NME 157
Pumasok kami ni Carilley sa isang magandang restaurant. I reserved one table for us. Excited ako kasi ngayom ay tatanungin ko na rin siya kung sasagutin niya na ba ako.
We are dating a lot already and licensed engineer na rin naman na ko so pwede na kaming dalawa. I also bought her a necklace for tonight.
"Upo ka na," sabi ko nang alalayan ko siya papunta sa table na ni-reserve ko para sa aming dalawa. She smiled at me.
"Ang ganda dito ah? New place na nakita mo online?" tanong sa akin ni Carilley. May fountain kasi malapit sa restaurant at kita mo sa paligid na puro lovers lang ang mga customers nito.
"Yep, I searched it for you. Sabi ko sa sarili ko, oras na ganap na akong engineer or sinagot mo na ako ay dadalhin na kita dito. I tried their food and it was really good."
"Hmm, hindi pa naman kita sinasagot ah? Bakit dinala mo na agad ako rito?" she asked me. Naku po, wala pa yatang balak na sagutin ako.
"But, I'm a licensed engineer now so we should celebrate it." Nakaligtas ako roon, ah. Buti na lang talaga.
"Ah, yeah. Oo nga pala. I see," sabi niya sabay kuha ng seafood dish na inorder ko para sa amin.
"Is it good?" I asked her, she smiled before answering me.
"Yeah, this Rum-Glazed Shrimp is so good. Pati yung place, very Instagramable. Kash will like this place. Mas active siya sa Instagram kaysa sa akin eh," sagot naman niya.
"Yeah, kapag sinagot mo na ako ay dadalhin ko rin siya rito kasama ka," I smiled at her pagkatapos ay nginuya ko na ang pagkain ko.
"Kailangan talaga sasagutin muna kita bago mo siya dalhin dito ah? Loko ka talaga, Vik." Natawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Oo, kailangan talaga. Teka, pupunta lang ako sa comfort room ha? Iihi lang ako. Excuse me," sabi ko sabay punta na sa CR.
Kinakabahan kasi ako kaya naiihi ako. Paano ko ba itatanong sa kanya kung pwede niya na ba kong sagutin? Teka, right time na ba talaga o nagmamadali ako?
Pagbalik ko sa table namin after ko umihi ay nakita ko si Carilley na hawak ang box na may lamang necklace. Bubuksan na sana niya ito pero pinigilan ko siya.
"No, hindi pa pwede. Tapusin mo muna 'yang kinakain mo saka natin bubuksan ang box na ito."
"It's a necklace, right?"
"Yeah, binili ko 'to before I got the license. It's for you but eat first. Okay?" sabi ko.
Nagpatuloy kaming kumain nang magsalita siya. Kinagulat ko iyon.
"Viktor, I think it's the right time. I'm saying yes to you," halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa narinig ko iyon.
"What? Paki-ulit nga, hindi malinaw eh." Panloloko ko pa sa kanya.
"Sabi ko, sinasagot na kita. Kailangan talaga ulitin? Alam ko namang narinig mo ko noong una pa lang eh," pang-aasar niya sa akin.
"Sinisugarado ko lang na tama ang rinig ko sa sinabi mo. Baka mamaya, nananaginip lang ako, e."
Pagkatapos naming kumain ay masay kong binigay sa kanya ang necklace na binili ko. Gusto kong tumalon at sumigaw dahil sinagot niya na ako pero nakakahiya sa mga taong nakapaligid sa amin.
Today is October 25.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top