Didn't They?
DIDN'T THEY:
BONUS CHAPTER
T H I R D P E R S O N
tw: assault, murder, violence
"April, sandali lang!"
Napahinto sa paglalakad si April nang bigla na lamang may tumawag sa kaniyang pangalan. Hindi pa man siya nakakaharap, kaagad niya nang naramdaman ang bigat nito nang biglang itong sumampa sa kaniyang likuran.
"Gago, ang bigat mo!" Sinubukang likutin ni April ang kaniyang likod, umaasang bababa si Kristine ngunit wala man lang nangyari. Mas lalo lang humigpit ang kapit nito saka tumawa nang malakas. "Punye---!"
"Hoy, hoy, hoy! Ano na namang ginagawa mo kay April, Kristine?"
Dumating si Geo kasama si Clark na noon ay nakatingin lang din sa kanila. Napairap si Kristine saka bumaba sa likuran ni April. Ang isa namang babae ay inayos ang bag niyang naipit ng kaibigan dahil sa pagsampa nito.
"Ang OA ha. Wala naman akong ginagawang masama. Umaba lang, 'e."
"Ang bigat mo kaya! Tumataba ka na."
"Mao-offend ba ako o matutuwa?" Tinaasan siya ng kilay ni Kristine kaya naman nagpanggap siyang nag-iisip ng sagot.
"Ma-offend ka na lang sis, alam mo namang naiirita ako kapag natutuwa ka."
"Grabe, ang sama talaga ng ugali nito. Narinig niyo 'yon, 'di ba? Salbahe talaga ng kaibigan niyo." Hindi na pinansin ni April ang pinagsasabi niya. Nakita niyang lumapit pa si Kristine kay Clark bago niya iiwas ang kaniyang paningin.
Mula naman sa kalayuan, nakita niya si Nicholas. May dala pa itong puting folder habang naglalakad papunta sa direksyon nila. Mukhang mainit na naman ang ulo niya. Parati na lang.
"Ano na namang meron at ganiyan na naman ang mood mo, Mister?"
Sininghalan lang ni Nicholas si Kristine at tumingin kay April na noon ay nakatingin lang din sa kaniya. Nililipad pa ang buhok nito at napaiwas siya ng tingin nang ilagay ni April ang mga takas na buhok sa kaniyang tainga.
"Anong meron sa folder?" Mayamaya ay nagsalita si Clark, ang pinakamalapit na kaibigan ni Nicholas.
"Ah, ito? Project lang, bakit? Wala bang binigay na gan'to sa inyo?" Sabay-sabay na umiling ang apat kaya napapabuntong-hiningang tumango na lamang ang lalaki.
"Nagkita na naman kayo ni Seven, 'no? Kaya pala kulo na naman dugo mo." Nagtatakang tiningnan ni April si Nicholas. Ngayon niya lang narinig ang pangalang Seven. "Ay, hindi mo ba kilala 'yon, April?"
"Hindi. Wala naman kayong sinasabi. Ikaw, Tintin? Kilala mo ba 'yon?"
"Hindi naman 'yon pagkain, pake ko do'n."
Pagkatapos ng araw na 'yon, naging curious na si April kay Seven. Madalas siyang sumasama kay Nicholas, umaasang makikilala niya ang taong 'yon. Hindi niya alam kung anong meron at bakit nakuha ng pangalang 'yon ang kaniyang atensiyon.
"Bakit ka sama nang sama sa'kin?" Napansin na ni Nicholas ang bagay na 'yon ngunit ngayon niya lang naisipang itanong dahil nakumpirma niya nang hindi naman talaga siya ang dahilan ng pagsama ni April. "Bakit?"
"Ayaw mo sabihin kung sino si Seven, 'e." Nakita niya naman ang pagkunot ng noo ni Nicholas dahil sa sinabi niya.
"'Wag kang lalapit sa kaniya."
"Bakit naman?"
"Masama siyang tao. Baka mapahamak ka lang."
Natigilan si April dahil sa sinabi ni Nicholas. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito o ano, pero mukhang seryoso naman siya kaya tumigil na din si April.
Nagpatuloy ang araw. Bumalik sa dating gawain si April. Hindi niya na din kinukulit si Nicholas tungkol kay Seven kasi umiinit ang ulo niya kapag naririnig ang pangalan!
Pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana.
"Miss, tabi!"
Bago pa man siya makatingin sa sumigaw, naramdaman niya na lamang na may humila sa kaniya. Nagpahila na lang siya kahit na naguguluhan sa nangyayari.
It's Seven. May humahabol sa kaniyang mga tao. Sanay na sanay na siya sa mga ito. Being the black sheep in the school is his thing.
Marami siyang natatanggap na death threats, o kung ano-ano pa, pero pinupunit niya lamang ang mga 'yon o 'di kaya'y sinusunog.
"Ang sabi ko na kasi ay tumabi." Hindi makapagsalita si April dahil nakatakip ang kamay ni Seven sa kaniyang bibig.
Hapon na, at pauwi na dapat sila ng mga kaibigan niya, pero nandito siya, nagtatago kasama si Seven. Nanlaki ang kaniyang mata nang bigla na lamang may dumaang mga tao na tumatakbo papunta sa norte.
Pagkatapos ng hapon na 'yon, naging mas malapit na si April kay Seven. Nagpapasama pa siya minsan kay Kristine kaya walang nagawa ang babae kun'di ang suportahan na lamang ito.
Saka ililibre naman daw siya.
Napapansin ni Geo ang madalas na pag-alis ng dalawa kaya isang beses, sinundan niya ang mga ito. Nakaramdam siya ng pagtataka nang makitang kasama ng mga ito si Seven.
Hindi ko naman alam na magkakaibigan na pala sila.
Hindi niya na lang pinansin dahil mukhang masaya naman silang kasama ang lalaki. Saka na lang siya gagawa ng mga bagay-bagay kapag napahamak na ang mga kaibigan niya.
'Wag lang niyang susubukan.
Nagpatuloy ang mga araw. Napansin na rin nila Clark at Nicholas ang pagbabago ni April. Madalas na itong may kausap sa cellphone. Ngumingiti pa mag-isa.
Alam nilang may nililihim na si April sa kanila. Nakaramdam si Nicholas ng selos. May nararamdaman siya kay April, at ngayong nakikita niyang ngumingiti ito dahil marahil sa ibang tao, hindi niya mapigilang mainis.
Isang araw, pumunta si Kristine sa tambayan nilang lima habang may kasamang lalaki. Umangat ang tingin ni Clark do'n sa lalaki at kumunot ang kaniyang noo.
"Sino 'yan?"
"Luigi, boyfriend ko. Ano ka ngayon, Clark? Sinong hindi papatulan, aber?"
Parang si April lang ata ang natuwa para sa kaibigan. Ang tatlong lalaki ay kinilatis ang taong dinala ni Kristine.
He looks nice, though. Mukhang seryoso naman siya kay Kristine kaya wala na lang din nagsalita.
Tahimik lang si Clark buong araw at hindi 'yon nakalagpas kay Nicholas. Kaya tinanong niya ito.
"Gustong-gusto ko siya, bakit hindi niya ako mapansin?"
Nagulat si Nicholas nang bigla na lamang magsalita si Clark na nasa tabi niya. Kasalukuyan silang naglalakad pauwi ngayon. Magkapit-bahay lang naman sila kaya magkasabay sila laging umuwi.
"Bro, what..."
"Parati naman akong nandiyan sa tabi niya, 'di ba? Bakit parang wala lang ako sa kaniya?"
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Naguguluhan siya sa kaniyang kaibigan.
"Ha? Umupo ka nga. Anong nangyari?" Umupo si Nicholas sa side walk kaya tumabi si Clark sa kaniya.
"I hate her, for not liking me back." Unang beses niyang marinig na may kamuhian ang kaibigan niya kaya naantig ang kaniyang atensiyon.
Whoever hurt his friend, will surely pay.
"Who?"
"I don't want to see her anymore."
"Sino nga? Kumalma ka nga muna."
"I hate Kristine."
Natahimik si Nicholas dahil do'n. Napabuka ang kaniyang bibig, iniisip kung tama ba ang narinig niyang pangalan.
Nakikita niya na nasasaktan ang kaibigan dahil sa pinakilalang lalaki ni Kristine kanina. Ni hindi niya nga alam na may gusto pala siya sa kaibigan nila!
"So... anong gusto mong gawin?"
Napalunok si Nicholas saka naghintay ng isasagot ng kaibigan. Tiningnan siya ni Clark nang deretso sa mata.
"Gusto ko lang mawala si Luigi sa landas niya."
So, he did his friend a favor.
-----------
Kristine:
yo guys punta akong
Zopic
April:
Gabi na ah
Kristine:
duh bar yon anong
oras mo 'ko
papupuntahin??!
Geo:
Sinong kasama mo?
Kristine:
si luigi, may friend kaming
kasamaaaaa
April:
Babae?
Kristine:
hetero sis, halo-halo ba
gan'on
April:
Okay! Chat ka kapag napunta
ka sa delikadong bagay
Nicholas:
Don't take drinks
from anybody, Tine.
Take care.
---------
She didn't know that Nicholas did something to her boyfriend. He drugged him. He put drugs on his drinks and made sure it will be served to the guy named 'Luigi'.
The drugs will cause hallucinations. Once Kristine gets creep out on Luigi's action, she will surely dump him.
Napangisi siya habang nakaharap sa kaniyang computer, kinakausap si Clark mula sa messenger. Madilim sa kuwarto niya.
----------
Nicholas:
Hey, your wish
is done!
Clark:
Wdym?
Nicholas:
Sooner or later,
Kristine will leave that guy
Thanks to me, of course
Clark:
What did you do?!
Nicholas:
I drugged him :)
---------
But things never go as what he planned.
He messed up. Really, really bad.
Imbes na mapunta kay Luigi ang inuming may ecstacy, si Seven ang nakatanggap nito dahil basta na lamang niya kinuha ang basong nasa counter.
He was stressed. His brother and him had a fight, that's why he found his self on his way to the Zopic - one of the most popular gaming bar at their town.
Wala siyang pake kung kanino ang basong 'yon at basta na lamang tinungga. April chatted him where he is. He cannot lie to her, so he told her his location. Nililigawan niya pa lamang ito at ayaw niyang masira sa kaniya.
Hindi niya napigilan ang babae nang sabihin nitong pupuntahan siya. Napabuntong-hininga na lang siya nang makaramdam ng hilo.
Damn, just one fucking glass.
Umalis siya ng counter para magpahangin sa labas. Pumunta siya sa parking space at nilabas ang kaniyang sigarilyo.
Sobrang sakit ng ulo niya.
What the fuck is happening with me?!
Nagsimula na siyang makarinig ng mga boses. Tinakpan niya ang kaniyang tainga, umaasang mawawala ang mga bulong. Parang umiikot ang buong paligid.
Samantala, kabababa lang ni April sa tricycle at papasok na sana nang may mapansin siyang tao sa parking lot. Humigpit ang hawak niya sa strap ng kaniyang strap saka napapalunok na naglakad palapit do'n.
Lalampasan niya na sana nang makilala niya ang postura. Nawala ang mga takot sa mata niya nang makilala ito.
"Seven, mabuti naman hindi na ako nahirapang hanapin ka."
Nag-angat ng tingin ang lalaki sa taong dumating. Napasigaw siya nang makitang walang mata ang mga ito. Umaagos ang dugo niya sa kaniyang mata habang nakangiti nang malawak.
Napaatras naman si April dahil sa sigaw na 'yon. Kumabog ang kaniyang dibdib dahil sa paraan ng pagtingin ni Seven sa kaniya.
"S-Seven... ako 'to, si April. Anong nangyayari sa'yo?"
Napaatras si Seven nang biglang humakbang palapit ang babaeng nakangiti sa kaniya. May binubulong ito na masakit sa kaniyang ulo kaya tinakpan niya ang kaniyang tainga.
"'Wag kang lalapit!"
"Papatayin kita, Seven."
"Please, 'wag kang lalapit!"
"Seven, ako 'to! Si April!"
Gulong-gulo si April dahil sa inaakto ng lalaki. Ngunit napatigil siya nang tumigil din ang lalaki at tumingin na lamang nang deretso sa kaniya.
Tumaas ang balahibo niya sa katawan nang bigla na lamang ngumisi si Seven habang nakatingin sa kaniya ang madidilim nitong mga mata.
"Seven..."
Nagsimula siyang umatras habang kababakasan ng takot ang kaniyang mga mata. Hindi niya pang nakikita na ganito si Seven.
Ito ba ang sinasabi ni Nicholas sa kaniya?
"Seve---!"
Napasigaw siya nang bigla na lamang siyang dambahin ni Seven. Tumumba sila sa sahig habang nakapatong sa kaniya ang lalaki.
Pumalag si April ngunit mas malakas ang lalaki kaya kaagad nitong nahawakan ang kamay niya. Umagos ang luha sa kaniyang mata nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Seven sa kaniyang leeg.
Gamit ang kaniyang buong lakas, sinipa niya ang maselang parte ng lalaki kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makaalis.
Kumuha siya ng malaking kahoy at habang nakaluhod pa rin si Seven sa sahig, agad niyang pinalo ang ulo nito. Malakas na umaagos ang luha sa kaniyang mukha habang paulit-ulit na hinahampas ang ulo ng lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay.
Napaupo siya sa sahig at niyakap ang sarili habang tinitingnan ang katawang nakahiga ni Seven. Umaagos ang dugo nito sa sahig kaya nakaramdam ng takot si April.
Nakapatay ako...
Mas lalo siyang naiyak sa isiping 'yon.
Bakit? Gusto ko lang naman siyang puntahan.
Pinunasan niya ang kaniyang mata saka tumayo. Sinigurado niyang wala siyang naiwang gamit niya. Sinilip niya pa ang duguang katawan ni Seven saka tumakbo palayo.
-------
Kristine:
nka-uwi na kami!
update ko lang kayo, hihi
Geo:
Nagpahatid ka kay Luigi?
Kristine:
hindi
hinatid niya ako
tumanggi na nga ako
kasi maiiwan yong friends
niya kaso nagpumilit siya
para daw safe
Geo:
Good, then. Matulog ka na.
Nicholas:
How's Luigi?
Kristine:
lah mas concern ka pa
sa kaniya kesa sa'kin
char. okay lng naman siya
isang baso lang ininom niya
kaya wala masyadong tama
Nicholas:
Wala naman siyang
ka-weird-uhan na
ginawa? Anything?
Kristine:
wala naman
behave nga lang siya e
----------
Nagtaka si Nicholas dahil sa isinagot ni Kristine. Tinawagan niya pa ang taong binayaran niya na maglagay ng drugs.
"Tumalikod lang ako tapos pagbalik ko, wala na ang laman ang baso. Mukhang nainom niya naman."
Mukhang??
Hindi siya sigurado?
Napalunok si Nicholas. Tinapik-tapik niya ang kaniyang daliri sa lamesa. Inaatake siya ng anxiety. Paano kung iba ang naka-inom?
Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang kaniyang hoodie, napagpasiyahang pumunta na lang mismo sa Zopic para alamin. Hindi siya dapat pumalpak. Ayaw niya pang makulong.
Buong biyahe, 'yon lamang ang laman ng isip niya. Kinakabahan siya. Mukhang mali ang paraan na ginawa niya para mapalayo ang Luigi na 'yon kay Kristine.
"Salamat..."
Naglakad si Nicholas habang nasa loob ng kaniyang hoodie ang kaniyang mga palad. Tahimik ang gabi. Ang mga neon lights na nagbibigay liwanag sa paligid ng bar ay maliwanag ngunit hindi ito umaabot sa parking lot.
"Seve---!"
Napatingin siya sa parking lot nang may marinig siyang tili ng isang babae. Dali-dali siyang tumakbo papunta do'n at kaagad na nanlaki ang mata niya nang makita ang sitwasyon.
Isang lalaki ang nasa ibabaw ng babaeng nagpupumiglas. Natutop siya sa kaniyang kinatatayuan at pinanood kung paano tuhudin ng babae ang ari ng lalaki saka tumayo at kumuha ng kahoy. Paulit-ulit nitong hinampas ang ulo niya.
Ngunit hindi siya do'n natigilan. Natigilan siya nang makilala ang babaeng 'yon.
"April..."
Nanatili siyang nakapanood hanggang sa tumakbo na palayo ang babae. Malaki pa rin ang kaniyang mata nang lapitan ang nakahandusay na lalaki sa sahig.
Si Seven.
Kumulo ang dugo niya nang maalala ang posisyon niya kanina. Pinagtangkaan niya pa ang kaibigan niya?
Nang makitang gumalaw ang daliri ni Seven, kaagad na dinampot ni Nicholas ang dospordos at saka hinampas nang malakas ang ulo ng lalaki.
Narinig niya kung paano mabasag ang bungo nito. Ngunit hindi siya tumigil. Hindi siya tumigil hangga't hindi niya nawawasak ang ulo ni Seven.
Inisip niya lahat ng galit niya kay Seven. Ang pagpapahirap nito sa ibang estudiyante, at ngayon naman ay ang tangka niyang paggahasa kay April.
Natigil lang siya nang makitang halos hindi na makilala ang itsura ng katawan nito. Nanlaki ang kaniyang mata saka nabitawan ang kahoy na hawak.
Ngayon lang niya na-realize ang kaniyang ginawa. Nakapatay siya ng tao.
Wala na siyang sinayang na oras at kaagad na naghanap ng puwedeng paglagyan ng katawan. Pinagkasya niya ito sa isang itim na bag.
Nilinis niya din gamit ang carwash ang mga dugo na nagkalat. Mabuti na lang at sira ang cameras na nandito sa parteng ito kaya hindi makikita ang ginawa niya.
Pagkatapos no'n ay umuwi na siya at nagpanggap na walang nangyari.
Kinabukasan, nagsimula nang masira ang lahat. Lahat-lahat.
"Guys, I-I killed some...someone..."
Dumating si April sa tambayan nila. Mukhang wala siyang tulog. Lubog na lubog ang kaniyang namumulang mata.
Natahimik ang apat dahil sa narinig.
"A-Ano?!"
Naunang mag-react si Kristine at dali-daling tumayo. Nilapitan niya si April habang nanlalaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.
"Bakit? Bakit ka pumatay?" Napasampal sa noo si Geo habang dina-digest pa din ang gulong pinasok ni April.
Sobrang laking gulo na 'to.
"Hindi ko alam! Basta... basta hinampas ko lang siya nang paulit-ulit... hindi ko alam..."
Kinuwento ni April ang nangyari. Kung paano siya pumunta sa Zopic. Kung paano siya atakihin ni Seven. Kung paano niya ito paulit na pinaghahampas hanggang sa mawalan ng malay.
"Shh, 'wag niyo munang sasabihin sa kahit kanino."
Nagsalita si Nicholas na noon ay pirming nakaupo lamang sa upuan, malalim ang iniisip.
"Manatili muna sa'tin ang bagay na 'to, okay?" Nagsalita na din si Clark habang kabadong nakatingin kay Nicholas.
"Kumalma ka muna." Pinaupo ni Geo si April samantalang inabutan naman siya ni Kristine ng tubig.
"I think, dapat isumbong muna natin sa pulis? Mapapahamak---," Hindi pa man natatapos si Kristine, sumingit na kaagad si Nicholas.
"Mapapahamak din siya kapag sinabi natin sa pulis!" Natahimik sila dahil do'n. May punto nga naman siya.
Baka imbes na sa assault mag-focus ang mga pulis, mas bigyan nila ng pansin ang murder. They know how unfair people are.
Walang nagsalita sa kanila sa nangyari. Um-akto silang parang wala lang nangyari. Galit na galit si Geo dahil sa ginawa ni Seven sa kaniyang kaibigan.
Gusto niyang pumatay. Pero sinong papatayin niya kung patay na ang taong gusto niyang patayin?
Samantala, naglalakad si April papunta sa kaniyang locker. Walang naghahanap kay Seven. Marahil dahil na din wala namang may pake sa kaniya sa school na 'to? He's the black sheep after all.
Binuksan niya ang kaniyang locker ngunit nagulat siya nang bigla na lamang may malaglag na bagay mula dito. Pinulot niya ito ngunit gan'on na lamang ang pamumutla niya nang makita kung ano ito.
A polaroid picture of her, running away from her crime.
Nang silipin niya ang kaniyang locker, may nakita siyang papel na nakadikit doon. Something is written on the paper. Mukhang dugo pa ang ginamit nila.
I know what you did.
Napaatras siya dahil doon. Kaagad niyang sinarado ang pinto ng locker niya saka tumakbo palayo para balikan ang katawan ni Seven. Kung nando'n pa ba 'yon.
"Saan ka pupunta?"
Napatigil si April nang masalubong niya si Kristine. Takang-taka naman ang babae dahil halata ang pagka-bother sa kaibigan niya.
"Samahan mo 'ko."
"Ha? Saan?" Inalis ni Kristine ang straw sa bibig niya at lumapit kay April. Hinawakan siya nito sa balikat.
"Basta. Please?" Alam niyang nasa paligid lang ang nagpadala ng polaroid na 'yon. Baka may gawin siyang masama kay Kristine.
"Saan ka na naman pupunta? 'Di ba ang sabi ni Nicholas, 'wag kang pumunta sa kung saan-saan?"
"Mabilis lang 'to." Please, sumama ka na lang.
"Basta wala akong kasalanan kapag nagalit siya sa'tin, ha."
"Walang makakaalam. Kahit sino."
Napapayag niya din ang babae. Magkasabay silang pumunta sa parking lot ng Zopic kung saan niya napatay si Seven, umaasang may aabutan pa do'n.
His body is a great evidence.
Samantala, nakatanggap din si Nicholas ng parehong bagay. Isang papel na may dugong panulat, at isang polaroid picture. Kaso ang sa kaniya, polaroid ng isang itim na bag.
Nilamukos niya ang picture saka umigting ang kaniyang panga dahil sa galit. Kinuha niya ang kaniyang lighter saka ito sinunog bago umalis. Kailangan niyang puntahan sila April.
"Nasaan si April?"
Pinuntahan niya si Geo sa classroom nila. Nakadukdok na naman ito sa lamesa ngunit kaagad na nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Hindi siya pumunta dito. Hindi ko alam."
Naguguluhan siya dahil sa itsura ng kaibigan kaya pinangunutan niya ito ng noo na mukhang hindi naman napansin ni Nicholas.
"Nasaan si Kristine?"
Bakit ba nito hinahanap sa kaniya ang mga kaibigan nila?
"Baka magkasama sila, bakit---hoy! Anong meron?" Napatayo siya nang bigla na lamang maglakad palayo si Nicholas.
"Ipapaliwanag ko mamaya. Puntahan mo si Clark."
Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo habang tinatanaw si Nicholas. Halatang-halata ang pagkabalisa nito dahil sa bilis ng kaniyang mga hakbang.
Sobrang gulo na ng pagkakaibigan nila. Dahil 'to kay Seven, 'e.
Uminit na naman ang kaniyang ulo nang dumaan sa kaniyang isip ang pangalang 'yon. Tama lang ang ginawa ni April na patayin siya.
Kalaunan ay umalis na din siya ng classroom para hanapin si Clark. Mukhang importante ang sasabihin ni Nicholas.
"Nasaan na?"
Parang mawawala na sa sarili si April nang wala silang madatnan na katawan. Napalunok siya nang ilang beses dahil do'n. Sigurado siyang dito niya iniwan ang katawan ni Seven. Imposibleng mawala na lang 'yon basta, unless may kumuha.
"Hindi ko...alam. Dito ko siya iniwan."
Naestatwa si Kristine nang may marinig siyang familiar na tunog. Tumingin siya sa kaniyang paligid, umaasang makikita ang pinagmulan ng tunog na 'yon.
"April... may camera. Nakuhanan tayo ng picture."
They're doomed.
Si Geo naman, patuloy na naglalakad palabas ng school. Nagsabi kasi si Clark na pupunta siya sa labas kaya umaasa siyang makikita niya ito doon.
Pero iba ang kaniyang nakita. Isang pamilyar na pigura ang bumungad sa kaniya.
Nanlaki ang kaniyang mata nang makita si Seven na nakasandal sa bakod sa tabi ng gate. Mukhang may hinihintay.
Lalampasan niya na lang dapat ito dahil sa pagkakaalam niya ay patay na 'to. Naguguluhan siya.
Hindi kaya hindi talaga napatay ni April si Seven? At ngayon, inaabangan na siya nito para gantihan siya.
Papatayin niya ba si April? Alam niya kung gaano kasama si Seven, at hindi malabong gawin nito ang bagay na 'yon.
Imbes na magpatuloy sa paghahanap kay Clark, binalikan niya si Seven na noon ay pirmi pa ring nakatayo sa lugar na 'yon. Tiningnan niya kung may nakatingin ba, at nang makitang wala, kaagad niyang hinampas ang ulo nito.
Hindi naman makikita sa camera ang ginawa niya dahil hindi naaabot ng camera ang parteng ito.
Nang tumumba, kaagad niya itong binuhat saka pinunta sa malapit na abandonadong building. Sinigurado niyang walang nakapansin sa kaniya.
Nakita ni Clark ang lahat.
Sinundan niya si Geo hanggang sa abandonadong lugar. Nakita niya kung paano nito paghahampasin ang lalaking may naka-saklob na itim na plastic sa ulo.
Nasaksihan niya kung paano bumagsak ang lalaki sa sahig kasabay ng pag-agos ng mga dugo nito. Napalunok siya dahil do'n, hindi na alam ang gagawin.
Umalis na si Geo pagkatapos no'n at basta na lamang iniwan ang katawan. Mukhang sigurado itong walang makakakita sa pinatay niya dahil wala namang pumupunta sa lugar na 'to.
But, he knows he must do something. He can't leave his friend's mess just like that.
Kumuha siya ng mga gasolina at lighter. Binuhos niya ang mga 'yon sa lalaking nakahiga sa sahig. Hindi niya sinilip kung sino ito at basta na lamang sinilaban ang lalaki.
Pinanood niya kung paano matupok ng apoy ang katawan habang walang emosyon sa kaniyang mukha. He's now a killer.
"I... I have to tell you something..."
Nagkita sila ni Geo kinahapunan. Balisa na ito dahil sa ginawa niya kanina. Nadala siya ng galit niya.
"Ano? Nasaan sila? Bakit wala pang naibabalita tungkol sa nangyari?"
Nagpanggap si Clark na wala siyang nasaksihan na kahit ano. Nagpanggap siyang wala siyang pinatay.
"Please, listen. Alam kong ikaw lang ang maaasahan ko pagdating dito. Hindi niya napatay ang taong 'yun..."
Nandito sila sa kanilang tambayan. Dalawa lang sila dahil ang tatlo ay hindi pa din makita.
"Ha? Pero ang sabi niya, napatay n---!"
"Turn down your voice."
"Okay, sorry."
"N-Nakita ko siya... habang papunta ako sa school kahapon. Inaabangan niya si April, mukhang maghihiganti ata."
Nagsinungaling siya sa parteng papunta siyang school kahapon pero nagpanggap pa rin si Clark na wala siyang alam. Kailangan niya lang namang magkunwaring labas siya sa mga pangyayari.
"Tapos? Oh my..."
"Napatay ko siya. Ako ang nakapatay sa kaniya."
Their group is slowly falling.
And they know it.
*****
note:
that's what happened! sobrang gulo na, promise. hindi ko na maintindihan kahit mga outlines ko huhu. longest update sa Neither!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top