Part 14
Siguro awkward masyado 'yung ride namin ni Uno sa elevator.
Nasa loob lang kami. Hindi nagsasalita. Hanggang sa pagbaba.
Hinatid niya ako sa unit ko at hinintay makapasok.
"Goodnight." Sabi niya sabay ngiti.
"Goodnight." Sagot ko naman.
Iniisip ko nangyari kanina. First time na ganon si Uno at sobrang sarap sa feeling.
For once, nakalimutan ko si Aaron pero ewan ko, may iniwang void sa puso ko si Aaron dahil sa ginawa niya.
To be honest, hindi ako nalulungkot dahil sa kanya, kundi sa ginawa niya.
Feeling ko tuloy kahit anong gawin ko sa mga susunod na relationship ko, kayang kaya nila akong iwanan.
Kaya whatever happens dito kay Uno, ayoko munang ibigay 'yung lahat. Magtitira ako sa sarili ko.
So naligo na ako at nahiga.
Naka receive naman ako ng text kay Uno.
"Gising ka pa?" Tanong niya.
Mag 3 months na kaming nag sesex pero kanina lang kami nagpalitan ng number. Since wala siyang social media, wala kaming digital communication together, kundi ngayon lang.
"Oo. Kakatapos ko lang maligo." Sagot ko.
"Wow. Pwede ba akong pumunta riyan? :)"
"No. Mamaya kung ano pang gawin mo sa'kin eh."
"Ano bang gusto mong gawin ko sa'yo? ?????????????"
"Bakit ang daming demonyong tawa?"
"Hehe wala lang."
"Alam mo bang favorite drag queen ko si Bianca del Rio?" Sabi niya.
"Huh? Kailan ka pa nanunuod ng Drag Race?"
"Nung isang araw lang. Puro kabadingan pero nakakaenjoy din panuorin."
"Talaga? So sasamahan mo na ako manuod?"
"Okay. Basta papanuorin din natin 'yung favorite movie of all time ko."
"Which is?"
"Hunger Games."
"OMG! Fave ko rin Hunger Games!"
"Hala totoo ba? Akala ko puro kabadingan lang gusto mong panuorin?"
"Tigilan mo ko kakasabi nang kabadingan. Nakikipag sex ka sa lalaki so may tendency na bading ka rin." Pang aasar ko.
"Siguro pero ikaw lang naman gusto kong ka sex so sige, kung ano gusto ng bottom ko ??"
Tangina.
Bakit ganito siya ngayon.
Gusto ko siyang puntahan sa kanila ngayon or tawagan man lang pero natatakot ako na baka hindi na siya magsalita after since may tendency siyang manahimik kapag kasama ako.
"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong niya pa uli.
"Nakahiga lang. Ikaw?"
"Same."
"Ahhh. Wait, ilang season na ng Drag Race napanuod mo?" Tanong ko para lang hindi siya mabore sa usapan.
"Kakatapos ko lang sa season 6. Susunod ko season 5 tapos 4."
"Spoil kita. Ang mananalo sa season 5 ay si..."
"Hoy. Huwag kang spoiler. Hahampasin kita sa pwet kapag nang spoil ka."
"Ay gusto ko yan. Sige, ang panalo ay si..."
"Halaaaa! Huwag kang epal diyan Stomach! Hindi na kita isesex bahala ka." Natawa naman ako pero biglang tumawag si Nicole sa'kin.
Hello ako nang Hello pero walang sumasagot. Kaya binaba ko tapos tinawagan ko siya.
Sumagot naman siya agad.
"Bakit ka tumatawag Sean natutulog na ko!" Inis niyang sabi
"Ay sorry. Tinawagan mo ko eh."
"Matulog ka na!" Inis niyang sabi sabay baba.
Binalikan ko si Uno sa text at tinadtad niya ako nang messages.
"Uy joke lang.
Sige spoil mo na sino nanalo.
Huyyyyy. Stomach!!!
Seaaaan!
Potek joke lang eh. Huyyy!
Stomach pupuntahan kita riyan ngayon!"
Nagreply naman ako kaagad.
"SLR tumawag lang si Nicole."
"SLR? Camera?" Reply niya
"Sorry Late Reply."
"Ahhhh."
"Bakit ba wala kang social media?" Tanong ko.
"Ayoko lang. Wala naman akong balak kausapin at saka iniiwasan ko mga tao."
"Ay siguro may pinagkakautangan ka no?"
"Luh. Pakainin ko pa sila ng pera ko."
"Haha oo nga pala. Milyonaryo ka."
"????"
Natawa naman ako sa reply niya.
"Baka maka tulog na ako. Medyo inaantok na ako eh." Sabi ko
"Okay. Same. Busy ka ba bukas?"
"May pasok lang ako mamaya. Then wala naman akong gagawin."
"Okay. Hmm, gusto mo umalis? Somewhere?"
"Saan naman pupunta?"
"I don't know, beach or bundok? Or pwede rin naman sa puso ko."
Tangina natawa ako.
"Sa puso mo? Hindi na. Baka crowded eh." Reply ko
"Walang laman 'to. So far, wala pa. Pero andito ka sa puso ko, pero sa may veins lang banda since hindi ka pa nakakapasok."
"Ay. Bawal pumasok?"
"Pwede naman pero dahan dahanin muna natin ?"
Siguro chance ko na 'to para makausap siya nang matino.
"Bakit ba ayaw mo ng relationship?" Tanong ko
Pero napansin kong hindi siya nag reply.
5 minutes na pero wala pa rin.
Siguro ayaw niya talaga ng topic na 'to.
"Sorry kung makulit. Hindi ko na tatanungin ulit."
Pero bago ko ma send 'yung text, nagreply siya nang pagka haba haba.
"We've all had those 'one true love' and naexperience ko 'yun before. I've met someone na sobrang gaan and saya kasama. First time kong mainlove ng ganon and since first time, I've given up everything.
This was in college and same time na niregaluhan ako ng motor ng erpats ko. I make sure na hatid sundo ko siya palagi kasi gusto ko siya makasama every minute of everday.
Then it turns out, may kinikita pala siyang iba. Hindi ko ineexpect. And ang masakit pa non, it's someone that I know personally.
Masakit kasi hindi mo ineexpect na gagawin sa'yo ng tao na 'yun yon. Pero ang pinakamasakit sa lahat is 'yung niloloko ka nang harapan.
To think na palagi kaming magkasama every minute of everyday pero nagawa niya pa rin itago 'yun.
Kung hindi ko pa sila mahuhuli sa akto, hindi ko pa malalaman.
So after non, Feel ko hindi dapat ako too trusting when it comes to relationship kasi feeling ko at the end of the day, kaya niya akong iwanan or ipagpalit nang biglaan.
But I've enjoyed our sex so much na ayun na lang hinahanap ko. Everytime may nakaka sex ako, I always make it to a point na may agreement na sex lang and no falling in love para walang masaktan.
So ayun ang story ko kung bakit ayaw ko ng relationship. Isa pa, most of the relationship naman revolves around sex and kung madali naman makuha ang sex, bakit kailangan pa ng relationship and commitment di'ba?"
Make sense 'yung sinabi niya.
Although di ako agree sa most parts.
And right now, I'm curious kung bakit hindi niya tinigil 'yung sa'kin kahit alam niyang gusto ko ng something more than sex.
"Okay. Thank you for explaining." Ayun na lang sagot ko.
"You're welcome."
"Pero tanong ko lang kung bakit hindi ka tumigil sa'kin?"
Shocks. Feeling ko masyado ko nang sinasagad 'yung patience ni Uno pagdating sa ganitong usapan. Pero sumagot naman siya.
"To be honest, I don't know."
Medyo nag eexpect ako nang mahabang sagot sa kanya pero siguro okay na rin 'to.
"Hmmmm. Pwedeng makahingi ng kahit isang reason lang?" Tanong ko uli.
"Hmmmmmmmmmmm siguro kasi cute ka."
Napasmile naman ako. Although sinabi naman niya sa'kin before.
"Nasabi mo na 'yan before eh." Sabi ko
"WAAAAA narinig mo pala 'yun? The fuck binulong ko na nga lang 'yun eh!"
"Hahahaha"
"Hays. Sige, uhm... siguro the sex is good as well kaya ayaw kong itigil." Sabi pa niya
"Okay. Thank you."
"Eh ikaw, ano nagustuhan mo sa'kin?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi ko ineexpect na need niya ng validation from me.
"Kasi cute ka." Reply ko rin
"Cute lang? Hindi hot?"
"Yung meter ko is either cute or not cute lang so walang in between."
"Ahh sabagay. I like your face in between my legs as well. ?"
Natawa na naman ako sa reply niya.
Katext na Uno over Kasex na Uno.
"I miss your dick" reply ko.
"Okay. On the way!"
"No. Huwag haha. Joke lang."
"Hehe. Naka hubad lang din ako now so hindi rin ako makakatakbo diyan."
"Akala ko ba matutulog ka na?" Reply ko
"Nawala antok ko eh."
"Ako rin."
"Ganon talaga siguro kapag masaya ka sa kausap mo no?"
"So masaya ka kausap ako?"
"Obvious ba? SMH"
"SMH?"
"So much hate. Kakagoogle ko lang just now ng mga abbreviation haha"
"Haha okay."
"ACM."
"Asim?"
"Ang Cute Mo."
Kanina pa ko nakangiti habang kausap si Uno.
"ACM ka rin." Reply ko
"Mas ACM ka."
"No, mas maACM ka!"
"Edi ikaw maASM"
"Ano naman 'yang ASM?"
"Ang Sarap Mo ?"
"Hahahhahahhahaha"
"Or pwede ring Ang Sakit Mosaulo"
"Hhahahh mapilit lang na ASM?"
"Oo. Sakit mo sa ulo talaga Sean kasi ikaw lang laman ng isip ko."
"Hhahahaha panindigan mo 'to!"
"Anong papanindigan ko?"
"Panindigan mo 'tong kilig ko!"
"Papanindigan ko talaga 'yang kilig mo tapos papanindigan ko rin kapag nabuntis kita."
"Hahhaa baliw ka na Uno kung ano ano na sinasabi mo."
"Baliw sa'yo apparently."
"Haha tse."
"Knock knock."
"Who's there?"
"Sean."
"Sean Who?"
Then nagsend siya ng voicemail tapos kumanta siya in the tone of torete.
"Sean-dali na lang. maari bang pagbigyan..."
"Hahhaha havey!"
"Meron pa meron pa. Knock knock."
"Who's there?"
"Sean."
"Sean who?"
Then nagsend uli siya ng voicemail in the tone of Crazy for you pero wala naman siyang binanggit na Sean.
"Oh, nasaan 'yung Sean don?"
"Wala na. Nasa isip ko na."
"Hahahha bahala ka riyan."
"Hahahaha"
"Akala ko matutulog na tayo? Alasingko na. May pasok pa ko mamaya."
"Okay sige. Matulog ka na."
"Okay. Goodnight na talaga."
"Goodnight na Uno."
"Luh, bakit naging Uno pangalan ko?"
"Kasi I'm Ur Number One."
"Dami mong alam hahaha."
"Goodnight Stomach."
"Goodnight Uno."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top