NME 67

Binuksan niya ang pinto at iyon ay kinagulat ko. Hindi naman kasi ako naka-focus dahil ang daming nasa isip ko.

"You're back," sambit niya habang nakangiti sa akin. I felt the pain in his eyes.

May dala akong kung anu-anong pagkain para hindi kami magutom habang nag-uusap kami ni Viktor.

Pina-upo niya ko sa sofa habang inaayos niya ang dala kong pagkain mula sa 7/11. Tahimik lang akong naghintay.

Dala niya ang isang beer sa isang kamay at isa naman sa isa pa. Inalok niya ito sa akin.

"Hindi mo naman sinabi na mag-iinom pala tayo. Well, di ako nainom, e."

"Okay, akin na lang 'yan mamaya. Kamusta ka na?" sabi niya sa akin habang naka-upo na rin siya sa sofa.

"Okay naman, ikaw ang kamusta?" I asked him.

"Hmm, do you think that I'm okay?"

By looking into your eyes, alam kong hindi ka okay.

"Oo, okay naman ah. Gwapo pa rin," sagot ko sabay tawa nang pilit.

"Bolera. Hindi ako okay. Iniwan mo ko, e. Iniwan niyo 'ko," sabay ngiti ni Vik doon sa sinabi niya.

"Ha? Anong iniwan ka namin? Ano ba kasing nangyari?" sunud-sunod na tanong ko.

"Hinalikan mo ko tapos bigla kang nawala. Binitawan niya ko dahil hindi na raw ako boyfriend material para sa kanya," he told me.

"Yung halik pa rin ba yung issue dito, Vik? I mean.. It means nothing. We have.. nothing," unti-unting humina ang boses ko.

"Niloloko mo ba ko? Alam nating meron 'yon. Hindi mo naman ako hahalikan na wala lang. Unless.. Pinaglalaruan mo ko," he answered.

"You know that I don't play with feelings. It's just, that night.. I felt I have to kiss you back."

He looked at me again. Yung tingin na nakakatunaw, yung tingin na hindi ako makagalaw. I just hate him for that, siya lang ang nakakagawa sa akin noon.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Hahalikan ba niya ko ulit?

We kissed. I kissed him back again. Fuck it.

"I'm sorry. Hindi dapat. Walang tayo," sabi ko sabay tayo mula sa sofa.

"Then, let's be tayo," he answered.

No. Fucking no. I love him but I'm not going to be his girlfriend. Hindi ngayon.

"No. Hindi kita gusto," masakit man pero 'yon ang sinabi ko.

"Hindi mo ko gusto pero humalik ka pabalik? You're kidding me, Carilley."

Hinarap niya ko sa kanya at niyakap. Pilit kong inaalis yung yakap pero hindi ko siya mapigilan. Narinig ko na lang na umiiyak na siya.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako pumasa?" he asked me.

"Kasi.. Hindi ka nag-aral?" sagot ko.

"No. Kasi wala ka. Wala akong lakas para lumaban noon. Well, I tried pero kinapos e. Hindi ko na kasi alam kung anong isasagot ko," sabi niya sabay tawang konti sa sinabi niya.

"At least, you tried. Mas okay 'yon kaysa wala kang ginawa. Bawi ka na lang next time," sagot ko.

"You.. you passed. Congratulations, Engr. Manalili. I'm so proud of you."

"Thank you."

He hugged me again. Sana lagi na lang kaming ganito..

Kumain na kami nung dala ko kanina at nanuod na lang kami ng TV.

Ilang minuto pa ay nakita ko si Kashmira na dumating. Yumakap agad siya sa akin at kinamusta niya ko.

Napangiti na lang ako kay Viktor at ganoon rin siya sa akin. Miss na miss yata talaga ko nitong magkapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top