NME 186

I was holding a bouquet of flowers and I'm sitting here, waiting for Kash to talk to me. Mabuti na lang talaga at kinausap ako ni Viktor. Umuwi agad ako ng Pinas para magawa ko na 'to.

"So, umuwi ka nga talaga?" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

I looked where the voice is coming from. Napa-ngiti ako nang makita siya ulit. Ang tagal na noong huling pagkikita namin. Ibang-iba na siya, hindi na mukhang bata na panay sabak lang sa mga bagay.

"Yeah, I heard that Carilley will have a baby shower kaya umuwi agad ako. Congratulations, you'll be a Tita soon. Oo nga pala, para sa iyo," sabi ko sabay bigay sa kanya ng flowers sa kanya. Tinanggap niya naman ito at umupo sa sofa.

"Thanks, hindi ka na dapat nag-abala pa."

Hindi na siya makulit, di tulad noon na halos  ayaw na niyang mawala sa tabi ko. Napalitan na ng mga malalamig na tingin yung dati na may kilig.

"Kash, can we start over?" bigla ko na lang nasabi. Hindi na ko makapag-isip ng tama kasi kaharap ko na siya ngayon. Nung una kasing subok ko, hindi siya nagpakita sa akin.

"Ang bilis mo ah, hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Kamusta kaya ako nung wala ka sa buhay ko? Masaya kaya ako? Malungkot o galit sa mundo?" sagot naman niya sa akin.

"I tried reaching you. Alam mo 'yan, pero pilit mong sinasabi kay Viktor that you will date other guys and forget me. That Riyuki won your heart. Ang sakit-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot siya.

"Yes, I keep on dating other people just to forget you. Just to forget the pain in my heart. Hindi ko nga alam, bakit hindi pa rin ako nakakahanap? Ganoon ka ba ka-importante sa pusong ito na hindi ka niya kayang kalimutan?" sagot niya.

I smiled for awhile, knowing that there is a slight chance of us getting back together. Tinanggal ko lang iyon agad because she might think that I'm just playing around here.

"Maybe.. We are for each other." Bulong ko.

"For each other, my ass. Don't tell me hindi ka pa rin moved on sa tayo noon?" she answered.

I'll never be.

"Paano kung hindi pa nga?" matapang kong sagot.

"Edi magdusa ka hanggang malimutan mo na ako," mabigat na pahayag niya.

She's covering up all the feelings, huh. Alam ko ang mga matang 'yan, matang galit pero kaya kong suyuin.

"Just give me a month, isang buwan lang naman ako sa Pilipinas eh. Let's go on dates, gawin natin yung mga  bagay na hindi natin nagawa noon. If there is no progress, I'll leave you and never show up again. Promise!" I offered her.

She stared at me for a minute. Walang sagot ang mukha niya, tumayo siya sa kinauupuan. Doon ko na-realize na wala pala talaga akong laban.

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Hindi ko na siya guguluhin pa, pagkatapos ng baby shower ni Carilley ay babalik na ko sa ibang bansa at magfo-focus na lang sa trabaho ko doon.

"Kailan? K-kailan mo ko balak i-date?" nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin kami sa isa't isa at mas nagulat ako nang makita ang ngiti niya.

Hindi ko naiwasang ma-pangiti rin. Tumayo ako at niyakap ko siya nang mahigpit. God, I miss this girl so much.

She's crying but I'm glad because I'm the only one who can hear it. Pinunasan ko ang luha niya at niyakap ko ulit siya. Mas mahigpit ngayon kaysa roon sa unang yakap ko sa kanya.

I love you, Jan Kashmira Ferrer.
I love you so much.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top