 'yun sa sobrang tahimik ng paligid.
Nang makarating kami sa second floor, nagmamadali pa rin kaming tumakbo papunta sa kuwarto kung saan namin nakita si Kristine.
Nagsisimula nang magdilim ang paligid. Full moon naman ngayon kaya mamaya ay magkakaroon pa rin kahit papaano ng liwanag.
Sa wakas, nakita na namin ang silid kung saan dinala si Kristine. Tumigil kami sa pagtakbo. Napahawak ako sa tuhod ko at tahimik na hinahabol ang aking hininga habang si Nicholas naman ay naglakad pa.
"Diyan ka lang. Ako muna ang titingin."
Kinakabahan man sa balak niya, hindi na rin ako nag-abalang pigilan siya. Tumango lang ako habang hawak-hawak pa rin ang tuhod ko. Ilang sandaling nagtagal ang tingin niya sa'kin bago siya nagsimulang maglakad.
Pinanood ko kung paano siya dahan-dahang kumilos. Nililibot niya rin ang kaniyang paningin sa paligid habang ramdam na ramdam ko naman ang kaba niya.
Ngunit gan'on na lang ang gulat namin pareho nang may sumigaw sa loob!
"It's a prank!"
"Tang-----!"
Napatayo ako saka napatakbo kay Kaloy nang marinig ang boses ni Kristine.
Doon, bumungad sa'kin ang mga taong nasa loob ng kuwartong 'yun. May mga naka-itim na tao at may suot-suot pang mask katulad ng nakita namin sa camera na dumakip kay Kristine!
"Gago ba kayo? Nag-alala kami pareho sa inyong lahat tapos niloloko niyo lang pala kami?"
Agoi, nagalit na si Nicholas.
Tahimik lang ako sa likod niya habang pinagmamasdan ang mga tao na nando'n. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao ni Nicholas kaya napasipol ako.
Kinabahan din ako do'n, ha! Putakte talaga 'tong babaeng 'to, sasampolan ko 'to ng matinding sampalan.
"Joke-joke lang naman, beh! Saka ang boring kaya! Uyy, nag-alala siya. Akala ko cold-hearted ka, ha."
Hinubad ng mga taong nasa loob ng kuwartong 'yun. Nandoon si Geo na tawang-tawa sa reaksyon ni Kaloy, at may iilan pang lalaki na hindi pamilyar sa mata ko.
Taray naman, baklang Kris, may pa-connection. Pakak!
Ngunit sa pagpasada ko ng aking paningin sa kanila, nangunot ang noo ko nang mapansing may kulang. Sinilip ko pa ang pasilyong pinanggalingan namin at baka nando'n siya't nagtatago ngunit wala din.
Nasaan si Clark?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top