SCENE FOUR
PART FOUR
T H I R D P E R S O N
"Clark!"
Sabay na napasigaw sina Nicholas at April sa noon ay na-estatwang si Clark. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, gan'on na din ang dalawa niya pang kaibigan.
"A-April----,"
Napasigaw sila April at Nicholas nang biglang sumilab ang lalaki. Dali-dali na tumakbo palapit si Nicholas sa puwesto nila at hinila ang noon ay parang bato na si April.
Natatarantang hinubad suot niyang jacket at sinubukang patayin ang apoy na noon ay unti-unti nang tumutupok kay Clark.
April's eyes reflected his friend who is now set on fire. Nagsimulang lumandas ang luha sa mata ni April at parang bangungot sa kaniya ang sigaw ni Clark habang pinipilit ang kaniyang sarili na patayin ang apoy.
Ramdam na randam ni Clark ang sobrang init sa kaniyang katawan! Hindi niya magawang umiyak dahil mas nauuna sa kaniya ang sakit.
Ang mga balat niya ay nagsimula nang magtuklapan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Tumalsik pa ang kaniyang salamin dahil sa taranta niya kanina kaya wala siyang makita.
May nararamdaman din siyang humahampas na bagay sa kaniya pero parang huli na ang lahat para maapula ang apoy. Ang nakapapaso nitong init ay nagsimula nang lutuin siya nang buhay.
"T-Tangina..."
Napatigil si Nicholas sa pagsubok na apulahin pa ang apoy nang bigla na lamang mapaluhod si Clark sa harap nila. Nag-init ang kaniyang mga mata dahil sa tanawin.
Nagsimula nang matunaw ang iilang laman sa katawan ni Clark at kulay itim na siya. Patuloy pa rin siya sa pag-apoy nang iunat niya ang kaniyang kamay sa mga kaibigan.
Umiiyak man, nagawang hilahin ni April si Nicholas palayo kay Clark na noon ay unti-unti nang natutunaw mula sa pagkakasunog.
"C-Clark..." Pumiyok pa si Nicholas nang banggitin ang pangalan ng kaibigan.
Nagsimula nang umagos ang kaniyang mga luha nang tuluyan nang mapadapa si Clark sa sahig.
Tinupok na ng apoy ang kaniyang katawan.
Napaluhod na din si Nicholas dahil hindi niya kinaya ang kaniyang nasaksihan.
In their group, Clark and Nicholas were the closest one. The one who always stick at each other. Bago pa man magkakilala ang lima, magkasama na talaga ang dalawang 'to.
They lived next to each other and they were childhood friends. Kaya ganito na lang kasakit para sa kaniya na makitang unti-unting masunog ang katawan ng kaibigan niya.
Hinawakan ni April ang balikat ni Nicholas kahit pa siya mismo ay nanginginig sa takot at sakit na naramdaman dahil sa kaniyang nasaksihan.
"N-Nicho..." Hindi niya na mabanggit ang buong pangalan ni Nicholas dahil sumisikip na ang dibdib niya.
Tiningnan ni April ang taas nila dahil doon nanggaling ang lighter na bumagsak kaya nasunog si Clark. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang isang taong nakasuot ng maskara na smiley face.
Pamilyar ang taong 'to. Nanginig ang kaniyang tuhod dahil sa kaniyang nakita. Kumaway pa ang taong 'yun sa kaniya habang may hawak na kutsilyo.
Pinatay ng mga kasama ni Kristine si Clark?
⚫⚫⚫⚫⚫
"Nasaan na ba 'yung mga 'yun..."
Ilang minuto na ang makalipas, ngunit hindi pa rin bumabalik sila Nicholas. Wala rin siyang naramdaman pang tao na naglalakad.
Kanina pa siya nandito sa taas ng puno. Nakakangalay pero ayaw niya ding bumaba muna dahil baka may mangyari sa kaniyang masama.
"Guys!"
Muntikan pang mahulog si Kristine sa kaniyang inuupuan nang makarinig siya ng isang sigaw. Nanlaki ang mata niya dahil pamilyar ang may-ari ng boses na 'yun.
Sinilip niya ang taong 'yun at kaagad na napamura sa isipan nang makilala kaagad ang postura na 'to.
Shuta ka, beh!
"Psst, Geo!"
Kontrolado ang boses, tinawag ni Kristine ang kaniyang kaibigan. Nagpalinga-linga naman si Geo at nangunot ang noo dahil sigurado siyang may tumawag sa kaniyang ngalan.
"Geo, psst!"
"Sino ka?"
Hinanda ni Geo ang kaniyang sarili dahil ngayon, nababalot na ng kaba ang kaniyang puso. Kasasama niya kay Kristine, nahawa na din siya sa pagiging matatakutin nito sa mga multo.
"Sa taas ng puno! Si Kristine 'to!"
Umangat ang tingin ni Geo sa puno at napatanga nang makita si Kristine. Kumaway sa kaniya ang babae at sinenyasan na lumapit sa kaniya.
Ibinaba niya ang kaniyang mga braso na noon ay nakahanda na sa mga posibleng aatake sa kaniya.
Naglakad siya palapit sa malaking puno habang may pagtataka pa rin sa kaniyang mga mata.
"Anong ginagawa mo diyan? Naglalaro ba kayo?"
"Tanga, hindi. Magtago ka, ipapaliwanag ko ang nangyari."
Dahil na din sa pagtataka, walang nagawa si Geo kung hindi ang sumunod sa sinabi ni Kristine. Umakyat din siya sa puno at kaagad na tumabi sa babae. Matangkad naman siya kaya hindi na siya nahirapang gawin 'yun.
"What happened?"
Napalunok si Kristine bago bumuntong-hininga. Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki dahil never niya pang nakitang ganito katakot ang isang 'to.
Oo, matatakutin si Kristine pero hindi gan'to kalala.
Nag-angat ng tingin sa kaniya si Kristine at kaagad na kumabog ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Naramdaman niya na agad na may mali.
"May mga taong humahabol at gustong pumatay sa'tin. Hindi... Hindi ko alam ang dahilan nila pero natatakot ako. Natatakot ako para sa buhay ko, para sa buhay nating lahat."
Umagos ang luha ni Kristine nang sabihin niya ang mga salitang 'yun. Napabuka ang bibig ni Geo ngunit agad niya ring naitikom.
He was speechless.
If that's true, then this place is surrounded by murderers. Or worst, serial killers.
Pero ang sabi ni Nicholas, ligtas daw ang lugar na 'to dahil kilala niya ang kasalukuyang nagbabantay ng lugar!
At sa pagkakatanda ni Geo, sinabi din ni Nicholas na walang ibang tao ang pumupunta doon.
Did he deceived them?
Or like him, he was also deceived?
"Nasaan ang iba?"
Napatigil si Kristine sa pag-iyak nang magtanong si Geo. Wala na ang paningin nito sa kaniya at nakasilip na lang sa baba.
"U-Umalis si Kaloy... kasi hahanapin niya daw kayong tatlo. Mabuti nga't nandito ka na."
Muling humarap si Geo kay Kristine na kasalukuyang nakatingin din sa kaniya. Malalim ang paghinga ng lalaki dahil hindi niya alam kung ligtas pero wala na silang choice.
"Hahanapin natin sila."
⚫⚫⚫⚫⚫
"N-Nicholas... Tara na..."
Walang natanggap na sagot si April mula sa lalaki. Nanatili itong nakayuko sa sahig habang nasa harap naman niya ang abo ni Clark.
Wala na talaga ang kaibigan nila.
Gusto man munang manatili ni April at bigyan ng panahon si Clark, wala siyang magawa kundi ang hilahin si Nicholas patayo dahil baka sila naman ang isunod ng mga taong naka-maskara.
"April, ang sakit..."
Ito ang unang beses na nasaksihan niyang umiyak si Nicholas. Kalimitan kasi, si Kristine ang umiiyak, kaya ngayong nakikita niya na kung paano umiyak si Nicholas, hindi niya alam kung mamamangha ba siya o masasaktan para sa kaibigan.
"Wala na akong kaibigan..."
"Nawala din sa'min si Clark, Nicholas. Masakit, oo, pero kung hindi pa tayo aalis, baka tayo naman ang mamatay! O hindi kaya sila Geo, o Kristine!"
Sana naman maintindihan niya siya.
Kumuyom ang mga palad ni Nicholas. Nakaluhod pa rin siya sa harap ng abong katawan ni Clark pero nang magmulat siya, puno na ng luha at galit ang kaniyang mga mata.
Kung nabigo siyang protektahan si Clark, hindi dapat siya mabigo na protektahan ang iba niya pang kaibigan.
Tumayo si Nicholas kaya bahagyang nabuhayan ng loob si April. Inalalayan niya pa ito na tumayo dahil medyo nanghihina pa din siya.
Nanginginig ang kaniyang kamay, hindi alam ng babae kung dahil ba sa takot, sakit o galit. O baka naman dahil sa tatlong 'yun.
"Halika na."
Magkasabay silang tumakbo. Katulad kanina, hawak na naman ni Nicholas ang kaniyang braso kaya ramdam niya ang higpit no'n.
Hindi na lang siya nagsalita at nagpaanod na lang sa kung saan pupunta ang lalaki. Nilingon niyang muli ang abo ng kanilang kaibigan bago muling nagpakawala ng luha.
Hindi naman ganoon kalawak ang buong lugar pero parang lumawak dahil ang dami muna nilang dinaanan. Kailangan kasi nilang iwasan ang mga lugar na posibleng daanan ng mga murderers.
Nakatulong nga ang liwanag ng buwan sa kanila dahil hindi nila kailangang mangapa sa dilim.
Tahimik ang buong paligid at tanging hininga at maingat na yabag lamang nila ang maririnig.
Kasalukuyan silang naglalakad sa isang pasilyo ngayon. Nasa labas pa rin sila ng gusali kaya natatanaw pa rin nila ang iilang puno na nasisinagan ng liwanag ng buwan.
"Nasa isang puno ko iniwan si Kristine. Nando'n sa punong nasa dulo ng gusali na 'to." Tumango si April sa ibinulong ni Nicholas.
"Paano tayo nakakasigurado na hindi siya nakita ng mga mamamatay-taong 'yun?" Napatigil si Nicholas dahil sa sinabi ni April. Nagsimulang gumapang ang takot sa dibdib niya at pinakatitigang mabuti ang puno.
Maging siya ay nagdududa na din kung tama bang iniwan niya mag-isa ang babae. Napabuga siya ng hininga saka naramdaman ni April na lumamig ang palad nito.
"H-Hindi ko alam... Pero sana naman ay buhay pa siya..." Humina ang boses ng lalaki at kaagad naman siyang na-guilty dahil nagdulot pa siya ng anxiety sa lalaki!
Ang bobo mo sa part na 'yun, April.
Pero malay niya ba!
Natatakot din siya sa kalagayan ni Kristine, especially, kagaya nga ng sinabi ni Kaloy, iniwan niyang mag-isa ang babae.
"Tingnan na lang natin."
Nilibot ni April ang kaniyang paningin sa paligid para tingnan kung may tao bang naka-maskara ang nagmamasid sa kanila.
Nang makumpirmang wala, kaagad na hinila ng babae ang lalaki papunta sa puno na kung saan iniwan kuno ni Nicholas ang babae.
Habang naglalakad sila, nakarinig sila ng mga kaluskos kaya pareho silang napatigil na dalawa. Nanlaki ang kanilang mga mata at parehong napatingin sa isa't-isa.
Napatingin si April sa kaniyang likod at may nakitang dalawang taong tumakbo kaya bahagya siyang napaatras.
Sino 'yun?
Hindi pa man nakakakuha ng sagot si April, kaagad na siyang hinatak ni Nicholas paalis. Hindi maganda ang kaniyang kutob sa nangyayari.
"Hoy, Nicholas, saan na tayo pupunta? Akala ko ba---,"
"Wala na siya doon."
Napatigil si April dahil sa kaniyang narinig.
Ano?
"Paano mo naman nasabi na wala na siya doon?" Tiningnan ng lalaki si April saka siya huminto.
"Look, malakas ang pakiramdam ko na nakaalis na siya doon kasi bakit hindi niya tayo tinawag? Malapit lang tayo kanina sa puwesto niya pero hindi niya tayo sinitsitan o kung ano man lang."
May point si Nicholas. Kilala nila pareho si Kristine at sigurado silang hindi ito magdadalawang-isip na tawagin sila sakaling makita sila nito.
Pero paano kung nagkamali sila?
Paano kung nando'n pala si Kristine at natatakot lang gumawa ng ingay?
Sa kalagitnaan ng kanilang malalim na pag-iisip, isang sigaw na naman ang bumugaw sa tahimik na gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top