SCENE NINE

PART NINE
T H I R D  P E R S O N

"Samahan mo 'ko."

"Ha? Saan?"

"Basta. Please?"

"Saan ka na naman pupunta? 'Di ba ang sabi ni Nicholas, 'wag kang pumunta sa kung saan-saan?"

"Mabilis lang 'to."

"Basta wala akong kasalanan kapag nagalit siya sa'tin, ha."

"Walang makakaalam. Kahit sino."

⚫⚫⚫⚫⚫

"Let's move on!"

Pumalakpak pa ang lalaking nakamaskara at muling tumawa habang nakaluhod naman sa harap niya sina April at Nicholas. Sinenyasan niya ang kaniyang mga tauhan na takpan ng itim na tela ang aquarium kung nasaan si Geo, patuloy na kino-konsumo ng mga daga.

Agad naman siyang sinunod ng mga taong 'yon. Tinakpan na nila ng itim na tela ang aquarium.

Lumapit naman ang iba pang naka-maskara sa puwesto nila Nicholas at April at pilit silang pinatayo. Tinabig ni Nicholas ang kamay na nakahawak sa braso niya at tumayo mag-isa.

Halata na ang pagod sa kanilang mga mukha. Dalawa na lang sila. Ilang oras pa lang ang nakakalipas, nawala na kaagad sa kanila ang tatlo nilang kaibigan.

"Make sure no one will know about all of these. Hinding-hindi mo matatakasan ang mga 'to. Hindi ka makakatakas sa ginawa mo sa'min." Ngumisi si Nicholas habang kababakasan ng galit. Natawa naman nang mahina ang taong nakamaskara.

"No body, no crime."

Basta na lang may nagpiring ng itim na tela sa kanilang mata kaya biglang dumilim ang kanilang paningin. Walang reaksyon si April habang nanatili namang kalmado si Nicholas.

Tinulak sila ng mga taong 'yon kaya wala na silang nagawa kun'di ang magsimulang maglakad.

Higit sa lima ang mga taong nakamaskarang nakangiti, sinusundan nila ang taong kakaiba ang maskara. Nasa gitna naman nila ang dalawang bata. Lahat sila ay naka-black hoodie, ang ilan ay may hawak na patalim.

Kaagad naramdaman ni April ang paggapang ng lamig sa kaniyang katawan nang makalabas sila ng silid. Nanatili siyang nakayuko at ramdam niya pa din ang patuloy na pagdaloy ng kaniyang mga luha.

Dumaan sila sa hagdan. Pero mukhang hindi ito ang hagdan sa backdoor. Makinis kasi ang sahig nito, mukhang sa tiles ito gawa, hindi katulad ng dinaanan nila kanina na magaspang.

Nakababa na sila at ngayon, naglalakad na sila sa isang pasilyo. Tanging mga yabag at tunog ng mga kulisap lamang ang maririnig sa paligid. Maliwanag pa rin ang paligid dahil sa buwan.

Matapos ang ilang minuto pang paglalakad, huminto ang taong may suot na ibang maskara kaya napahinto rin ang lahat. May dinukot itong susi sa kaniyang bulsa. Nakasabit 'yon sa parang gintong porselas.

Gumawa ng ingay sa paligid ang tunog ng mga susing hawak niya, kaya walang nagawa si April kun'di ang mapalunok na lamang. Tahimik silang pumasok sa loob ng silid.

Hindi katulad ng ibang silid, hindi napabayaan ang silid na 'to. Napapaligiran ng bookshelf ang silid. May chandelier pang nakasabit na nagbibigay liwanag sa paligid.

May isang itim na couch ang nando'n kung saan umupo ang taong naka-maskarang mukha ng tao. Inunat niya ang kaniyang braso at pinatong sa sandalan ng couch saka umupo nang naka-dekwatro.

Hindi naman kalayuan sa inuupuam niya ay may isang kahoy na lamesa at dalawang upuan na gawa din sa kahoy. Mukhang para sa dalawang 'bisita' nila ang mga 'yon.

"Paupuin na ang mga 'yan dito! Napapagod na akong makipaglaro, hindi pa ako natutulog."

Hinawakan nila ang balikat ng dalawa at pinilit na paupuin sa upuan. Tinanggal din nila ang piring ng mga ito sa mata kaya kaagad napapikit ang dalawa para hindi masilaw.

Ilang sandali pa, dahan-dahan nilang binuksan ang kanilang mga mata. Kaagad nagtagpo ang kanilang paningin dahil magkaharap lang naman sila.

Napadako ang tingin ni Nicholas sa bagay na nasa harap nila ni April. Napalunok siya ngunit pinanatili ang kaniyang ekspresyon, hindi nagpapakita ng kahit anong pagkabahala.

Isang lie detector.

Natawa lang siya nang sarkastiko sa kaniyang isipan dahil do'n. Ang bantot naman ng mga pinaggagawa nila.

"May mga katanungan akong kailangan niyong sagutin... ng katotohanan. Kapag nagsinungaling kayo, maaari kayong makatanggap ng parusa."

"Ang dali, hindi ba?"

"Kapag hindi kayo nagsinungaling, maaari niyo pang maisalba ang isa't isa. Ito na ang second chance niyo."

"This is truth or dare."

Walang nagsalita sa dalawa at nagtitigan lang sila, parang nag-uusap sa paraang sila lang ang nakakaintindi. Hindi nila pinansin ang pinagsasabi ng taong 'yon.

"Sinong gustong maunang sumagot?" Kahit na pasiglahin pa ng taong nakamaskara ang kaniyang tinig, wala pa rin siyang nakuhang sagot. Isang malamig na titig lang kay Nicholas ang kaniyang natanggap. "Kapag walang sumagot, gigilitan ko ng leeg 'ton---!"

"Ako na lang."

Nanlaki ang mata ni Nicholas nang magsalita si April. Sinamaan niya ng tingin ang babae pero hindi man lang siya tiningnan nito.

"Great!" Nilagay ng taong nakamaskara ang kaniyang kamay sa lie detector at nagpanggap na nag-iisip ng tanong. "Do you know why you're here?"

Napaikot ang mata ng babae saka sumagot. "Oo."

Naging kulay green ang ilaw kaya nakahinga nang maliwanag ang dalawa. Natawa naman ang naka-maskara dahil sa reaksiyon ng mga 'to.

Kusang nilagay ni Nicholas ang kaniyang palad sa lie detector. Naglakad palapit ang lalaki sa tabi niya saka nagsalita.

"Handa ka bang pumatay para sa mga kaibigan mo?"

Bumilis ang tibok ng puso ni April dahil sa tanong na 'yon. Napatungo naman si Nicholas kaya hindi nagtama ang paningin nila ni April. Nakita niya pa ang paggalaw ng Adam's apple nito.

Oh, gosh. Don't tell me... he killed someone.

"Oo, kaya ko."

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ni April nang maging green ang ilaw ng lie detector. Natahimik siya at napatingin kay Nicholas na noon ay naka-iwas lang ang mga mata.

Pumalakpak ang lalaking naka-maskara. Si April naman ngayon ang naglagay ng kaniyang kamay sa detector at naghintay ng tanong.

"May relasyon ba kayo ni Seven Castro?"

Namutla si April dahil sa tanong na 'yon. Si Nicholas naman ang tumingin sa kaniya habang seryoso ang mga mata. Namuo ang luha sa kaniyang mata saka sunod-sunod na umiling.

"W-Wala..."

Naging pula ang kulay ng detector. Bumuntong-hininga si Nicholas, naguguluhan sa pangyayari. Si April naman ay nakayuko lang, sunod-sunod na tumulo ang mga luha.

"Oops, a liar!"

"'Yong gadget mo ang sinungaling!"

"Pumili ka ng papel, April." Masayang iniabot ng lalaking nakamaskara ang fish bowl na may lamang mga papel kay April. "Kailangan mong gawin ang nakasulat diyan."

Nang hindi kumilos ang dalaga, hinablot ng lalaki ang kaniyang kamay at pinilit siyang pakuhain ng papel. Nanginginig ang kamay namang sinunod ng babae ang bagay na 'yon.

Nanigas siya sa kinauupuan nang mabasa ang nakasulat sa papel. Hindi siya makakilos at parang naging estatwa siya dahil sa nakita. Ang kaniyang mga mata ay may bahid ng luha at takot.

"Ow, thrilling."

Cut your friend's finger.

Nanginig ang kaniyang pagkatao dahil do'n. Maging si Nicholas ay natigilan din dahil alam niyang hindi maganda ang nabunot ni April.

"H-Hindi ko kaya..."

"Hand me the chopping knife!" Wala pa mang minuto ay kaagad nang may naglapag ng malaking kutsilyo sa lamesa.

Napalunok si Nicholas habang nakatingin do'n. Tila nawala lahat ng dugo niya sa mukha nang makita ang kutsilyo na 'yon. Tangina.

"Chop a finger, or we'll chop your arm."

"Gawin mo na, April... Okay lang..." Nanginginig na kinuha ng babae ang kutsilyo saka tumayo. Napahigpit ang kapit ni Nicholas sa upuan saka nilagay ang kanang kamay sa lamesa. "Okay lang..."

Namuo na naman ang luha sa mata ni April nang hawakan niya ang kamay ni Nicholas. Yumuko siya at ilang beses na humingi ng sorry sa lalaki.

Napapikit siya bago tuluyang pinutol ang pinky finger ni Nicholas. Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong paligid kasabay ng pagtulo ng luha ni April.

"Sorry, sorry... I'm sorry..."

Nang magmulat siya ng mata, kaagad na bumungad sa kaniya ang duguang kamay ng lalaki at ang putol na daliri nito. Nanginginig man ay nagawa niyang punitin ang ilang tela sa kaniyang suot na damit at agad 'yong itinali sa kamay ng lalaki.

"Congrats! You're great!"

"Tangina mo!"

Mariing pinikit ni Nicholas ang kaniyang mata saka napasandal sa upuan. Lumalabas ang mga ugat niya sa leeg habang pinipilit na ikalma ang sarili.

"Okay! Dare's done! Time for another one!" Hinila na si April pabalik sa kaniyang upuan kaya wala na siyang magawa. "Here's your question,"

"Totoo bang pino-protektahan mo si April dahil may nararamdaman ka para sa kaniya?"

Natigilan si April dahil sa tanong na 'yon at muling bumalik ang kaniyang tingin kay Nicholas na noon ay nakapikit pa rin ang mga mata. Mukhang wala lang nga sa kaniya ang tanong na 'yon.

"Oo."

Bumuka ang bibig ni April nang maging green ang ilaw ng detector. Napipi siya sa mga natuklasan niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman.

"Tangina ka talaga."

Nang-aasar na tumawa ang taong naka-maskara saka nagsalita. "Kakilig naman." Naglakad ang naka-maskara papunta sa tabi ni April. "Totoo bang pinatay mo si Seven?"

Walang paga-alinlangan na tumango si April. Sila-silang magkakaibigan lang ang nakakaalam ng bagay na 'yon.

"Oo, pinatay ko nga siya."

Pero gan'on na lamang ang panlalaki ng mata niya nang biglang maging pula na naman ang ilaw!

Ginagago ba ako nito?

"Hindi ako nagsisinungaling! Pinaglalaruan niyo lang kami!"

"Pero iba ang sinasabi ng device, April. You're a liar. Tsk tsk. I pity your friend, he will suffer because of your lies."

Muling may nilapag na fish bowl sa lamesa. Masama ang tingin niya sa lalaking nakamaskara habang kumukuha ng papel.

Slice your friend's leg and put salt on it.

Malakas na napamura si April dahil sa kaniyang nabasa. Kinuyumos niya ang papel saka ito tinapon sa malayo.

"Hindi ko 'yan gagawin."

"Okay, we'll just kill him, I guess."

Napakuyom ang kamao ni April dahil sa narinig. Nang tingnan niya ang kaniyang kaibigan, halata na ang panghihina sa kaniya. Nasasaktan siyang makita siya sa ganitong kalagayan.

Pero ayaw niya ding mamatay siya.

Napipilitan siyang kumuha na naman ng panibagong kutsilyo. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi saka nanginginig na naglakad palapit kay Nicholas.

Hindi na nagreact pa si Nicholas at nanatiling nakapikit. Malalim ang paghinga nito habang mahigpit ang hawak sa hawakan ng upuan.

Napaluhod ang babae sa tabi ng lalaki at napayuko nang kaunti sa sahig. Hindi niya mapigilan ang mga luha niyang magsipatakan. Kahit kailan, hindi siya nakaramdam ng ganito kabigat na pakiramdam.

"Okay lang..."

Mas lalong napaiyak si April nang hawakan ni Nicholas ang kaniyang ulo at bahagya itong himasin. Okay lang basta hindi siya masaktan, gan'on ba 'yon?

"Gawin mo na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top