SCENE THREE
PART THREE
T H I R D P E R S O N
"Hindi ako natutuwa."
Natahimik ang mga nasa silid dahil sa sinabi ni Nicholas. Nakagat ni Kristine ang kaniyang labi habang pinagkakaskas ang ngipin saka niya itinago ang kamay sa likod, nakakaramdam na ng hiya.
Samantala, si Geo naman ay tumaas ang isang kilay saka ngumisi kaya bumaling sa kaniya ang seryosong mukha ng lalaki, pero wala itong ginawa pa na kahit ano.
"Dapat nagf-focus tayo sa projects natin, tapos----hays. Ewan ko."
Bumagsak ang kamay ni Nicholas saka lumabas ng silid. Si April naman ay patuloy sa paghanap ng isa pa nilang kaibigan.
Nang magsasalita na sana siya, bigla na lang siyang nilampasan ng lalaki na noon ay mukhang naiinis talaga. Napanguso siya at tiningnan sina Geo at Kristine na noon ay nasa magkaibang direksyon ang paningin.
"Ayan, alam niyo namang ginto ang humor ng ama niyo, ganiyan pa kayo magbiro." Ginatungan pa ni April ang guilt na nararamdaman ni Kristine kaya sinamaan siya ng tingin ng babae.
"Malay ko ba!"
"Hmp, lesson learned. 'Wag na mag-joke kahit kailan, Kristine." Natatawang pinasadahan ng tingin ni April ang mga tao sa loob at nanlaki ang mata niya nang maalala si Clark. "Ay, omg, nawawala ang baklitang Clark. Hindi ba siya kasama sa pa-prank keriboom niyo?"
"Hindi. Kayo ngang tatlo ang target namin kaso ikaw lang naman ata ang natuwa."
"Hoy, gaga, hindi kaya ako natuwa. Sinong natuwa?" Inipit ni April ang kaniyang takas na buhok sa kaniyang tainga. "Shala, hanapin ko muna si Clark. Suyo well kay Nicholas."
Tumawa pa ang babae saka iniwan ang mga taong 'yun at nagsimulang hanapin ang isa niya pang kaibigan. Sinilip niya ang baba at nakitang naglalakad pababa ng hagdan si Nicholas na noon ay bugnot pa din ang mukha.
Muli siyang tumawa saka umalis.
"Nakakaasar..."
Parang tangang bumubulong ang lalaki sa hangin. Hindi talaga siya natuwa sa biro ng mga kaibigan niya. Grabe ang kaba at takot na naramdaman niya tapos hindi naman pala totoo?
Bakit ba hindi pa din siya nasasanay sa mga 'yun, 'e alam niya namang mahilig silang man-trip ng tao.
Naririnig niya ang pagtakbo ni Kristine para habulin siya. Naririnig niya pa ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan ngunit hindi niya na ito nilingon.
Siguro, bukas o sa susunod na araw na lang nila itutuloy ang paggawa ng project nila. Pupunta na siya sa silid kung saan dapat nila it-take ang next scene para mag-pack up.
"Hoy!"
Nakalapit na si Kristine at tumabi ito sa lalaki. Asar na asar talaga siya sa kanila, ah!
"Hoy, gago, sorry na. Hindi ko naman alam na matatakot ka talag---,"
"Nag-alala ako, hindi natakot."
"Natakot ka pa rin kasi akala mo mawawala ka---,"
"Nag-alala ako kasi baka bumagsak ako kapag hindi tayo nakapagpasa ng project dahil may masamang nangyari sa inyo."
Nagj-joke ba 'to? Bakit kasi kapag nagj-joke siya, hindi niya man lang sinusundan ng tawa! Nakakalito naman ang isang 'to.
"Promise, hindi na mauulit." Kulang na lang ay lumuhod si Kristine sa harapan ng lalaki para lang sabihin nitong okay na sila. No one is harmed naman, 'e!
"Hindi na mauulit, 'e ano 'yan?"
Umangat ang tingin ni Kristine sa tinuturo ni Nicholas. Napabuka ang bibig niya at medyo bumagal ang kaniyang paglalakad na mukha namang hindi napansin ng lalaki dahil patuloy lang ito sa paglalakad.
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang lalaki at hindi pinansin ang dalawang taong makakasalubong niya.
Katulad ng mga kasama ni Kristine kanina, nakasuot din ng black jeans at black hoodie ang mga ito habang may mga maskara ding nakangiti. Ngunit may hawak na chainsaw ang isa habang gulok naman ang sa isa.
Alam niyang isa na naman ito sa mga laro nina Kristine kaya natawa siya.
"Okay, tapos na ang paglalaro. Alam na---,"
"Nicholas, hindi!"
Bahagyang nagulat ang lalaki nang bigla na lamang may humablot sa braso niya at hinila siya patakbo. Nanlaki ang mata niya at mabuti na lang ay nakaiwas siya sa gulok na dapat ay tatama sa kaniyang katawan.
Pinaandar naman ng isa pang lalaki ang chainsaw na hawak niya kaya mas lalong nanlaki ang mata ni Nicholas.
"What the fuck! Muntikan na akong patayin ng kaibiga---!"
"Hindi ko sila kilala! Tatlo lang ang pinapunta ko dito, at sigurado akong hindi sila kasama doon!"
Napalunok ng laway si Nicholas at nang lumingon pabalik, hinahabol na sila ng dalawa!
"Shit..." Mura niya saka niya dinalian ang pagtakbo. Ngayon, si Kristine naman ang hila-hila niya.
Kung totoo man ang sinasabi ng kaniyang kaibigan, iisa lang ang ibig nitong sabihin.
Nasa panganib ang buhay nila!
Nasa panganib ang buhay nila ng mga kaibigan niya!
⚫⚫⚫⚫⚫
"Clark! Gago, hoy! Nasaan ka na!"
On the other hand, April keeps on looking for her friend. Tarantado naman 'yun! Bakit kung saan-saan pumupunta, hindi niya ba alam na gabi na?
"Hoy, gago, tapos na ang laro! Puwede ka nang lumabas! Prinank ka din ba kaya ka nagtampo? Is-ship ko na ba kayo ni Manong Kaloy?"
Napatingin si April sa gilid niya nang may marinig siyang mga kaluskus. Mula sa kaniyang kinatatayuan, sinilip niya ang mga damuhang nando'n.
Nang wala siyang makita, napagdesisyunan niyang lumapit dito. Kahit na nagsisimula nang gumapang ang takot sa kaniyang loob, mas pinili niya pa ring alamin muna ang mga bagay bago mag-react.
Nasa loob siya ng isang masukal na gubat. Kakaunti lang ang liwanag na pumapasok dito, at ang liwanag pa na 'yun ay galing sa buwan. Siya lang mag-isa ang tao sa loob ng gubat na 'to kaya ipinagpalagay niya na ang gumalaw ay isang hayop.
"A-April..."
Napahawak si April sa kaniyang dibdib nang bigla na lamang may nagsalita sa likuran niya. Kaagad niyang hinarap kung sino 'yun at nakita niya si Clark.
"Gago! Bakit ka nanggugulat?"
Natatawang lumapit sa kaniya ang lalaki. Kumunot ang noo ng babae nang mapansin na may kakaiba sa kaibigan niya.
Basa kasi 'to.
"Anong nangyari sa'yo?" Lumapit pa siya dito kaya naamoy niya ang kakaibang amoy nito.
"Hindi ko alam. Tumatakbo kasi ako kanina sa lugar na 'to dahil dito ko narinig ang sigaw mo tapos bigla na lang akong nahulog sa butas. Hindi ko naman alam na may gasolina 'yon."
Gasolina? Sa butas?
Mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya dahil sa sinabi ng lalaki. Naningkit ang kaniyang mata saka tiningnan nang maayos si Clark na noon ay inaayos ang suot niyang salamin.
Nang mapansin ni Clark ang paraan ng pagtitig ni April, taka din siyang tumingin dito.
Pinagdududahan ba siya nito?
Totoo naman ang sinabi niya. Magkakasama silang tatlo nina Geo sa isang room tapos nakarinig sila ng sigaw mula sa gubat na 'to kaya inutusan siya ni Geo na tingnan kung ano 'yon.
Kaso, habang papunta siya, nakakita siya ng anino ng mga tao na may suot na maskara kaya napatakbo siya at naligaw sa gubat hanggang sa mahulog siya sa butas na may gasolina.
Maging siya, hindi alam kung paanong nagkaroon ng gasolina doon.
"B-Bakit?"
Napabalik sa sarili si April nang magsalita ang kaibigan niya. Bumuntong-hininga na lang siya saka umiling. Sandali niya pang tiningnan nang kakaiba ang lalaki bago sinabihan na aalis na sila.
"Tangina, nakasunod pa din sila!"
"Si Geo! Baka kung mapaano si Geo!"
Tensed na tensed naman ang dalawang magkaibigan habang tinatakasan ang dalawang taong humahabol sa kanila.
Lumingon si Nicholas sa kaniyang likuran at nakitang nakagawa na sila ng medyo malaking distansiya sa mga humahabol.
Tama. Hindi nila puwedeng iwan si Geo. Gano'n na din sina April at Clark.
Nang makakita ng malaking puno, huminto muna silang dalawa at nagtago sa likod nito. Hingal na hingal silang pareho na napasandal sa katawan ng puno.
Sinilip ni Nicholas ang dalawang humahabol ngunit kaagad ding nagtago nang makitang huminto na ang mga ito at lumilinga na lang sa paligid.
Napapikit siya nang mariin at napalunok ng laway saka bumuga ng hangin. Nang tingnan niya si Kristine, nanginginig lang ito habang nakapikit ang mga mata.
"'Wag kang gagawa ng kahit anong ingay." Tumango lang si Kristine saka nagmulat ng mata.
Tiningnan niya si Nicholas na noon ay muling sumisilip mula sa likod ng puno kung saan sila nagtatago. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa braso niya kaya ramdam niya ang panlalamig nito.
"Ganito..." Lumunok muli ng laway ang lalaki saka humarap kay Kristine. Bahagya pa siyang yumuko para magpantay sila. "Susubukan kong hanapin sila April. Hintayin mo kami dit---,"
"Ano? Iiwan mo 'kong mag-isa? Naloloko ka na ba?" Hindi makapaniwalang saad ni Kristine. Iniisip niya pa lang na mag-isa siya, binabalot na kaagad siya ng takot.
"Mahihirapan tayong kumilos kung dalawa tayong maghahanap. Hindi imposibleng makita nila tayo." Sa kabilang banda, nais naman ni Nicholas na maintindihan siya ni Kristine.
Ayaw niyang may mapahamak kahit na isa sa kanilang kaibigan.
"Ayoko..."
"Please. Kailangan din nila Geo ang tulong ko. Wala silang idea sa nangyayari. Paano kung maunahan ako ng mga 'yon at saktan nila ang iba?"
Natahimik si Kristine at napakagat sa kaniyang labi. Bumuga siya ng hangin saka tumango na lamang. Mahalaga nga rin namang maipaalam ang nangyayari sa iba pa nilang kaibigan.
"Bumalik kayong ligtas. Maghihintay ako dito."
"Mas mabuti siguro kung umakyat ka muna sa puno. Mas mahirap ka nilang mahahanap kasi matatakpan ka ng mga dahon."
Tumango si Kristine at naging signal 'yon para lumuhod si Nicholas sa lupa. Ipinatong ng babae ang kaniyang paa sa balikat ng lalaki saka hinawakan ang matibay na sanga na puwede niyang pag-akyatan.
Nang tuluyang makaakyat, tumayo na si Nicholas at pinagpagan ang tuhod. Sinilip niya sandali ang babae na noon ay kauupo lang sa sanga. Hindi gan'on kataas ang napuntahan niya pero sapat na ang mga dahon na nando'n para itago siya.
Gamit ang sign language, tinanong ni Nicholas kung okay na ba siya at nang bigyan siya nito ng thumbs up, ngumiti muna ang lalaki bago muling sumilip at tumakbo palayo.
Pinanood niya ang kaniyang kaibigan na lumayo mula sa kaniya.
"Dapat magpalit ka na ng damit pagkarating natin doon. Grabe, ang tapang ng amoy ng gasolina. Nakalunok ka ba?"
Umiling si Clark. Uncomfortable para sa kaniya ang kaniyang suot dahil medyo mainit sa kaniyang balat ang likido. Buti sana kung iilang parte lang ng katawan niya ang meron, pero hindi.
Para siyang minarinate sa gasolina.
"Ang sakit talaga sa ilong ng amoy, 'te! Bakit kaya gustong-gusto ng ibang mga tao ang amoy ng gasolina?"
"Ang arte mo naman. Para mo na ring sinabi na ang baho ko na." Well, totoo naman na kaiba na ang amoy niya, pero hindi naman gan'on kasangsang! Ang arte lang talaga ng pang-amoy ni April.
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad. Nakarating na din sila sa lugar kung nasaan ang lumang gusali na dapat sana ay pags-shoot-an nila.
"In fairness, ang tahimik na nila. Akala ko mag-aaway pa si Kristine at Kaloy." Nagtaka si Clark nang tumawa si April.
"Anong meron? Bakit sila mag-aaway?"
"Nagprank kasi ang gaga, alam naman niyang hindi puwedeng biruin si Manong Kaloy at laging pikon."
Habang tumatakbo si Nicholas, natanaw niya ang dalawa sa kaniyang mga kaibigan na kalma lang na naglalakad. Napaawang ang kaniyang bibig dahil halatang wala talaga silang alam sa nangyayari!
Nilibot niya ang paligid ng dalawa dahil baka bigla na lang may sumugod sa kanila.
Tumingin siya sa likod nila.
Wala.
Sa kanilang gilid.
Wala din.
Sa taas.
Sa taas...
Nanlaki ang mata niya nang makakita ng isang lalaking nakatayo sa second floor at pinapanood ang dalawa niyang kaibigan!
Nalunok niya ang sarili niyang laway nang maglabas ito ng isang bagay.
Mas lalong nanlaki ang mata niya dahil sa bagay na inilabas nito saka walang pagdadalawang isip na tinakbo ang direksyon nina April at Clark.
Ngunit huli na siya.
Naihulog na ng lalaki ang bagay na kinuha nito.
Nanlalaki ang mga mata at natutop si Nicholas sa kaniyang nasaksihan.
Bumagsak sa tabi mismo ng dalawa ang noon ay nakasindi pang lighter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top