SCENE SIX
PART SIX
T H I R D P E R S O N
"Guys, I-I killed some...someone..."
"A-Ano?!"
"Bakit? Bakit ka pumatay?"
"Hindi ko alam! Basta... basta hinampas ko lang siya nang paulit-ulit... hindi ko alam..."
"Shh, 'wag niyo munang sasabihin sa kahit kanino."
"Manatili muna sa'tin ang bagay na 'to, okay?"
"Kumalma ka muna."
"I think, dapat isumbong muna natin sa pulis? Mapapahamak---,"
"Mapapahamak din siya kapag sinabi natin sa pulis!"
⚫⚫⚫⚫⚫
"Kristine's dead."
"Geo's missing."
"Clark is burned."
Nagkatinginan ang dalawa habang sinasabi nila ang mga 'yun. Dalawa na ang nawala sa mga kaibigan nila.
Should they look for Geo or just leave this place and seek help?
Nagtatalo ang isip nila. Nakatago lang sila sa likod ng puno at alam nilang kapag nagtagal pa sila dito, malaki ang chance na mahuli sila at sila naman ang isunod.
"Umalis na lang tayo dito..."
Napatingin si Nicholas sa babaeng noon ay parang iiyak na naman. Napalunok siya bago muling bumaling ng tingin sa tatlong tao na noon ay nagsisimula nang kumilos ulit.
Takot na takot na si April sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung anong dahilan ng mga 'to, at bakit kailangang silang lima pa ang makaranas nito?
Hindi kaya... may kinalaman ang Arts teacher namin sa nangyayaring 'to?
Siya ang nagbigay ng ganitong project. Marahil may alam siya sa bagay na 'to, hindi ba?
Pero bakit naman niya 'yun gagawin?
Wala naman siyang maalalang ginawa silang lima sa kaniya. Ni hindi nga sila gan'on ka-interactive sa kanilang mga guro. Para nga lang silang outcast sa school!
Kung hindi ang kanilang teacher, sino naman?
Inisip ni April ang mga taong posibleng may galit sa kanilang lima. Mga taong may malaking rason para gawin sa kanila 'to.
Hindi kaya...
Nanlaki ang mata ni April nang maalala ang isang tao na puwedeng gumawa nito. Siya lang ang nag-iisang taong puwedeng gumawa no'n sa kanila!
Pero hindi maaari...
Patay na siya.
Pinatay na siya.
May naghihiganti ba para sa kaniya?
Napabalik siya sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang paghawak ni Nicholas sa kaniyang braso. Malamig ang mga ito, mas malamig pa sa kanina.
Napaangat ang tingin niya sa lalaki dahil doon. Nagtataka niya itong tiningnan ngunit walang salitang hinila siya ni Nicholas palayo sa lugar na 'yun.
Palayo sa lugar kung saan nila parehong nasaksihan na muling may mamatay sa kaibigan nila.
The scars of guilt will forever haunt both of them, and neither of them will be able to escape it.
⚫⚫⚫⚫⚫
"Shit, shit, shit..."
Halos madapa-dapa si Geo habang tumatakbo palayo sa mga mamamatay-tao. Sa dami ng nakausling bato sa tinatakbuhan niya, ma-suwerte na siguro siyang hindi pa siya natatapilok hanggang ngayon.
Hindi katulad ni Kristine.
Si Kristine...
Agad na binalot ng konsensiya ang dibdib niya nang marinig niya ang nakakaawang sigaw ng babae. Napahinto tuloy siya at tinanaw mula rito ang lugar kung saan niya iniwan ang babae.
What the hell have I done?
Natatakot siyang bumalik dahil ayaw niya pang mamatay. Pero hindi niya kayang pakinggan na lamang ang sigaw ni Kristine na tila ba nagmamakaawa ito para sa kaniyang buhay.
Nang tumigil ang sigaw, saka lamang bumagsak sa lupa ang lalaki dahil sa pagsisisi. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga damo para doon ilabas ang frustration niya.
I'm sorry...
Muli siyang tumayo atsaka tumakbo palayo, umaasang sa paraang 'yun, maililigtas niya ang kaniyang sarili at subukan ding mailigtas ang kaniyang mga kaibigan.
He know he must escape the settings of complications.
"Nawawala ba tayo? Akala ko ba alam mo na ang daan na 'to?"
Nilibot ng dalawa ang buong kagubatan kung saan sila pumasok kanina. Parang umiikot ang buong paligid habang pinagmamasdan nila ito.
Kumikislap sa mga dahon ang liwanag ng buwan ngunit kahit na nagliliwanag, mukhang hindi pa rin nila mahahanap ang daan palabas.
"Hin... Hindi ko alam. Ito ang daan na dinaanan natin, hindi ba?" Maging si April, nalilito na din dahil ito nga ang daang tinahak nilang lima.
Maaari bang ma-trap sila sa loob ng gubat na 'to? Akala ko ba, mamamatay-tao lang sila, bakit parang naging engkanto na?
"Shit, may tao..."
Dali-dali silang tumakbo ulit palayo sa lugar na 'yun nang makarinig sila ng mga kaluskos. Hindi gan'on kalawak ang lugar na 'to kaya naman hindi din malabong magkatagpo-tagpo silang lahat.
Kapag hindi pa sila nakahanap ng daan palabas, maaaring tuluyan na silang mamatay.
Sa ngayon, ang tanging choice na lang nila ay bumalik sa abandonadong building at magtago do'n hanggang sa mainip ang mga mamamatay tao na 'yun at iwan sila.
Mahigpit pa rin ang hawak ni Nicholas sa braso ni April nang tumakbo silang dalawa papasok sa loob ng abandonadong building.
Maingat at tahimik ang ginawa nilang pagpasok sa loob ng malaking pintuan na nando'n. Kahit na madilim, nagawa pa rin nilang mahanap ang hagdanan pataas.
Humawak sila sa pader para alalayan ang kanilang mga sarili. Hinubad pa ni April ang kaniyang suot na sapatos dahil gumagawa ito ng ingay.
Humawak naman sila sa railings ng isa pang hagdan. Sinilip pa ni Nicholas ang itaas dahil baka merong naghihintay doon at nang makumpirmang wala, mabilis silang umakyat.
"Shh..."
Naglakad sila sa pasilyo. Tumatama ang liwanag ng buwan sa kanilang mga balat. Sumilip pa si April sa baba at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang tatlong taong naka-maskara na naglalakad.
"Dito..."
Binuksan ni Nicholas ang isang pinto saka hinila si April papasok.
They are inside the stock room.
Marami kasing karton at kahon ang nandito. May iilan ding cabinet at divider ang nasa loob, saka istante.
Sobrang dilim. May naririnig pa silang tunog ng mga dagang naglalakad kaya hinawakan ni April ang kaniyang bibig para hindi siya mapasigaw.
"Dito muna tayo habang---,"
Napatingin sila sa isa't isa nang marinig nila ang paggalaw ng seradura ng pinto kung nasaan sila nagtatago. Matunog na napalunok si Nicholas ng kaniyang laway bago niya hinila si April upang magtago sila sa likod ng mga kahon.
⚫⚫⚫⚫⚫
Sa kabilang banda, dumaan naman mula sa likod ng building si Geo. Plano niyang pumunta sa second floor ng gusali at magtago muna doon sandali hanggang mag-umaga at magkaroon siya ng chance na makatakas.
Hindi siya makakaalis sa lugar na 'to nang ganitong oras.
Dahan-dahan at maingat siyang pumasok sa backdoor ng building. Hindi din siya gumawa ng kahit anong ingay nang isarado niya ang bakal na pinto sa takot na baka masundan siya ng mga taong naka-maskara.
Pinagpapawisan siya ng malamig nang makitang may dalawang anino din na dahan-dahan naglalakad sa hagdan. Nanlaki ang mata niya at sandaling napatigil.
Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya makita ang itsura ng mga 'to dahil sa sobrang dilim pero kaya niyang makita ang silhuweto nila.
Pero sandali...
Pamilyar ang mga ito sa kaniya.
"April... Kaloy..."
Sinubukan niyang tawagin sila ngunit mukhang hindi nila ito narinig. Napamura siya sa kaniyang isipan nang makita ang pagdaan ng isang taong naka-maskara kaya agad siyang napatago sa ilalim ng hagdan.
Nang sumilip siya at nakitang nawala na ang naka-maskara, lumabas kaagad siya at sumunod kila Nicholas. Napansin niyang hindi nila kasama si Clark kaya ipinagpalagay niya na, katulad ni Kristine, napatay na din ito.
Shit, they are surrounded by psychos.
Kailangan niya nang makasama ang mga kaibigan niya. Kailangan nilang makaligtas sa lugar na 'to.
Dahan-dahan siyang naglakad sa pasilyo. Tahimik ang lugar na 'to, at maraming silid. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kaniya kaya nakikita niya ang mga pintuan.
Ang problema, saang silid naman pumasok ang dalawa?
Ipagpalagay niyang nagmamadali sila kaya sa unang pinto papasok ang mga ito. Pero matalino si Nicholas. Siguradong maiisip niyang malalaman ng mga mamamatay taong na 'yun na dito sila papasok.
Nilagpasan niya ang unang pinto. Lumipat siya sa ikalawa. Sira ang seradura nito kaya napailing na lang ulit siya.
Siguradong hindi dito.
Muli siyang lumipat sa ikatlo ngunit gan'on na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makarinig ng tunog ng matalim na bagay na tila pinapadaan sa pader kaya gumagawa ito ng nakakangilong tunog.
Napamura siya sa kaniyang isipan saka napipilitang pasukin ang ikatlong pintuan kahit na hindi niya alam kung anong meron dito.
Napapikit si April nang tuluyan nang bumukas ang pintuan ng kuwarto kung saan sila pansamatalang nagtatago ni Nicholas. Ang lalaki naman ay seryoso lang na nakatingin sa anino ng taong pumasok.
Pumapasok ang liwanag ng buwan sa loob ng silid kung nasaan sila. Nakikita ang mata ni Nicholas na noon ay nakatago sa likod ng mga kahon. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha nito.
Patuloy naman sa pagmasid ang lalaking pumasok sa loob. Suot-suot niya ang pamilyar na maskarang nakangiti.
"May nakuha akong isa pa! Ano bang magandang gawin dito?"
Umalingawngaw ang matinis na boses ng isang tao. Parang tuwang-tuwa pa ito habang sinasabi 'yon.
Dahil naman do'n ay sinilip ng taong nakatayo sa kanila ang nagsalita saka nagpakawala din ng halakhak.
Nanlaki ang mata ni April nang makita ang katawan na hinihila nito. Nasisinagan ng buwan ang nakahigang katawan ni Geo habang hinihila siya ng isang tao sa paa. Wala siyang malay.
Nahuli na nila siya.
Ibig sabihin...
Kasunod na si Geo sa mga mamamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top