Part 21

Nakakagulat na hindi ako pinauwi ni Uno. Magkatabi kaming natulog na dalawa. At mas nakakagulat 'yung hindi kami nag round two.

Nagkwentuhan lang kami about Drag Race and Game of Thrones.

Pero maaga ako nagising dahil may pasok pa ako. Sinilip ko sandali 'yung paa ni Uno at ganon pa rin, namamaga.

So nagluto ako sa unit ko nang almusal, ofcourse, chowfan at siomai tapos hinatid ko sa unit niya. Mahimbing pa rin ang tulog ni Uno ngayon kaya hindi ko na siya ginising.

Ako naman, nagwork na uli at medyo maraming tasks ngayon pero natapos ko pa rin nang maaga.

Gosh, I love my job.

Nakita ko 'yung chat ni Uno sa'kin pagkatapos ko magwork.

"Thank you sa food, Stomach. Hindi pa rin ako makatayo, masakit pa rin paa ko :("

Medyo nagwoworry na ako kasi hindi ko alam baka nabali ba buto niya.

"Gusto mo bang pumunta na tayo ng ospital?" Tanong ko

"Hindi na siguro. Need lang daw ng hot compress dito."

"Oh sige, pupunta ako diyan ngayon."

So pumunta ako sa unit ni Uno. Nasa sofa siya ngayon at nakahubad.

Dumiretso ako sa kusina tapos nag init ng tubig. Hinalo ko sa malamig na tubig para maging warm tapos nilagay ko sa planggana.


Doon ko muna pinatong 'yung paa ni Uno at feeling ko naman nag eenjoy siya.

"Stomach, wala na akong stock nang pagkain. Dapat maggogrocery ako ngayon kaso kita mo naman kalagayan ko."

Hindi ko siya maseryoso kasi nakahubad siya tapos everytime suot niya 'yung shorts niya na palaging suot niya kapag nagsesex kami, tinitigasan ako.

"Bukas ka na lang mag grocery." Sagot ko

"Eh paano kung hindi pa ako magaling bukas?"

"Magpadeliver ka na lang muna ng food!"

"Kung sa'yo nangyari 'to, gagawin ko lahat nang gusto mo." Sabi niya tapos 'yung itsura niya, nagiinarte, kunwari malungkot.

"Hays sige na nga!"

"Hehe yehey! Sendan kita ng list mamaya."

"Okay." Tumayo na ako at palabas na ng unit niya pero tinawag niya ako uli.

"Saan ka pupunta? Dito ka lang."

"Hindi pa ako nakakapag logout."

"Wala pa namang 5, dito ka na muna." Sabi niya

So tumabi ako sa kanya. Tapos umakbay siya sa'kin sabay bukas ng TV.

Hindi ko maiwasan na amuyin siya kasi bagong ligo siya. Ang bango talaga ng sabon niya.

"Paano ka naligo?" Tanong ko sakanya.

"Nakaupo ako haha ang sakit kapag nakatayo eh."

"Kaya mo naman pala eh!"

"Syempre alam kong pupunta ka, edi bumaho ako!"

Tapos inamoy amoy ko siya sa leeg pati sa kili kili. Tumatawa tawa pa siya.

"Tigilan mo 'yan Stomach baka malibugan ako. Tirahin ko bigla bunganga mo."

"Ginagawa 'yan!" Sagot ko naman

"Pasalamat ka masakit paa ko kung hindi, naputukan na uli kita."

"K!"

Nanuod lang kami ng isang episode ng Drag Race tapos bumalik na ako sa unit ko para mag logout.

Buti na lang 4:45 ako bumalik kasi nakita kong may meeting ng 4:45!

Pumasok ako kaagad sa gmeet.

"Ayan na si Sean!" Sabi nung isa kong kateam.

Nakikinig lang ako sa meeting, all about work, process tapos sa dulo nagpaplano sila ng team building since summer na.

Marami silang idea kung saan nila gustong pumunta pero sana sa beach since ang tagal na rin ng last beach ko.

Saktong 5, nag out na kaming lahat at naligo na ko't nagbihis saka pumunta ng grocery.

Nasa SM na ako ngayon at binibili 'yung nasa listahan na sinend sa'kin ni Uno.

Hindi ko alam kung nang aasar ba siya kasi napakaraming need bilhin.

"Sean!" Narinig kong may tumawag sa'kin at familiar ang boses.

"DJ."

"Grocery day mo rin pala." Sabi niya. White tshirt at shorts lang pero sobrang lakas ng dating ni DJ!

"Oo. Wala na stock."

"Nice, sabay na tayo." So sabay kaming namili. Parang lahat ng isle may kinukuha akong product kasi sinabay ko na rin 'yung sa'kin.

"Sorry pala nung isang gabi, ikaw pa nagligpit sa unit, nakakahiya." Sabi niya

"Okay lang. lasing na lasing ka eh."

"Kaya nga eh. Hindi naman ako mabilis malasing pero siguro dahil tumungga ako ng beer na dire diretso sa isang oras, tatamaan talaga ako."

"Baka nga."

Akala ko ioopen niya 'yung kiss namin.

"Team Building pala! Sasama ka ba?" Tanong niya bigla.

"Oo pero sana sa beach."

"Oh, gusto mo sa beach?"

"Oo. Matagal tagal na rin last beach ko eh."

"Talaga? Gusto mo ba sumama sa'min sa Boracay?"

Oo nga. Nabanggit pala nila dati na mag Boboracay sila.

"Mahal na ata ticket." Sabi ko

"Kung game ka, sabihan mo ko. May kakilala ko na nagbobook ng murang flight."

"Totoo ba?"

"Yes!"

"Kaso..." naisip ko bigla si Aaron. For sure kasama siya since siya rin nag open non before.

"Bakit?"

"Kasama ba si Aaron?"

"Ay oo. Pero hindi ko lang sure kung sasama siya. Although may ticket na siya."

"Bakit naman hindi siya sasama?"

"Ehh medyo hindi na rin siya nagpaparamdam sa'min."

"Ohh."

"Nagstart 'yun nung issue dahil sa'yo. Nagalit kasi ako sa kanya tapos medyo nagkasagutan. After non, hindi na kami masyado nag uusap tapos nadamay buong tropa sooo hindi ko alam kung ano na balita sa kanya lately."

"I see."

"Pero kung gusto mo talaga sumama don't worry, kayang gawan ng paraan yan."

"Sige. Pag isipan ko."

"Huwag mo nang pag isipan. Tetext ko na tropa ko kaagad." Nilabas niya phone niya tapos mukhang may tinetext nga siya.

"Ayan. So it's official. Sasama ka na sa Boracay!"

"Parang wala naman akong choice haha"

"Haha yeap! 3 days and 2 nights 'yun so magfile ka ng leave ng Monday para dire diretso 'yung bakasyon mo."

Medyo naexcite ako kasi biglaan na ganito.

"Sige."

Naglalakad pa rin kami ni DJ at nasa kalahati pa lang ako nang mga dapat kong bilhin.

"Kumusta ka naman ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo okay naman ngayon. Pero nakakatulong 'yung alak."

Medyo naawa ako sa kanya ngayon pero bigla naman siyang nag smile.

"Huwag kang mag alala. Okay lang ako. Baka may friend kang pwede ireto sa'kin." Biro niya

Naisip ko bigla si Nicole.

"Actually, meron."

"Talaga? Katulad mo ba siya?"

"What do you mean katulad?"

"I mean, masayahin, masarap kasama, understanding tapos cute?"

Ewan ko medyo kinilig ako sa sinabi niya.

"Biro lang. Hindi pa ako ready makipagmeet sa iba ngayon." Bigla niyang sabi.

Bakit all of a sudden cute ako sa paningin ng mga tao? Si Uno, si Aaron tapos ngayon si DJ?

Buti na lang maganda ang glow up ko.

Nabili na namin lahat at pagkabayad namin sa cashier, nakakita kami nang nagkukumpulang tao sa may mga chocolates.

Ofcouse sinilip din namin kaganapan.

"Free 1 box of chocolate for couples."

At maraming magjowa don na nakapila.

"Ay free stuff. Tara kuha tayo!" Sabi ni DJ

"Para lang sa magjowa 'yan!"

"Tara. Kunwari magjowa tayo. Hindi naman tayo siguro hahanapan ng certificate diba?"

May point. So pumila kami ni DJ

And ofcourse, pagtitinginan kami ng mga tao kasi so far, kami lang 'yung dalawang lalaki na nakapila.

Pagdating namin sa unahan, tinanong kami nung babaeng nagbabantay.

"Gaano na po kayo katagal?"

Si DJ sumagot.

"Kaka 1 year lang po namin kahapon. Kakagaling lang namin sa 1 week staycation sa Baguio."

Wow. Mukhang prepared siya.

Tinignan ng babae 'yung receipt namin at pasok kami sa minimum amount na pwede.

"We'll give 3 boxes of chocolates kung mapapatunayan niyong magpartner talaga kayo."

Tapos pinabunot kami ni Ate sa bowl na maraming papel. Ako na lang bumunot.

Nagulat ako sa nakalagay.

"Kiss"

"That's it. Need lang namin makita na magkiss kayo then the chocolate are yours." Sabi niya

Nagulat naman ako kasi ang daming tao sa likod na straight couples at alam kong pagtitinginan kami ng mga to.

Aayaw sana ako pero mukhang game si DJ.

"Let's do it babe?" Tanong niya sa'kin.

Fuck. Peer pressure.

Nakita ko rin na nakatingin mga tao sa likod namin kasi nga kami lang 'yung dalawang lalaki na nakapila.

Pero maya maya, hinawakan ni DJ mukha pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi.

Narinig ko hiyawan ng mga tao sa likod at the same time, masyado akong nasa moment.

Magkalapat pa rin labi namin then nagulat ako nang binukha niya labi niya at parang nakikipaghalikan na siya sa'kin.

Ewan ko ba, siguro naiisip ko 'yung halik ni Uno kaya napalaban na rin ako nang halik.

Maya maya nagising ako sa katotohanan na nasa public place kami at maraming tao kaya kumawala na ako.

Binigay naman sa'min 'yung tatlong box ng chocolate at lumabas na kami ng mall.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top