SCENE FIVE

PART FIVE
T H I R D   P E R S O N

"AHHHHHH!"

Napahigpit ang kapit ni April sa braso ni Nicholas nang marinig ang sigaw na 'yun. Siguradong kay Kristine na naman ang boses.

Bakit ba laging nasigaw ang babaeng 'to?

"Nasa likod nagmula ang sigaw. Posibleng nando'n na si Kristine. Baka nga nakita siya ng mga mamamatay-tao kaya siya umalis."

So, tama nga silang dalawa ng hinala. Nakaalis na ang babae sa punong 'yun.

Hindi na nagdalawang isip ang dalawa at muling tumakbo papuntang likod. Hindi nila alam kung patibong lang ba ito o totoo pero hindi nila hahayaan na lamang na pakinggan ang paghingi ng tulong ng kaibigan nila katulad ng ginawa nila kay Clark.

Habang mas tumatagal, mas lumalakas ang sigaw ni Kristine. Dahil doon, mas lalong kinabahan ang dalawa.

Ang sigaw kasi ng babae, para na siyang kakatayin.

Napalunok si April dahil naiisip niya. Kung nagawa nilang sunugin nang buhay si Clark, hindi imposibleng makagawa din sila ng brutal na bagay sa isa sa mga kaibigan nila.

Napamura si April sa kaniyang isipan saka mas mabilis na tumakbo.

Sana naman hindi pa sila huli.

Sana naman ay tumatakbo pa palayo ang babae ngayon. O kaya nakatakas man lang siya sa mga humahabol sa kaniya.

"Shit..."

Agad na nahila ni Nicholas si April pabalik at sabay silang nagtago sa likod ng puno nang makita nila ang tatlong taong naka-maskara na smiley face.

Magkakasama ang tatlong 'to. Nakaharap sa harap ang dalawa samantalang nakaharap naman sa likuran ang nasa gitna nila. Ang dalawang nasa gilid ay parehong armado; chainsaw ang sa isa samantalang gulok naman ang sa ikalawa.

Sila nga ang mga taong tinatakbuhan nila.

Ngunit napansin ni April na may hinihila ang taong nasa gitna. Napabuka ang bibig niya nang ma-realize ang mga bagay.

Kanina, narinig nilang sumisigaw si Kristine at dito nanggaling ang boses niya. Ngayon naman, nakita nilang may hinihila ang mga taong 'to.

Aalis na sana siya sa puwesto niya para tingnan kung tama ang hinala niya ngunit may brasong kaagad na pumigil sa kaniya.

"Don't. Delikado sila..."

"Pero Kaloy, nando'n si Kristine..."

Kuminang ang luhang namumuo sa mata ni April habang tinitingnan si Nicholas na noon ay seryoso lang ding nakatingin sa kaniya.

Sa kanilang magkakaibigan naman, sina Kristine at April ang pinaka-close. Hindi katulad nina Clark at Nicholas, nagkakilala lang silang dalawa no'ng mabuo ang grupo.

Pero madami na ang pinagsamahan nila. Mga kalokohang magkasabay nilang ginawa, at mga sikretong pareho nilang itinago.

Kaya kung sakaling si Kristine nga ang isunod nila, tiyak na hindi kakayanin ni April.

"Kung nandito lang sana sa'kin ang tablet ko, nakahingi na ako ng tulong."

Nicholas felt like he's so stupid for leaving his gadget somewhere. Hindi niya maalala kung saan niya ito naiwan dahil na rin siguro sa takot niya kanina no'ng akala niya, may nangyaring masama kina Kristine pero prank lang pala.

Hindi pinansin ni April ang sinabi ni Nicholas at muling ibinalik ang tingin sa tatlong tao na ngayon ay huminto na sa paglalakad. Mukhang nag-uusap pa ang mga ito at mula sa liwanag ng buwan, nakikita niyang umuga ang balikat ng mga 'to na parang tumatawa sila.

Ngunit isang pamilyar na tanawin ang nagpalaki sa mata ni April. Nagsimulang manginig ang kaniyang katawan dahil sa sobrang takot.

Huminto sila doon sa lugar kung saan dapat nila ililibing nang buhay si Kristine, katulad ng nakasulat sa script.

So, tototohanin nilang ilibing siya nang buhay?!

⚫⚫⚫⚫⚫

"Dalian mo, Kristine. Shit, bakit ba kasi ang bagal mo tumakbo?"

Patuloy na tumatakbo sila Geo at Kristine sa makakapal na damuhan. Lumingon pa si Geo sa likod kaya napamura siya nang makitang patuloy pa rin silang hinahabol ng mga mamamatay-tao.

"Kung hindi ka lang sana nag-ingay nang nag-ingay, hindi nila tayo mahahanap!"

"Puwede bang 'wag kang sumigaw?! Naririndi ako sa'yo!"

Hindi na pinansin ni Kristine ang lalaki at pinilit na lang ang sarili na makatakbo at makalayo. Ayaw niya pang mamatay.

Nagbibiro lang naman siya no'ng panahong sinasabi niyang gusto niya nang mamatay, pero bakit naman tototohanin ata ng langit?!

"Ah!"

Kaagad siyang napasalampak sa lupa nang mapatid siya sa isang naka-usling bato.

Shet!

Pikon na pikon pa naman si Kristine sa mga taong napapatid sa TV tapos isa rin pala siya sa mga taong 'yun! Ang malala, natapilok din ata siya dahil sumakit ang kaniyang bukong-bukong!

Napahinto din si Geo at nanlalaki ang mga matang tiningnan si Kristine na noon ay pinipilit ang sarili na makatayo.

Napamura muna siya bago siya lumingon sa kanilang likuran.

Palapit na nang palapit ang mga taong humahabol sa kanila!

"Shit, I'm sorry, Tin..."

Naiwang nakatanga si Kristine nang mabilis na tumakbo si Geo palayo sa kaniya. Nanigas siya sa kaniyang kinasasadlakan lupa habang pinapanood na mawala ang anino ng kaniyang kaibigan sa dilim.

Iniwan siya... ng kaniyang kaibigan? 'Yung nag-iisang tao na naiwan sa kaniya, tinalikuran din siya.

Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha at susubukan sanang tumayo kaso sumasakit ang kaniyang bukong-bukong.

Agad din siyang napatigil sa pagsubok na tumayo pa nang maramdaman niyang may humawak sa kaniyang dalawang paa.

Nilingon niya ito at kaagad na nanginig ang kaniyang katawan nang makita ang pamilyar na maskara. Katulad na katulad ito ng maskarang pinasuot niya sa kaniyang mga kaibigan na kasama sa pangp-prank niya.

"Taya!"

Napasigaw ang babae nang mabilis na hinila ng taong 'yun ang kaniyang paa!

Sinubukan niyang humawak sa mga damong puwede niyang hawakan ngunit walang magawa ang mga ito sa sobrang lakas ng taong humihila sa kaniya.

Sumigaw siya nang sumigaw para sana humingi ng tulong sa kung sino man ang posibleng makarinig sa kaniya.

"Ah..."

Napabaligtad siya ng puwesto nang matusok ng kahoy ang kaniyang tiyan.  Napaiyak siya sa sakit atsaka hinugot ang kahoy na bumaon sa kaniya.

Dumugo ang kaniyang tiyan pero parang wala lang ito sa taong humihila sa kaniya.

Bumagsak ang kaniyang mga kamay sa sahig at hindi na nanlaban pa dahil sa panghihina.

Sa lahat, ang pinakaayaw niya ay makakita ng dugo. Kaya no'ng masilawan ng liwanag ng buwan ang kaniyang dugo, gan'on na lamang ang pagkagimbal niya.

Wala siyang ginawa kun'di ang lumuha na lamang dahil sa panghihina; una dahil sa sakit ng sugat niya at pangalawa, dahil sa dugo nga na nakita niya. Malamang, puro galos na din ang kaniyang mga braso dahil sa lakas ng paghila sa kaniya.

Nang huminto, napapikit ang babae at napalunok ng laway saka muling nagmulat. Basta na lamang ibinagsak ng lalaki ang kaniyang paa ngunit hindi na siya makatayo at makatakbo pa.

Ngayon niya lang din napansin na tatlo na ang mga taong nasa harap niya.

Nakatingin ang mga ito sa kaniya at naririnig niya ang tawa ng mga ito.

"Gan'on ba talaga ang mga kaibigan mo, Kristine?" Kinilabutan ang babae nang marinig ang boses nito.

Hindi katulad ng inaasahan niya, sobrang liit ng boses nito. Parang gan'on sa boses ng Nightcore. Ang inaasahan niya kasi ay malaki at parang demonyo, pero mukhang nagkamali siya.

The voice is terrifying and annoying at the same time.

"Isang kaibigan niyo na ang namatay, pero wala silang ginawa. Tapos kanina, tinalikuran ka pa ng isa pa. Ngayon naman, wala ding ginagawa ang iba mo pang kaibigan na nakatingin lang sa'yo ngayon."

Sabay-sabay na tumawa ang tatlo kaya para silang tumatawang chipmunks. Naririndi, naguguluhan, at nasasaktan ang babae sa pinagsasabi ng nasa harap niya.

Sino sa kanila ang namatay? Akala ko ba, ililigtas sila ni Nicholas? At sinong nanonood na pahirapan ako ng mga 'to?

Hindi niya maiwasang masaktan at magalit at the same time. Walang-wala ang sakit ng katawan niya sa nararamdaman niya. Para siyang trinaydor ng mga taong itinuring niyang kaibigan.

She regretted the decisions she'd made just to save her friends, because now, they are all leaving her. As if she was nothing.

Aksidenteng bumaling ang tingin ni Kristine sa kaniyang gilid at nanlaki ang mata niya nang makita ang dalawang tao na nakatingin sa kaniya. Hindi man malinaw dahil madilim, nakilala pa din ng babae ang may-ari ng mga aninong 'yun.

"Kawawa ka naman. Itinago mo pa ang sikreto niya, tapos hindi man lang siya gumawa ng paraan para iligtas ka."

Nabalot ng galit ang puso ng babae habang pinapanood na panoodin siya ng mga kaibigan niya.

"Nakakapagsisi ba na ibinaon mo na lang sa limot ang lahat para lang maisalba ang kaibigan mo, Kristine?"

"Nakakapagsisi bang nanahimik ka na lang?" Tumawa ang tatlo habang wala namang humpay ang babae sa pag-iyak.

"Pero dahil gustong-gusto mo namang manahimik..." Bumalik ang tingin ni Kristine sa tatlo nang makarinig siya ng kilos.

Gan'on na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang maglabas ito ng karayom at sinulid. Para siyang naging bato dahil agad na binalot ng takot ang kaniyang kalooban.

"Bakit hindi ka na lang namin patahimikin habang buhay?"

Nagpumiglas si Kristine nang hawakan ng isang lalaki ang ulo niya. Naramdaman naman niya ang paghawak ng isa pa sa kaniyang labi.

Dahil sa panghihina, hindi niya na nagawang manlaban pa at hinayaan na lang sila sa gusto nilang gawin.

Baka ito na ang kaparusahan ko sa pananahimik dahil gusto kong iligtas siya.

Naramdaman niya ang pagtusok ng karayom sa kaniyang labi kaya napapalag at napaiyak siya.

Tinatahi nila ang kaniyang labi at wala man lang siyang magawa. Ramdam na ramdam niya ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang labi dahil ang laki ng karayom! Wala man lang anesthesia.

Sobrang sakit matahi ang bibig habang may malay ka pa!

Parang gusto niya na lang mamatay dahil sa sobrang sakit no'n! Dinig na dinig niya din kung paano tumagos ang bakal sa kaniyang labi at nararamdaman niya rin ang paggalaw nito.

Para lang silang nagtatahi ng telang napunit dahil sa sobrang higpit no'n. Punong-puno na ng dugo ang bibig ng babae at hindi na siya makapagsalita.

Hanggang sa matapos na ang pagtahi sa kaniyang labi. Binitawan siya ng mga 'to kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para gumapang.

Gusto niyang ibuka ang kaniyang bibig ngunit masakit ito kapag ginagalaw. Kapag pinuwersa niya, maaari itong mapunit.

Tinawanan siya ng tatlo habang gumagapang siya palayo sa mga ito. Kinapitan niya ang mga damo habang masamang tingin ang pinupukol niya sa isa sa mga kaibigan niya.

Nakatingin lang ito sa kaniya at nakita niya pa ang pagguhit ng gulat sa mata nito nang magtama ang kanilang paningin.

Bakit ka umiiyak? Ikaw ang may kasalanan nito.

Napapalag siya nang bigla na lamang siyang hilahin ng mga lalaki pabalik. Ngayon naman, naramdaman niya na ang pag-angat niya sa lupa kaya alam niyang binuhat siya ng isa sa mga ito.

Hinampas-hampas niya pa ang likod nito at sumipa sa hangin ngunit balewala lang 'yun sa bumubuhat sa kaniya. Tinatawanan nga lang siya nito.

"This is your new home..."

Basta na lamang siyang ibinagsak sa isang plywood na box. Nanlaki ang mata niya dahil pamilyar ang isang 'to.

Ito 'yung kabaong na siya mismo ang nagpagawa para sa kanilang props!

Mas lalo siyang pumalag dahil doon ngunit mabilis na itinali ng isang taong nakasuot ng maskara ang kaniyang kamay. Nakakatakot ang itsura nito dahil may dugo-dugo na ang iilang bahagi ng kaniyang mask.

Siguradong ito ang taong tumahi sa kaniyang bibig.

Wala na siyang nagawa nang tuluyan nang matali ang kaniyang kamay. Tahimik lang siyang umiyak at tinanggap ang kapalaran niya.

Ang kaniyang kamatayan.

"Wala ba talaga tayong gagawin?"

Bumulong si April kay Nicholas na noon ay seryoso lang na pinapanood ang pagtali sa kamay ni Kristine. Hindi alam ng babae kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaki kaya wala siyang magawa.

"H-Hindi natin sila... kakayanin..."

Umiling lang ang lalaki at bumaba ang tingin sa sahig. Down na down na siya dahil dalawang kaibigan niya na ang nasaksihan niyang mamatay.

Kung makaligtas man siya dito, habang buhay siyang babangungutin ng mga pangyayaring ito.

Kasalanan ko ba?

Napapikit na lang ng mata si Kristine nang buhatin na ng lalaki ang takip ng plywood na kabaong. Bumibigat ang kaniyang hininga dahil sa kaba.

"Paalam, Kristine. Kami na ang bahala sa kaibigan mo. Pangako, magkakasama rin kayo." Pagkatapos no'n ay malakas ulit silang tumawa at tuluyan nang tinakpan ang babae.

"I'm sorry..."

Binuhat ng tatlong lalaki ang kabaong kung saan nasa loob si Kristine. Nagbilang silang tatlo bago nila tuluyang itapon ang babae sa hukay.

Ngunit, hindi lamang ito butas. May nakausling steel bar sa butas na 'yun na kaagad namang tumagos sa katawan ng babae at sa kabaong.

Pinanood ng tatlong nakamaskara ang dugo sa dulo ng bakal na 'yun na alam nilang mula sa babae. Sabay-sabay na naman silang tumawa.

Kristine's dead. A not so innocent died.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top