SCENE EIGHT
PART EIGHT
T H I R D P E R S O N
"Nasaan si April?"
"Hindi siya pumunta dito. Hindi ko alam."
"Nasaan si Kristine?"
"Baka magkasama sila, bakit---hoy! Anong meron?"
"Ipapaliwanag ko mamaya. Puntahan mo si Clark."
⚫⚫⚫⚫⚫
"Anong gagawin niyo sa kaniya?!"
Daga...
Napalunok si Geo dahil sa kaniyang narinig. Hindi siya nagkakamali, hindi ba? Daga ang sinabi ng lalaking 'yon?
Napapikit siya nang mariin at napaayos siya ng upo. Kinikilabutan siya kahit na banggitin pa lang ang pangalan ng hayop na 'yon.
'Wag nilang sabihin... na alam ng mga 'to na takot siya sa daga? Tanging mga kaibigan niya lamang ang nakakaalam no'n. Wala siyang pinagsabihang iba bukod sa pamilya at kaibigan niya dahil nahihiya siya.
Paano nalaman ng mga 'to ang bagay na 'yon?
"Masyado ka namang excited, April. Maghintay ka lang muna at manood."
Lumapit ang isang lalaking nakasuot ng nakangiting maskara sa kinaroronan ni Geo habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kaniyang kamay. Napalunok ang tatlo habang pinapanood ang taong 'yon.
Binuksan niya ang aquarium kaya sumubok siyang tumakas ngunit napatigil din nang marinig ang sigaw ni April.
Binabaon ng lalaking nakatayo sa tabi niya ang kutsilyo sa kaniyang leeg. Dumugo na 'yon ngayon at tumutulo sa kaniyang balikat.
Namuo ang luha sa kaniyang mata habang nakatingin kay Geo na noon ay gulat pa rin ang mata.
Napabalik lang siya sa kaniyang sarili nang bigla na lamang hiwain ang kaniyang binti. He gasped because of the sudden pain he felt.
Malalim ang sugat na ginawa no'n kaya nagdugo ang kaniyang binti. Muli namang sinara ang aquarium kaya napamura na lang siya at kinalampag ang salamin.
Tumulo ang malapot niyang dugo sa salamin, parang gripo 'yon dahil sa sobrang daming nilalabas.
Hindi pa man siya nakakarecover sa sakit na nararamdaman niya, bigla na lamang siyang binuhusan ng dugo na nakalagay sa timba.
Napabuka ang kaniyang labi habang dinadama ang pag-agos ang pulang likido sa kaniyang katawan. Ang suot niyang puting damit ay namantsahan na ng dugo.
Sobrang lapot na ng katawan niya. Dumagdag pa ang sugat niyang dumudugo pa din. Pero alam niyang hindi pa dito nagtatapos ang lahat.
"May gusto ka pa bang sabihin sa kanila, Geo? May ilang segundo ka pa."
Walang salitang namutawi sa bibig ni Geo at sinamaan lamang ng tingin ang lalaking noon ay nang-aasar na tinatawanan ang kalagayan nilang tatlo.
"Tangina mo."
"Ahh!"
Napatingin si Geo kay April nang bigla itong sumigaw. Nakita niyang hiniwa na naman ang gilid ng leeg nito. Papalag na sana si Nicholas kaso mas diniin naman ang kutsilyong nakatutok sa kaniya.
"Oops, bawal magmura, may masasaktan."
Lumayo ang lalaki sa aquarium kung saan nakakulong si Geo. Ngayon, kitang-kita na nina April at Nicholas ang kalagayan ni Geo.
Napatingin si Nicholas sa isang kahon na nasa tabi ng aquarium. Mula sa butas no'n, nakita niya ang mga bagay na gumagalaw.
Napalunok siya dahil mukhang naintindihan niya na kung anong gagawin nila kay Geo. Sumasakit ang kaniyang puso habang iniisip ang magiging istura ni Geo.
Ipapakain nila nang buhay si Geo sa mga daga.
'Yon ang dahilan kaya nila sinugatan ang kaniyang binti at binuhusan ng dugo ang loob ng aqurium.
Gusto niyang pumalag. Gusto niyang protektahan sa mga taong nandito pero wala siyang magawa. Wala siyang laban.
"Okay, tama na. Pagod na akong makipag-usap sa mga tulad niyo. Simulan na natin."
Wala na silang nagawa nang maglakad na ang lalaking naka-maskara sa kahon ng mga daga. Umiwas lang ng tingin ang dalawa dahil siguradong hindi nila kakayaning panoorin kung paano kainin ng daga ang kanilang kaibigan.
"Please, tigilan niyo na siya... Wala naman siyang kasalanan! Ako ang pumatay!"
Napatigil ang lahat ng nasa loob ng silid na 'yon nang biglang sumigaw si April. Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha, nakapikit na lang siya at nakatingin sa sahig.
"Ako ang pumatay. 'Yon naman ang gusto niyong malaman, hindi ba?"
"Kaya please, pakawalan niyo na sila..."
Ngunit gano'n na lamang ang disappointment niya nang tawanan lang siya ng mga taong nakamaskara. Napaangat ang kaniyang mukha at galit na tiningnan ang taong iba ang maskara.
"Too bad, I already knew it."
Hinawakan niya ang isang daga at hinimas pa ang ulo nito habang bumubungisngis. Napalunok si Geo ng laway nang dumapo ang kaniyang mata doon.
Nakaramdam siya ng pagbaligtad ng sikmura. Naramdaman niya din ang panginginig ng kaniyang katawan. His musuphobia is activating now.
"Say hello to your dear friend."
Napasigaw si Geo nang bigla na lamang pinasok ang daga sa loob ng kaniyang aquarium. Suminghot-singhot ang daga at kaagad nakuha ang atensiyon nito dahil sa amoy ng dugo.
"Alisin niyo 'yan!"
Patuloy na sumigaw si Geo sa loob at kinalampag ang salamin habang hindi inaalis ang tingin sa dagang noon ay gumagapang palapit sa kaniya.
Mas lumakas ang iyak ni April dahil sa sitwasyon ni Geo. Si Nicholas naman ay nagsimula nang pumalag ngunit malakas din ang nakahawak sa kaniya.
Tumataas ang balahibo ni Geo habang pinapanood ang daga na lumapit sa kaniya. Siniksik niya pa ang sarili sa gilid habang nakahawak sa tuhod.
Bakas na bakas ang takot sa kaniyang mukha.
"P-Please! Tulong!"
"Geo!"
Pumiyok na ang boses ni April habang tinatawag ang pangalan ng kaniyang kaibigan. Hindi niya kayang masaksihan ang bagay na 'to.
"April... N-Nicholas... p-please..."
Nasaksihan nila kung paano gumawa ng daan ang luha sa pisngi ni Geo. Bahagya niya pang sinisipa ang isang daga para lang hindi ito makalapit sa kaniya.
"Looks like one's not enough. You're not friendly, eh?"
Namutla lalo si Geo nang kumuha ng dalawa pa ang taong nakamaskara at pinasok ulit sa loob. Ngayon, para nang mababaliw ang lalaki dahil tatlong daga na ang lumalapit sa kaniya.
"Tama na!"
"Ayoko na!"
"Please!"
Tanging sigaw lamang nina Nicholas, April at Geo ang maririnig sa buong paligid. Dinagdagan pa ng lalaki ang mga daga at tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan niya habang pinapanood ang paghihirap ng binata.
Tuluyan nang nanghina si Geo kaya wala siyang nagawa kundi mapaupo na lang at tanggapin ang lahat. Tumulo ang kaniyang mga luha saka tiningnan si April.
Sumisigaw ito ngunit tila nabingi na siya. Wala na siyang marinig kun'di ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Hinawakan niya ang salamin, gusto niyang abutin ang babae.
Ang dami niyang gustong sabihin.
Halos mamaos na si April at Nicholas kakasigaw. Wala na silang pake sa mga patalim na nakatutok sa kanila.
Ngunit pareho silang napatigil nang malakas na sumigaw si Geo. Bakas ang sakit sa boses nito at nang tingnan ni April ang kaniyang binti, nakita niyang kinagat na ng isang daga ang kaniyang sugat.
Tumulo ang luha ni Geo nang maramdaman niya ang sunod-sunod na pagbaon ng ngipin ng mga daga sa kaniyang laman.
Sobrang sakit. Wala siyang magawa. Nararamdaman niya na ang paghiwalay ng kaniyang laman habang patuloy siyang inuubos ng mga daga.
Gumagapang pa ang mga ito sa kaniyang binti kaya napapikit na lang siya. Naramdaman niya ang pagbagal ng tibok ng kaniyang puso.
Bumagsak ang kamay niyang nakahawak sa salamin. May dagang gumapang papunta doon at basta na lang kinagat ang kaniyang daliri.
Napaluhod si April nang makitang hindi na pumapalag ang kaniyang kaibigan. Nakaupo na lang ito sa loob, nakapikit ang mga mata, nababalot ng dugo at napapalibutan ng mga daga na hanggang ngayon ay kinakain pa din siya.
Wala na siya...
"Geo..." Pumiyok ang kaniyang boses. Bakas ang sakit dito.
Dinaluhan siya ni Nicholas na noon ay mababakasan na ng galit ang mga mata, kahit na may mga luha ding tumutulo doon. Niyakap niya ang babae at tinago sa kaniyang dibdib para hindi niya na makita ang kagimbal-gimbal na sinapit ng kanilang kaibigan.
"Oops, a killer just died."

"Stop lying! You're the killer!"
"Enough being stupid, April."
Walang nagawa ang babae kun'di ang samaan na lang ng tingin ang taong nakamaskara. Parang ilang sandali na lang, mahihimatay na siya dahil nakakapagod ang gabi na 'to.
"None of you are innocent, and neither of you will survive this night."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top