Part 13

"Sa'yong sa'yo lang ako."

Kanina ko pa naiisip sinabi ni Uno sa'kin nung nakaraang gabi.

Ngayon lang kasi nagsisipasok sa isip ko mga nangyari.

Nahihiya ako sa ginawa ko kay Uno.

Nagccringe ako nang malala.

Bakit ko nagawa 'yun? Sobrang lasing ko.

Nakakainis.

Pero mabuti na lang nagyaya si Nicole na lumabas ngayon. Friday Night ngayon at magwawalwal talaga ako nang malala.

Hindi ko rin alam status namin ni Uno ngayon kasi after nung nangyari, hindi pa kami uli nagkikita.

Literal na magkatabi lang 'yung unit namin pero hindi kami nagkakasalubong man lang.

Nag bihis ako ng party outfit ko ngayon at nagkita kami ni Nicole sa BGC. Katabi lang 'to nung pinuntahan namin nila DJ dati.

Mas classy tignan 'tong place kasi indoor, mas buhay 'yung ilaw at mas maganda 'yung soundtrip since may DJ na naghhype. (DJ as in 'yung nagmumusic, hindi si DJ).

Dalawa lang kami ni Nicole. Nakatayo kaming dalawa at nakapwesto sa isang mataas na round table.

Nag order kami ng 2 buckets of beer at pulutan since ayaw namin pareho mag hard drink.

Nag eenjoy si Nicole kasi tumatalon talon at sumasayaw siya sa pwesto namin.

Ako naman, nahahawa sa kanya kaya gumaya rin ako.

"Ngayon, mag sasaya tayo! Woooooh!!" Sigaw ni Nicole sabay hawak sa kamay ko at nagtatatalon kaming dalawa.

"Walang lalaki ang makakapigil sa'tin!" Sabi niya pa at natawa na lang ako kasi ang wild malasing ni Nicole.

Maya maya, may dumating na alak uli sa table namin na hinatid ng server.

"Ay Kuya, hindi po kami umorder neto." Pasigaw na sabi ni Nicole

"Pinapabigay po nung dalawang lalaki don." Sabi niya sabay turo sa dalawang lalaki na nakaubo sa Bar Side.

Dalawang daddies.

Nagkatinginan kami ni Nicole at nagtawanan.

Nag toast sila sa pwesto nila habang nakatingin sa'min tapos nag toast din kami ni Nicole.

Tangina ang sarap talaga ng cocktail. Although masarap din ang cock. Pero iba 'tong cocktail na 'to. Siguro kasi libre lang kaya masarap.

Nag sayawan uli kami ni Nicole tapos napansin naming lumapit 'yung dalawang daddies.

Feel ko nasa mid 30s na sila pero dahil medyo bigotilyo sila, tapos 'yung outfit medyo pang tito.

"Hello." Bati nung isa.

"Hi!" Bati namin ni Nicole.

Bumulong 'yung isang lalaki kay Nicole tapos natawa siya.

"Sorry, girl's night out today. Hindi ako pwedeng umalis dito nang hindi ko kasama kaibigan ko." Sabi ni Nicole sabay hawak sa'kin.

"Edi sumama kayong dalawa." Sabi ng isa

"Tara, gusto namin kayong makasayaw sa dance floor." Padugtong nung isa.

Okay. Weirdo.

Para silang kidnapper na lalagyan ng drugs 'yung drink namin tapos sasakay kami sa puting van.

"Sorry." Sagot na lang ni Nicole.

Pero ayaw magpatinag nung dalawa.

Kaya hinawakan ni Nicole kamay ko at pumunta kami sa dancefloor na dalawa nang hindi sinasama 'yung mukhang daddies.

Pumunta kami sa gitna kung saan maraming tao para hindi kami madikitan.

Doon kami nagsayaw sa masayang tugtog ng DJ.

Para kaming magjowa habang sumasayaw para walang lumapit sa'ming iba.

Maya maya, napansin namin ni Nicole na sumunod 'yung dalawang daddies sa'min kasi nakikitalon na rin sila sa sayaw namin.

Una hindi na lang namin pinansin pero mukhang malilibog mga 'to kasi habang nagsasayaw, dinidikit nila etits nila sa'min kaya natulak ko siya na nagkaroon ng commotion.

Dali dali kaming umalis ni Nicole at bumalik sa table namin.

Nag aayos na kami ng gamit namin kasi nasira na mood namin sa dalawa.

Nang bigla kong mapansin 'yung bagong pasok sa bar.

Si Uno.

Para siyang model sa suot niyang fit na black long sleevs at loose pants. Feel ko kung iba nag suot non, hindi babagay pero dahil siya, para siyang model.

All eyes on him naman talaga sa kanya kasi putok na putok din muscles niya sa fit niyang damit tapos lumilitaw pa 'yung tattoo niya sa dibdib.

Nag eye to eye kami pero bigla na akong umiwas ng tingin kasi paalis na kami ni Nicole.

Napansin ko ring sinundan kami nung dalawa daddies hanggang sa paglabas.

"Pwede ba layuan niyo na kami!" Pasigaw ni Nicole sa labas ng bar na nagdulot naman nang pagtinginan sa'min ng mga tao.

"Gusto lang naman namin mag enjoy." Sabi nung isa na akala mo natutuwa kami sa kanya.

"Edi dun kayo sa loob." Sagot pa ni Nicole.

"Pero gusto namin kayo kasama." This time, hinawakan ako nung isang lalaki nang mahigpit sa kamay at pilit akong pinapapasok uli sa loob.

Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Uno at agad na sinapak 'yung lalaki.

First time ko makakita ng ganitong scenarion tapos ako pa 'yung involve.

Gumanti naman kaagad 'yung lalaki at nasapak din si Uno. Sumugod din 'yung isa kaya dalawang sapak nakuha niya.

Pero nasipa niya sa tyan 'yung isa kaya natumba tapos nasapak niya naman 'yung isang lalaki.

Ako naman sa taranta ko, sinipa ko 'yung lalaki na natumba.

Buti na lang may mga Marshall na umawat sa'min.

"Mga manyakis 'yang mga 'yan Kuya!" Sabi ni Nicole at turo dun sa dalawa.

"Kayo na nga 'tong binigyan ng inumin, ganyan pa kayo!"

"Hoy kaya naming bumili nang inumin namin. Magkano ba 'yun? Saksak niyo sa baga niyo 'to!" Sabay bato ni Nicole ng mga barya sa kanila.

Hinatak na ako ni Nicole palayo pero lumingon ako kay Uno na kausap 'yung Marshall.

"Wait lang, si Uno." Sabi ko

Kaya lumapit uli ako sa kanya. Napansin kong may dugo 'yung labi niya.

At sa itsura niya, mukha siyang iritable.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako, ikaw? Okay ka lang ba?" Tanong niya sabay hawak ng kamay ko.

Agad kong inalis pagkakahawak niya.

"Okay lang ako." Sagot ko

"Tangina ng mga 'yun. Palagi kong nakikita 'yan dito eh." Inis na sabi ni Uno.

Kahit galit, ang gwapo pa rin.

"Hayaan mo na. Pinaalis naman na sila ng Marshall."

"Hindi. Dapat sa mga ganon pinuputulan ng tite eh para hindi nakakapang manyak." Gigil niyang sabi.

Parang ngayon ko lang nakitang ganito kagigil si Uno.

Medyo nakakatakot pala.

Bigla siyang napantingin sa'kin.

"Saan na kayo niyan pupunta?" Tanong niya.

Nakita ko si Nicole na nag aantay. Hindi naman kalayuan pero nakatingin sa phone niya.

"Baka umuwi na lang kami. Nasira na rin mood namin eh." Sabi ko

"Ah. Gusto mo ihatid ko kayo?" Tanong niya.

Bigla na lang sumagot si Nicole.

"Hindi na ako magpapahatid. Nakapag book na ako ng angkas." Sabi niya

"Sure ka?"

"Oo Sean, Thank you!"

"No, Thank you!! Sorry din kung ganito nangyari."

"Nako Sean, wala kang kasalanan. Kasalanan nung mga manyakis na 'yun."

Nagtawanan na lang kami tapos maya maya, dumating na 'yung angkas ni Nicole at nagpaalam na ako sa kanya.

Si Uno naman, nasa labas pa rin ng bar at mukhang may kausap sa phone. Nung nakita niyang pabalik na ako sa kanya, binaba na niya.

"Magbobook na lang din ako ng angkas." Sabi ko

"Hindi na, ihahatid na kita." Sabi niya

"Kakarating mo lang. okay lang ako."

"Ayoko. Gusto kong makasiguro na safe ka. Halika na." Sabi niya sabay lakad agad palayo.

Hindi naman ako sumunod kaya lumapit uli siya sa'kin at hinawakan niya ako braso ko.

Sumunod na ako sa kanya hanggang sa makarating kami ng Parking.

Maya maya, nakarating na kami sa motor niya.

"Niyaya mo kaming hatid ni Nicole pero naka motor ka pala. Paano kami magkakasya if ever?" Biro ko sa kanya.

"Hiramin ko sasakyan ng tropa ko." Sagot niya.

Inabot niya sa'kin 'yung helmet at pagsakay ko sa motor niya, walang hawakan.

Parang meant talaga na sa driver ka humawak.

"Yumakap ka na lang sa'kin." Sabi niya pa sabay start ng motor.

"Hindi. Sa balikat mo na lang." sagot ko

"Ayoko. Hindi ako makakafocus kapag diyan ka humawak."

Kaya humawak na lang ako sa may balakang niya banda.

Pero kinuha niya dalawang kamay ko at niyakap niya sa sarili niya.

"Huwag ka nang magulo. Yumakap ka na lang." sabi niya pa at humarurot na siya ng takbo.

Not gonna lie, ang sarap ng ganitong feeling na nakayakap ako sa kanya.

Napansin ko na lang na hindi pala kami umuwi, kundi pumunta kami sa isang Korean Convenience store dito rin sa BGC.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko

"Gutom ako. Ilibre mo ko." Sabi niya pa in suplado mode

Hindi na niya ako hinintay magsalita at pumasok na siya sa loob.

Sumunod na lang ako sa kanya at medyo natuwa naman ako sa place.

Bilihan ng mga korean noodles tapos pwede mong lutuin mismo rito. May mga add ons pa ng iba't ibang korean products na pwedeng ilagay sa noodles.

Tinuruan ako ni Uno kung paano gawin lahat at mukhang hindi siya nakasuplado mode.

Kumakain kami now, magkaharapan at now ko lang siguro na realize na, ngayon ko lang nakita si Uno nang harapan na may suot na damit.

Palagi kasi siyang naka sando or nakahubad kapag magkasama kami sa condo.

Tapos pinagmamasdan ko siyang kumain. Grabe, ang kapal talaga ng labi niya at ang sarap halikan.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong sumubo ng noodles.

Tangina. Ang init.

Napaso ako.

Tapos tawa lang nang tawa si Uno habang inaabutan ako ng drink.

"Ayan. Magnanakaw ka kasi." Sabi niya.

"Ano? Anong ninakaw ko?"

"Nakaw nang tingin sa'kin." Sabi niya sabay tawa.

Nahiya naman ako kasi totoo.

Kaya iniba ko na agad 'yung topic.

"Salamat pala... sa pag tulong kanina." Sabi ko

Ngumiti lang siya sa'kin.

Nakakapanibago si Uno ngayon. Hindi ko alam kung anong mood meron siya.

"Masarap 'to. Tikman mo." Sabi niya sabay sinubuan niya ako ng masarap na kikiam.

Nagulat ako kasi ang sweet niya.

Pero naisip ko na baka libog lang talaga siya at parang halos 1 week kaming hindi nagkita.

Kaya kinalma ko lang sarili ko.

"Sean." Bigla niyang sabi

Tumingin lang ako sa kanya.

Nakatingin din siya sa'kin.

Inabot niya kamay niya sa labi ko. Napapikit ako.

"May noodles ka sa labi." Sabi niya.

Tangina.

Nakakahiya.

Bakit ba kasi ako umaasa kay Uno. Ang sabi ko kanina magbabago na ako pero bakit ganito siya.

Para lang makasex uli ako?

Tumayo na ako sa lamesa.

"Sorry. Busog na ako. Mag aangkas na lang ako pauwi. Salamat uli." Sabi ko sabay alis.

Nagmadali akong maglakad at nagbook ng angkas.

Pero madali ring nakahabol sa'kin si Uno.

"Ano na naman problema mo Sean?"

"Wala akong problema Uno. Gusto ko lang umuwi."

"Edi tara. Hahatid na kita."

"Hindi na. Mag aangkas na lang ako."

"Edi umangkas ka sa'kin!" Medyo galit na siya.

"Hindi na talaga..."

"Sabihin mo. Ano ba problema?"

"Wala nga Uno. Wala akong problema, okay?" Medyo inis ko na ring sagot sa kanya.

"Kung wala, edi tara na. Umuwi na tayo."

"Ayoko na Uno."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun.

"Ayoko na nung set up natin." Pahabol ko pa.

Hindi naman siya sumagot.

Ineexpect ko na na hindi siya sasagot kasi ayaw niya magpakita ng emotion.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ayaw ko lang."

"Bakit nga?"

"Ayoko na nga. Hahanapan na lang kita ng ibang pwede mong maka sex."

"Ayoko sa iba. Gusto ko ikaw lang."

"..."

Tahimik lang kami.

"Bakit nga ayaw mo na? Sabihin mo 'yung dahilan mo." Tanong niya pa

Huminga ako nang malalim.

"Simula nung naramdaman ko 'yung mga ginawa ni Aaron sa'kin, nagccrave na ako sa ganon. Ayoko lang ng sex. Gusto ko may connection. Gusto ko ng relationship. Okay? At kahit na ginhost ako, gusto ko pa rin maexperience 'yun. At hinding hindi ko maeexperience sa'yo 'yun kasi sex lang ang gusto mo."

Of course, natahimik na naman siya. Hindi na ako mag eexpect sa kanya.

Pero nagulat ako sagot niya.

"Sige."

"Anong sige?" Tanong ko.

"Papayag na ako sa gusto mo."

"Di'ba? Thank you sa pagpayag. Sorry kung hindi ko kayang maging sex partner mo ng isang taon." Sabi ko

Pero lumapit siya sa'kin.

Niyakap niya ako.

Hindi ko maalala kung nayakap na niya ako once. Pero feeling ko ngayong secured ako.

"Hindi 'yun Sean. Kung gusto mo ng ganon, sige pagbibigyan kita. Pero huwag mo kong madaliin. Susubukan kong bigay 'yung gusto mo.

Hindi na ako aalis after sex. Kung gusto mo ng cuddles after, sige. Yayakapin kita magdamag hanggang sa makatulog ka sa braso ko.

Kung gusto mo makipag date, ilalabas kita.

Huwag mo lang ako iwan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top